Chapter 5
"May problema ba?"
Carter asked, napailing na lamang ako at saka nagmamadaling lumabas ng kotse. Rinig ko pa ang pagtawag nya ngunit hindi ko na iyon pinansin.
Mabuti na lamang at may nakita akong taxi kaya agad ko iyong nilapitan at sumakay, nagulat ako ng pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Tristan na ngayon ay masamang nakatitig sa'kin. Napayuko na lamang ako at saka kunwareng may pinipindot sa'king cellphone.
"What? Kapag si Carter ang kasama mo, ang saya mo pero kapag ako ano? Ang tahimik mo ni hindi ka man lang magsalita!" Sigaw ni Tristan, napalingon ako sa driver na ngayon ay gulat na nakatingin sa'ming dalawa "Tell me, mas better ba si Carter kaysa sa'kin?" He asked, napailing na lamang ako.
Nanatili akong hindi nagsasalita hanggang sa makarating kami sa company, napailing na lamang ako ng bumaba sya na hindi man lang ako inaalalayan.
"Manong ito po ang bayad." Sambit ko sa driver palabas na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Ma'am hindi po nag-bayad ang boyfriend nyo." Sambit nya, napailing na lamang ako at saka ibinigay ang bayad.
Napabuntong hininga ako ng makitang wala ng laman ang wallet ko, anong gagawin ko nito? Wala akong pangbili ng lunch mamaya.
Papasok na sana ako ng opisina ng biglang magsalita si Claire.
"Sabay kayo ni Sir Tristan na pumasok?" Claire asked.
Napatango agad ako, nagulat ako ng biglang tumamlay ang kanyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako bago umupo.
"Nagkasabay lang kami." Palusot ko, napabuntong hininga na lamang ako ng umalis sya.
Hindi ko alam pero bakit parang kasalanan ang pag-sabay kay Tristan, napangiwi na lamang ako ng maalala ang nangyari sa'min kagabi. Hindi ako sigurado kung ano ang nangyayari sa'kin ngayon basta ang alam ko lamang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.
"Are you okay?" Claire asked ng bigla na lamang akong mapahawak sa kanya "Oh my gosh! Nilalagnat ka!" Sigaw nya, napapikit na lamang ako at saka muling humawak sa kanya.
"Masama ang pakiramdam ko." Sambit ko.
Nahihilo ako at nanlalabo ang paningin ko ngunit isa lamang ang malinaw na nakikita ko, tila ba nag-fucos ang paningin ko sa isang tao. Si Carter.
"Are you okay?"
He asked at agad akong binuhat, narinig ko pa ang sigawan ng mga empleyado ng buhatin ako ni Carter. Ipinikit ko na ang aking mata dahil hindi ko na kaya ang hilo na aking nadarama.
"Is she okay Dad?" Rinig kong tanong ni Carter sa kanyang ama nang magising ako.
"Yes, medyo mataas ang body temperature nya but don't worry son. Bibigyan ko sya ng gamot, and hija.........sa ngayon h'wag ka munang pumasok sa trabaho mo ha?" Sambit ng Daddy ni Carter, napatango na lamang ako at saka ngumiti.
"Ano bang nangyari? Bakit ka nilagnat?" Carter asked, tinitigan ko syang mabuti bago magsalita.
"Naulanan ako e." Sambit ko at saka papekeng tumawa.
"Naulanan? Sigurado ka?" Tanong nya, napatango na lamang ako habang nakangiti.
Sa napakaraming palusot bakit pa kasi 'yon ang nasabi ko? Nasisiraan na ba ako ng bait? Oh God! H'wag naman sana.
"Hindi ka naulanan 'yon ang totoo, bukod sa naulanan ka. Ano pa ang ipapalusot mo?"
He seriously asked, napailing na lamang ako at saka iniwas ang tingin sa kanya.
"Fuck!"
Sigaw ni Carter na ikinagulat ko, kumunot ang noo ko ng makitang salo ni Carter ang kanyang panga.
Napalingon ako ngayon sa kadarating lang na si Tristan, hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari dahil hindi ko ito nakita. Muli na namang sinugod ni Tristan si Carter ngunit sa pagkakataon na ito nasalo ni Carter ang kamao ni Tristan.
"What the fuck is your problem?" Carter asked.
Agad akong tumayo ng muli na namang susuntukin ni Tristan si Carter.
"Ano bang problema mo?"
Inis na tanong ko.
Napailing lamang sya bago tuluyang umalis, napasapo na lamang ako sa aking noo bago lingunin si Carter na ngayon ay nakasubsob sa couch. Unti unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha, napakunot ang noo ko ng makitang may dugo ang gilid ng kanyang labi.
"Pasensya ka na sa ginawa ni Tristan, may problema lang siguro 'yon." Sambit ko bago punasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi, nagulat ako ng bigla n'yang hawakan ang aking kamay.
