CHAPTER 6:
A/n: Hanggang chapter 10 lang to so ilang chapters nalang ang nalalabi. Don't forget to vote and share your thoughts.
______________________________________________
Chapter 6:
Hating gabi ay nagising siya. Sanay na siya sa dilim kung kayat naglakad siya patungo sa kanilang kusina. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininum iyon.
Pabalik na sana siya sa kuwarto ng mapansin niyang bukas ang pintuan ng kanilang bahay at may nag-uusap sa balkon. Ichineck niya iyon. Maingat siyang sumilip sa pintuan at nandun ang kanyang ama at ina, nag-uusap. Nakasandig ang kanyang ina at sa balikat ng kanyang ama. Tanging gasera lamang ang nagsisilbing tanglaw ng mga ito sa mga oras na iyon. Napangiti siya. Masaya siya para sa kanila.
Masaya siyang makita ang mga ito na masaya. Masaya siya. Hindi niya namalayang lumuluha na pala siya dahil sa tuwang nararamdaman.
Sana makahanap rin siya ng isang taong kagaya sa kanyang ama. Yung hindi man siya ang unang pag-ibig ni ina pero si ina, minahal niya ng lubusan. Yun ang kuwento ng kanyang ina sa kanya. Na bago ang kanyang ama, talagang may minahal ito bago ito.
Paalis na sana siya ng maagaw ang atensyon niya sa paksang pinag-usapan ng mga ito.
"Sana hindi ka nagalit o nagdamdam dahil isinunod ko ang pangalan ng anak na panganay natin sa tanging pangako namin noon ni Hendrin na nag-iisang natupad." Nanlalaki ang mga mata niya.
Ano daw? Si Tito Hendrin ang ama ni Warren? Anong kinalaman nito sa pangalan niya?
"Hindi ako nagdamdam karen. Bat ako magdadamdam, pangalan lang iyon ng anak natin at anak niya... sa huli sa akin ka pa rin. Tayo parin. Masaya na ako doon." Sabi nito sa kanyang ina.
"Pero hindi ka ba kinakabahan mahal? Tila nauulit yata ang nakaraan namin sa pamamagitan ng mga anak natin at nila? Hindi kaya makakasama iyon para sa mga bata?" Ramdam niya ang pangangamba sa boses ng kanyang ina.
"Wag kang mag-alala karen. Kakayanin yan ng ating mga anak gaya ng pagsubok na dinanas natin noong kabataan natin. Sarili nilang laban ito, hahayaan natin silang matuto at ipaglaban ang kung ano sa palagay nila ang pinakamahalaga." Pagpapanatag ng kanyang ama rito.
Sapat na iyon para mahinuha niya ang katotohanan sa likod ng kanilang mga pangalan.
Napaupo siya sa narinig. Hindi niya iyon inaasahan.
"Wag nila sabihing naging si mama at si Tito Hendrin noon?" Nawindang siya sa narinig.
Dali dali siyang bumalik sa kanyang kuwarto.
"Renren!" Bumabalik sa kanyang ala ala ang renren. Kung bakit renren ang tawag sa kanilang dalawa ni Fatima. Napansin kasi nitong magktunog ang kanilang pangalan na para bang pinagbiyak pangalan.
Maging siya man ay namamangha noon sa pangalan nilang dalawa.
Warren.
Harren.
Kung puwede namang
Haren o di kaya Waren ang isa. Ngayon alam niya na. Nawiwindang parin siya. Di siya makapaniwala. Hindi niya nalang sana narinig pa iyon.
Wag nilang sabihin na katulad nila magkakaibigan din ang kanilang mga magulang noon?
Umiiyak na naman siya ngayon. Kung kanina iyon ay dahil nagiging emosyal siya sa saya ngayon naman ay dahil nawiwindang siya.
Di siya makapaniwala. Di niya lubusang mahinuha ang karirinig lamang na katotohanan.
