CHAPTER 4:

A/n: Notice. Short story lang to that's why hanggang chapter 10 lang talaga siya. Eheem***

______________________________________________

Chapter 4.

Maaga siyang nagising kinabukasan.

Nagwalis kaagad siya sa kanilang bakuran. Naglampaso sa kanilang sementong sahig, naghugas, nagsaing, at nagluto ng ulam. Mag-aalas otso pa lang ay natapos niya na agad ang gawaing bahay.

Masaya siyang naligo ng umaga ding iyon at naghanda.

Simpleng short na dilaw at pink tshirt ang kanyang isinuot. Itinirintas niya rin ang mahaba niyang buhok upang hindi ito maging abala sa kanyang mukha.

Ng matapos ay hinihintay niya na lamang ang mga ito. Nakalimutan niya palang itanong sa mga ito kung anong oras sila darating...

Natanaw niya mula sa kanyang bintana si Warren sakay ng bike nito. Napatayo siya roon ng makatapat ito sa bakod nila.

"Harren! Wala parin sila?" Tanong nito.

"Wala pa." Sagot niya rito.

"Pasok ka muna." Dagdag niya rito.

"Sige." Ipinasok nga nito ang bike nito at ipinarada iyon ng maayos sa lilim ng puno ng mangga.

Lumapit ito sa kanilang balkon at doon naupo.

Umalis siya mula sa bintana at naglakad papalabas ng kanyang kuwarto. Doon nalang din siya maghihintay sa kanilang balkon para may kasama ito.

"Asan na si tita?" Tanong nito.

"Namalengke si Mama. Mamaya maya nandito na rin iyon. Si Papa naman pumatungo na sa palayan namin." Paliwanag niya rito.

"Ay! Oo nga pala. " Naalala niyang bigla ang kapatid niya.

"Sandale lang. Gigisingin ko lang si Gabriel. Gustong gusto ka na makita nun e. " Sabi niya rito. Tinanguan lang siya nito.

Pumasok muli siya sa kanilang bahay at tumungo sa kuwarto ng kapatid. Hinalikan niy ito sa pisngi. "Gising na bunso." Sabi niya rito.

Nagising naman ito. "Goodmorning."

"Hulaan mo ang surprise ni ate sayo?" Tanong nito.

Napangiti ito. "Si Kuya Warren!" Sabi nito.

Ngumiti siya rito. "Opo."

Dali dali naman itong dumungaw sa bintana. "Kuya! Kuya!" Pagsisigaw nito. Mapagkakamalan talaga silang isang taong hindi nagkita.

Nakangiting dumungaw rin siya sa bintana. Nakangiti ang lalaki sa kapatid niya.

"Halika Gab. Laro muna tayo, nag-almusal ka na ba? Kung hindi mag-almusal ka na muna." Paalala nito.

"Mag-aalmusal mo na ako kuya." Sabi ng kanyang kapatid na natutuwa.

"Warren. Gusto mo bang uminom ng gatas muna habang naghihintay?" Tanong niya sa lalaki.

"Hindi na. Busog pa ako. Kumain na ako sa amin." Nakangiting sagot nito.

Nanibago siya roon. Dahil rati rati hindi siya nito ni minsan tinanggihan kapag niyaya niya ito. Minsan, ito pa ang makapal ang mukhang mag-iinsist.

Asan na yung Warren sa nakaraan? Namimiss niya na ito, sobra.

Nagtimpla siya ng gatas para sa tatlo at kumuha ng mga nilagang saging at inilagay iyon sa isang lalagyan.

Hindi puwedeng hindi ito magmeryenda man lang.

Dinala ng kanyang kapatid ang sariling gatas nito papunta sa labas.

"Dahan dahan gab." Payo niya rito.

"Opo ate." Bitbit niya rin naman ang dalawang baso ng gatas.

"O." Ipinatong niya iyon sa tapat nito.

Nagtaka naman ito. "Sabi ko sayo ei. Wag na." Sabi nito sa mababang boses.

"Ay! Oo nga pala bes. Nakalimutan ko anak ng panot naman o." Pagsisinungaling niya rito.

"Kunwari ka pa, sinadya mo naman. Kailan kapa naging makakalimutin?

"Hahaha. Inomin na lang kasi. Tsk." Bumalik ulit siya sa loob, pagbalik niya ay bitbit niya na ang mga saging na nilagang nakalagay sa isang lalagyan.

