CHAPTER 7:

A/n: lapit na.

______________________________________________

Natapos ang practice nila sa cotillion. Kahit teacher nila, nahalata ang katamlayan ni Patrick sa practice. Hindi kasi ito naging kengkoy at ni hindi tumawa. Ibang klase talaga ang nagagawa ni Fatima rito.

"Sinong masaya dahil makikita niya na muli si Fatima?" Pang-aasar niya kay Patrick.

Bahagya namang natawa si Warren na napapailing.

Sumama naman ang tingin ni Patrick sa kanya.

Napahalakhak na siya. "Edi tayong tatlo, alangan namang si Patrick lang. Masyado kayong obvious e." Pambabara niya sa dalawa.

Nilakad nalang nila ang daan patungong bahay nila Fatima.

"Tao po!" Sigaw niya sa gate ng bahay ng mga ito ng makarating.

"Sino yan?" Natunugan nila ang boses ng ina nito.

"Kami ho to tita Stella sila Renren at Patrick!" Sigaw niyang muli.

"Ay! Naku... kayo pala mga iho at iha. Pasok kayo." Nasisiyahang bati nito.

Agad naman silang inasikaso nito. Pinaghanda sila nito sa katulong nila ng meryenda sa sala.

"Tita si Fatima?" Tanong niya.

"Nasa taas iha, 'sa kuwarto niya." Sagot nito sa tanong niya.

"Dinalaw ho talaga namin siya, puwede ho ba namin siyang makita tita?" Tanong niya muli rito.

Bahagya naman itong tumango. "Oo naman hija. Pero magmeryenda muna kayo bago siya puntahan. Dali na, alam kong gutom kayo dahil galing kayo sa school." Nakangiti na ito.

Sasang-ayon na sana siya kaso... naunahan siya ni Patrick.

"A-hindi na tita. Busog pa po kami, bibisitahin lang muna namin siya." Nakangiting pagtanggi nito.

Nanibago siya lalo rito. Kung sa ibang pagkakataon, alam niyang walang dahilan para tumanggi ito. Kaya ngayong ginawa nga nito ang pagtanggi sa grasya ay isang malaking himala na naman para rito.

"Sige, kayong bahala." Nakakatuwang pagmasdan ang ginang. Maganda at mabait ito.

"Tok 'tok tok!" Malakas na katok ay inihain kaagad ni Patrick pagdating namin sa tapat ng pintuang ng kuwarto nito mula sa labas.

"Bukas yan." Anya ng isang boses na nagpatigil sa kanila. Mas lalo siyang nagulat ng pinakanauna na si Patrick na pumasok sa kanilang tatlo. Gusto niyang humagalpak sa tawa pero alam niyang wala iyong lugar ngayon sa kanilang sitwasyon.

"Hindi latang excites e." Sabi niya kay Warren na nginisihan lang nito.
Sumunod siyang pumasok pagkatapos ni Patrick. Sa likod niya ay si Warren na tahimik lamang na nagmamasid at sumunod.

Naabutan nilang tahimik ang dalawa at nagtititigan lamang. Awkward. Sobrang awkward ng atmospera sa loob ng kuwarto.

"Magpagaling ka na..." Biglang sambit ni Patrick habang nakahawak noo nito.

"Wag mo na kaming pag-alalahanin ng ganito. Mabubuang kaming tatlo niyan e." Sabi nito sa mababang tono. Sobrang nakakapanibago.

Napansin niya ang pagkamangha sa reaksyon na ipinakita ni Fatima mismo. Alam niyang maging ito ay nagtataka nq kung bakit nagkaganun ang kaibigan.

"Anong nakain nito?" Tanong ni Fatima sa kanila habang nakaturo kay Patrick.

Umiling silang dalawa.

Bigla naman itong namula bigla. Tila ba hindi inaasahan ang magiging asal ng kanilang kaibigan.

Pakiramdam niya, tila may kakaiba talaga kay Patrick ngayon. Mas malalim pa sa nagkasakit ang kaibigan nito. Alam niyang may mas malalim na kahulugan ngunit hindi niya matugma tugma.

"O bes." Inabot niya sa gilid nito ang mga prutas na binili nila sa daanan kanina bilang pasalubong.

"Salamat bes."

"Kamusta ka na bes?" Tanong niya rito. Namiss niya talaga ito kahit kahapon lang sila huling nagkita.

