CHAPTER 2:
A/n: Holah!<3 Hope you like this one.
______________________________________________
CHAPTER 2:
"RENREN!" Malayo pa lang ay rinig na rinig na nila ang malakas na boses ni Fatima. Ang kanilang kaibigan at kaklase din. Kasama nito si Patrick sa kubo kubo ng kanilang paaralan. Yun ang tambayan nila na katapat lamang ng kanilang klasrum.
Apat silang magkakaibigan sa grupo. Siya, si Warren, si Fatima at si Patrick.
Simula pa lang sa elementarya ay magkakaklase na sila. Taga centro lang ang mga ito kung kaya't maaga lagi sila nakakarating rito sa paaralan.
Tipid na nginitian niya lang ito. Kung sa normal na mga araw ito, mag-aasaran kaagad sila ng ganoon kaaga. Kaso wala siya sa mood tumawa ng malakas at sakyan ang mga trip ng mga ito.
"Una na muna ako sa klasrum." Paalam niya sa mga ito.
Naiwan naman itong tulala. Tila nahinuhang wala siya sa mood makipag-usap. Napalingon ang mga ito sa kanyang likuran. Alam niyang nagtataka ang mga ito dahil ito ang unang beses na nauna siya sa paglakad at hindi sinabayan o hinintay si Warren.
Bahala na nga sila.
Dumiretso siya sa kanilang silid aralan.
Maaga pa lang ngunit naabutan niya na agad si Ken na nasa loob ng silid aralan nila. Nakangiti ito sa kanya. Parang gusto niya na lang muli bumalik sa labas at kalimutan ang lahat.
Nginitian niya rin ito pabalik. Dumiretso siya sa kanyang upuan.
"Goodmorning Harren." Naglakad ito papalapit sa kanya.
"Goodmorning Ken." Pinilit niyang ngumiti ng normal.
"San si Warren?" Sumilip ito sa labas ng kanilang silid.
"Andun pa sila sa kubo." Walang ganang sambit niya. Pinaalala na naman nito ang mokong.
Napangiti naman ito sa sinabi niya at tila ba nasisiyahan pa.
Guwapo si Ken, tama. Kaso medyo mayabang kung kaya't minsan maiinis ka rin sa kanya. Ito ang mayor o presidente nila sa loob ng kanilang klasrum kung kaya't malas mo nalang kapag natarget ka nito. Masyado kasi itong strikto, pero salamat sa Diyos di niya pa naman nararanasan ang kamandag nito. Hindi niya naman ito pinagtutuunan ng pansin dahil hindi naman siya nito ni minsan napuna.
Minsan nga inaasar siya ni Fatima na gusto siya nito dahil hindi siya sinusungitan at pinagmamalupitan. Na hindi niya nalang pinansin dahil wala namang kuwentang hinuha iyon.
"H-hareen." Tawag nito sa pangalan niya muli. Napalingon siya rito. Hindi niya namalayang nakamasid na pala siya labas ng bintana kung nasan ang tatlo niyang barkada at nakatambay.
"O?" Pag-uusisa niya rito kahit na sa labas pa rin nakatingin.
Nakita niyang nagtawanan at nag-apiran si Fatima at Patrick na tila inaasar si Warren. Napangiti siyang pagmasdan ang tatlo.
"M-malapit na ang JS Prom." Umpisa nito.
"Oo nga nuh?" Napatingin na siya rito.
Naalala niyang si Warren ang magiging partner niya sa gabing iyon dahil ito ang bestfriend niya.
"P-puwede ba kita maging partner?" Tanong nito na nagpalaki ng kanyang dalawang mata.
Hindi niya mahagilap ang tamang sasabihin dito.
Partner? Bakit siya?
Namula siyang bigla. Niyaya siya nito maging partner. May isip na rin siya kahit papaano kaya alam niyang may motibo ito at iyon ang hindi niya alam.
Napakamot siya sa kanyang buhok.
"A-a e-h si Warre-." Pagpapalusot niya na bigla nitong pinutol.
"Si Warren na naman." Masungit na sambit nito.
Nainis siya bigla rito. Manhid ba ito? Eh sa si Warren ang bestfriend niya, may dapat pa bang tandang pananong doon sa dulo ng magbestfriend kami?
