Chapter 7
Hindi ko talaga akalain na sinabi nya 'yon, ano ba talagang problema nya? Ako na nga ang pumunta rito sa kanila tapos mukhang ayaw nya pa akong makita, kapag nakaharap ko ang lalaking 'yon humanda sya sa'kin dahil bubugbugin ko sya.
"Hija, hinay hinay ka lang dahil baka mamaya super saiyan ka na." Rinig kong sambit ng driver.
Napailing na lamang ako at saka muling sumulyap sa veranda, napansin kong may sumilip kaya biglang napakunot ang noo ko. Kung hindi ako nagkakamali 'yon ay isang babae.
"Pasensya ka na talaga, sa susunod ka na lang pumunta dahil inaasikaso ni Sir Tristan ang bisita nya." Sambit pa ng maid, napatango na lamang ako.
"S-sinong bisita?" Utal na tanong ko.
Napalingon ako sa veranda kanina kung saan ko nakita ang isang babae, napayuko ako ng mapagtantong kwarto 'yon ni Tristan. Imbes na magsalita pa tumalikod na lamang ako at saka naglakad papalayo sa gate, agad ko rin pinunasan ang aking mukha ng biglang may tumulong luha.
Muli akong nqpasulyap sa veranda bago tuluyang umalis, nang makalabas ako ng village agad kong inilabas ang cellphone ko. Nagulat ako ng magtext ang dati kong kaibigan na si Claire, napakunot ang noo ko when I saw the video she send. Nakapalupot ang dalawa nyang kamay sa leeg ni Tristan samantalang si Tristan naman ay nakahawak sa tagiliran ni Claire.
"Bakit?"
Tanong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking mga luha, napakagat ako sa aking kuko ng maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo.
Agad akong lumapit sa taxi na nakaparada sa tabi ng isang puno ng acacia, bago ako tuluyang sumakay sa kotse muli akong sumulyap sa daan patungo sa bahay nila Tristan. Napabuntong hininga na lamang ako at saka yumuko bago tuluyang sumakay. Habang na sa sasakyan hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa cellphone ko, paulit ulit kong ginawa ang pagbuntong hininga ngunit hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi ma-curious sa kung anong mayro'n sa video.
"Sa sobrang dami ng nangyari hindi mo na alam ang iyong gagawin, kung ako sa'yo hija mas gugustuhin ko munang mag-pahinga dahil halata sa itsura mo na may sakit ka." Rinig kong sambit ng taxi driver.
Agad kong iniangat ang aking ulo ng marinig ang bawat salitang 'yon, napakunot ang noo ko ng makita si Kuya Roy. Ang taxi driver na tumulong sa'kin kanina, napailing na lamang ako habang tumatawa ng itaas nya ang dalawa nyang kilay. Ang ibig sabihin ng pagtaas nya ng kilay na 'yon ay 'magtiwala ka, dahil matatapos rin ang lahat' ngumiti na lamang ako bago sumulyap sa bintana.
"Kuya Roy, palagay mo ba magkakaayos kami ni Tristan?" Tanong ko habang patuloy na pinagmamasdan ang bawat bahay na aming nadaraanan.
"Oo naman, bakit hindi? Parehas kayo ng nararamdaman kaya hindi mo kailangang kabahan." Sagot ni Kuya Roy, napatango na lamang ako at sapilitang ngumiti.
Pumikit ako saglit at saka bumuntong hininga, nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko ang panginginig ng aking mga daliri. Napabuntong hininga na lamang ako at saka itinago 'yon sa aking bag, hindi puwedeng may makakita nito dahil sa tuwing manginginig ang mga kamay ko may nangyayaring hindi maganda.
"Bakit parang namumutla ka?" Tanong ni Kuya Roy, gulat akong napatingin sa kanyang bago muling sulyapan ang aking mga kamay "May problema ka ba?" Tanong nya pa, napailing na lamang ako at saka ngumiti.
Pilit kong pinigilan ang emosyon ko, ayaw ko munang pag-usapan ang mga nangyari ngayong araw dahil may palagay ako na hindi magiging maganda ang kalalabasan kung paiiralin ko ang aking emosyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka pinilit na matulog.
Ilang sandali pa ramdam ko ang pag-hinto ng kotse, unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Magsasalita na sana ako ng biglang buksan ang pinto ng kotse, nagulat ako ng makita si Carter. Napangiwi na lamang ako ng bigla nya akong paka-titigan ng kakaiba.
"Kuya Roy, take me to the airport." Rinig kong sambit ni Carter, agad na pinaandar ni Kuya Roy ang kotse "Do you have a problem?" Carter asked, napailing na lamang ako at saka binigyan sya ng mapait na ngiti.
