Chapter 6

Ang moment na ito, tila ba ayaw ko ng dumating pa ang bukas dahil alam kong hindi ko kakayanin. Tinitigan ko mata sa mata si Gracel at nakita ko kung ga'no sya kasaya.

"Can I court you?" I asked dahilan para mapalingon sya sa sunset, hindi ko alam pero nang tanungin ko 'yon tila ba ako'y kanyang iniiwasan "I'm asking, Love." I said.

"Ang ganda ng sunset 'no?" Tanong nya, napailing na lamang ako at saka sya niyakap.

"Oo, kasing ganda mo." I said bago muling tumingin sa kanya, nang magtama ang paningin naming dalawa agad na naginit ang aking pisngi.

Tila ba itinutulak ako ng aking labi na sya'y halikan, hindi na ako nagtanong pa sa aking sarili kung ano ang dapat kong gawin. Agad ko syang hinalikan.

"Pangako, wala ng makahihigit pa sa moment na 'to. Ang moment na ito ang dadalhin ko hanggang sa pagtanda natin, tayo man o hindi." I said before kissing her lips again, alam kong hindi ko na macontrol ang sarili ko kaya agad akong tumalikod at nag-labas ng camera "Let's take a selfie?" I asked, agad naman syang tumango.

"Ang saya ko, sobra." Rinig kong sambit nya, napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata naming dalawa.

Nakita ko ang labis na sayang kanyang nadarama, hindi ko na talaga kayang makitang hindi sya ngumitingi. For me her smile ang nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo.

"I'm happy too, basta ikaw ang kasama ko hindi matutumbasan ang sayang nadarama ko."

I said.

Muli ko syang niyakap at saka hinalikan, napapikit ako ng magtama ang mga labi naming dalawa. Sumasabay sya sa bawat ritmong ginagawa ko, 'to na yata ang sign na hindi ko na sya dapat pang pakawalan. Pangako, mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko.

GRACEL'S POV.

Magmula yata ng mangyari ang araw na 'yon hindi na mawala ang ngiti sa aking mga labi, napapailing na lamang ako sa tuwing maaalala ang bawat sandaling 'yon. Hindi ko alam pero ngayon pa lamang iniisip ko na kung kaya ko pa bang magmahal ng iba kung sakaling iwanan nya ako. Alam kong sa mundong ito, minsan ka lamang sasaya kaya dapat mag-enjoy ka.

"Are you crazy?" Rinig kong tanong ni Claire, napailing lamang ako bago tuluyang umalis.

Biglang may nag-pop up sa cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan, nagulat ako ng makita ang pangalan ni Tristan. He posted our picture na may caption na "My wife" napangiti na lamang ako bago tuluyang kunin ang aking gamit, nagulat ako ng biglang may pamilyar na boses ang nagsalita.

"Ang saya nyo ah."

Napalingon ako para makita kung sino 'yon, napailing lamang ako ng makita si Carter sa likod ko. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa cellphone ko, napayuko lamang ako at saka dahan dahang umalis.

"Ano bang mayro'n sa pinsan ko na wala sa'kin? Sa isang buwan kong pananatili rito ako lagi ang kasama mo, pero bakit hindi ka pa rin nahulog sa'kin?"

Tanong nya, agad akong huminto sa paglakad at saka humarap sa kanya.

"Hindi ko madidiktahan ang puso ko, Carter." Sambit ko, akma na sana akong aalis ng bigla nya na lamang akong siilin ng halik "Ano ba?" Inis na sambit ko ng maitulak ko sya.

"Gusto kita, Gracel!" Sigaw nya, agad kong tinakpan ang bibig nya ng pagtinginan kami ng mga empleyado "I like you, I love you." Rinig ko pang sabi nya, napailing na lamang ako bago sya iwanan.

"Gusto ka talaga ni Sir Carter 'no?" Tanong ni Claire, nagulat ako dahil bigla na lamang syang sumulpot sa likuran ko "Hindi ka naman kagandahan pero hinahabol ka." Sambit nya, bakas sa tono ng kanyang pananalita ang labis na pangiinsulto.

Nang makarating ako sa office hindi ko akalaing naroon si Tristan, puno ng bulaklak ang bawat paligid. May hawak syang bouquet of tulips, mapait akong ngumiti when he smiled at me. Ewan ko pero hindi yata tama ang ginagawa nya, alam kong may masasaktan pero sino nga ba ako para pigilan 'yon? Isa lamang akong tao na walang ibang kakayahan kung hindi ang punuin ng pagmamahal ang puso ng mga taong nakapaligid sa'kin.

"Gracel Velasquez, look into my eyes." Sambit ni Tristan kaya sumunod na lamang ako, sumenyas sya na ako'y lumapit sa kanya "Now, tell them that you love me." He said at saka ako hinarap sa mga empleyado, napayuko na lamang ako ng makita ko si Claire "Tell them." Sambit pa ni Tristan.