"O saging. Masarap yan. Ako nagluto ei." Pagpapangiti niya rito.

Ngumiti naman ito ng tipid.

"Kumain ka nang kumain Gab. Para mabilis kang lumaki at mahabol mo pa ako." Sabi ng lalaki sa kapatid niya at ginulo ang buhok.

"Yan talaga ang balak ko kuya. Diba ate?" Natawa nalang siya sa sinabi nito.

Idol na idol kasi nito si Warren at gustong gusto nito ang magkalapit sila palagi.

"Oo naman kaya nga nagpapagood boy ka diba?" Nakangiting tanong niya rito. Tumango naman ito ng nakangisi.

Natapos silang mag-almusal at niligpit niya na ang kanilang pinagkainan. Tulad ng dati tinulungan siya nito sa pagliligpit sa kanilang mga platong ginamit at baso.

"Salamat bes. Bumalik ka na doon, maglaro na muna kayo at maghuhugas lang ako." Sabi niya rito.

"Sige." Sumunod naman ito sa balkon tulad ng inaasahan.

Pagbalik niya roon sa balkon nadatnan niyang naglalaro ang mga ito.

Tinuturuan nito si Gab gumamit ng tirador. Napangiti siya. Ang ganda nilang pagmasdan. Parang sila yung tunay na  magkapatid.

Naupo siya sa tabi ng mga ito tahimik na pinanuod lamang ang dalawa.

"Ate ikaw ayaw mong magpaturo kay kuya kung paaano gumamit ng tirador?"  Tanong nito.

Umiling siya. "Hindi na Gab. Ikaw nalang. Walang talent si ate pagdating sa ganyan." Sabi niya rito.

Totoo naman.

"Bahala ka jan ate. Pag may nang-away sayo, wala kang ipangtatanggol sa sarili mo." Banta nito sa kanya.

"Andyan naman kayo ni kuya Warren mo e." Nakangiting sagot niya rito na naputol din ng mahinuha ang kanyang pinakawalan.

Tama naman siya. Pero may punto ang kapatid niya. Kailangan niyang matutong mag-isa dahil hindi habang buhay makakasama niya ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Mataman lamang nakatitig ang lalaki sa kanya ngayon. Tila may gustong sabihin kaso mas piniling manahimik.

Namimiss niya na ito. Yung dating ito. Siguradong sigurado na siyang may nagbago at masakit iyon. Iyon ang masakit.

Bakit parang pakiramdam niya kasi anumang lapit ang gawin niyang hakbang muli rito, napakalayo parin nito at hindi niya na muli maabot?

Kailangan ba talagang umabot sa puntong ito ang friendship namin?

Hindi niya talaga lubusang maintindihan.

Kung alam lang talaga niyang ganito ang mangyayari, hindi niya na pinagtangkahan pang kunin at itakbo ang liham nito. Lubusan niya talagang pinagsisisihan. Nagsisisi na siya ngayon.

"Renren!" Isang malakas na sigaw ang bumubulabog sa kanila.

Nandito na sila.

Napasulyap siya sa bagong dating na mga ito. Isang bike lamang din ang sinakyan ng mga ito.

Paglapit ng mga ito sa kanila, napansin nila ang nakasimangot na si Patrick.

"Anong nangyari sayo bro? Bakit parang natatae ka yata ngayon?" Natatawang tanong ni Warren sa kanya.

Totoo naman kasi. Nakahawak ito sa bewang niya na tila ba may mga langgam na kumagat doon o may nanuntok rito.

Tinuro nito si Fatima.

Napangisi naman si Fatima at tinignan ito. "Siraulo kasi. Sabihin ba naman na mas magandang umutot ng umutot sa kamote kaysa maging onggoy sa saging." Naiinis na sabi nito.

Natawa sila ni Warren habang napapailing. Nakatikim pa pala ito ng sapak sa bewang kung saan nakakapit ang babae sa byahe nilang dalawa.

Natawa naman sila ni Warren sa sinabi nito. Kahapon pa nilang alitan ang paksa na iyon hanggang ngayon ba naman.

"O ito. Meryenda natin. Kamote." Sabi nito sabay abot sa akin kung kaya't napabunghalit na ng tawa lahat. Sineryoso talaga nito.

"Pasensya na. Di ako nakadala ng saging, di kasi ako nakaluto e." Malungkot na sabi ni Fatima. Sigurado siyang malungkot ito dahil paborito nito ang saging ngunit hindi ito makakadala.