Nanatili akong hindi nagsasalita hanggang sa makarating kami sa airport, hindi ko alam pero iwas na iwas ako ngayon kay Carter. Sa tuwing tititigan nya ako ay nangdidiri ako, para kasi syang ex-convict na handang pumatay sa ano mang oras.
"Sir, tutulungan ko na po kayo." Rinig kong sambit ni Kuya Roy, napalingon ako kay Carter na pababa na ngayon ng sasakyan "Dya'n ka muna ha?" Sambit ni Kuya Roy, napatango na lamang ako at saka isinandal sa upuan ang ulo ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na makita ang anino ni Carter, ngunit nagulat ako ng bigla na lamang syang dumungaw sa bintana kung saan naka-sandal ang aking ulo.
"Hindi mo man lang ba ako ihahatid? This is the last day na makikita mo ako, wala man lang bang goodbye?" He asked emotionally, napabuntong hininga na lamang ako.
Inisip ko kung pagbibigyan ko ba sya o hindi dahil baka dumagdag pa ito sa problema namin ni Tristan.
"Goodbye, hindi na kita maihahatid. Have a safe flight!" Sambit ko at saka sya nginitian, buntong hininga lamang ang isinagot nya bago tuluyang tumalikod at lumakad papalayo sa kinaroroonan ko.
Pasulyap akong tumingin sa cellphone ko, nagulat ako ng makita ang message ni Tristan.
From: Mister ko (Tristan)
'Akala mo ba affected ako sa ginawa mo? Look at you, hindi kita gusto. Napipilitan lang naman ako dahil nakukuha ko ang gusto ko sa'yo.'
Kumunot ang noo ko ng mabasa ang message unavailable, napabuntong hininga na lamang ako at saka muling isinilid ang cellphone sa bag ko. Napahawak ako sa aking ulo ng bigla na lamang itong sumakit, halos mamilipit ako sa sakit. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan ng kotse, pilit ko rin na inabot ang tubig ko ngunit bago ko pa 'yon maabot. Bigla na lamang pumikit ang mga mata ko, kay tagal ng nakapikit ng mga mata ko ngunit hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit ng aking ulo.
"M-maam ano pong nangyari?" Rinig kong tanong ni Kuya Roy, ngunit hindi ako nakasagot dahil maging ang bibig ko ay hindi ko maibuka.
TRISTAN'S POV.
Nag-decide akong magtungo sa bahay nila Gracel ngunit nang makarating ako ro'n sinabi ng kanyang ina na hindi pa sya umuuwi, it's already 10:00 pm. Luminga linga ako sa paligid, napansin ko ang larawan ng isang batang lalaki. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong pinsan ko 'yon, ang batang na sa larawan ay si Carter. Ano kaya ang mayro'n sa kanila? Bakit napunta rito ang picture ng pinsan ko?
"Hindi ko matawagan si Gracel, nakapatay ang kanyang cellphone." Rinig kong sambit ng ina ni Gracel, napatango na lamang ako.
"Sige po, uuwi na po ako." Sambit ko, agad akong lumabas ng bahay at saka pumasok sa kotse ko.
Hindi ko alam pero parang may kirot sa puso ko na hindi ko malaman kung ano, napapikit na lamang ako at saka kinondisyon ang aking sarili. I'll try to call Carter, alam kong may sama ng loob ako sa kanya pero wala namang masama kung susubukan kong magtanong sa kanya.
"Hello dude?"
Sambit ko sa kabilang linya.
[Why?]
Malamig nyang sambit, napabuntong hininga na lamang ako.
[Sabihin mo na] Sambit nya pa.
"Did yo—"
Hindi na naituloy ang sasabihin ko ng bigla ko na lamang marinig ang boses ni Gracel, halos masira ko ang manebela dahil sa mahigpit na pagkaka-hawak ko rito.
"I love you."
Tumulo ang luha ko before I already ended the call.
"Why?!" Galit na tanong ko sabay hampas sa manebela.
Isinubsob ko ro'n ang mukha ko at saka doon ko ibinuhos ang mga luha ko.
"Fuck you Carter!" Sigaw ko bago tuluyang pinaharurot ang kotse.
Dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko, hindi ko na namalayang narito na pala ako sa aming bahay. Wala akong ibang maisip na gawin kung hindi ang umiyak. Hindi ko alam pero kay Gracel lang ako naging ganito. Kay Gracel ko lang nasubukang magselos, magalit, maging selfish, ngumiti, maging masaya at umiyak.
"Hey!" Tawag ko sa maid namin na si Reah, agad syang lumapit.
Hindi ko alam pero sa tuwing makikita nya ako nakikita ko sa mga mata nya ang labis na takot, nakayuko sya habang hinihintay ang sasabihin ko. Nanatili akong hindi nagsasalita habang pinapanood sya kung paano manginig.
