CHAPTER 10:

A/n: hahayst. Ang sarap ng feeling na naisulat ko na rin ang ending niya. Kayo ng bahalang humusga.

______________________________________________

Chapter 10:

CHAPTER 10:

Isang Segundo.

Naniniwala akong nahulog kami sa isat-isa sa loob lamang ng isang segundo. Maaaring magkaibang araw o oras pero nakakakasiguro akong sa loob ng isang segundo.  Hindi ko man namalayan agad ang damdamin na ito, ang importante ay ang katotohanang nagmahal ako.

Isang segundong pagkahulog,

isang segundong pagkalimot,

isang segundong pagtanggi,

hanggang sa tuluyan sa naging

isang segundong katangahan na ang lahat...

Sapagkat sa loob ng huling segundo ko na lamang naamin na mahal ko nga siya.

Sa huling isang segundo kung kailan hindi na maaari,

kung kailan malabo na ang lahat para sa aming dalawa.

Hindi alinlangan ang hadlang,
mahinahon kong tinahak ang lubak lubak na nayon patungo sa aming bahay.

Nilamon ng ulan ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mata.

Masakit pero tanggap niya na.

Tanggap niya ng minahal lang nila ang isat-isa ngunit hindi ibig sabihin nun na sila na ang nakatadhana.

Ang hindi niya lang matanggap ay ang katotohanang ni hindi man lang nabawasan ang nararamdaman niya para rito sa kabila ng sakit at katotohanang hindi sila para sa isat-isa.

Pinilit niyang ngumiti habang sinasalubong ang mga bawat pagpatak ng ulan sa kanyang katawan.

Basang basa na siya.

"Uh! Uh!" Inuubo na rin siya.

Hindi niya alintana ang lamig, ang kirot, ang sakit, ang pait...

Nababagay lamang lahat ng yun para sa kanya.

Isa siya ng hangal na hindi kayang ipaglaban ang tunay na nararamdaman.

Isa siyang hangal na mas nanaising masaktan kaysa makapanakit ng isang tao.

Isa siyang hangal dahil hindi niya kayang harapin ang sariling nararamdaman.

"Ahhh!? Bakitttttt??????!!!" Pagsisigaw niya.

Nasasaktan siya.

Masama bang ilabas kahit ngayon lang lahat ng sakit na iyon?

Pagod na siya. Pagod na pagod na siya.

Kasalanan niya nga siguro dahil naging manhid siya sa sariling nararamdaman.

Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

Ngayon ang araw ng nasal nito sa ibang babae.

Naitakip niya ang kaliwang kamay sa bibig habang nagpepedal at humahagulgol na sa iyak.

Malakas siya kakayanin niya to.

"Mahal ko na siya." Isang linyang paulit ulit gumigimbal sa isipan niya.

Napailing siya.

"Mahal ko na siya babs." Nawalan siya ng balanse at natumba ang bike niya sa gilid ng daan. Mabuti na lamang at walang bato sa kanyang binagsakan.

Umiiyak na pinilit niyang bumangon at naupo sa gilid nun.

Inunan niya ang kanyang ulo sa sariling tuhod at umiyak ng umiyak.

Tila siya isang basang sisiw na ngayon.

Malabo ng mapahinto.

*Flashback*

Dumaan ang isang linggo pagkatapos ng camping, habang naglilinis siya sa kanilang bahay ay may kumatok sa pintuan.

Nagtatakang pinagbuksan niya iyon at laking gulat niya ng masilayan room ang taong pinakahuling gugustuhin niyang makita sa mga oras na iyon.

Napakaganda nito sa suot nitong kulay yellow na dress. Napakaputi at napakaganda ng kutis, talagang kutis pangmayaman.

Nahiya ang pambahay niyang kasuotan rito at nagkataon pang hindi pa siya nakakaligo.

Ramdam niyang nanliliit siya sa sarili at hindi maiwasang ikompara ang sarili rito.

"Magandang araw, ikaw pala Pamela. Mas lalo kang gumanda muntikan na kitang hindi makilala." Bati niya rito.

Tumaas ang kilay nito bago ngumiti. Nagulat siya roon.

"Magandang araw din." Ito.

"Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong niya rito. Pakiramdam niya mas lalo siyang naiilang ngayon kumpara noon. Tila mas lumawak at lumaki at pader na nasa pagitan nilang dalawa.

Iniabot nito sa kanya ang isang card.

Ayaw niyang mag-isip ng masama pero mas masama ang kutob niya.

Nanginginig na binuksan niya iyon.

Nanlalaki ang mga mata niya. Invitation card iyon ng isang kasal.

Pakiramdam niya huminto sa pagtibok ang puso niya sa mga oras na iyon.

"Pamela and Warren." Sila ang ikakasal.

Ikakasal na pala ang mga ito, pero bakit parang ang bilis naman?