"Naglaga ako ng saging Tim... " Nakangiting sabi niya rito. Bigla namang umaliwalas ang mukha nito.

"Talaga Ren?" Tanong nito. Nakangisi na ito at tila isip bata na nagmakeface ito kay Patrick.

"Masaya ka na niyan? Kawawa naman tong monkey natin." Pang-aasar nito kay Fatima.

"Anong sabi mo? Pakiulit gusto mo ng suntok ulit?" Tanong nito sa lalaki.

"Naku! Wag. Wala ka ng mayayakap mamaya papauwi kapag sinuntok mo ako. " Pagpapalusot nito.

"Yakap ka jan. Yuck ka Patrick. Di ba puwedeng kakapitan lang?" Napaikot ito ng mata nito.

Natatawa nalang siya sa dalawa. Ang cute talaga ng dalawang ito. Hindi makokompleto ang barkada kung wala ang mga ito e.

"Mag-umpisa na tayo magpractice." Sabi niya sa mga ito.

"Saan tayo magpapractice?" Tanong ni Fatima.

"Sa bahay nalang may music kasi akong dinownload kagabi." Singit ni Warren.

Napatango naman sila.

"Saglit lang, magdadala lang din ako ng nilagang saging." Paalam niya sa mga ito.

Tumango naman ang mga ito.

Napatingin siya sa kanilang orasan. Maaga pa lang. Alas diyes. Pero sigurado siyang pauwi na ang kanyang ina. Maya maya nandito na iyon.

Dali dali siyang nagbalot ng saging sa baunan.

Isinarado niya ang mga bintana at pintuan sa bahay bago lumabas.

"Gab. Punta ka muna kila tita dali. Magpapractice lang si ate ha?" Paalam niya rito.

Tumango naman ito. Napangiti siya. Ang bait talaga nitong kapatid niya. Masunurin. Masuwerte siya rito.

Hinatid niya ito saglit sa kanilang kapitbahay na medyo malapit lang din naman sa bahay nila.

Iniwanan niya ito sa kanyang tita. Naglaro naman agad ito kasama ng mga anak ng tita niya. Napangiti siya.

Umangkas nalang din siya kay Warren. Bale may kanya kanya silang bitbit dalawa ni Fatima na baunan habang nakaangkas sa bike.

"Manong bert!" Bati ni Patrick sa isang magsasaka na ama ng kanilang kaklase na medyo close nito.

"O, iho patrick. Magandang umaga sa inyong apat." Bati nito sa kanila.

"Magandang umaga din po." Sagot nila pabalik rito.

Tumango naman ito at kumaway lang sa kanila.

Nilanghap niya ang preskong hangin mula sa kanilang dinaraanan. Sana ganito sila palagi. Payapa.. at masaya.

Narating nila ang bahay ng mga ito.

Huminto sila sa gate.

Ilang beses na rin silang nagawi apat rito. Kaya kilalang kilala na rin sila ng guard.

"O mga hijo hija kayo pala." Nakangiting sabi nito.

"Hello manong. Andito po ulit kami." Bati ni Fatima.

"Pasensyahan niyo na po si Fatima. Nagbibiro lang yan. Iniisip niya siguro hindi mo kami nakikita kaya sinasabi niyang nandito kami." Pagpapatawa nito.

Natawa naman si manong guard. "Ikaw talaga Patrick, manang mana ka sa papa mo." Sabi ni manong.

"Opo. Pareho kaming guwapo." Nagguwapo sign naman ito.

Siraulo talagang tong si Patrick.

"Manong ang lakas po ng hangin nuh?" Pagpaparinig ni Fatima sa kanya.

Nagmaangmaangan naman si Patrick. "Huh. Asan di ko makita?" Pamimilosopo nito kay Fatima.

Nabatukan tuloy ulit ito. Wala yatang araw na hindi ito nababatukan ni Fatima kapag nagkikita sila.

"Wag kayong masdayong mag-away. Di niyo ba alam ang kasabihan ng mga matatanda na 'the more you hate the more you love." Pambabanta ni manong sa mga ito.

"Hahahaha." Tawang tawa si Patrick. Maging kami man.

"Wala ho sa bokubolaryo ko iyan manong." Nakangiting sabi ni Fatima at nagpatiuna na sa pagpasok.

Woah! Hahaha. Nakakatawa talaga ang mga ito. Totoo naman ei, bagay kaya silang dalawa.