" "Eto, okay naman na so far, thanks to God, Almighty." Nakangiting sambit nito.

Bahagya naman siyang napatango bilang pagsang-ayon niya rito.

"Pakiramdam ko nga, makakapasok na ako bukas nito e." Sabi niyang nakangiti.

Batok. Nakatikim ito ng malutong na batok mula kay Patrick.

"Patrick." Saway ko sa kanya.

"Aray!" Si Fatima.

"Wag ng magpasaway, hindi kailangang magmadaling pumasok kung may sakit ka pa." Sabi nito sa seryosong tono.

Nanlalaki ang mga mata namin. Ibang iba talaga ito ngayon. Para bang sinapian ng isang ispirito.

"Patrick ikaw pa ba yan?" Kinakabahang tanong niya rito.

Sinamaan naman siya nito ng tingin.

Nagulat naman sila biglang humagalpak ng tawa si Warren na para bang may alam.

"Huyst! Tinatawa tawa mo diyan? So ikaw na si Patrick ngayon, at siya na si Warren?" Akward na turo ko sa kanilang dalawa.

Bigla naman itong sumeryoso muli ng sinabi kong parang si Patrick na siya.

"Nagagawa nga naman ng magic." Makahulugang sambit ni Warren.

"Magpagaling ka pa lalo Onggoy. Ayan binilhan ka namin ng mga saging. Hinay hinay lang sa pagka- aray!" Pinalo ito ni Fatima sa kamay.

"Oo na. Fatima na. O hayan saging ubusin mo ha? Magpagaling ka. Aalis na sila, bababa na muna ako at kakain... nag effort din ako kaya dapat may kapalit na dinner. Hehe." Balik Patrick na ulit ito. Ito yung totoong patrick na kilala nila.

"Mabuti pa nga. Siya nga pala, baka kumain ka ng marami ha? Malulugi na kami niyan." Pangangantiyaw ni Fatima.

"Okay lang na mabaon ako sa utang sa inyo, kahit na singilin mo ako panghabang buhay." Si Patrick, bago pa namin lubusang mahinuha ang sinabi niya nakalabas na siya.

At bakit mas gugustuhin niya pang habang buhay siyang sisingilin ni Fatima? Anong ibig sabihin niya roon.

"Nabaliw na." Si Fatima na walang kaalam alam. Hayst. Kung alam lang nito ang mga kabaliwang pinaggagawa ni Patrick sa school kanina dahil wala siya. Magic.

"Una na kami bes. Magpagaling ka. Kung hindi mo pa kaya pumasok bukas wag ka na munang pumasok ha?" Habilin niya rito. Nakangiti naman itong tumango.

"Magpagaling ka na Fatima. Baka sakaling gumaling na rin agad si Patrick sa kabaliwan." Si Warren at naglakad na rin ito palabas sa pintuan.

Naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ng dalawa nilang kaibigan ngayon. Masyadong makahulugan. Pero di niya matumpok tumpok.

"Sige. Bye. Bye. Thank you guys. Lablab ingat kayong tatlo pauwi. See you when I see you." Nakangiting paalam ni Fatima sa kanila. Nginitian niya lang ito at niyakap bago siya sumunod sa dalawa.

Tinutoo nga ni Patrick ang sinasabi niya. Bago siya umuwi ay nakikain muna siya sa bahay nila Fatima. Mas nauna nalang tuloy sila umuwi rito.

Mas naunang magkakilala si Fatima at Patrick bago namin sila nakilala. Parang kami ni Warren, childhood bestfriends din sila. Galing sila sa may kayang pamilya ngunit kung iisipin, simple lang silang mga kaibigan. Kuripot, at maloko din. Yan ang dahilan kung bakit solid ang pagkakaibigan nilang apat.

***

Naabutan na silang dalawa ng takipsilim. Napakaganda ng kalangitan pagmasdan. Maya maya ay tuluyan ng kinain ng kadiliman ang kalangitan at nagsilabasan na ang mga bituin at ang haring buwan.

Napakaganda ng buwan sa mga oras na iyon. Hindi siya mapakaling hindi ito pagmasdan. Tahimik nilang binaybay ang tahimik ding daan patungong nayon nila.

"Babs." Biglang naudlot ang pagsisinti niya ng agawin ni Warren ang atensyon niya.