"I hope makapunta ka." Ngumiti ito bago muling tumalikod.

"Siya nga pala." Dugtong nito na umagaw sa atensyon niya.

"Ano yon?" Tanong niya rito.

"Wala talaga akong sakit sa puso. Pasensya na kung naniwala ka sa sinabi ng pinsan ko... Ang totoo niyan maging siya hindi alam na peke iyon." Nakangisi ito.

Sa puntong iyon sobrang nagsisisi siya.

Demonya ito.

Sobra.

Bakit ngayon lang nito sinabi? Dahil sigurado na ito ngayong mapakasalan si Warren?

Putspe.

"Lastly, pagkatapos ng kasal ayaw na kitang makita pang lalapit lapit pa sa asawa ko." Mahinahon ngunit punong puno ng pagbabanta na sambit nito.

End of the flashback

*Flashback*

Nakipagkita siya sa lalaki sa kubo bago ang gabi ng kasal nito.

Binilin niya sa liham na maghihintay siya roon kahit na wala itong balak siputin siya.

Gusto niya sanang matuwa ng dumating ito pero alam niyang walang dahilan para magsaya. Lalo na't ikakasal na ito.

May ilang katanungan lang siya rito na kailangang iklaro.

"Dumating ka." Sambit niya ng maramdaman ang presensya nito sa kubo na iyon.

"Tungkol saan ang nais mong malaman?" Tanong nito.

"Mahal mo na ba siya panot?" Hindi niya mapigilang mapaluha sa sa sariling tanong dahil alam niyang maaaring minahal na rin nito ang babae.

Lumipas ang isang segundo.

"Oo." Sagot nito.

Halos hindi na siya makahinga sa sagot na natanggap.

Okay, alam ko na. Makakaalis ka na. Gusto niyang sambitin kasi di niya magawa dahil nangangamba siyang baka hindi niya na makayanan at mapaghugolhol na siya sa iyak.

"Mahal ko na siya babs." Isang pahayag na mas dumurog sa puso niya.

Sunod sunod na tango nalang ang tanging naging kasagutan niya.

Naiintindihan niya. Maaaring hindi talaga tunay na pag-ibug ang nararamdaman nito para sa kanya. Kung kaya't ganun nalang ito kadaling nakalimot at makahanap ng bago sa katayuan ng iba.

"Congrats, hayaan mo darating ako bilang best friend mo." Sabi niya rito bago nagmamadaling umalis sa kubo na iyon.

Matulin siyang tumakbo sa gilid ng palayan na iyon. Hindi sinasadyang namali siya ng tapak kung kaya't nadulas siya. Dumiretso siya sa lupa ng palayan na maputik at basa.

Natatawa siya sa kalagayan niya ngayon.

Mabuti na lamang talaga at gabi na kung kaya't wala nang makakaalam pa sa katangahan niya.

Tahimik na umiiyak niyang narating ang kanilang tahanan. Agad siyang dumiretso sa kanilang banyo at doon ay pinaliguan ang kanyang sarili.

End of the Flashback

Flashback* the wedding.

Napakaguwapo nito ngayon.

Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito sa mga oras na iyon ngunit nasisiguro niyang seryoso ito.

Dinadamba ng magkahalong sakit at pangangamba ang puso niya.

Kakayanin niya ba?

Andyan na ang mapapangasawa nito.

Masayang naglalakad papalapit sa altar. Tila hindi niya yata kakayanin pa.

Nagtama ang paningin nilang dalawa. Hindi siya ngumiti rito... Kung seryoso ng ekspresyon nito ay mas seryoso siya.

Maya maya patuloy na sa kanya parin ito nakatingin sa kabila ng katotohanang malapit ng makarating ang mapapangasawa nito sa kanyang tabi.

Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya habang nakikipagtitigan rito.

"Bes, okay ka lang?" Si Fatima.

Sinundan siya nito. Ngunit hindi niya ito pinansin.

"Bes. Huy.?!" Umiiyak na rin ito.

Umiling siya rito.

"Magsalita ka naman. Sabi ko na nga ba mahal mo rin siya e.!" Sigaw nito sa kanya.

Hinayaan niya lang ito.

Ayaw niya na kuta na siya. Mas gusto niya na lang mapag-isa.

Oo na siya na ang hangal. Ang tanga.

Tumalikod siya. Hindi niya pala kaya.
Mabilis siyang naglakad paalis roon. Paglabas niya ng simbahan ay mabilis niyang sinakyan ang kanyang bike. Hindi niya inda kahit na madumihan pa man ang suot niyang pink na gown dahil isa siya sa ginawang abay ng mga ito na mas ikinasama ng loob niya.

Pinagtitinginan siya ng mga tao sa labas, ngunit hindi niya iyon ininda.