Napayuko nalang siya. Naiinis siya rito pero ayaw niyang kainin ng inis.
"Look, gusto ko lang naman na mas makipaglapit pa sayo... wala na ba akong pag-asa sayo hanggat nandiyan yang mokong na yan?" Prangkang tanong nito sa kanya kasama ang matalim nitong tingin.
"H-hindi naman sa ganun-" Pagpapaliwanag niya rito na pinutol na naman nito.
"Isang linggo. Isang linggo ang ibibigay ko sayo para magkapagdesisyon. Sana pagbigyan mo rin ako kahit ngayon lang. Kahit dito lang..." Ramdam niya pagsusumamo nito.
Wala naman sigurong masama kung tanggapin niya ang paanyaya nito? Sabi nito ngayon lang naman. Bakit hindi diba?
Gusto niyang sambunutan ang sarili. Tama nga ang si Fatima, may gusto ito sa kanya. Pagbibigyan niya ba ito? Sabagay hindi pa sila okay ni Warren sa ngayon kaya't makakabuti muna siguro para sa isat-isa ang umiwas.
"Hindi na kailangan, pumapayag na ako. " Seryosong tugon niya rito. Pagbibigyan niya ito sa pagkakataong ito. Mabait naman ito at ngayon lang naman ito humiling sa kanya. Ayaw niyang isipin nitong masyado ng malaki ang isang hiling nito.
Automatikong nagningning ang mga mata nito. "Talaga? Maraaming salamat Harren. Sobrang saya ko talaga. Salamat." Nakangiti na ito ngayon.
Tama sila. Mayabang ito minsan ngunit may ipagmamayabang naman, istrikto masyado yun ay dahil presidente, pero mabait naman ito. Mabait ito para sa kanya kaya ayaw niya itong biguin sa puntong ito. At saka isa pa, hindi niya lang alam kung siya pa ang yayayain ng bestfriend niya dahil malamang naiilang din ito dahil sa nangyari.
"O." Inabot nito sa kanya ang tatlong rosas na bagong pitas. Simpleng rosas ang mga iyon. Nagtatakang tinignan niya ito.
Para saan tong bulaklak? Ayaw niyang mag-assume pero may pagtingin ba ito sa kanya?
"Balak ko talagang yayain ka bilang partner sa prom. At gusto kong idagdag na simula ngayon liligawan na kita sa ayaw at sa gusto mo." Nakangiting sambit nito.
Ano daw?! Parang ayaw pumasok lahat sa isipan niya ng matino ang mga sinabi nito.
Partner. Ligaw. ?!
"B-bakit ka m-manliligaw?" Nauutal na tanong niya.
Nagulat sila ng may biglang nahulog.
Sabay silang napalingon sa pintuan, nandun na ang mga barkada niya at ilang mga kaklase na kakapasok lamang sa kanilang klasrum.
Si Fatima ang nakahulog ng libro. Nakahawak ito sa bibig nito at tila ba gulat na gulat.
Kinabahan siyang bigla. Kay Warren niya naitutok ang tingin.
Seryoso ito ngayon at blangko ang kanyang ekspresyon. Dinadamba ng kaba ang kanyang dibdib.
Ano kayang iniisip nito sa mga oras na iyon? Noon madali niya lang itong mabasa ngunit hindi bakit hindi niya ito mabasa ngayon?
"Matagal na kitang gusto Harren. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas na loob na ipagtapat sayo. Pasensya na kung nabigla ka, pero hindi ko na mapigilan pa. " Napalingon naman siya ulit kay Ken dahil sa sinabi nito.
"Warren! San ka pupunta? Huuy!?" Rinig niyang pasigaw na tawag ni Fatima.
Nagulat siya doon at napatayo.
"S-sandale lang Harren." Pinigilan siya nito gamit ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Napatingin siya doon at agad naman nito iyong tinanggal.
"Pasensya kana Ken." Iniwan niya ito roon at mabilis na lumabas ng klasrum nila. Nagpalingon lingon siya. Kailangan niyang makita agad si Warren.
Bat nagwalk out yun?
Galit ba siya?
San na yun?
Naiiyak siya. Nag-uunahang tumulo ang mga luha niya sa mata. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito.
Ayaw niyang magalit ito.
Iniiwasan niya lang naman ito dahil hindi niya pa masyadong lubos na napag-isipan kung ano ba ang nangyari?