"O?" Tanong niya rito. Sa tanglaw ng buwan nagtama ang mga mata nila. Nababasa niya sa mga nito muli ang mga pagsusumamo na pinakaayaw niya sa lahat. Ang pagsusumamo na tila ba magpapaiyak din sa kanya. Ang pagsusumamo sa mga mata nito na hindi niya lubusang maintindihan o mahinuha.

Narinig niya ang pagpapakawala nito ng hininga na tila ba kinakabahan at naghahanda sa sasabihin. Kinabahan siya doon. Anong sasabihin nito?

"Paano kapag may nagustuhan ka ng lalaki. Tapos may pumuporma na sa kanya. Ipaglalaban mo parin ba siya?" Tanong nito ngunit hindi na ito nakatangin sa kanya. Sa daanan na.

Gusto niyang matameme dahil literal naman talagang napilipit ang dila niya roon. Hindi siya sigurado. Hindi niya pa yun naramdaman.

"Sabi ni papa, kapag gustong gusto mo talaga ang isang bagay dapat handa kang sumugal para rito. Handa kang mabigo, masaktan at lumuha... pero una bago yun, dapat ipaglaban mo muna anot anuman bago ka sumuko." Sagot niya rito. Napangiti siya habang nakatingin sa buwan habang nagpepedal. Nakakatuwa talaga kapag naaalala niya ang sinabing iyon ng kanyang ama tungkol sa isang pangarap. May natutunan siya.

"T-tama siya." Sang-ayon nito at hindi na nagsalita maya maya. Nanatili na silang tahimik na tinahak ang daan patungo sa kanilang nayon hanggang sa makarating.

"Salamat bes. Ingat ka panot." Paalam niya rito habang nakangiti.

Seryoso parin ito hanggang ngayon.

Gusto niyang magtaka.

"H-harren. Pangako magiging matapang na ako sa gabi ng JS Prom, handa na akong harapin ang tunay kong nararamdaman ko Harren. Hindi na ako magpapakaduwag. Pangako." Makahulugang sabi nito habang ginugulo ang buhok niya sa taas.

"Ha?" Yun lang naisagot niya rito.

"Malalaman mo." Makahulugan muling sambit nito na lubusang nag-iwan sa kanya ng napakalaking tandang pananong.

Sumakay na muli ito sa bike nito.

Tumingin ito sa dako niya at bahagya lang tumango.

Pinagmasdan niya ito habang nagpedal palayo.

Magulo pero nagtitiwala ako sayo Warren. Kaya mo yan kung ano man ang iniisip mo. Gusto kong malaman mo na nandito lang ako lagi para sayo bes.

***

"Hayst grabe, sana nga doon nalang talaga ako nag-aral sa paaralan niyo din e." Malungkot na sambit ni Deniel sa kanya.

Magkasama sila ngayon. Minsanan na lang talaga sila magkasama kung kayat minsan ay nilulubos lubos na nilang dalawa.

"Sabi ko naman sayo e. Pero sayang din yung schoolarship mo doon. Okay lang yan 4th year narin naman tayo next year bes." Pagpapakalma niya rito.

"Oo nga e. Basta sa senior hs at college, iisa na ang school natin." Sabi nito habang ninanamnam ang sarili nitong icecream na binili.

Tumango siya rito bilang pagsang-ayon.

Ito, si Warren at siya talaga ang tunay na magkababata sa kanilang nayon mismo.

"Huyst. Musta naman kayo ni Warren? Haha." Nangtutukso ang mga tingin nito.

"Anong musta? Sinong inaasar mo? Kami? Bestfriend forever kami." Matapang na sambit niya rito.

Nagtawanan silang dalawa. Nandito sila ngayon sa labas ng school nila. Magkalapit lang ang kanilang paaralan. Kaya ng makita niya ito, niyaya niya itong mag icecream.

Naubos ang icecream nilang dalawa.

"Wala ka pa ba talagang nagugustuhan? Kahit isa?" Nagtatakang tanong nito.

Natameme siya roon. Dahil maging siya ay isang malaking katanungan iyon sa kanyang sarili. Maging siya man ay naguguluhan na sa kanyang sarili.

Napakibit balikat lang siya rito nilang kasagutan.

"Manhid ka nga talaga." Ito.

"Siguro." Sang-ayon niya nalang rito at nanahimik nalang.