Buong magdamag siyang sabog. Iniisip ang mga bagay na hindi niya inaasahan.
"O anak. Ang aga mo pa a?" Nagulat ang kanyang ina ng madatnan siyang nagsasaing ng umagang iyon.
"Oo nga po. " Napakamot siya sa ulo. Kahit na ang totoo, kaninang madaling araw pa siya gising na gising.
Napahigop siya ng gatas sa naalala kagabi.
"Harren baon mo anak o." Sabi ng kanyang ina.
Ewan niya ba pero tila kinilabutan siya sa HARREN. Para bang naaawkwardan siyang bigla sa pangalan na iyon.
"A, sige po ma, salamat.. ligo na ako." Sabi niya rito.
Di siya sigurado kung anong ginagawa niya. Ang alam niya lang hanggang ngayon hindi niya parin makalimutan ang narinig na rebelasyon mula sa nakaraan kagabi.
Tulala siyang nagpedal ng kanyang bike patungo sa kanilang paaralan.
Hindi masyadong maganda ang umaga niya. Hindi naman siya nakasimangot ngunit hindi rin siya nakangiti ngayon.
Maaga nga siyang nakarating sa kanilang paaralan. Inihilig niya ang kanyang ulo sa kaniyang desk. Gusto niya nalang muna matulog ngayon.
Naalimpungatan siya ng marinig ang boses ng barkada.
"Bakit kaya ang aga niya?" Boses ni Patrick.
"Abay malay natin." Pambabara ni Fatima.
Hinaplos ni Fatima ang buhok niya. Itinaas niya ang ulo at chineck kung may muta siya bago siya dumilat.
Medyo nagulat siya dahil sobrang lapit ng mga mukha ng mga ito sa kanya.
"Napuyat ka ba or something Harren?" Mataray na tanong ng kanyang ni Fatima.
Blankong nilingon niya lang ito. Hinanap ng kanyang paningin si Warren.
Nasa gilid niya lang pala ito. Hinawakan nito ang kanyang noo.
"Wa-rren." Naluluhang tumingin siya rito. Mas naluha siya ng mabanggit ang pangalan nito.
Nagtatakang napatingin ito sa kanya.
Napayakap siya rito. Mahigpit. Pakiramdam niya ito lang ang makakapagkalma sa kanya ng mga oras na iyon.
Hinaplos naman nito ang kanyang buhok ng maingat.
Nagsisisi na siya ngayon. Hindi niya dapat yun narinig. Hindi niya dapat iyon nalaman. Nagsisisi na siya.
***
"Di ka naman kasi ganun kaganda, diba?"🎶 Kasalukuyang kumakanta si Patrick sa harapan nila ngayon tatlo.
Sinasaniban na naman yata ito ng makulit na ispirito. Kahit papaano ay nawaglit sa kanyang isipan ang mga alalahanin.
"Nasira na yata ang ulo ko, sa kakaisip sa iyo." 🎶 tumalon talon pa ito ng paekis ekis rock na akala mo naman talaga may bitbit itong guitara.
"Hahaha." Tawa sila ng tawa rito.
Agaw pansin narin ito sa ibang estudyante na dumadaan sa kubo ng tanghaling iyon.
Pumapalakpak sila rito ng matapos itong kumanta.
"Kamusta ang performance ko mga brad? Pumasa ba ako sa audition?" Pagbibiro nito.
"Pasado ka fatboy! Pramis. Parang ilang daang beses kong ginustong umikot habang kumakanta ka. Nakakahilo pa lang pagtawanan ka e. I want you! Rock!" Panggagaya nito sa ibang mga judges sa tv. ni Fatima.
"Tatanggapin ko yan bilang compliment onggoy." Sabi nito.
"Ikaw Harren? Anong masasabi mo?" Tanong nito. Napatingin sa kanya ang tatlo. Hinihintay ang magiging reaksyon niya.