Bestfriend niya ito dapat walang magbago. Pero ngayon niya lang napaghinuha na baka nasaktan ito dahil pakiramdam nito iniiwasan niya ito. Ngayon lang pumasok sa isipan niya na siguradong nagdurusa rin ito dahil alam niyang kusa lang naman into iyong naramdaman. Mas naiyak siya sa isiping iyon.
Umiiyak na tumakbo sa labas ng klasrum nila. Hindi niya na alam kung bakit siya umiiyak.
Hindi niya ito makita. Hindi niya alintana na makita ng mga kapwa mag-aaral na umiiyak siya. Ang nasa isip niya lang ng mga oras na iyon ay masuyo ang bestfriend niya. Hindi siya sanay na nagtatampo ito. O galit. Iba ang pakiramdam niya sa seryoso nitong mukha kanina.
Pinunasan niya ang mga luha.
Nakarating siya gate nila.
"Manong nakita niyo po bang lumabas si Warren?" Tanong niya kay manong guard.
Kilala nito si Warren. Kaibigan ito ng tito ni Warren kaya kilala nito ang lalaki.
"Lumabas siya ngayon ngayon lang iha. Nagmamadali sakay ng bike niya."
Dumiretso siya sa paradahan ng mga bike doon. Hinanap niya ang bike ni Patrick doon. Agad niya iyong kinuha at sinakyan at nagpedal.
"Teka lang iha? Aalis ka din?" Pasigaw na tanong nito.
Napilitan siyang huminto. "Opo! Hahabulin ko lang siya. "
Tumango naman ito.
"Mag-iingat ka. But nalang maaga aga pa kung kaya't makakalabas labas pa kayo."
"Maraming salamat manong!" Pasasalamat niya kay manong guard.
"Harren!" Boses iyon ni Fatima. Hinihingal ito. Napalingon siya rito.
"Mag-iingat ka. Habulin mo siya. Habulin mo ang kaibigan natin!" Malakas na sigaw nito.
Naiiyak na ngumiti siya at tumango. Nagthumbs up naman siya.
Mabilis siyang nagpedal sa kalsadang iyon.
Bestfriend niya ito. Hindi niya ito kayang tiisin. Kakalimutan niya na lahat ng nangyari kahapon. Magkukunwari nalang siyang walang nangyari.
Bestfriend niya ito at ayaw niyang mauwi iyon sa wala.
Mahal niya ito dahil bestfriend niya ito.
Ito ang human diary niya. Ito lang ang taong walang sawang nakikinig sa mga problema niya. Sa mga walang katapusang kadramahan sa buhay niya. Ito lang ang nang-aasar sa kanya ng hindi siya napipikon. Para niya na itong kapatid.
Nakarating na siya sa kalye na mag-uumpisang daan tungo sa kanilang nayon. Lubak na lubak na daanan na ang tinatahak niya ngayon. Ang kalsada ng kanilang nayon.
Nasilayan niya ito sa kalagitnaan ng kalsadang iyon na nakaupo sa gilid at nakatabi sa bike.
Prente itong nakaupo roon at nakayuko.
Pinupokpok nito ang lupa gamit ang batong hawak nito.
Ipinarada niya ang bike sa tabi din ng kalsada at naglakad siya papalapit rito.
Umupo siya sa tabi nito.
Hindi siya nagsalita. Ngayong araw kakalimutan na muna niya na may pasok sila. Handa na siyang makatanggap ng sermon ngunit hindi niya kayang hayaan ang bestfriend niya.
Hindi rin siya nito inimik.
Hindi siya sanay na ganito sila.
Ipinatong niya ang ulo sa tuhod. Naiyak na siya. Ayaw niyang makita nito na umiiyak siya. Pinigilan niya ang mga hikbi. Tahimik lang niyang hinayaang tumulo ang mga luha sa palda niya.
"Bakit mo ako sinundan?" Tanong nito. Hindi niya mahinuha kung ano ang nararamdaman nito. Kampante lang naman ang tanong niya. Tila normal lang.
Pinigilan niyang hindi humagulgol.
"Wala, umalis ka e. Bestfriend kita kaya sinundan kita."
"Shonga ka talaga. Dinamay mo pa yang pinakamamahal na bike ni Patrick." Normal na asar nito.
