Chapter 8
Agad kong nilingon si Claire na ngayon ay nakaupo sa kama, halos masapo ko ang aking noo ng makita kong hinuhubad ni Claire ang damit nya. Did she want to seduce me?
"Come." I said at saka sumenyas na lumapit sya sa'kin.
Agad namang lumapit ang babae, sumenyas akong sumilip sya sa veranda. Agad nya naman 'yong ginawa, gulat syang lumingon sa akin bago muling sumulyap sa veranda.
"Na'ndito si Gracel." Sambit nya, napatango na lamang ako bago nahiga sa kama.
"What am I going to do? Baka mamaya n'yan bigla nya na naman akong sugurin katulad ng ginawa nya kahapon." Sambit nya bakas sa kanyang boses ang labis na takot, napakunot ang noo ko bago tumayo mula sa aking kinahihigaan.
"What did you said?" I asked, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba sya o hindi "Tell me, then." Inis na sambit ko habang papalapit sa kanya.
"Itinulak ako ni Gracel, muntik pa nga akong mahulog sa rooftop e tapos biglang dumating si Carter. Ang sabi nang kaibigan kong nakakita sa kanila, pumasok sila sa isang hotel." Sambit nya pa, natawa na lamang ako ng sabihin nya iyon.
"Are you sure she did that?" I asked, napatango sya.
Agad akong sumilip sa veranda para makita kung naroon pa si Gracel, nang makita ko syang wala na agad akong napalingon kay Claire. Hinila ko sya papalapit sa'kin, dahilan para maglapit ang mukha naming dalawa.
"A-anong ginagawa mo?" Utal na tanong nya, bakas sa boses nya ang labis na pananabik sa gagawin ko kaya napangisi na lamang ako bago sya hilahin palabas ng kwarto.
"Now, get out! Ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo! Humanap ka na rin ng iba mong trabaho, malandi!" Sigaw ko sa kanya bago muling pumasok sa aking kwarto.
Hihiga na sana ako sa kama ng maalala kong nagpunta rito kanina si Gracel, napabuntong hininga na lamang ako at muling sumulyap sa kinatatayuan nya kanina. Napailing na lamang ako at saka kinuha ang cellphone ko, napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang message na ako ang nagsend.
To: Misis ko.
'Akala mo ba affected ako sa ginawa mo? Look at you, hindi kita gusto. Napipilitan lang naman ako dahil nakukuha ko ang gusto ko sa'yo.'
Napasapo ako sa aking noo at saka idinelete 'yon agad, hindi ko alam kung nabasa nya iyon o hindi pero kinakabahan pa rin ako. Baka magtanim sya ng sama ng loob sa'kin katulad ng ginawa ko sa kanya.
Agad akong nagpalit ng damit bago muling lumabas, napangiwi na lamang ako ng maalalang nasira pala ang kotse ko. Agad kong inilabas ang cellphone ko para tawagan si Kuya Roy, ang taxi driver na lagi kong kasama.
I was about to call him ng bigla na lamang magsend ng picture si Carter, his with Gracel. Deretso ang tingin ni Gracel sa kanyang cellphone habang nagtitipa.
"Fuck!"
Sigaw ko, napailing na lamang ako at saka bumaba ng kotse.
Hiniram ko ang isang kotse ni Daddy na ngayon ay na sa bahay nila Lolo, agad naman akong nakarating do'n. Napansin kong kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Tumatawag si Kuya Roy, he have 20 missed calls at hindi ko 'yon nasagot.
Muling tumawag si Kuya Roy at sa pagkakataong ito nasagot ko na, hindi ko alam pero bigla ko na lamang nabilisan ang takbo ng kotse.
[Tristan magdahan dahan ka nga sa pagpapatakbo mo, para kang may hinahabol na kabayo ha] Inis nyang bungad, napangisi na lamang ako at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.
"What is the problem Kuya? Bakit ilang ulit mo akong tinawagan? May problema ba?"
Magkakasunod na tanong ko habang inililiko ang kotse, i was about to slow down ng biglang may bumangga sa likod ko. Inis akong bumaba ng kotse at nagulat ako ng makita ang isang hindi pamilyar na lalaki na ngayon ay kabababa lang sa kanyang kotse.
"Anong problema?"
Mahinahon kong tanong, napakunot ang noo ko ng bigla na lamang nya akong kuwelyuhan.
"Problema? Siraulo ka ba? Ikaw 'tong nakaharang sa daan ko tapos tatanungin mo ako kung ano ang problema?" Inis na sambit nya at saka ako sinuntok ng malakas.