Napangiti siya ng malaki. "Ang galing mo Patrick. Ikaw ang nagwagi, napatawa mo ako." Sagot niya.
Kunwari naman itong nalungkot. "E. Hindi naman ako nagpapatawa e. Ang dapat pag ang performer nagperform ang sagot niyo 'ang galing muntik na akong kiligin'." Sagot nito.
Napailing naman si Warren at natawa.
"Wahaha. Ei sa nakakatawa ka talaga ei." Asar ni Fatima rito.
"Halika pre. Ikaw naman ngayon." Yaya nito kay Warren.
"Asus. Go guys!" Pagchecheer ni Fatima sa kanila.
Natutuwa siya. Ganito lagi silang magkakaibigan kapag may nalulungkot sa bawat isa sa kanila. Gagawin ng bawat isa mapasaya o mapangiti lang ang bawat isa. Yan ang barkada niya. Kaya mahal na mahal niya ang mga ito.
Sumayaw naman ang mga ito habang kinakanta ang 'move on ng sagro crew'. Tawang tawa sila ni Fatima sa dalawa.
Kung kanina agaw pansin si Patrick mag-isa. Ngayon naman ay nagtatampukan na ang mga estudyante sa kubo na tinatambayan nila at nakikitawa na.
"Woah! Ang galing talaga nila Patrick at Warren."
"Lodi."
"Woah!"
"Ang galing."
Todo tawa na sila ni Fatima lalo na sa part na kekembot ang mga ito na animo babae.
Sa paaralan nila kilala ang grupo nila bilang 'the chaos'. Sila kasi yung totally performer na kumakanta at sumasayaw. Lahat ng sayaw nila nilalagyan nila iyon ng emosyon at minsan may halong katawa tawa. Kaya mag-eenjoy talaga ang manunuod nun. Marami na rin silang contest na sinalihan at napalanunan.
Sa tutuusin silang apat ay naatasang magbigay ng intermission no. sa JS PROM nila. Kaya medyo magiging busy sila doon. Di naman na nila kailangang mag-insayo dahil simple lang naman ang sasayawin at kakantahin na nila magkakagrupo.
"Anong kaguluhan yan?" Nagulat sila ng biglang sumingit si Ate Fiona sa mga estudyanteng nakikigulo na iyon. Natawa nalang sila ng mapagalitan ang dalawa dahil sa ginawang maliit na komosyon.
"Ayan tumawa ka na." Hirit ni Patrick sa kanya.
"Shalamuch!" Pasasalamat niya sa mga ito.
Naiiyak siya dahil kahit kailan hindi siya iniwan ng mga ito. Mga bestfriend niya talaga ang mga ito. Sila ang tunay niyang kaibigan at hindi niya bibiguin ang mga ito.
Nag group hug sila. Masaya siya. Dahil doon, pipilitin niyang tanggapin at alisin sa kanyang isapan ang nakaraan ng mga magulang. Ang nakaraan ay bahagi na ng nakaraan. Kailangan niya na ring mgmove one agad. Ang importante natuto na ang kanyang mga magulang.
Nakaraan ng kanyang mga magulang iyon at nasa kasalukuyan na sila ngayon. Kailangan niya nalang kalimutan iyon.
Alam niya namang hindi agad, agaran na maitatakwil niya sa isipan ang rebelasyon na iyon. Iisipin niya nalang na saksi rin siya ngayon kung paano pahalagahan ng kanyang magulang ang isat-isa. Mahal na mahal nila ang isat-isa. Alam niya iyon.
Sa ngayon, araw nila ito.
***
Hapon, uwian na nila.
"Paalam, see you bukas." Paalam sa kanila ni Fatima.
Kumaway lang siya sa dalalwa samantalang ngumiti lang ng tipid si Warren sa mga ito.
"Tara na." Nakangiting sambit niya rito.
Tumango naman ito.
Nasa daananan na sila ngayon patungo sa kanilang nayon. Ang preskong hangin ay sumasaboy sa kanyang maamong mukha.