Maya maya nagulat siya ng bumuhos ang napakalakas na ulan. Tila sumasabay sa pagdadalamhati ng puso niya ito.

Mas hindi niya matanggap.

End of the flashback.

Masakit mang aminin, hindi lang sa may mahal na ang taong minahal niya.

Sa mga oras na ito kasal na rin ito sa babaeng mahal nito.

EPILOGUE

Tahimik na pinagmasdan nila ang kanilang nayon ng tahimik.

Kasalukuyan silang nasa ilog ngayong apat na magbabarkada. Nakaunan si Fatima sa braso niya habang nakapikit ang mga mata nito. Napasulyap siya sa tiyan nitong lumalaki na.

"Nakakamiss yung mga bagay na nagagawa pa natin noon ano?" Si Patrick. Kung ikukumpara noon mas higit na nagmature na ito ngayon.

"Tulad ng?" Tanong niya rito.

"Katulad ng naaangkas pa namin kayo sa bike." Sagot nito.

Napatango siya.

"Ikaw Warren anong namiss mo?" Tanong nito sa best friend nitong lalaki.

"Yung dating Harren." Seryosong sabi nito.

Napakamot naman si Patrick sa ulo dahil sa sinabi nito.

"Siraulo ka talaga. Ano bang nagbago sa kanya?" Tanong nito.

"Mas madali ng uminit ang ulo niya ngayon sa akin." Natatawang sambit nito.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"May angal ka Warren?" Tanong niya rito na may pagbabanta.

"Wuwala!" Agad na sagot nito.

"Tsk. Siguraduhin mo lang." Pambabanta niya rito.

"Eh ikaw Harren?" Tanong naman ni Patrick sa kanya.

"Si Ken." Tuwid na sagot niya rito.

"S-si ken?" Gulat na tanong nito.

Napasulyap naman ito kay Warren na ang sama sama na ng tingin ngayon.

"Basta one time. Nasearch ko yung fb ni Ken hinanap hanap ko na siya." Diretsong sagot niya rito.

"Wag mo sabihing." Gulat na hinala nito.

Napangisi siya rito.

Seryoso at nagtitimping tumango naman si Warren kay Patrick.

"Buntis ka na rin at si Ken ang pinaglilihaan mo?" Tanong nito.

Malaking ngiti at isinagot niya rito.

"Patay tayo niya pareng Warren." Naiiling iling na sambit nito.

"Akala ko malala na si Fatima dahil kailangan pa naming umattend noon sa concert ng mga EX-b dahil gustong gusto niyang pakinggan ang mga kanta nila. Mas malala pala itong si Harren maglihi. Mas gugustuhin ko na lang na ang mga idol ko ang paglihian niya kaysa naman sa karibal ko." Naiiling na sambit nito at napakamot.

"Ano? Fatboy?! Umaangal ka na ngayon?!" Bigla siyang napatakip sa tainga ng magbunganga bigla si Fatima. Nakikinig lang pala ito.

Sinenyasan siya ni Warren na lumioat sa tabi niya kaya nakangiti siyang tumayo at naglakad tungo sa tabi nito.

Mahal na mahal niya talaga itong lalaki na ito. Pinagpagan nito ang upuan sa tabi nito bago siya maingat na pinaupo.

"Salamat babs." Kinikilig na sambit niya rito.

"You're always welcome hon." Hinalikan siya nito sa noo.

Inihilig nito ang ulo niya sa balikat nito saka maingat na hinaplos ang tiyan niya.

"Excited na akong lumabas si Zarren." Sabi nito. Napahagikhik siya doon.

"Ano ba yan? Eheem. Baka gusto niyo ng umuwi?" Pagpaparinig ni Patrick.

"Gusto mo na bang umuwi?" Pabulong na tanong into sa kanya.

"Inaantok na ako babs." Sagot niya rito.

"Edi uwi na tayo." Sabi nito sa kanya na sinang-ayunan niya naman.

"Mukhang inaantok na ang mga misis natin pare... Uwi na muna tayo. Bukas nalang ulit." Paalm ni Warren rito.

"Sige pre. Kanina pa inaantok tong kumare mo." Sagot nito.

Napangiti siya habang pinagmasdan itong maingat na inaalalayan si bes.

Tama naging mapaglaro ang tadhana sa amin ngunit sinong mag-aakalang kami parin sa huli ang magkakatuluyan? Maging sina Patrick at Fatima na kung tutuusin ay halos isumpa na noon ang isat-isa ng maging magfiancee ng hindi inaasahan?

Life is really full of surprises, we just need to be stronger than before. Wiser than it.

Inalalayan siya ni Warren tumayo sa upuan. Napakasweet talaga nito.

"Bye Pat and Tim." Paalam niya sa dalawa.

Nilakad lamang nila ang palayan dalawa habang sumakay naman ang mga ito sa kotse ng mga ito.