"Ikaw ang may sakit, hindi mo kailangang gawin 'to. Mas mabuti pang humiga ka na lang ro'n at magpahinga." Sambit nya, napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa "I'm going back to America, baka hindi na tayo magkita." He said again, napatitig ako sa mga mata nya.
Alam kong may ibig syang sabihin pero tinatago nya lamang iyon, nang magawa kong linisin ang sugat sa gilid ng labi nya agad akong bumalik sa aking higaan at saka natulog.
"Gracel."
Rinig kong tawag ni Carter kaya napalingon ako sa kanya, agad akong ngumiti ng makita ko syang papalapit sa'kin. Nagulat ako ng bigla n'yang hawakan ang aking mga kamay.
"I like you."
He said, napailing na lamang ako dahil sa aking narinig. Hindi ko sya maintindihan, bakit nya nasasabi ang bagay na 'yon?
"Kung ako ang tatanungin gusto rin kita, pero hindi puwede dahil ang puso ko ay tumitibok na para sa iba." Sambit ko, napatango na lamang sya at saka muling bumalik sa couch.
Alam kong nasaktan sya dahil sa sinabi ko pero ano nga ba ang magagawa ko? Si Tristan ang gusto ko at hindi sya, mas gusto ko pang mahalin na lang ang taong 'yon kaysa sa kanya.
"I'm sorry." I said.
Tumamlay ang mukha ko ng bigyan ako ni Carter ng napakapait na ngiti.
"It's okay, pero oras na lokohin ka ng pinsan ko pangako.........babalik ako, dahil ako naman ang dapat na may mag-ari sa'yo." He said, napatango na lamang ako.
It's been a week pero hindi ko na nakikita si Tristan, ano kaya ang nangyari sa kanya? Hindi ko rin alam kung dapat bang tanungin ko ang kanyang ama.
"Sir Levi, may tanong po ako." Sambit ko ng makarating ako sa opisina ng Daddy ni Tristan.
"Ano 'yon hija?"
Sir Levi asked.
"Nasa'n po si Tristan? Bakit parang hindi ko na po sya nakikita?" Tanong ko, napangiti lamang si Sir Levi at saka lumapit sa'kin.
"Na sa bahay, nagseselos dahil kay Carter. Hindi ko ba alam kung bakit gano'n na lamang ang anak ko pagdating sa'yo," sambit nya, napayuko na lamang ako at akma na sana akong lalabas ng bigla syang magsalita "Kung gusto mo syang makita, puntahan mo ro'n." Sambit pa nya, napatango na lamang ako at nagulat ako ng may ibinigay syang card "Gamitin mo 'yan kapag naroon ka na, ipakita mo lamang 'yan sa mga maid ko." Sambit nya pa.
Napatango na lamang ako at saka nagpaalam na ako'y aalis na, hindi ko alam pero napakabait ng ama ni Tristan sa'kin. Siguro dahil gusto ako ng anak nya? O baka gano'n lang talaga sya kabait. Agad akong naghanap ng taxi ng makalabas ako ng kumpanya, napaka-suwerte ko talaga dahil wala akong nahanap ni isa.
"Kuya, nasa'n po ang mga taxi?" Tanong ko.
"Hindi mo ba alam? Na sa balintawak sila nagrarally." Sagot ng Kuya.
"Hindi po e, ah Kuya baka puwedeng ihatid mo ako sa bahay ng mga Villacorta?" Sambit ko.
"Tamang tama, do'n din ako pupunta." Sambit nya.
Iniabot nya sa'kin ang helmet kaya agad ko itong isinuot bago sumakay sa motor nya.
"Kumapit ka ha?" Sambit ni Kuya agad naman akong tumango.
Ilang minuto pa ang nakalipas at narito na kami sa tapat ng gate nila Tristan, may lumabas na maid kaya agad kong ibinigay ang card na iniabot ni Sir Levi kanina.
TRISTAN'S POV.
Magmula no'ng araw na nakita ko kung gaano kasaya si Gracel kapag kasama nya si Carter bigla na lang akong nawalan ng gana, mas gusto ko pang na'ndito na lang sa bahay.
Ilang minuto pa narinig ko ang magkakasunod na katok ng kung sino, agad akong tumayo para makita kung sino 'yon. Agad na bumungad sa'kin ang isa naming maid na si Rita.
"What?"
Masungit kong sambit.
"M-may naghahanap po sa inyo sir, na sa living room po babae." The nani answered.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumango bago lumabas ng kwarto, sino na naman ba ang nanggugulo na ito? Baka si Aira na naman, hindi ba talaga ako titigilan ng bwisit na babaeng 'yon?
"G-gracel?" Utal kong sambit ng makita ko si Gracel na nakaupo ngayon sa couch.
Nagulat ako ng bigla syang lumapit sa'kin at ako'y yakapin, hindi ko alam pero bigla na lamang akong napangiti ng yakapin ko sya pabalik. Kumawala sya sa pagkakayakap sa'kin at kunot noo akong tiningnan, napakunot rin ang noo ko ng bigla na lamang nya akong sampalin.