Napakaganda sa pakiramdam, hindi talaga siya magsasawang manatili rito sa kanilang nayon. Malayo sa polusyon. Malayo sa kabihasnan. Iwas karahasan.
Nilingon niya si Warren na tahimik na nagpepedal ng bike nito. Ito kaya? Ang pagkakaalam niya, may kamag-anak ang mga ito sa maynila. At may mga negosyo rin sila doon. Minsan nga namasyal pa ang mga ito roon, niyaya siya ng mga magulang nito na sumama pero tumanggi siya. Isang linggo rin siyang nanabik sa lalaki noon.
"Warren!" Tawag niya rito. Nilingon naman siya nito.
"Ano ang mas maganda, rito sa ating nayon o sa maynila?" Tanong niya rito ng wala sa oras.
Tila nag-isip naman ito.
"Bat di ka sumasagot? Siguro sa maynila nuh?" Tanong niya rito. Sinubukan niyang lumapit rito.
Nalungkot naman siya sa isiping sa maynila ang mas gusto nito, ngunit hindi niya iyon ipinahalata.
"Paano kapag sinabi kong sa Maynila?" Tanong nito sa kanya.
Napaiwas siya rito ng tingin. Siguro sa maynila nga.
"Wala. Idi mas maganda nga doon." Sabi niya na lang.
Nanahimik nalang siya.
Nakarating na sila sa centro ng kanilang nayon. Malapit na sila sa kanilang bahay. Bago ang kanilang bahay ay ang bahay ng kaniyang tita. Nakita nyang naglalaro pa rin ang kapatid roon kasama ang mga pinsan niya.
"Si Gab." Sabi niya. Narinig naman nito iyon at huminto rin.
Inihinto niya ang sariling bike sa gilid ng bakod ng bahay ng kanyang tiyahin.
Sumilip siya sa bakod nito. "Psst!" Sitsit niya sa kapatid. Napalingon naman ito at ang mga kalaro nito sa kanya.
"Ate Harren!" Sigaw ng kanyang mga pinsan.
"Ate. Yeheey! Ate ko!" Nakangiting sabi ni Gabriel na nagtatalon. Napangiti siya, nagmumukha itong munting anghel sa kaniyang paningin. Pakiramdam niya mas gumaan ang pakiramdam ng makita ito.
"Kuya Warren!" Sigaw nito at napatakbo na sa bakod palabas. Nagulat siya dahil huminto rin pala ang lalaki. Nagpakarga naman si Gab rito. Nakakatuwang pagmasdan talaga ang dalawang ito.
Nagulat siya ng may inabot ang lalaki rito na chocolate. Di ba hindi rin ito mahilig sa chocolate? Bakit meron din ito ngayon?
"Yeheeey!" Sabi nito.
Napansin niya namang nakatingin ang mga pinsan niya sa chocolate na iyon. Inilabas niya ang chocolate na bigay ni Ken sa kanya at inabot sa mga ito.
"Ayan, hati hati nalang." Sabi niya sa mga ito.
"Salamat ate Harren!" Pasasalamat sa kanya ng pinakamatanda sa mga ito. Hinati hati nito iyon at ipinamahagi sa mga kapatid.
"Kunin ko na si Gabriel ha? Uwi na kami. Salamat sa pakikipaglaro niyo sa kanya." Sabi niya sa mga ito.
"Opo ate." Nakangiting sagot ng mga ito.
"Bunso, magpaalam ka na sa kanila... " Baling niya sa bunso na tuwang tuwang nakikipagharutan kay Warren.
"Shalamat inshan!" Kumaway kaway ito.
Si Warren na ang nag-angkas rito hanggang sa tapat ng kanilang bahay. Dahil halos ayaw na nitong humiwalay na naman rito.
"Gabriel. Baba na aalis na si kuya Warren." Sabi niya rito.