"Yes, I love you." I said.

Napayuko na lamang ako ng makitang tumakbo palayo si Claire, agad akong nagpaalam kay Tristan na may pupuntahan lang ako at importante 'yon. Sinundan ko si Claire hanggang makarating ako sa rooftop, inikot ko ang aking mga mata at tama nga ako naroon sya. Nakasubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga palad, napayuko na lamang ako ng mapagtantong sya'y umiiyak.

Agad akong lumapit sa kanya at sya'y niyakap, nagulat ako ng bigla nya na lamang akong itulak. Tumulo ang luha ko ng tumama ang likod ko sa pader, akala ko ay lalapit sya para tulungan ako ngunit hindi. Hinayaan nya lamang ako.

"Alam mo namang gusto ko si Tristan hindi ba?" Tanong nya, bakas sa tono ng kanyang pananalita ang labis na galit napayuko na lamang ako at saka dahan dahang tumayo "Kaya pala? Kaya pala hindi ka na sumasama sa'kin tuwing inaaya kita dahil may namamagitan na sa inyo!" Sigaw nya, lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap.

"Hindi ko alam na mangyayari 'to, akala ko kasi no'ng una wala akong gusto sa kanya." Sambit ko habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha "Hindi ko kayang pigilan ang tadhana, sumusunod lamang ako sa pagkumpas nito." Sambit ko pa bago kumawala sa pagkakayakap sa kanya.

"Wala akong pakialam!" Sigaw nya bago tuluyang umalis.

Naiwan akong luhaan sa isang tabi, napayakap na lamang ako sa aking sarili ng bigla na lamang bumuhos ang ulan. Napailing ako at saka hinayaang magpaka-basa sa ulan, ano pa nga ba ang gagawin ko? Sya lang ang kaibigan ko kaya hindi puwedeng masira kung ano mang mayro'n kami ng dahil lamang sa isang lalaki.

"Bakit ba? Bakit kailangang mangyari 'to?" Sigaw ko habang nakahawak sa railings, nagulat ako ng biglang dumulas ang kamay ko.

Napakalakas ng hangin kaya hindi ko na nagawa pang kumapit, hindi ko alam pero parang may napakalakas na puwersa ang tumulak sa'kin dahilan para mahulog ako. Mabuti na lamang at napahawak ako sa baba ng railings, dumudulas na ang aking mga kamay kaya hindi ko na kaya pang humawak.

"Tulong!"

Sigaw ko, nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Narito si Carter, pero nasa'n si Tristan? Hindi ba dapat sya ang narito.

"Kumapit ka sa kamay ko." Sambit ni Carter, agad akong kumapit sa kanyang kamay "H'wag kang bibitaw." Sambit nya pa, napapikit na lamang ako ng bigla na namang dumulas ang aking mga kamay.

Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil bigla na lamang akong nawalan ng malay, nagising na lamang ako ng tumama ang araw sa aking mukha. Nagulat ako ng makitang nakahiga ako sa bisig ni Carter, inikot ko ang aking paningin at hindi nga ako nagkamali dahil narito pa rin ako sa rooftop.

"Finally, you're awake." Sambit nya, napangiti na lamang ako ng ngumiti sya.

"Anong nangyari?" Tanong ko, umiling lamang sya kasunod ng kanyang pagbuntong hininga.

Agad akong tumayo at saka tumakbo palayo kay Carter, napailing na lamang ako ng mahawakan ko ang aking noo. Napakainit ko, agad akong nagtungo sa hàgdan at saka bumaba. Medyo masakit ang ulo ko, maging ang likod ko.

Kaunti pa lamang ang empleyado sa opisina kaya agad akong nagtungo sa opisina ko, nagulat ako ng makita ko na naroon si Claire. Nakaupo sya sa swivel chair ko habang kinakalikot ang aking laptop, agad akong lumapit sa kanya at saka inagaw ang laptop ko mula sa kanya. Binigyan nya ako ng napakasama na titig, hindi ko alam pero ang mga titig na 'yon ang nagpalakas ng tibok ng aking dibdib.

"Goodluck!" Sambit nya, tinapik nya pa ang aking likod bago tuluyang lumabas.

Agad akong lumapit sa table ko at saka binuksan ang laptop, napabuntong hininga ako ng wala namang nawala. Siguro ay nagpadala lamang ako sa takot na baka may pinakialamanan nya ang mga files na mayro'n ako.

Ramdam ko ang muling pag-bukas ng pinto, unti unti kong iniangat ang ulo ko. Napangiti ako ng makita ko si Tristan na papalapit sa'kin, may dala syang bulaklak at saka tsokolate.