Napangiti siya. Napahugulgol na siya ng hikbi.
Itinaas nito ang kanyang ulo.
Nagtama ang kanilang paningin. Hindi niya matanggap na siya pa ang umiiyak ngayon. Dahil alam niyang kung nasasaktan siya, mas double ang sakit na nararamdaman into sa kaloob looban ng puso nito.
Nakita na nito ang kanyang lumuluhang mga mata. Basang basa na ang mukha niya sa pawis at luha. Sinisipon na rin siya.
Nag-aalalang tingin ang ibinaling nito sa kanya.
"B-bakit ka umiiyak?" Napalunok ito.
Kinuha nito ang towel nito sa bulsa at ipinunas sa kanyang mukha. Hindi naman siya umangal.
"Hik. I-kaw kasi ei." Umiiyak paring sambit niya.
Ikinulong siya nito sa dibdib nito.
"Tahan na. Pasensya na. Gusto ko lang mapag-isa kanina. Hindi ikaw ang dahilan. Wag mo na ulit sisisihin ang sarili mo." Hinaplos nito ang likuran niya ng maingat.
Kinuha into ang tali niya sa buhok sa kanyang kamay at maingat na itinali ang buhok niyang nakalugay.
Habang ginagawa into iyon. Nakatitig lang siya rito. Pinagmamasdan at naiiiyak siya habang nakangiti. Napakasuwerte niya nilang kaibigan nito kung kaya't ayaw niyang mawala ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Pasensya na Panot. Nagulat lang ako sa nangyari kahapon. Wag ka nang magagalit ulit sa akin ha?" Itinaas niya ang ulo at tinignan ito.
"Tsk." Marahan nitong pinunasan ang mga luha sa kanyang mata gamit ang towel muli nito.
"Pasensya na kung nakita mo yun at nabigla ka. Kasalanan ko. Wag mo iisiping mali mo yun dahil pagkakamali ko yun at hindi sayo. Hindi dapat lumagpas ang damdamin ko sayo pero wala babs e. Nahulog ako sayo ei. Nahulog ako sa bestfriend ko. Pinilit kong hindi kasi alam kong mali pero hindi ko napigilan babs. Hindi." Umiiyak na rin ito ngayon.
Niyakap niya ito.
"Babs, anuman ang mangyari... san man humantong ang matagal nating pinagsamahan. Kasalanan ko iyon. Wag mong sisisihin ang sarili mo. Pinahahalagahan ko ang pinagsamahan natin sa loob ng ilang taon. Kaya sana may magbago man huwag lang natin kakalimutan ang isat-isa. Gaya ng araw at buwan. " Mahabang paalala nito. Nakakagat labing napatango siya habang nakayakap rito at umiiyak.
Mahal siya ng bestfriend niya. Hindi bilang kapatid o anu pa man kundi dahil isa siyang babae.
Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw kung saan umiyak sila ng umiyak dalawa.
***
Matapos ang araw na iyon marami ang nagbago. Sobrang dami.
Napakalaki na ng pader ang biglaang naiharang sa bawat isa sa kanilang dalawa.
Hindi na tulad ng dati. Wala na ang dalawang magbestfriend sa nayon naming iyon ang laging masaya at magkasama.
Hindi na sila laging magkasama.
Hindi na ito dumadalaw sa bahay nila.
Hindi na ito nakikipaglaro sa mga kapatid niya.
Hindi na ito nakikikain sa kanila.
At higit sa lahat...
Maingat na sinakyan niya ang kanyang bagong bike. Simula sa araw na ito, hindi na rin siya nito kailangan pang isabay. Hindi inaasahang nabilhan na rin siya ng ama ng sariling bike.
Masama ang loob niya. Para bang pinaglalaruan sila ng tadhana. Gusto niyang magpanggap na wala pa siyang bike pero hindi niya alam kung paano.
Bago pa siya makasakay ay nakahinto na ito sa tapat ng bakod nila. Nagulat ito ng makita ang bagong bike niya.
"Ow! May bike ka na?" Tanong nito.
Napatango siya. Ngumiti naman ito.
"Maganda yan. Sige tara na." Simpleng sabi nito at nagpatuloy na agad.