Ang pagpapractice na usapan nila ay nauwi sa paglalaro nila ng dama.

Sila ni Fatima ang naglalaro ngayon. Kakatapos ng dalawa at si Warren ang nanalo. Magaling kasi talaga ito sa dama, ito ang champion pagdating doon.

Maya maya nagulat sila ng biglang tumalon si Fatima nalito na ito.

Nagtawanan sila.

"O? Anong ginagawa mo Tim? Naku paano tayo magkakabahay niyan? Tsk." Pang-aasar  ni Patrick rito.

"Anong bahay ang sinasabi mo siraulo?" Nakatanggap na naman ito ng batok.

"Bat kasi nagmamagic ka na naman?" Si Patrick.

Nagkatinginan sila ni ni Warren at nagkailingan. Alam nilang nag-uumpisa na naman sa palabas ang dalawa.

"Hindi ba puwedeng nahilo lang ako sa sobrang tapang ng pabango mo? Inubos mo na yata lahat e. Ang lapit lapit mo pa sa akin. Bruho ka talaga. Panira." Pambabara nito kay Patrick pabalik.

"Hahaha. Ipinanligo mo naman siguro ang buong pabango mo nuh tol?" Panggagatong ni Warren rito.

Namula naman ito. "H-huy! H-hindi yan totoo. Sadyang mabango lang yung pabango at matagal kumapit. Tsk. Di ko na kailangang magpabango ng marami kapag kayo ang kasama ko. Kahit na amoy pawis ako, alam kong yayakapin niyo pa rin ako." Pagpalatawa nito.

"Loko." Natatawang sambit ni Warren.

"Nakakatawa ka talaga Patrick. Di ka ba nadadala mabatukan?" Pang-aasar niya rin  rito habang tawang tawa.

"Okay lang, di naman masakit kasi e. Wag lang sana akong masanay." Kuwelang sambit nito.

"Di palaa masakit. Parang hinihiniling mo pang lakasan ko na a?" Pang-aasar rin ni Fatima pabalik rito.

"Biro lang." Nakapeace sign ito ngayon.

Natawa nalang sila. Ito talaga ang palabiro sa grupo. Gaano man kaseryoso ang eksena handa nitong gawin lahat masira lang ang eksena at mauwi silang tumatawa.

"Senyorito, luto na po ang ipinapaluto niyo." Singit ng katulong ng mga ito.

"Sige ho manang maraming salamat. Susunod na ho kami." Sagot ni Warren dito.

"Hi manang." Pagpapapansin ni Patrick sa katulong.

"Magandang umaga naman hijo." Nakangiti ito at umalis na ito.

"Woah! Kita niyo, pinansin ako ni manang. Close na kami. Hehe." Sabi nito.

Nagkatinginan sila ni Fatima at umismid naman ito at sumenyas na nababaliw na naman si Patrick.

"Tara na, gutom lang yan tol." Sabi ni Warren rito habang tinapik ang balikat nito.

Tinapik din niya ang balikat nito at ngumiti ng tipid.

"Pati ba naman ikaw Harren?" Napakamot ito sa ulo.

Ang ulo naman nito ang tinapik ng mararahan ni Fatima.

"Ano ba onggoy?" Pang-aasar nito kay Fatima.

"Ano?" Naghabulan na naman sila. Nauna na ang mga ito sa sala.

"Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan natin nuh?" Sabi niya rito, kay Warren.

Nagkatawanan silang dalawa. Pinagmasdan niya ito habang tumatawa. Nakakatuwa talagang kasama ang mga ito.

"Tama ka. Hindi ko mailarawan sa aking isipan ang ating grupo kung wala sila." Nakangiti na ito ngayon.

Tinanguan niya naman ito.

"Ang sharap naman talaga ng mga chief niyo rito bro." Sabi ni Fatima habang puno ang bibig nito ng pagkain.

"Don't talk when your mouth is full." Habol na pambabara ni Patrick rito kahit na pareho lang naman silang dalawa na puno ang bibig.

"Che!" Pang-iisnab rito ni Fatima.

Pagkatapos nilang kumain ay naghugas sila dalawa ni Fatima. Ayaw pa sana silang payagan ng mga katulong kaso sinabihan ang mga ito ni Warren na hayaan na sila.

"Okay na ba kayo ni Warren bes?" Tanong bigla ni Fatima sa kanya. Out of the blue na nagpahinto sa kanya saglit.

