Chapter 25
"Tristan, tumawag na sa akin si Mr. Takahashi na sa restaurant na daw sila ro'n sa pinuntahan natin kanina." Sambit ni Mommy, agad naman akong tumango "Bilisan mo ryan ha?" Hindi na ako nakasagot kay Mommy dahil tumayo na ako at dumeretso sa banyo para ayusin ang aking sarili.
Ilang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng banyo dahil bigla na lang akong natulala at hindi ko alam ang aking gagawin, nang makalabas nadatnan ko sina Mommy at Carter na nakaupo sa couch "Let's go?" Sambit ko, hindi ko na sila hinintay dali dali akong lumakad palabas ng hotel room kung saan kami nagstay at dumeretso sa parking lot.
"May problema ka?" Carter asked, agad naman akong napailing "Eh bakit ganyan ka? May problema ka e, hindi mo lang sinasabi." Pangungulit nya, at tinusok pa nga ang tagiliran ko ng daliri nya.
"Wala, wala lang ako sa mood." Walang gana kong sabi, medyo masama ang pakiramdam ko "Bilisan mo na para matapos agad ang meeting, gusto ko ng bumalik sa Manila." Napa-cross arm pa ako bago ipikit ang aking mga mata.
Ramdam kong huminto ang kotse kaya dali dali kong iminulat ang aking mga mata, tama nga ako narito na ulit kami sa The Mango Tree Restaurant. Nauna si Mommy na bumaba sa kotse sinundan naman ni Carter at nahuli ako, habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kung saan pakiramdam ko ay nawawala ako sa aking sarili.
"Tristan, umayos ka." Sambit ni Mommy sabay tapik sa kamay ko, medyo masakit pero hindi ko na ipinahalatang nasaktan ako "Tanggalin mo muna sa isip mo si Gracel, baka mamaya puro Gracel ang lumabas dya'n sa bibig mo." Seryosong sabi ni Mommy, pero alam ko namang nagbibiro s'ya.
"She's not on my mind," walang emosyon kong sabi, hindi naman na nagsalita si Mommy kaya nanatili na lang akong tahimik hanggang sa makapasok kami rito sa loob.
"Good morning Mrs. Villacorta," bati nito sa aking ina, nakipagkamay pa s'ya bago ako lingunin "Is he your son?" Tanong nito at agad namang tumango si Mommy, imbes na magsalita ay binigyan ko na lang s'ya ng mapait na ngiti.
"This is Tristan, the real owner of the Liber Corporation." Nakangiting sabi ni Mommy, sumenyas si Mr. Takahashi na maaari na kaming maupo, uupo na sana ako ng may lumapit na kung sino at inalalayan ako sa pag-upo.
"Thank you," sambit ko.
"May iooffer na bagong business si Mr. Takahashi since magiging parte na rin s'ya ng inyong kumpanya, nais n'yang buksang muli ang dati nyang mga negosyo sa Palawan." Paliwanag ng isang babae, I think assistant nya ito.
"Anong klase ng negosyo?" Agad na sabi ko, pinandilatan naman ako ni Mommy ng mata "Let me know," dagdag ko pa.
"Casino," pagkasabi pa lang nya no'n ay napahampas na ako sa table, dahilan para magtinginan silang lahat sa akin.
"I'm sorry, pero hindi ako tumatanggap ng mga offer kagaya ng sa inyo ayaw kong madungisan ng illegal na gawain ang negosyo ko." Agad na sabi ko sabay alis, hindi ko na hinintay sina Mommy at Carter dahil alam ko namang sasabunin lang nila akong dalawa "What the hell? Kung alam ko lang na Casino ang negosyong pinatatakbo nya sana hindi na ako nagsayang pa ng oras para makipagkita sa kanya." Inis na sabi ko, napailing na lang ako bago abutin ang headset ni Carter at isalpak ito sa tainga ko.
Ramdam ko ang pagbukas ng pinto ng kotse pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko, ni hindi ko na nga rin naramdaman na pinaandar na ni Carter ang kotse dahil nakatulog na ako. Hindi ko na rin namalayan ang mga pangyayari dahil pagkagising ko ay narito pa rin kami sa daan, dumungaw pa ako sa bintana ng kotse.