Napasimangot siya rito. "Gusto mo naman para hindi ka na mabigatan pa sa akin." Naiinis na bulong niya sa sarili. Malakas ang loob niya dahil alam niyang hindi na siya maririnig nito.
Mabilis na rin siyang nagpedal agad.
Bale magkasunod lang silang nagbike ng umagang iyon. Sa unang pagkakataon iba ang kanilang sinakyan na bike.
Napakasarap ng simoy ng hangin ng umagang iyon. Napakagandang tanawin ang mga nagsasayawang dahon ng mga tanim na palay. At ang bagong sikat na araw ay tila nakangiti sa kanila.
Katulad ng dati. Sila lang talaga ang nagbago.
Nakangiti siyang nakasunod rito. Kahit na ganito lang sila, okay na siya. Iisipin niya na lang na walang nagbago.
"Renren!" Nagiging gawi na yata talaga ni Fatima ang sumigaw ng napakalakas sa tuwing darating silang dalawa sa school.
Renren ang tawag nito sa kanilang dalawa dahil pareho silang magkatunog ng pangalan. "Warren at Harren."
Hindi nga nila alam kung bakit ganun ang pangalan nila. Minsan na nilang tinanong ang magulang nila sa mga bagay na iyon ngunit hindi rin iyon nasagot ng maayos.
Kumaway siya sa dalawa ng nakangiti. Maraming nagbago pero ang samahan namin nanatiling buhay at hindi mabubuwag.
Kumaway naman ang dalawa pabalik sa kanya.
Maya maya ay narating na nila ang kubong katapat ng klasrum nila kung saan nakatambay ang mga ito.
"Harren may assignment ka na ba?" Tanong ni Fatima bigla.
Nakangiting kinuha niya iyon sa kanyang bag at inabot rito. Hayan, kopyahin mo na agad. Bilis.
"Yieeh. Thank you. Alam na alam mo talagang tamad gumawa ng assignment tong kaibigan mo." Nakatawang sambit nito.
Nagtawanan silang apat sa kubo na iyon.
"Sabi naman kasi sayo kopyahin mo nalang itong assignment ko ei." Pambabara ni Patrick sa kanya.
"Sabing ayaw ko nga ei. Mamaya maitlog pa tayong dalawa niyan. Lagot talaga tayo pag nagkataon." Pang-aasar nito sa lalaki.
"Tsk. Pakipot ka lang ei. Palibhasa mas masipag ako kaysa sayo." Si Patrick.
Nakatanggap naman ito ng batok kay F atima agad.
"Di bale nalang Fatboy. " Asar nito kay Patrick.
"Sabi ng huwag mo akong tawaging Fatboy. Factboy nalang. Factboy." Pagtatanggol nito sa sarili nito.
"Factboy daw mga Renren! Baka naman Fuckboy na ang tinutukoy mo tol!." Tawanan sila.
Tahimik na napailing lang si Warren na nakaupo sa gilid nila. Tumatawa rin ito.
Masaya siyang makitang ganito sila. Normal na nagtatawanan. .
"Fuckboy ka jan. Wala pa nga akong partner sa JS Prom e." Nalulungkot na sabi nito.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Fatima. Binatukan ulit nito si Patrick.
"Aray! Bat mo naman ginawa ulit yun?" Gulat na tanong ni patrick.
"Huy! Nakakalimutan mo na ba? Tayo dapat ang magpartner sa JS Prom. Nangako ka kay papa. Naku ang ulyanin mo talagang lalaki ka. Mapapagalitan tayo jan sa ginagawa mo ei." Pangdadakdak nito rito.
Nangako kasi si Patrick sa papa ni Fatima na sila ni Fatima ang magiging partner sa JS Prom para makampante ito.
"Ay oo nga pala. " Napakamot ito sa ulo.
"Bakit ayaw mo akong maging partner?" Tanong ni Fatima sa kanya.
"Hindi. Gusto ko lang sana maexperience na ibang babae naman ang kasama ko sa event na ito pero no choice na nga pala ako." Pagrarason nito.
"Ano?! No choice ka sa akin?" Di makapaniwalang tanong nito kay Patrick.
Natatawang napailing nalang siya.
Heto na naman ang mga ito. Parang aso at pusa. Bagay nga silang dalawa ei.
Maya maya tumingin ito sa kanya. Tipid na ngumiti siya rito.