"Hindi ka umuwi?" Tanong nya, napatango na lamang ako at saka binigyan sya ng mapait na ngiti "Let's eat?" Malamig nyang sambit, napatango na lamang ako bago muling umupo.

"T-tristan, may sasabihin ako." Sambit ko habang nakayuko, hindi ako lumingon sa kanya hanggang hindi sya nagsasalita.

"What is it? Uh........ h'wag mo ng sabihin, alam ko na kung ano ang sasabihin mo." Sambit nya, nagulat ako ng padabog nyang ibinagsak ang kutsara na hawak nya at saka masamang tumingin sa'kin "Magkasama kayo ni Carter kagabi? You spent the whole night with him!" Sigaw nya na mas lalo kong ikinagulat.

Napapikit na lamang ako at saka bumuntong hininga ng malalim bago muling tumingin sa kanyang mga mata, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Siguro dahil sa takot na kung ano ang isipin nya.

"Hindi naman gano'n 'yon e." Sambit ko, muli nyang ibinagsak ang hawak nyang tinidor at saka nag-walk out.

Pinunasan ko ang aking mga luha bago sya panoorin paalis, napailing na lamang ako at saka hinawakan ang puso ko. Bakit ganito? Sa tuwing magagalit sya may kumikirot na parte sa puso ko? Hindi ko maintindihan pero parang konektado ang lahat.

Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa nangyari, hindi ko alam kung paano aayusin ang bagay na 'yon.

"Gracel, nalaman ko ang nangyari. I'm sorry, hindi ko alam na mangyayari ang bagay na 'yon."

Napalingon ako sa nagsalitang si Carter at saka sya binigyan ng mapait na ngiti, bumuntong hininga na lamang ako bago lumapit sa kanya.

"Wala ka namang kasalanan, tinulungan mo pa nga ako e." Sambit ko, napangiti sya at saka ibiniabot sa'kin ang isang pamilyar na bracelet.

"Nahulog mo ito kanina no'ng umalis ka, mukhang mahalaga 'to kaya kinuha ko." Sambit nya napangiti na lamang ako at saka 'yon inabot.

"Salamat." Sambit ko nagpaalam muna ako sa kanyang ako'y aalis na.

Bumuntong hininga na lamang ako ng maramdamang mainit ang katawan ko, naglakad ako palapit sa taxi na na sa entrance. Mabuti na lamang at 'yon rin ang driver na sinakyan namin no'ng isang araw.

"Kuya, pahatid naman po ako sa bahay ng mga Villacorta oh." Sambit ko sa taxi driver ng makalapit ako rito.

"Manunuyo ka?" Inis na sambit nito at saka tumawa.

Napakunot na lamang ang noo ko, hahanap na sana ako ng ibang taxi ng bigla syang magsalita.

"Sumakay ka na, h'wag kang mag-alala tutulungan kita na maayos ang problema nyo." Sambit nya, agad akong napalingon sa kanya at dali daling sumakay sa taxi "Kanina sa'kin rin sumakay ang boyfriend mo, nag-eemote dahil mas gusto mo pa raw kasama ang pinsan nya kaysa sa kanya." Kuwento ng driver, napailing na lamang ako bago ilabas ang cellphone ko.

Hindi ko na namalayan ang mga pangyayari dahil nakatulog na pala ako, nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang pag-hinto ng taxi.

"Hija, narito na tayo." Sambit ng driver.

Agad akong bumaba ng kotse at saka tumakbo papasok sa gate, dederetso na sana ako sa loob ng bigla akong harangin ng isa nilang maid. Nagulat ako ng pasadahan nya ako ng nagtatanong na tingin, kumunot ang noo ko ng ipalad nya ang kanyang kamay.

"B-bakit po?" Utal na tanong ko, kumunot ang noo nya bago ako hilahin palabas ng bahay.

"Nasa'n ang invitation card?" Tanong ng maid, napailing na lamang ako at saka napatingin sa taxi driver na ngayon ay nakatingin rin sa'kin "Kung wala kang maipakikita, makakaalis ka na." Sambit pa ng maid.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyang tumalikod, walang gana akong naglakad papalayo. Nilingon ko pa ang veranda kung saan ako isinayaw ni Tristan, napapikit na lamang ako bago tuluyang umalis.

"Hija! H'wag ka munang umalis, mas magandang may ginawa kaysa sa wala!" Rinig kong sigaw ng taxi driver.

Agad akong napalingon sa kanya at saka muling tumakbo pabalik sa gate ng mga Villacorta, napansin kong kinausap ng driver ang maid.

"Sige na, pumayag ka na kasama ko naman sya." Sambit ng taxi driver.

"Hindi nga puwede Kuya Roy dahil ipinag-utos 'yon ni Sir Tristan." Sagot ng maid.

"Sinabi ni Tristan na h'wag akong papasukin?" Inis na tanong ko, agad na napatango ang maid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top