"Nasa'n na tayo?" Tanong ko habang inaayos ang headset na ginamit ko.
"Manila dude," Carter said, medyo madilim na kasi kaya hindi ko na makita ang paligid "tagal ng tulog mo ah, mukhang naenjoy mo 'tong ginawa mo kay Takahashi." Natatawang sabi ni Carter, napailing na lang ako.
Nilingon ko si Mommy na ngayon ay masama ang timpla ng mukha, mukhang matatagalan pa kami rito dahil napakarami ng sasakyan "Dude bababa na ako," paalam ko kay Carter, bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang sumulpot ang isang babaeng tumatakbo.
"Are you sure?" Tanong ni Carter.
"Yeah, may condo naman ako rito kaya dito na muna ako mag-stay ngayong gabi. Magkita na lang tayo bukas sa office." Sambit ko, napatango naman agad si Carter kaya bumaba na ako ng sasakyan.
Mabilis naman akong nakarating sa parking lot dahil malalaki ang hakbang ko, sumakay na rin ako ng elevator. Nagulat ako ng bigla may iniharang na kamay, nakatakip ang mukha ng tao at alam kong babae s'ya dahil naka-maong ito at naka-blusa. Sinisilip ko pa ang mukha nya pero hindi nya ito pinapakita, pinsan nya siguro 'yong babae kanina sa resto.
"Sa'n ka Miss?" Tanong ko, agad naman na lumapit ang babae at pinindot ang number kung sa'ng floor s'ya pupunta "Oh, 14th floor same pala tayo." Napapatango pa ako habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
Nang bumukas ang elevator, naunang lumabas ang babae kaya hindi nya napansin na may nahulog s'ya. It's a fair of bracelet, leaves ang design. Pinulot ko ang bracelet at sinubukang habulin ang babae, mabuti na lang at magkatapat lang kami ng condo. Bago kumatok, pumasok na muna ako sa loob ng condo ko.
Hindi ko alam pero biglang nagbalik ang mga ala-ala namin ni Gracel, naiiyak ako na natutuwa, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Inabot ko ang picture naming dalawa na nakalagay sa lamesa, ang saya pa namin sa larawang 'yon at hindi ko alam kung maibabalik ko pa ang saya noon.
Bigla kong naalala ang bracelet, kailangan ko pa pala itong isauli sa babae kanina. Lumabas ako at kinatok ang pinto ng condo nung babae, ilang minuto rin akong naghintay bago nya ito binuksan. Nakatakip na naman ang mukha nya, pero facemask na ito hindi na folder.
"Yes?" Sambit nito, napataas naman ang dalawang kilay ko dahil parang kilala ko ang boses nya "Anong maitutulong ko?" Tanong nya, dahan dahan ko namang iniabot ang bracelet.
"Nahulog mo kanina, I think mahalaga sa'yo 'to." Sambit ko, hinablot ito ng babae.
"Salamat," sambit pa nya bago isara ang pinto, ni hindi man lang nagpaalam sa akin.
Napalunok na lang ako ng paulit ulit bago pumasok sa loob ng condo ko, ang sama ng ugali ng babaeng 'yon "Hindi siguro s'ya minahal ng boyfriend nya, o baka naman iniwan s'ya ng walang dahilan?" Natatawa pa ako habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
GRACEL'S POINT OF VIEW...
Hindi naging madali para sa akin ang biglaang pagkikita namin ni Tristan, at nagpapa-salamat ako dahil hindi nya ako nakita. Mabuti pa sigurong h'wag na rin akong magpakita sa kanya, dahil ayon sa inasta nya tila ba wala na ako sa puso nya. Ipitin ko man ang aking boses o hindi, alam kong makikilala nya pa rin ako pero katulad ng kanina ay hindi dahil hindi na ako ang tinitibok ng puso nya.
Napako ang tingin ko sa cellphone na ngayon ay tumutunog, nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Ilang sandali pa, kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag. Si Claire.
[Na'ndito na pala si Tristan sa Manila?] Tanong ni Claire, sandali ko pang inilayo ang cellphone sa tainga ko bago nagsalita.