Pinilit niyang ngumiti ng normal rito. "Abay oo naman bes. May nangyari lang pero naayos naman agad." Pagdadahilan niya rito.

Napilitan naman itong tumango at nagpatuloy ito sa pagbabanlaw ng mga plato.

Pagbalik nila sa sala naabutan nila roon ang mga pinsan ng lalaki. Mga fourth year na ang mga ito. Sina ate Fiona iyon, kuya Fate, kuya Dave, at ang kaklase ni ate Fiona na si ate karla.

Nagtatawanan ang mga ito. "O kompleto pala kayong lahat. " Sabi nito.

"Hello ate Fiona. Hello mga ate at kuya." Bati niya sa mga ito.

"Hello po!" Bate naman ni Fatima.

"O Fatima, si Ate mo? May sakit raw siya kaya hindi nakarating rito?" Tanong nito kay Fatima. Magkakaibigan din ang mga ito kasama ang ate ni Fatima. Magkakaklase rin sila. Bale iisa lang ang paaralang pinapasukan namin.

Tumango naman si Fatima.

"Nandito yata kayo ngayon? Gagala kayo?" Tanong ni kuya Dave sa amin.

"Magpapractice kasi kami ng cotillion natin kuya." Sagot ni Patrick at sumayaw pa talaga ito para iimphasize ang practice ng sayaw.

"Haha. Ang monggo mo talaga Patrick." Natatawang sambit ni Kuya Dave.

"Tsk." Masungit na sambit ni kuya Fate. Sa kanilang magbabarkada ito ang pinakatahimik. Nakakatandang kapatid ni Patrick di man halata.

"Sayang Fate di ka nagmana sa kapatid mo." Asar ni kuya Dave rito.

"Gagi... wag na uy! Ayaw kong maging monggoloid. Tama na siya." Nakairap na sabi nito.

Nagtawanan naman kaming lahat.

Masamang tinignan naman ni Patrick ang kuya niya. Binato naman ito ng kuya niya ng unan.

"As in. Pumunta kasi kami rito para magpaturo talaga sa inyo ni Renren... pangagaya ni ate karla sa tawag ni Fatima sa amin ni Warren. Sakto naman palang nandito kaya. Edi okay. Makakapractice tayo ng maayos at mas mainam kung marami tayo." Nakangiting sabi ni ate karla.

"Game." Sabi ni Patrick.

"Magsalita ka naman ng game, parang kabisado mo na talaga yung steps nuh? Nahiya talaga ako sayo." Pambabara ni Fatima rito.

"Ang ingay niyo na naman dalawa.. lagi nalang kayong nag-aasaran. Magpakasal na nga kayo." Barado naman ang dalawa sa pang-aasar ni kuya dave sa kanila.

"Huy! Baka nakakalimutan niyo na si Fate ang crush ni Fatima." Pang-aasar ni ate Karla.

Nagtawanan sila. Namula naman si Fatima.

"Ang daya niyo. Biro ko lang naman yun nung bubwit pa ako. Sabi ng si Patrick ang nag-utos sa akin noon dahil sa baon niyang saging e." Nahihiyang sambit nito.

Totoo kasi yun. Noong bata pa lang sila. Nagulat nalang sila ng isinigaw nito na crush nito si kuya Fate. Tawang tawa si Patrick rito noon na ibinigay rito ang isang saging.

Paborito talaga nito ang saging.

"Sus. Kunwari ka pa. Bakit kailangang mamula?" Pambabara ni Patrick. Seryoso na ito ngayon.

Parang may something rito ngayon.

Nagpapractice na sila ngayon sa hardin nila Warren. Sila ang magpartner ngayon. Bata pa lang sila na lagi ang magkapartner nito. Pero ngayon lang siya nanibago. Parang may nagbago talaga ei. Ngunit hindi niya matunton kung ano. Tila ba hindi siya kampante habang magkalapit sila at ito ang partner niya.

Nakatitig sila sa isat-isa. Tahimik habang sinasabayan ang tugtog ng bawat hakbang ng sayaw.

Nahahapong nagpahinga sila sa gilid.

Kasalukuyan silang nagpapahinga at nagmemeryenda.

"Malapit na pala ang JS Prom. Sa sabado nuh?." Sabi niya kay Warren na nasa tabi niya.

Tumango naman ito.

"May damit ka na ba?" Tanong niya rito.
Tumango naman ito.

"Ikaw?" Tanong nito sa kanya.

"Si mama na raw bahala. Kinuha niya lang ang sukat ko." Sagot niya rito.