"Sige bes. Una na ako, magwa-one na. May quiz pa kami. Bye bye." Paalam nito.

Hindi niya ito makasabay dahil may service ito. May motor ang ama nito na siyang sumusundo at naghahatid dito mismo sa tuwing papasok o uuwi gaming school.

Masaya siya dahil nakasama niya ito saglit. Sa tutuusin lumabas lang naman siya para bumili ng cartolina na pinapabili ng kanilang guro at hindi sinasadyang nakita niya itong nagtatanghalian sa tindahan na iyon.

Naibigay niya na sa kanilang guro ang pinapabili nito. Kakabalik niya lang sa kanilang silid aralan.

Nakangiting tumungo siya sa kanyang upuan.

"Nakita ko si Deniel." Pagpapainggit niya kay Warren.

"O, ano naman?" Tanong nito sa kanya.

Hindi niya na lang sinagot. Alam niyang hindi ito interesado sa paksa.

Dumating na ang kanilang unang guro sa panghapon na iyon.

"Goodafternoon ma'am." Bati niya rito.

"Goodafternoon class."

Nag-umpisa na itong magdiscussion pagkatapos mag-attendance mismo.

***
Nasa kubo sila ngayon at naghihintay para sa last practice nila. Dahil kinabukasan na ang JS Prom mismo.

Halo halong kaba at pananabik ang kanilang nararamdaman magbabarkada. Hindi sila makapaniwalang mararanasan na nilang umattend sa JS Prom kinabukasan mismo ng gabi.

Tahimik silang nakatambay doon magbabarkada at lutang. Tila ba may kanya kanyang iniisip. Nakahanda na lahat ang kanilang damit na susuotin.

Nagulat sila ng biglang pumunta roon si Ken. Nakangiti ito at sa kanya mismo nakatingin. Medyo nailang siya roon. Ano kayang kailangan nito?

"Harren, pwede ka bang makausap saglit?" Tanong nito sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit gusto siya nitong makausap pero hindi siya makatutol. Nanliligaw pa rin ito sa kanya. Patuloy siya nitong binibigyan ng mga chokolate at bulaklak.

Bahagya siyang tumango bilang pagsang-ayon.

"Guys, excuse.. pasensya na." Hinging paumanhin nito.

Naglakad na ito palayo kaya sumunod na siya rito. Nagpaalam siya sa barkada na ngayon ay seryoso na ang mga mukha at tila may gustong iparating.

"Saglit lang." Paalam niya sa mga ito.

Tumungo sila sa kabilang kubo at nakatayo lang silang dalawa roon.

"Ano yun Ken?" Tanong niya rito.

Naiilang na tumingin ito sa ibang direksyon at napakamot sa ulo.

"Bukas na ang JS Prom... gusto ko sanang malaman kung may pag-asa na ba akong sagutin mo. Hindi ngayon... kundi bukas. Gusto kong pag-isipan mong mabuti bukas ang magiging tugon mo Harren. Ipagdarasal ko na sana ay mapagbigyan mo ang pag-ibig ko." Sabi nito sa kanya na nakangiti na ngayon.

Kinabahan siyang bigla dun. Ano daw? Bukas na? Anong ibig sabihin nito? Kailangan niya ng magdesisyon?

Bakit ganito? Parang naiipit siya. Siguro tama nga yung kabilang banda ng isip niya. Dapat humugot siya ng lakas ng loob na sabihin rito na wala na itong pag-asa pero anong irarason niya? Bakit nga ba hindi niya ito magustuhan gayong wala naman siyang ibang gusto?

Nakapagtataka talaga.

Maya maya may kinuha ito sa bag niyang chokolate at tatlong rosas. Hindi siya nito nabigyan kanina kaya magsasaya na sana siya pero hindi parin pala dahil mas malala ang sitwasyon niya ngayon. Parang ngayon lang siya nagkakaroon ng lakas at kagustuhan na tanggihan ang inaabot sa kanya na iyon. Pero di niya magawa.

"S-salamat." Sagot niya rito habang inaabot ito. Gusto niyang maiyak sa lungkot. Di niya alam kung bakit siya nalulungkot. Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil tila pinapaasa niya ang lalaki. Pero mali bang bigyan ito ng tsansa, kung hindi niya naman alam na wala siyang mararamdaman para rito hanggang ngayon?