"A-ano p-po 'yon sir?" Utal nyang tanong.
Natawa na lamang ako at saka umiling.
"Lift up your head." I said.
Agad nyang itinaas ang kanyang ulo, nakita ko kung paano nya ibinaling ang kanyang tingin sa alaga kong aso ng magtama ang aming paningin.
"Do you know Gracel, right?" I asked, agad naman syang tumango "Good, magmula bukas ayaw ko ng papasukin mo pa sya rito." Sambit ko bago tuluyang tumayo sa aking kinauupuan at saka nagtungo sa hagdan.
Muli akong lumingon kay Reah, na ngayon ay nanginginig pa rin. Napailing na lamang ako bago tuluyang pumasok sa aking kwarto. Nang makapasok ako agad kong ipinikit ang aking mga mata at saka natulog.
———
"Reah! 'yong sinabi ko kagabi, h'wag mong kalilimutan." I said bago tuluyang umalis.
Gusto kong malaman mula kay Gracel ang lahat, wala akong pakialam kung masaktan man ako sa sasabihin nya. Ang mahalaga nalaman ko kung ano ang totoo.
"Kuya Roy! Where are you going?" I asked the taxi driver.
Agad syang lumapit sa'kin at saka sumenyas na sumakay na ako, napatango na lamang ako bago sumakay.
"Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ni Kuya Roy, umiling na lamang ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan "Haysst...... Sabihin mo na, baka matulungan pa kita." Sambit nya pa.
"Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo Kuya Roy, hintayin mo ako rito." Sambit ko bago tumalikod, aalis na sana ako ng maalala ko ang paper bag na dala ko.
Agad akong nagtungo sa office kung saan naroon si Gracel, nasalubong ko pa ang kaibigan nya ngunit hindi ako nito pinansin. Pagbukas ko ng pinto, kita ko sa mga mata ni Gracel ang labis na pagka-gulat.
"Hindi ka umuwi?" Bungad kong tanong sa kanya at saka inilapag ang paper bag na dala ko, ngunit nginitian nya lamang ako ng napakapait "Let's eat?" Malamig kong sambit, tumango lamang sya bago sumenyas sa'kin na umupo na ako.
"T-tristan, may sasabihin ako." Sambit nya, agad akong lumingon sa kanya. Nakayuko sya ngayon na tila ba natatakot na sabihin ang dapat nyang sabihin.
"What is it? Uh........ h'wag mo ng sabihin, alam ko na kung ano ang sasabihin mo." Tanong ko, napangisi na lamang ako ng maalala ang narinig ko kagabi nang tawagan ko si Carter "Magkasama kayo ni Carter kagabi? You spent the whole night with him!" Sigaw ko at saka ibinagsak ang hawak kong kutsara, napailing na lamang ako ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Hindi naman gano'n 'yon e." Rinig kong sambit nya, napailing na lamang ako at saka muling ibinagsak ang hawak kong tinidor bago tuluyang umalis.
Whole night? She spend that fucking whole night with my cousin! Hindi nya man lang inisip kung ano ang mararamdaman ko!
"Kuya Roy let's go!" Sigaw ko, agad namang pinaandar ni Kuya Roy ang kotse.
"Ano ba ang problema mo? Bakit ka sumisigaw?" Tanong nya, napailing na lamang ako at saka ibinagsak ang katawan ko sa upuan ng kotse "Sabihin mo para naman matulungan kita." Sambit nya pa.
"Gracel spent the whole night with my cousin, ang sakit Kuya Roy. Narinig ko pa kagabi kung paano nya sabihin ang salitang dapat ako lang ang makarinig!" Sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha.
"Baka may dahilan?"
Napailing na lamang ako at saka ipinikit ang aking mga mata, ayaw ko ng makita pa sya. Akala ko matino syang babae, hindi naman pala.
"Kuya, puwede mo bang balikan ang laptop ko? Na sa office." Sambit ko bago tuluyang bumaba ng kotse.
Agad na umalis si Kuya Roy bago balikan ang laptop ko na naiwan sa opisina.
Pag-pasok ko sa loob ng bahay, agad kong nakita si Claire na ngayon ay nakaupo sa couch. She's wearing a black shift dress, halata ang kakaibang shape ng katawan nya. She's sexy.
"What are you doing here?" I asked ng makalapit ako sa kanya "Come, let's go to my room." I said at saka sya hinila papunta sa kwarto.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong nya.
"Ikaw nga dapat ang tanungin ko hindi ba?" Inis na tanong ko sa kanya, napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng maingay na babae mula sa entrance ng bahay "Sino ba 'yon?" Naguguluhan kong tanong, agad akong sumilip sa veranda.
I saw Gracel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top