"Kuya babye." Humalik ito sa pisngi ng lalaki.
"Babye." Paalam naman ni Warren dito.
Nangingiting pinagmasdan niya ang dalawa. Bakit ganito? Tila ba may nga paru parong nagliliparan sa loob ng dibdib niya habang nakamasid sa dalawa.
Basta isa lang ang bagay na sigurado siya. Sobrang saya niya makita ang best friend niya na mabuti ang turing sa kapatid niya.
Nagtatakbo naman ito agad papasok ng bahay. "Mama! Dito na si ate!" Pagsisigaw nito. Napatawa siya ng mahina.
"Sige. Pasok na ako, ingat ka nalang bes." Paalam niya rito.
Tumango naman ito bago nagpedal.
Nakangiting pinagmasdan niya ang pagpedal nito papalayo. Isang segundo pa ay saglit itong lumingon sa kanya bago nagpedal muli.
Isang Segundo. Pakiramdam niya tumigil ang lahat sa loob ng isang Segundo at at ngiti nalang nito ang nakalarawan sa isipan niya ng harap harapan.
***
Gabing gabi na ngunit hindi parin siya nakakatulog. Dumungaw siya sa bintana ng maliit niyang silid na iyon at pinagmasdan ang langit. Ukopado ang isipan niya ng maraming bagay.
Iniisip niya si Warren. Gusto ba talaga siya nito? Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rin niya binabasa ang liham na iyon. Maayos itong nakaipit sa kanyang diary. Ayaw niyang malaman ang katotohanan. Ayaw niyang alamin. Takot siya. Takot siyang masampal ng katotohanan sa hindi malamang dahilan.
Bestfriend, sa kanilang apat si Warren ang mas higit na malapit sa kanya. Hindi niya kayang mapalayo rito kung kaya't ayaw niyang kumalap ng dahilan na mailang mismo rito.
Kung totoong gusto siya nito, may pag-asa bang magustuhan niya ito?
Hindi niya alam. Bestfriend kasi talaga ang turing niya rito kung kaya't hindi niya mapagtanto.
Tama nga siguro ito. Hindi pa kasi siya nagkakagusto kaya ganito siya. Walang kaalam alam sa nararamdaman o nagagawa ng pagkagusto ng isang tao.
Iniisip niya ito at si Ken ngayon.
Sa totoo lang, parehong wala siyang maramdaman sa dalawa. Wala.
Paano ba natuturuan ang puso kung kanino at paano ito titibok?
***
Kinabukasan.... Sinadya niyang hintayin si Warren. Maaga pa siyang nakaupo sa kubo nila at hinihintay itong dumaan.
Maya maya nagulat siya ng huminto rin ito doon. Napangiti siya, nagmamadali niyang itinulak ang bike patungong labasan.
"O panot!" Gusto niya lang maging cool ang paligid kaya tinawag niya na naman ito sa paborito niyang pangalan nito.
"Babs, tara na." Nakangiti ito ngayon na labas ang ngipin. Ang guwapo naman talaga ng bestfriend niya kaya maraming nagkakagusto rito.
Nakakapagtaka, bakit sa kanya pa nagkagusto ito?
Minsan kasi, iniisip kaagad natin na hindi tayo perpekto kaya kapag may over qualified na nagkagusto sa atin, pinagloloko lang nila tayo agad ang unang papasok sa isipan natin.
Mas madalas pa kasi nating ibaba ang ating mga sarili bago tumalon sa isang bagay. Kumbaga, minsan mas takot tayo sa salitang 'sugal'... natatakot tayong sumugal.
"Hintayin mo ako." Sigaw niya rito.
Binibilisan kasi nito, hindi niya tuloy mahabol habol.
"Bilisan mo babs. Humabol ka." Pang-aasar nito. Tinawanan pa siya nito.
"Hayst! Kaasar ka naman e. Binibilisan ko mas binibilisan mo naman, parang nagkakakarerahan na tuloy tayo. " Angal niya rito.