"What the hell is your problem?" I asked.
Agad syang tumalikod at bumalik sa couch, sinundan ko sya ro'n at saka hinarap.
"Tell me, what is your problem?" I asked again.
Napailing lamang sya at saka muli akong niyakap, napabuntong hininga na lamang ako bago sya halikan. I looked into her eyes at nakita ko ang labis na pananabik, gano'n ba talaga ako katagal nawala? I can't believe.
"Bakit hindi ka na pumasok?"
Gracel asked, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at saka hinawakan ang magkabila n'yang pisngi.
"Gusto mong malaman ang totoo?"
Tanong ko.
"Kaya nga ako nagtatanong e." She pouted.
"H'wag ka ng lalapit pa kay Carter dahil nagseselos ako." Sambit ko, nagulat ako ng bigla nya akong hampasin at sabihing.....
"Hindi mo kailangang magselos dahil ikaw ang gusto ko." Sambit nya na naging dahilan ng muling pag-ngiti ko "Hinay hinay baka mamaya n'yan bigla ka na lang mabaliw." Sambit nya pa, natawa na lamang ako at saka sya muling niyakap.
"Come, let's go to my room?" I asked, hindi ko alam pero sa tuwing makikita ko sya bigla na lamang akong nakakaramdam ng pagkasabik.
"Okay." She said.
Agad ko syang binuhat papunta sa kwarto ngunit na sa hagdan pa lamang kami ay agad nya na akong pinaghahampas, nagmamakaawa na sya'y aking ibaba na dahil baka sya raw ay mahulog.
"It's okay, hindi ka mahuhulog." I said.
"No, ibaba mo ako!" Sigaw nya kaya napilitan akong ibaba sya.
"Kapag si Carter gustong gusto mo, ano bang pinakain sa'yo ni Carter at mas gusto mo sya?" Inis na tanong ko, napailing na lamang ako at saka padabog na lumabas ng bahay.
Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nainis dahil ro'n, gusto ko lang naman syang makasama mahirap ba 'yon? Nagulat ako ng biglang may yumakap sa'kin mula sa likod ko.
"Bakit ka ba ganyan? Hindi ko gusto si Carter, at mas lalong wala ka dapat ikaselos dahil kung tutuusin ay Kuya na ang turing ko sa kanya." Rinig kong sambit ni Gracel, tinanggal ko ang pagkakayakap ng kanyang kamay sa akin.
Nang harapin ko sya, nagulat ako ng may makitang namumuong luha sa mga mata nya. Niyakap ko sya pabalik at saka hinalikan sa noo, ngumiti ako ng makita ko ang bracelet na dala ko no'ng araw na nakita ko sila ni Carter na magkasama.
"Na sa'yo pa pala 'yan?" I asked agad syang tumango at kinuha 'yon mula sa bag nya.
"Oo, hindi ko ito puwedeng itapon dahil mukhang mahalaga 'yan sa'yo." Sambit nya, napailing na lamang ako at sya'y muling niyakap.
"Oo, mahalaga sa'kin 'yan dahil ang bracelet na 'yan ay para sa taong mahal ko." Sambit ko, nagulat ako ng bigla nya itong iabot sa'kin "Bakit?" Tanong ko.
"Ang sabi mo mahalaga 'yan dahil para 'yan sa taong mahal mo hindi ba?" Pabalik n'yang tanong, napailing na lamang ako dahil sa sinabi n'yang iyon.
"Para sa'yo 'yan, dahil ikaw ang babaeng tinutukoy ko." Sambit ko, agad syang napalingon sa'kin at saka ngumiti "Kung hindi ko ba sasabihin na para sa'yo 'yan magtatampo ka na naman?" Sambit ko pa kasunod ng mahinang pagtawa.
Napailing na lamang sya bago ako yakapin, hinawakan ko ang kamay nya at saka hinila sya pabalik sa kwarto. Gusto ko syang isayaw habang pinapanood ang paglubog ng araw.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya, ngumiti na lamang ako at nanatiling hindi nagsasalita hanggang hindi kami nakakarating sa veranda "Ano bang gagawin natin rito?" She asked again.
Ngumiti ako bago isuot sa kanya ang corona na nakatago sa kwarto ko, napakunot ang noo nya ng ipatong ko 'yon sa ulo nya.
"H'wag kang malikot dahil baka mahulog, mababasag ang mga diamonds." I said bago ngumiti.
Dahan dahan ko syang hinila papunta sa tapat ng veranda, inayos ko rin ang aking sarili at isinuot ang male crown.
"Ano bang gagawin natin? Hindi kita maintindihan, ang weird mo." Sambit nya napangiti na lamang ako bago hawakan ang magkabila n'yang baywang.
"Gagawa tayo ng memorable moment, 'yong tipong hindi natin makakalimutan hanggang sa pagtanda natin. At ang gusto ko kapag dumating ang araw na 'yon, ikaw pa rin ang kakuwentuhan ko at isasayaw." Sambit ko na nagpangiti sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top