"Alam ko, nagkasalubong kami kanina." Walang gana kong sabi.
[Claire ano ba? Pansinin mo nga ako!] Rinig kong sigaw ni Carter, hindi ko alam pero tila may pinagtatalunan [Ano na naman ba? Masakit lang ang ulo mo kaya bukas na lang tayo magusap] Sambit ni Claire, nanatili akong tahimik at nakinig sa kanila.
"Toot! Toot! Toot!" Ibinaba na ni Claire ang tawag, napabuntong hininga na lang ako at ipinagdasal ang kaibigan ko.
Pagkatapos magdasal ay nagimpake ng ako ng gamit para hindi na ako mahirapan pa bukas, since naibigay ko na man na ang resignation letter ko ay wala na akong ibang iisipin kung hindi ang sasakyan ko papunta sa airport. Dalawa ang ticket na nabili ko dahil ang akala ko ay sasama si Claire para magbakasyon sa Iloilo pero mas minabuti nya na lang na huwag na dahil baka magalit pa si Carter.
Hindi pa naman ako inaantok kaya nanood muna ako ng tv para naman mawala ang stress ko, eksakto naman at ang paborito kong pelikula ang ipinapalabas. Ilang sandali pa, napalingon ako sa pinto nang marinig ang sunod sunod na door bell. Nagdalawang isip pa akong buksan ito dahil baka si Tristan lang, lumapit ako sa pinto at sinilip sa maliit na butas kung sino ang tao. Nagulat naman ako nang makita si Claire, nagpupunas ito ng luha kaya dali dali kong binuksan ang pinto para papasukin s'ya.
"Anong nangyari?" Bungad ko, hindi sumagot si Claire.
May dala syang maleta kaya ako na mismo ang nagpasok nito sa loob, dali dali ko ring isinara ang pinto dahil baka makita ako ni Tristan "Ano kayang nangyari sa pinuntahan ni Carter? Bakit bigla na lang syang naging gano'n?" Tanong ni Claire habang pinupunasan ang mga luha nyang walang humpay sa pag-agos.
"Baka naman may problema lang," sambit ko, hinimas ko pababa ang likod nya at pilit na pinakalma "Nangyari na ito sa inyo dati 'di ba? Actually no'ng isang buwan lang yata," Sambit ko pa.
"Oo pero iba 'yong ngayon e, nananakit na s'ya hindi na katulad ng dati na salita lang ng salita." Kuwento nya, napayuko na lang ako at napataas ang dalawang kilay ko ng makitaan ng pasa ang braso ni Claire "Ayaw ko na, sasama na ako sa'yo." Sambit nya sabay yakap sa akin, wala naman akong nagawa kung hindi ang yakapin s'ya pabalik at damayan sa kung ano ang dinadala nya.
"Sakto, dalawa ang ticket na nabili ko." Binigyan ko s'ya ng matamis na ngiti bago muling yakapin "Iiyak mo lang, na'ndito ako handang maging panyo mo." Dagdag ko pa.
"Salamat," sambit pa nya.
"Sige, matulog ka na muna gigisingin na lang kita kapag aalis na tayo." Sambit ko pa at inakay s'ya papasok sa kuwarto ko, hindi naman na nagreklamo si Claire, pagpasok sa kuwarto ay agad syang humiga at natulog "Kawawa naman ang kaibigan ko," malungkot kong sabi nang makalabas na sa kuwarto.
Bago ako matulog ay inalarm ko ang cellphone ko para magising ako bago ang pag-alis namin papunta sa Airport, alas dos naman ang flight namin kaya 12:30 ang inilagay ko sa alarm. Tiningnan ko pa kung nailock kong mabuti ang pinto bago tuluyang natulog.
"Ring! Ring! Ring!"
Nagising ako dahil sa sunod sunod na tunog ng kung ano, dali dali naman akong bumangon ng maalalang ilang oras na lang ay aalis na kami. Nagtungo agad ako sa kuwarto ko kung nasa'n natulog si Claire, pagpasok ko nakita ko naman na mahimbing na natutulog ang kaibigan ko.