"Tara." Inalalayan siya nito patungo sa gymnasium at nag-simula na ang kanilang practice. Kung noong mga nakaraang araw ay normal lamang ang kanilang pakiramdam habang nagpapractice na ito ang kapareho. Ngayon ay naiilang siya. Para bang ayaw niya na muna itong makita. Para bang nahihiya siya sa sarili niya mismo.

Napasulyap siya kay Warren. Nahuli niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya. Tipid na nginitian niya ito. Nagtataka naman itong nakatingin ngayon sa kanya at salubong ang kilay.
Tila may hindi ito nagustuhan sa nakikita. Ganito talaga ito sumseseryoso kapag nakikita siyang malungkot. Bestfriend niya nga talaga ito.

Nasulyapan niya rin si Pamela na kapartner nito. Nakatitig ito kay Warren habang nakangiti ng malaki. Tama nga sila, may gusto ito kay Warren. Nababasa niya iyon sa mata ng babae.

Sabi sa libro na nabasa niya ang pagkagusto ay ang isang makahulugang tingin na iniukol mo sa isang tao kahit na hindi pa siya sayo nakatingin.

Itinutok niya na lamang ang tingin niya sa kaniyang paa habang nagsasayaw. Hindi niya mawari pero parang mas nadagdagan ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya matantiya kung saan iyon galing. Nalilito na siya sa sariling damdamin.

"Bye bes Renren. Ingat kayo. See you tom." Paalam ni Fatima sa kanila. Pumasok na nga ito dahil tuluyan na itong gumaling mula sa pagkalagnat kung kayat balik buang na naman si Patrick.

"Byebye. Ingat din kayo." Paalam niya sa dalawa.

***

Hindi siya makatulog. Maghahating gabi na pero hindi niya makuha kuha ang sariling antok.

Pabaling baling lang siya sa kanyang higaan. Hindi niya alam kung anong pagtugon ang isasagot niya bukas sa lalaki. Sigurado naman siyang wala siyang nararamdaman sa lalaki. Pilitin niya mang halughugin sa puso niya ay 'di niya matagpuan.

Huli na ng mamalayan niyang may tumutulo ng luha sa kanyang mata. Ayaw niyang makapanakit ng kapwa kaya hindi niya lubos maisipan kung anong kakahantungan ng lahat bukas ng gabi. Hindi niya mailarawan sa kanyang isipan. Kinakabahan siya agad agad.

Hinihiling niya na lamang na kahit na anuman ang mangyari sa gabing iyon. Ang pagkakaibigan ay hinding hindi kailangang mabuwag. Hinihiling niya na mas manaig ang pagkakaibigan. Ang pagkakaibigan na matagal niyang inalagaan sa kanyang puso.

Nakatulugan niya nalang ang alalahaning iyon.

***

Kinabukasan... maaga silang pupunta sa paaralan ngayon para sa huling pagsasanay nila. Ang mas mahirap pa noon, naatasan silang magkakagrupo na mag-alay ng isang sayaw bilang intermission no. Nakapractice naman na sila noong isang araw at okay naman iyon. Madali naman nila agad na nabuo ang steppings at naayos ang lahat sa sayaw.

Hindi sila magbibike ngayon. Ihahatid silang dalawa ni Warren ng kanyang ama sa bahay ni Fatima. Dadalhin na kasi nilang dalawa ang kanilang mga damit na susuotin at sapatos kaya ganun. Kila Fatima sila magbibihis mamaya kaya doon nila itatambay ang kanilang mga kagamitan muna. Ang usapan nila ay sabay sabay na silang pupunta sa venue mamaya pagkatapos mag-ayos.

Nakapag-paalam na rin siya sa kanyang magulang na kila Fatima matutulog ngayong gabi. Pinayagan naman siya ng mga ito dahil may tiwala ito sa kanya at sa barkada niya.

"Salamat pa. Dito po kami kila kila Fatima matutulog mamayang gabi ha? Bale bukas pa kami makakauwi." Paalam niya sa ama.

Tumango naman ito at nagdrive na paalis sa kuliglig nila.

"Yeheey! Excited na ako Harren.  Omghads." Natutuwang sambit nito habang isinusukat nilang dalawa sa salamin ang kanya kanya nilang gown. Sa kabilang kuwarto ay ang kinaroroonan naman ng dalawa nilang kaibigan.