Dahil sa sobrang inis, bumwelo ako at saka ibinalik sa kanya ang suntok na ibinigay nya sa'kin. Halos ilang minuto rin ang lumipas magmula ng magpambuno kaming dalawa, mabuti na lamang at may umawat na traffic enforcer sa'min.
"Sya ang nauna, nakita nyo naman na sya ang sumugod sa'kin." Mayabang na sambit ng lalaki, napailing na lamang ako bago bumulong sa enforcer.
"Don't mind him, aayusin ko na lang 'to mamaya. I have something important to do." Sambit ko, agad na tumango ang enforcer kaya muli akong bumalik sa kotse.
Muli kong inabot ang cellphone ko para muling kausapin si Kuya Roy, mabuti na lamang at hindi nya tinapos ang tawag. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling magsalita.
"Tell me the problem Kuya Roy, para naman matulungan kita." I said.
[Pumunta ka rito sa hospital, na'ndito si Gracel. Bigla na lang syang hinimatay kanina no'ng ihatid ko si Sir Carter sa Airport]
Paliwanag ni Kuya Roy, napasapo na lamang ako sa aking noo ng maintindihan ang ipinaliwanag nya. Dali dali kong pinaharurot ang kotse at nagtungo sa hospital kung sa'n sila naroon. Ilang sandali pa ang lumipas ay narito na ako agad akong nagtungo sa warder at itinanong kung nasa'n si Gracel.
"Mabuti naman at narito ka na." Sambit ni Kuya Roy nang makapasok ako sa kwarto kung saan naroon si Gracel.
"I'm sorry, I'm late." I said.
Agad akong lumapit sa nakahiga ngayon na si Gracel at saka hinalikan ang kanyang noo, dahil sa maling akala nangyari ang bagay na 'to. Bakit kasi ang hilig kong maniwala sa kaba ko?
"W-what happened?" I asked.
Agad kong nilingon si Kuya Roy na ngayon ay nakayuko lamang, lumapit ako sa kanya at saka sumenyas na itaas nya ang kanyang tingin mula sa'kin.
"Tell me." Masungit kong sambit.
"Alam kong ikaw ang sumilip kanina sa Veranda, hindi ba at nakita mo sya sa labas ng gate nyo?" Tanong nya, agad naman akong napatango "Hindi ko alam kung bakit sya nagpumilit na pumunta sa'yo kahit na alam nyang may sakit sya." Kuwento no Kuya Roy habang nagtitimpla ng kape.
Napayuko na lamang ako bago muling sumulyap sa natutulog ngayon na si Gracel.
"Fuck! This is all my fault." Mahinang sambit ko sabay mahigpit na humawak sa buhok ko.
"Wala kang kasalanan, masyado lang akong naging desperada." Rinig kong sambit ni Gracel kaya agad akong lumapit sa kanya.
Agad ko syang niyakap ng mapagtagumpayan ko syang lapitan, halos isubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib dahil sa labis na takot. Hindi ko alam kung galit ba sya, dahil para sa'kin iba ang tono ng kanyang pananalita.
"Tell me, may masakit ba sa'yo? Fuck! Hindi ko alam ang gagawin ko!" Inis na sambit ko at saka sya tinitigan, napakunot ang noo ko ng bigla na lamang syang ngumiti at hawakan ang mukha ko.
"H'wag kang mag-alala, ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko." Sambit nya, muli ko syang niyakap at saka hinalikan "Ayaw ko ng ulitin mo pa 'yon, hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag." Malungkot na sambit nya habang naka-kibit balikat.
Napangisi na lamang ako bago kurutin ang pisngi nya, kita ko ang pag-kunot ng noo nya ngunit imbes na matawa ginaya ko lamang ang ginagawa nya.
"H'wag kang magtampo, hindi mo bagay." Sambit ko at saka tumawa ng malakas.
Natigil na lamang ako sa kakatawa ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang ama ni Carter, napayuko na lamang ako bago sya linungin. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa anak nya dahil bigla ko na lamang 'yon sinuntok ng hindi nalalaman ang tunay na dahilan.
"She's okay now, bibigyan ko na lang sya ng medicine at vitamins para mas lalong lumakas ang immune nya.........marahil sa lakas ng ulan kagabi kaya sya nilagnat, h'wag ka ng mag-alala Tristan. She's fine now." Sambit ng ama ni Carter, napangiti na lamang ako bago muling ibaling ang tingin kay Gracel.
"Sabi ko naman sa'yo, ayos lang ako." Sambit nya bago muling ipikit ang kanyang mga mata.
Sumulyap ako sa ama ni Carter na ngayon ay kalalabas pa lamang ng pinto, agad akong sumunod sa kanya at saka sya kinausap.