"Claire," tinapik tapik ko ang braso nya at ilang sandali lang ay nagising na s'ya "Magbihis ka na aalis na tayo, magluluto pa naman ako ikaw na muna ang maunang maligo." Sambit ko, agad naman itong tumango bago tumayo.
Agad naman akong pumunta sa kitchen para maghanda ng pagkain, basic food lang naman ang iniluto ko kaya hindi ako natagalan. Nakabihis na si Claire nang lumabas sa banyo kaya agad na rin kaming kumain "Kumusta na kaya ang mga inaanak ko?" Tanong nya, napangiti naman ako dahil walang lungkot na nakita sa mga mata nya.
"Ang likot na nga raw sabi ni Mama," natatawang sabi ko.
"Naiexcite tuloy akong makita sila," nakangiting sbai ni Claire.
"Ako rin, ilang buwan na rin mula no'ng huli ko silang makita." Malungkot na sabi ko, nagulat naman ako ng hampasin ako ni Claire ng napakalakas "Aray!" Reklamo ko sa kanya.
"Nakakatawa ka," natatawa n'yang sabi, sinamaan ko na lang s'ya ng tingin bago iligpit ang mga ginamit naming plato "Ako na ryan maligo ka na," hindi naman na ako nagreklamo nang sabihin 'yon ni Claire.
Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo, medyo natagalan ako dahil bigla na lamang namulikat ang mga paa ko. Pagkalabas ko, nagulat ako nang makitang nakalabas na ang mga maletang aming dadalhin.
"Tara na?" Excited na sabi ni Claire, natawa naman ako.
"Sandali lang, magsusuklay muna ako." Paalam ko sa kanya.
Ilang sandali pa ay umalis na kami, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sarado ang pinto ng condo ni Tristan. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag, nagkamali pala ako "Si Tristan at Carter," bulong ni Claire, nagulat naman ako at nataranta ng makita ang magpinsan.
"Anong gagawin natin?" Tarantang sabi ko, dali dali kaming tumakbo sa likod ng isang kotse at doon na dumaan.
"Sigurado ka bro? Na'ndito si Claire? Mukhang wala naman e," si Tristan.
"Sigurado ako dahil nakabili rito ng unit si Gracel," napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig ang pangalan ko, dahan dahan pa akong napalingon kay Claire.
"G-gracel?" Halata sa boses ni Tristan ang pagkagulat, ngunit imbes na pansinin pa ang dalawa ay sumenyas ako kay Claire na tumakbo na kami palabas ng parking lot.
"Thank God nakalabas rin tayo," sambit ni Claire na ngayon ay naghahabol ng hininga kagaya ko.
"Bilisan mo," sambit ko at ibinigay sa kanya ang hoodie na hawak ko "isuot mo baka bigla silang lumabas," bulong ko at agad naman itong ginawa ng kaibigan ko.
Ilang sandali pa, may lumapit na taxi sa amin at agad naman kaming sumakay. Habang inaayos ng manong driver nag mga gamit namin sa likod, nakita ko ang kotse ni Carter na ngayon ay kalalabas lang sa parking lot.
"Nakakapagod 'yong ginawa natin ha, pero ang saya." Natatawang sabi ni Claire, natawa na lang din ako.
Pinaandar na ng driver ang taxi "Sa'n po tayo Ma'am?" Tanong nito at deretsong tumingin sa akin.
"Sa Airport po," sagot ko naman.
Nakatulog si Claire sa biyahe at ako naman ay nanatiling gising, ilang minuto lang ang itinagal namin sa biyahe kaya mabilis kaming nakarating dito sa Airport. Narito naman na kami ngayon sa Eroplanong sasakyan namin papunta sa Iloilo, ang dinig ko ay matagal ang biyahe papunta ro'n. Ipinikit ko ang mga mata ko, kasunod no'n ay naramdaman kong paangat na ang eroplano.
Pasikat na ang araw pero narito pa rin kami sa himpapawid, nagising ako dahil sa ingay ng isang babae. Napalingon ako sa bintana ng eroplano kung sa'n nakapuwesto si Claire, tulog ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top