"Ikaw Harren sinong partner mo sa JS Prom?" Tanong ni Fatima bigla sa kanya.
Nagulat siya roon. Hindi niya iyon inaasahan.
Kailangan niya bang sagutin ang tanong nito?
"S-si-" Naputol iyon ng biglang sumingit si Warren.
"Si Pamela ang partner ko." Nakangiting singit nito.
Nagulat siya roon. May partner na pala ito? Kailan pa nito niyaya si Pamela?
Si Pamela ay ang kanilang muse sa class. Noon pa man ay nahalata na niyang may gusto ito kay Warren. Ngunit noon ay hindi nito pinapansin si Pamela. Iba na nga pala ngayon.
Bigla siyang nalungkot. Bakit hindi niya kayang maging masaya?
"Talaga? Woah!" Gulat at manghang tugon ni Fatima at napasulyap sa kanya.
"Ang suwerte mo doon tol." Natutuwang puri ni Patrick rito ngunit sa kanya nakaharap.
Gusto niya tuloy tusukin ng ballpen ang bunganga nito. Ang hilig talaga nito mang-asar.
Iniisip ba nitong maaasar siya?
Tama ito. Naasar nga siya sa hindi malamang dahilan.
Siguro, naaasar siya dahil unti unting may dumarating na mga tao at nagiging pader sa pagitan nila.
"E ikaw Harren?" Tanong muli ni Fatima.
Pinilit niyang ngumiti ng normal. "Secret." Yun lang ang sinabi niya.
Ayaw niyang ipaalam sa ngayon sa mga ito na si Ken iyon. Alam niyang asar ang mga ito sa lalaki.
Matalim na tinitigan siya ni Fatima. Tila hindi nagustuhan ang tugon niya.
"Hindi puwede yun. Kaw ha? Natututo ka ng magsecret. Tsk." Puna nito sa kanya bago binalingan si Warren.
"Sinong hula mo?" Tanong nito sa lalaki.
Ngumisi ito ng tingin sa kanya. "Si Regunton." Sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Napasinghap siya. Hindi siya makapaniwalang pati iyon ay narinig nito. Napakunot noong napatingin siya rito.
"Woah! Si Ken? May naaamoy talaga ako sa inyong dalawa noon ei. Diba nabasted mo na yun bakit patuloy ka pa ring binibigyan ng mga bulaklak at chokolate?" Pag-uusisa nito.
Tama ito. Hindi niya naman ito tahasang binasted ito. Pero itinuloy parin nito ang panliligaw. Hindi niya naman ito matanggihan. Hindi niya na alam kung paano.
"Wala yun. Mali ang naaamoy mo Fatima." Nakayukong paliwanag niya.
"Ikaw ang bahala. Sabi mo ei." Sabi nito.
Naglakad si Ken papunta sa kanya habang may hawak na tatlong rosas na naman.
Nailang siya dahil agaw pansin ito sa mga kaklase nila.
"Woah. Ang suwerte talaga ni Harren."
"Ang haba ng buhok ni ate."
"Bagay sila."
"Ang cute nila tingnan."
"Ang sweet naman manligaw ni Pres."
"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape na pagmamahal ni Pres. "
Napayuko siya. Nahihiya siya.
Hindi ba puwedeng tumigil ito ng kusa?
"For you Harren. Again, I like you. Gusto ko lang malaman mo na mas maganda ka pa sa umaga. "
"Woah!"
"Ano daw?!"
"Kyah!"
"Hhaha. Tae ang linyahan."
"Ang sweeet! "
"Pengeng popcorn."
"Haha."
Napakagat siya ng labi niya. "Thank you Ken." Pasasalamat niya rito.
"Yuck! Ang corny mga tol." Rinig niyang bulong ni Patrick at nagkatawanan pa sila ni Fatima.
"Ngayon ko lang nalaman na may mas corny pa sayo Patrick. Magpaparty ka na." Dagdag ni Fatima at pumalakpak pa ito.
Medyo nailang siya lalo sa awra dahil sa ginagawa ng mga ito.
Sinulyapan niya si Warren. Hindi naman ito nakatingin sa kanilang dalawa. Gusto niyang kurutin ang sarili niya dahil ba nakapakomplikado ng baitang na kinatutungtungan niya.