"Paano mo ako mahahabol kung umaangal ka na agad? Ngayon na nga lang ako nagpapahabol sayo e." Makahulugang sabi niya.
Napatulala naman ako sa sinabi niyang iyon.
Anong ibig nitong sabihin?
Buong pagtahak nila sa dahanan, nanatili nalang silang tahimik at sa daan itinutok ang pansin.
***
Hindi tulad ng inaasahan walang maingay na Fatima ang sumigaw ng 'Renren!' ng umagang iyon.
"San si Fatima?" Tanong niya kay Patrick na matamlay.
"May lagnat siya sabi ni tita." Sagot nito.
Ganito lagi ito, sa tuwing wala si Fatima. Matamlay at tila walang patutunguhan.
Minsan nga nakakapagtaka na talaga ang ikinikilos nito e.
"O bat matamlay ka?" Tanong niya rito.
"Wala lang. Hindi kasi ako nakapag-almusal e." Sagot nito.
Tinanguan niya na lang ito. Kinuha niya ang bisquit sa kanyang bag at iniabot rito iyon.
"O. Baka mamaya kasi mapagkamalan ka na naming sinapian. Di ikaw yan e." Natatawang pambabara niya rito.
Nag-apiran silang dalawa ni Warren.
"Pinagtutulungan niyo na ako ngayon?" Masungit na tanong nito.
Nakakapanibago talaga ito. Siguro kung makikita lang ni Fatima ang mga galawan nito, mamamangha ito at maninibago rin.
Sigurado matatawa ito ng bonggang bongga.
"Wag ka ng mag-alala, dadaan nalang tayo mamaya sa kanila pagkatapos ng practice." Sabi niya rito.
Hindi pa rin ito ngumingiti.
Sinenyasan niya si Warren na patawanin ito. Napakamot naman si Warren. Gusto niyang matawa dahil ang epic ng mga ganitong sitwasyon, yung ang pinakamabiro sa barkada mismo ang kailangan naming patawanin?
"Patrick..." Agaw pansin nito sa lalaki sa malamyos na boses at binabaeng mga tingin.
Napangisi naman si Patrick. Tila nagsisimulang maganahan sa palabas.
Babakla baklang pumewesto naman si Warren sa gitna ng kubo at humarap sa aming dalawa.
Maya maya, nag giyome ito. Tawa sila ng tawa dalawa ni Patrick dahil trying hard talaga ito magpacute. Na pati si Patrick hindi nakatiis agad at natawa na rin.
"Tae ka bro. Ang sakit ng tiyan ko haha! Ang bakla." Natatawang sambit nito.
"Hahaha" Tawa niya habang nakahawak na siya sa kanyang tiyan.
"I'm done, ikaw naman." Sabi nito sa kanya.
Ano ba?
"Sasayaw na rin ba ako ng budots?" Natatawang asar niya kay Warren.
Natawa naman ang dalawa lalo. "Go." Sabi ni Warren. Tumango naman si Patrick. Masaya ang loko ha.
"Harren taga saan ka?" Natatawang tanong ni Patrick.
"Taga Nayon ng Bulak." Nagbudots agad siya pagkatapos. Sinadya niya talagang ik-ikan ang steppings para matawa ang mga ito.
Nagtawanan naman ang mga ito. "Haha. Tae ka Harren. Kaya mo palang magkengkoy. Sayang hindi to nakita ni Fatima. Tsk. Hahaha. Iinggitin ko yun." Tawang tawa ito ngayon. Sabi niya na nga ba, madali lang itong makakatawa dahil kalog ito. Kahit nga siguro sa oa a quotes todo halakhak na kaagad ito e.
Ibinatok niya ang libro rito. "Bat ba kasi ang aga aga, ang tamlay mo jan? Di kami nasanay kaya umayos ka." Paninermun niya rito.