Masayang nagpaikot ikot silang dalawa sa harapan ng salamin.

Isang hapit na casual ang suot nila ngayon na siyang susuotin nila pangsayaw mamaya sa intermission no. nila magbabarkada. Pula ang kulay nun. Bale silang apat ay pula ang damit sa intermission no.

"Isukat din natin yung gown dali.. mas excites ako sa isang to." Nagbihis agad sila at isinuot ang kanya kanyang gown.

Red ang gown niya at pink naman ang gown nito. Tuwang tuwa nilang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin ng biglaang may kumatok.

"Onggoy! Papasok. Tambay muna kami rito. " Si Patrick yun. Nataranta naman silang dalawa bigla.

"Hala. Dapat hindi muna nila makita yung damit natin para surprise. " Bulong nito sa kanya na dali daling nagbihis ng damit panlakad muli.

Natapos silang magbihis at magligpit ng ikinalat na damit ay pinagbuksan nila ang dalawa.

"Ano yun?" Badtrip na tanong ni Fatima kay Patrick. Paano ba naman kasi makausturbo wagas talaga ang mga mokong.

"Patambay. Boring doon sa rooom na isa e. Siya nga pala malapit na mag 8... maya maya kailangan na rin nating pumunta sa school para sa final practice." Sabi ni Patrick.

Tumambay nga silang apat roon na nauwi sa paglalaro ng dama.

Tawa sila ng tawa dahil nag-aaway na naman ang dalawa na pare pareho lamang na dina daya ang bawat isa sa kanila. Hindi nila mapigilang humagalpak sa tawa nilang dalawa ni Warren habang pinapanuod ang mga ito maglaro. Aakalain mong mga bata e. Walang gustong magpatalo e.

***

"Woah!" Hiyawan ng mga estudyante na naroon sa gymnasium habang pinapanuod sila sa kanilang pinparactice intermission no.

"Ibang klase talaga."

"I bow my head to them, bravo."

"Astig talaga sila e."

"Bravo talaga sa sayawan tong magbabarkada na ito."

"Ang astig nilang gumalaw apat, grabe."

"Idol!!!"

Natutuwa siya sa mga puring naririnig. Sino ba naman ang hindi?

Paano nga ba nila narating magbabarkada ang puntong ito sa pagsasayaw? Sa tutuusin nag-umpisa din silang magbabarkada sa bokya na mga steppings. Hanggang sa nasanay na silang sumali sa mga sayaw at simula nga noon... sila na ang ipinambabato sa mga contest sa sayawan.

Para sa kanila, pinakanatural na bagay na lamang ang pagsasayaw na nagdudulot sa kanila ng kasiyahan.
Mahal nila ang pagsasayaw gaya ng pagmamahal nila sa kanilang samahan.

Lilipas ang panahon pero nasisiguro niyang hindi niya makakalimutan ang mga panahon kung saan mas naging solid ang pagkakaibigan nila.

Natapos ang tugtog ng kanilang sayaw at nagpahinga na sila. Nasilayan niyang papalapit si Pamela kay Warren habang nakangiti... may hawak itong tubig. Naramdaman niyang tila nahihirapan siyang huminga bigla. Nakakapagtaka kung saan iyon galing. Nagpasalamat naman ang lalaki rito habang nakangiti. Bakit parang gusto niyang siya lang ang makakalapit rito? Sa ngayon?

Iniiwas niya ang tingin sa dalawa habang parang tila nanlalanta siya. Bakit parang may masakit at makirot sa dako ng puso niya ng makitang ngumiti ito sa babae.

Ito ba ang tinutukoy nitong lalakasan na ang loob? Ibig sabihin si Pamela talaga ang gusto nito? Pero bakit tila nanlulumo siya? Bakit ganun? Hindi maipaliwanag ng isipan niya iyon.

Ano't anumang mangyari sa gabi nila mamaya. Hindi niya maipapangakong nahahawakan nila iyon, dahil mapagbiro ang tadhana. Kinakabahan siya sa nararamdaman niya habang nakatingin kay Warren. Natatakot siya sa maaaring sanhi ng pakiramdam na iyon. Natatakot siyang harapin ang totoong damdamin. Natatakot siya.

______________________________________________

A/n: Hahayst. Harren.

P.S. Don't forget to vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top