"T-tito." Utal na tawag ko rito, agad naman syang lumingon sa'kin. Nagtatanong nya akong tiningnan kaya napabuntong hininga ako bago muling magsalita "About what happened, I'm so really really sorry. Hindi ko alam na magagawa ko 'yon kay Carter, I'm just........I'm ju—" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang magsalita ang ama ni Carter na si Tito Jonas.
"You're just jealous, am I right?" He asked, napailing na lamang ako at saka natawa ng tapikin nya ang likod ko.
Muli akong bumalik sa kwarto, nagulat ako ng makitang nakatayo na si Gracel at tila ba handa na syang umalis. Nagtatanong ko syang tiningnan ngunit tinawanan nya lamang ako bago umakbay sa'kin.
"What?" Masungit na tanong ko, napailing lamang sya bago ako halikan.
Napangisi na lamang ako ng bumitaw sya sa'kin at saka naunang naglakad, tinapik ni Kuya Roy ang likod ko kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Ikaw ha, masyado ka nang nakakarami baka mamaya n'yan hindi mo na 'yan hiwalayan." Sambit ni Kuya Roy, napailing na lamang ako bago sumunod kay Gracel.
I was about to start the car ng mapansin kong hindi ko kasama si Gracel, napailing na lamang ako bago bumaba ng kotse at tingnan kung kasama ba sya ni Kuya Roy o hindi.
"Kuya Roy, did you see Gracel?" I asked, napailing lamang sya bago sumenyas na aalis na.
Napabuntong hininga na lamang ako bago muling bumalik sa kotse, ipinikit ko ang mga mata ko at saka pinigilang magalit.
"Ang babaeng 'yon! Pinapasakit nya talaga ang ulo ko!" Sigaw ko at saka hinampas ang manebela.
I already start the engine ng magulat ako, napalingon ako sa may hawak ngayon ng isang pekeng snake na si Gracel. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit tinawanan nya lamang ako, sumenyas ako sa kanya na sya'y sumakay na at hindi naman ako nahirapang pilitin sya dahil sumunod sya agad.
"Masyado mong pinapasakit ang ulo ko." Inis na sambit ko nang makapasok sya sa loob ng kotse.
"H'wag ka ng magalit, I'm gonna kiss you na lang." Sambit nya at saka ako hinalikan, sa tono ng pananalita nya para syang bata.
"I'm sorry, hindi ko alam na mangyayari 'to. Sana pala pinakinggan muna kita." Sambit ko pa, hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
Nagulat na lamang ako ng punasan ito ni Gracel, hinawakan ko ang mga kamay nya at saka 'yon hinalikan. Pilit kong pinigilan ang mga luha kong walang sawa sa pagtulo, napangiti ako ng ngumiti si Gracel. She's so gorgeous, hindi ko talaga alam kung makakahanap pa ako ng isang babaeng maunawain na katulad nya.
"Bakit ganiyan ka kung makatingin?" Naguguluhang tanong nya, napailing na lamang ako bago sya halikan.
Huminga ako ng malalim bago muling ibalik ang tingin sa manebela ng kotse, agad kong pinaandar ang kotse ng bumitaw sa pagkaka-hawak mula sa kamay ko si Gracel.
"Let's go?" I asked, napatango na lamang sya bago isandal ang ulo sa upuan.
———
"I'm sorry about what happened, hindi dapat ako naging seloso at hindi rin dapat ako masyadong nag-overthink about sa nalaman ko." I said sabay hawak sa kamay nya, napangiti na lamang ako ng makitang tulong na pala si Gracel. Unti unti kong hinawakan ang noo nya para malaman kung humupa na ba ang lagnat nya "I'm sorry." I said before lent her a kiss.
Binuhat ko sya papasok sa kanilang tahanan, magsasalita na sana ako ng bigla nyang imulat ang kanyang mga mata. Napangiti na lamang ako bago sya tuluyang ihiga sa kama.
"Are you okay now?" Tanong ko.
"Much better kaysa kanina." Sagot nya, napatango na lamang ako bago tumabi sa kanya.
"Can I ask a question?" I asked.
"You're already asking." Natatawa nyang sagot, natawa na lamang ako bago hawakan ang mga kamay nya.
"If someone will court you, sino ang pipiliin mo kung kinakailangan? 'yong tao ba na 'yon o ako?" Tanong ko, naguguluhan syang lumingon sa'kin at saka ako tinitigan sa mata.
"Alam mo kung ano ang sagot ko." Sambit nya, kumunot ang noo ko at pilit na inisip ang sinabi nya "You don't need to ask kung sino ang pipiliin ko, why? Because I always choose you, no matter what. Ikaw lang, Mister ko." Sagot nya dahilan para mapangiti ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top