"Opo." Sagot nito na nakangisi na naman ngayon.
"Pinagpawisan ako dun ha." Natatawang sambit niya.
"Paano na yung step niya War? Ganito? O ganito daw?" Nang-aasar na muli si Patrick ngayon. Ginaya nito ang steppings niyang panglola. Yan tuloy nakatikim ito ng batok sa kanya.
"Aray! Minsan ka nga ang mambatok Harren pero ansakit bro." Angal nito.
"Buti nga sayo." Nagmake face siya rito.
Hindi man kompleto ang barkada masaya siya dahil kasama niya parin ang dalawang barkada niya. Mamayang uwian dadalawin nila si Fatima. Namiss niya na agad ito.
"For you, goodmorning." Pagbungad niya sa klasrum, nagulat siya ng hindi na rosas na pinitas ang iabot nito sa kanya kundi isang pumpon ng bulaklak na rosas na maayos na nakabalot. May chocolate pa rin na kasama iyon gaya ng dati.
Gusto niyang umangal pero hindi niya magawa. Paano niya ba uumpisahan? Hindi niya alam.
Napatingin siya rito. Nakangiti ito ngayon. Seryoso na ang akspresyon nito. Kaya hindi niya magawang magsalita.
Alam niyang siya ang may mali. Marahil kung may makakaalam man iisipin ng mga itong sinasamantala niya ang kabaitan nito. Pero hindi. Hindi siya sigurado kung paano ito matatanggihan at sa kung anong paraan.
Natatakot siyang punitin ang mga ngiti nito sa tuwina... hindi dahil sa masasaktan siya kundi dahil natatakot siya.
"Salamat Ken. Uhm- " Napakamot siya sa ulo.
"Ano yun?" Tanong nito sa hindi niya masabi sabi.
"A- wala. Salamat ulit." Sabi niya rito.
Hindi niya talaga masabi. Naiinis na siya.
Binigyan naman siya nito ng isang ngiting puro na lalong nagpakonsensya sa hindi niya malamang bahagi ng sarili niya.
"Ang boring pala talaga kapag walang Fatima." Nababagot na wika ni Patrick. Wala silang guro sa subj. nila ngayon kaya ganun.
Nakatunganga lang itong nakamasid ng tahimik sa labas ng kanilang klasrum.
"Bat di mo subukang umidlip nalang muna tsaka ka na magdrama jan?" Tanong niya rito.
"Hayst. Di ako inaantok." Sagot nito na hindi siya nililingon.
Tama nga naman ito. Nakahabagot kung wala si Fatima. Hindi niya mahinuha na hindi nababagot kung puro na ang dalawa lang na ito ang kasama niya.
"Ikaw hindi ka rin inaantok?" Tanong niya kay Warren na tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Bahagya itong umiling bilang kasagutan.
Binatukan niya ang dalawa ng tag-iisa. Sumama naman ang tingin ng mga ito sa kanya.
"O?" Maang-maangan niya sa mga ito.
"Bat ba ang hilig niyong mambatok dalawa ni Fatima?" Tanong ni Patrick sa naiinis na tono.
"Dahil barkada niyo kami?" Natatawang tanong niya rito.
"Bahala nga kayo." At inihilig na nga nito ang ulo nito sa upuan.
"Ang ingay mo talaga." Asar niya sa lalaki.
"At least guwapo." Pagtatanggol nito sa sarili.
"Luh. Warren. Narinig mo yun? Okay na siya, mahangin na ulit e." Pang-aasar niya rito.
"Bahala nga kayo jan." Sagot ni Warren sa kaya. Aba bumabawi si uncle mo.
Bakit ba kasi nagkasakit si Fatima? Nakakamiss tuloy. Hindi talaga kompleto ang barkada kapag wala ang isat-isa sa barkada.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/n: Hahaha. Laughtrip si Patrick. May lagnat si Fatima tas siya nahahawa... Nilalabnat yata. Lol.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top