Tahimik na naglakad sila sa gilid ng palayan na iyon.

Hindi niya inalis ang titig rito.

"W-wag mo akong titigan sabi ng ganyan. Kinikilig ako." Seryosong sabi nito habang namumula na ang magkabilang pisngi nito.

Napangisi siya. "Paano kung ayaw kong huminto? Dahil ikaw lang ang gusto kong pagmasdan?" Tanong niya rito.

Napahinto naman ito. "Iniisahan mo ako a." Paghuhuli nito sa kanya.

Binigyan siya nito ng mabilis na halik sa labi na hindi niya inaasahan. Bago pa siya makareact mabilis na itong tumakbo palayo sa kanya.

"H-oy! Sabi ng wag ka basta basta manghahalik e!" Sigaw niya rito.

Tumawa naman ito ng malakas.

Nagkunwari siyang galit at sumimangot.

Kinabahan naman ito at mabilis na bumalik sa tabi niya.

"Biro lang hon." Panghihingi nito ng tawad.

"Pahalik ulit ha?" Maingat siya nitong binigyan ng halik sa noo.

Nakangiti siya.

Ito yung ending na hinahanap hanap niya. Yung masaya. Punong punk ng pagmamahal. Kaya hindi siya nagsisising ito ang minahal niya at pinakasalan niya.

Dito siya sa lalaking handa siyang pangitiin bawat segundo at paiyakin sa tuwa.

Sa wakas nahanap niya na ang lalaking handa siyang pakiligin bawat segundo na kasama ito.

Nag-iisang lalaking handang tanggapin lahat ng kaikikan niya dahil sobrang mahal siya nito.

Napahaplos siya sa kanyang tiyan.

"Baka gusto mo ring halikan si baby." Nakangiting suhestiyon niya rito.

Yumuko naman ito at hinalikan ang tiyan niya.

"I love you too anak. Kayo ng ina mo. Magpakalusog ka ha? Mahal na mahal ko kayo ni mama. Sa akin ka magmana ha? Hindi sa pinaglilihian ng ina mo." Kausap nito sa kanilang anak.

Nakatitig lang siya rito habang hindi namamalayang tumutulo na pala ang luha niya. Nagulat nalang ito ng masilayan siyang umiiyak.

"O. Bakit ka umiiyak?" Takang tanong nito.

Mas napalakas ang iyak niya.

"Hon. Sobrang saya ko dahil ikaw minahal ko. Napakasuwerte ko sayo hon. Mabuti nalang at hindi mo tinuluyang pakasalan yun impakta na yun." Umiiyak na sambit niya.

"Pasalamat ka kamu hon. at naglakas loob si Fatima noon na guluhin ang kasal at isigaw sa akin na mahal mo ako at kailangan kitang habulin bago pa mahuli ang lahat. Doon lang ako natauhan. Nagsisi ako. Sobra. Muntik na kitang mapakawalan." Pahayag nito bago siya ikinulong sa bisig nito.

*Flashback*

"Totoo bang mahal mo ako?" Agad niyang inangat ang paningin upang masiguro na si Warren nga ang nagsalita.

Hindi siya nabigo.

"W-warren. O-o. Mahal kita! Mahal na mahal kita." Umiiyak na sigaw niya rito kahit na magkalapit lang sila.

Napailing na tinakbo nito ang pagitan nilang dalawa at mahigpit na niyakap siya.

"Paano ang kasal niyo?" Tanong niya rito.

"It's all about business. Buhay ko to at ako magdedesisyon." Sagot nito.

"P-paano kung." Aangal pa sana siya kaso.

"Ikaw ang mahal ko at ngayong malinaw na sa akin ang lahat... Na mahal mo rin ako yun lamang ang importante sa ngayon." Hinalikan nito ang noo niya.

End of the flashback.

***
"Lalaki po ang anak niyo." Doctor.

"Yes!" Tuwang tuwang sambit nila mag-asawa.

"So it's really Zarren hon a?" Tuwang tuwang sambit nito.

"Yes, Zarren Geron." Nakangiting sambit niya rito.

"Yes. I love you hon." Sambit nito sa kanya.

"Lab you too." Sambit niya rito pabalik.

"Eheem." Napahagikhik silang dalawa at nanghingi ng paumanhin ng tumikhim ang doctor.

______________________________________________

A/n: Magpapasalamat ako kung may mga susuporta sa short story ko na to. Sobra. So, worth it ang two weeks na pagnanakaw ko ng sarili kong oras mula sa hectic na sched para isulat to. Gusto ko kasi kahit papaano may matapos na na short story. Para patunayan sa sarili ko na, kaya ko. Na hindi lang hanggang drawing sa utak ko. Wahaha. I love you people. Sana nabasa niyo hanggang dito. Hindi niya perfect pero alam kong worth it siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top