"Walang anuman." Kinindatan siya nito.
Mas lalong hindi niya inaasahan iyon.
"Bat ba fav. mo ang banana?" Pilosopong tanong ni Patrick kay Fatima.
Masamang tingin naman ang ipinambanta ni Fatima rito. Warning iyon.
Mabilis namang isinangga agad ni Patrick ang mga kamay niya sa kanyang ulo.
"Trip na trip mo talaga akong batukan nuh?" Tanong ni Patrick rito.
"Ang daldal mo kasi e. "Si Fatima.
Nagtawanan silang apat. Kasalukuyan silang nanananghalian doon sa kubo na tambayan nila.
"Puwedeng sumabay?" Napatingin sila sa nagsalita. Si Ken iyon. Nakangiti ito at may hawak na tray ng pagkain.
Sa canteen ito bumili. Sila kasing magbabarkada nagbabaon palagi.
"Sure." Labas sa ilong na sabi ni Fatima.
Mabilis naman itong umupo sa tabi niya. Bale napapagitnaan siya ni Warren at Ken ngayon.
Medyo nailang tuloy siya dahil grabe din kung makatitig si Fatima sa kanila. Pati si Patrick ay nadadamay.
Biglang may ibinulong si Fatima kay Patrick na nagpalaki ng mga mata nito.
Pagkatapos ay kunwari namang sa pagkain lang itinutok ni Fatima ang tingin.
"Harren ano ba yung love triangle na sinasabi nitong si Fatima?" Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito.
Love Triangle. Anong ibig sabihin ng mga ito?
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Fatima at binigyan ang lalaki ng anong pinaggagawa mo look.
Nakatikim tuloy ito ng batok kay Fatima.
"Aray! Di ko nga alam kung ano yung love triangle. Kailan pa silang tatlo nagmahal ng tatsulok?" Itinuro niya kaming tatlo.
Nagulat siya roon. Namula siya bigla.
"Ang radar mo talaga sobrang maling timing e. Ayan puro ka kasi saging ei." Paninirmon pa nito kay Fatima.
Namula naman si Fatima... Halatang ito na ang nahihiya sa pinagsasabi ng barkada.
"Pasensya na kayo kay Patrick. NABINGI EI. Sabi ko kami ang magkakaroon ng love triangle. He he." Pagpapalusot nito habang tinakpan ang bibig ni Patrick.
Hindi naman na nakapagsalita pa si Patrick pero namumula ito.
Marahil ay dahil nakahawak ang kamay ni Fatima sa mga labi nito.
"He he. Nakakatawa talaga si Patrick nu?" Pagpapagaan niya sa komosyong nabuo.
"Sinabi mo pa Harren. Ang sarap niya tuloy itali sa puno ng saging. Kita ko lang kung makapagbiro pa siya roon." Sang ayon ni Fatima.
Nagulat siya ng biglang matawa si Ken.
"Ang ganda rin naman palang kasama tong mga barkada mo Harren ei." Nakangiting singit ni Ken.
Napangiti siya rito. "Tama ka." Tahimik lang na kumakain si Warren sa gilid niya.
"Harren. Para sayo to o. " Inusog nito sa tabi ng plato niya ang isang putahe na ulam. Sisig iyon.
Namula siya. "Salamat." Ayaw niya ng baboy pero nakakahiya naman dito.
"Ay! Hindi kumaka-" Agad niyang pinutol ang sasabihin ni Patrick na hindi siya kumakain ng baboy.
"Gusto niyo?" Yaya niya sa mga ito habang mabilis naman na pinasakan ni Fatima ng rice ang bunganga nito. Kumbaga nagmukhang sinubuan ito ni Fatima. Namula naman silang dalawa ng mahinuha kung ano ang nangyari.
Tumango naman si Fatima at Patrick. Dali daling kumuha ang mga ito. Samantalang hindi naman tumalima si Warren.
"Ikaw warren?" Tanong niya rito.
"Sige lang." Nakangiting sagot na hindi siya nililingon.
Himala at ngayon lang ito tumanggi sa sisig. Sa pagkakaalam niya sa kanilang magbabarkada ito ang may pinakapaborito nun.
-------------------------------------------------------------
A/n: ansabe? Haha. Friend zone si uncle mo. (sad)*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top