Tumango naman ito.

Lumapit naman si Fatima sa kanila.
Sumunod naman si Patrick dito.

Samantalang nasa kabilang sulok naman ng hardin ang mga 4th year na magbabarkada. May kanya ring mundo ang mga ito.

"Ren may gown ka na bang isusuot at casual na pangsayaw?" Tanong ni Fatima sa kanya.

"Si mama na raw bahala." Sagot niya rito. Tumango naman ito.

"Kukunin ko pa lang ako sa thursday e." Sagot nito sa kanya.

"Buti nalang, ako meron na." Proud na sabi ni Patrick kahit walang nagtatanong.

"Parang may nagtatanong. Okay lang yan brad." Sabi ni Fatima sa kanya at tinapik tapik ang braso nito.

"Paki mo." Pambabara ni Patrick rito.

Isip bata talaga ang mga ito. Bagay na bagay sila. Kung di lang sila magbabarkada mapagkakamalan niya ng gusto ng mga ito ang isat isa.

Minsan nga napagkakamalan ang dalawa na magnobyong nag-aaway.

"Maglaro na muna ulit tayo ng dama." Yaya ni Patrick.

"Sige." Sang ayon nila sa kaniya.

"Kunin mo na doon ang dama." Utos nito kay Fatima.

"Kaw na dun." Balik utos nito.

Napipilitan naman nitong kinuha ang dama sa loob.

Naglaro nga sila ng dama habang nagpapahinga. Pagkapahinga ay nagpractice muli sila.

"Thank you mga kapatids." Pasasalamat ni ate Fiona sa kanila.

"Walang anuman Pres. " Sagot ni Patrick rito. Samantalang ngumiti lang silang tatlo.

Pres. dahil SSG Pres. nila ito.

"Naku! Mas nakuha ko yung mga steps ngayon sa cotillion. Ang galing niyo talaga sumayaw apat." Puri ni ate Karla sa amin.

"Mana lang talaga yan sa akin." Pagbibiro ni kuya Dave. Sa kanilang magbabarkada ito naman ang pinakakalog.

Nagtawanan naman sila sa biro nito.

"Salamat sa foods Warren brad." Pasasalamat ni kuya Fate kay Panot.

Tumango lang ito.

Nakabike din ang mga ito pabalik sa pinakacentro. Sa labasan ng nayon na ito kung saan nakatira ang mga ito. Maging ang pinsan din ni Warren na si Ate Fiona ay taga Centro.

Nakiangkas lang din si ate Fiona at Karen sa dalawang kaibigan.

"Salamat mga kapatids." Paalam ng mga ito sa kanila ni Warren.

"Mag-iingat kayong lahat." Paalam niya sa mga ito.

"Babalik ulit kami rito bukas ni Fatima mga bro ha? Ligo tayo sa ilog." Sigaw ni Patrick.

Napatawa siya sa sinabi rito. "Sige sige." Sang-ayon niya. Mga pasaway talaga.

"Maglalakad nalang ako." Pagpapaalam niya rito.

Paalis na sana siya kaso pinigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Wait. Ihahatid na kita. Hintayin mo ako. Kukunin ko lang ang bike ko." Sabi nito.

Tumango siya rito. Ayaw niyang isipin nito na iniiwasan niya ito.

"Panot. " Tawag niya rito.

Lumingon naman ito at napahinto.

"Bilisan mo po." Sigaw niya rito habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa bibig. Namimiss niya ng gawin ang mga iyon. Ang maging bossy na walang malisya. Na hindi nahihiya. Na walang pader na bumabangga. Na hindi niya kailangang magmaangmaangan.

Heto at nakakapit na naman siya sa bewang nito ng mahipit habang nakaangkas nito. Nasasanay na yata at namumuro na siyang maki angkas rito. Napapansin niyang bawat segundo ng papasikat o papalubog na ng araw ay napakahalaga sa ala-ala nilang dalawa. Ito ang mas madalas niyang kasama sa dalawang mahahalagang bagay na iyon sa bawat araw. Ang pagsilay at pagtakipsilip ng araw sa kalangitan.

Sana walang wakas.

Sana ganito nalang sila palagi.

Isang segundo. Hiniling niyang huminto na naman ang oras para sa kanilang dalawa ng kanyang kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/n: haha. Siraulo talaga si Patrick, kaya alam kong hindi niyo kaagad siya makakalimutan. Lol. Hahaha.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top