Chapter 24

TRISTAN'S POINT OF VIEW.

Mula nang makarating ako rito sa Cebu, hindi na ako nakaramdam ng kahit ano. Feeling ko nga ay malapit na sa'kin ang hinahanap ko, lalo na no'ng malaman ko na taga-iloilo ang new investor na kailangan kong i-meet up bukas. At bukas na rin kami magkikita ni Carter, pupunta s'ya sa Iloilo para sunduin ako at para na rin makilala nya ang mga bagong investors ng aming kumpanya.

"Are you ready for tommorow?" My mom asked, agad naman akong tumango "Kapag na sa Manila na tayo, do'n ko na sasabihin sa'yo ang dapat mong malaman. Be ready always okay?" Binigyan ako ni Mama ng napakatamis na ngiti at do'n pa lang ay sigurado ko ng magiging masaya ako sa bagay na kailangan kong malaman.

"Ipinanganak akong handa Mommy," natatawa kong sabi "I think I need to go to sleep, maaga pa tayong aalis bukas." Paalam ko sa kanya, hindi naman na ako pinigilan ni Mommy.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama, napagod ako sa work out kanina dahil ilang oras din ang tinagal ko. Two days na kami rito sa Cebu, feeling ko mas gusto ko nang tumira dito dahil malayo ako sa mga bagay na hindi ko gusto.

Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa, I decided to call Carter as all I know kasi ay first time nyang pupunta sa Iloilo. Mabuti na rin na malaman ko para maituro ko sa kanya kung saan talaga ang meet up area namin, ilang sandali pa ay nasagot na ni Carter ang tawag ko.

"Hello dude?" Pangunguna ko.

[Hey wazzup? I miss you dude] sabik nyang sabi, natawa naman ako ng bahagya.

"Alam mo na ba kung sa'n ka sasakay? Baka mamaya n'yan langaw sasakyan mo ha," natatawa kong sabi, rinig ko naman na tumawa rin ang pinsan ko.

[What the hell? Stop kidding me bro, may isasama akong employee and yeah taga-iloilo s'ya] sambit ni Carter, napatango na lang ako bago ibaba ang tawag.

Nakaramdam ako ng antok kaya minabuti ko na matulog muna, mahirap na baka hindi ako magising mamayang 10 pm.

"Tristan, wake up." Nagising ako dahil sa sunod sunod na yugyog ni Mommy sa katawan ko, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makitang naka-bihis na sya.

"A-aalis na po tayo?" Gulat na tanong ko sa kanya, agad naman na tumango si Mommy "Pero Mom, ang aga pa 8:30 pa lang po." Reklamo ko, napasapo pa ako sa aking noo nang makaramdam ng kaunting sakit.

"Anak, 10:57 na." My mom said, my brows furrowed "Kung hindi ka naniniwala, check your phone." Dagdag pa nya at sumenyas na lalabas muna "Hihintayin na lang kita sa baba, bilisan mo okay? Kanina pa naghihintay 'yong driver sa atin." Sambit pa ni Mommy, napatango naman ako.

Inabot ko ang cellphone ko sa lamesa at tiningnan kung ano ng oras, sa pagkakaalam ko ay nag-alarm ako bago matulog. Pero bakit hindi ko naramdaman o narinig man lang na tumunog ang alarm ng cellphone ko? "Let me check it," sambit ko at binuksan ang alarm "The fuck!" Napamura pa ako nang makitang 8:30 am ang nailagay ko.

Imbes na intindihin pa ang nangyari, kinuha ko ang jacket ko at dali daling lumabas. Nadatnan ko naman si Mommy na na sa living room, may inilalagay s'ya na mga baunan sa isang bag and I think pagkain 'yon "Let's go?" Napatango naman ako at kinuha mula kay Mommy ang dala nyang bag at ako na ang nag-dala.

"Wait, 'yong mga gamit ko pala nakalimutan ko." Sambit ko, nagulat naman ako nang hilahin ako ni Mommy "Mom, 'yong mga gamit ko po." Dagdag ko pa pero umiling na lang si Mommy.

"Ako na po dya'n Sir," sambit ng driver at kinuha mula sa akin ang bag "Tungkol po pala ro'n sa mga gamit nyo, na sa kotse na po." I raised my right eyes, gulat pa akong napalingon kay Mommy na ngayon ay nagpipigil sa pagtawa "Tara na po?" Tanong ng driver, binuksan nya pa ang pinto at hindi umalis hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Sa'n pala tayo sasakay Ma?" Tanong ko sa aking ina, agad nya naman akong nilingon "Ferry or Airplane?" Pagpapatuloy ko.

"Sa Airplane na, kasi kung sa ferry 12 hours ang biyahe matatagalan tayo." Paliwanag ng aking ina, napatango naman ako.

Where here at Consolacion, at sa Cebu Pacific ang punta namin kaya tatagal pa kami sa biyahe "54 minutes pa pala tayong bi-biyahe bago makarating sa Airport?" Tanong ko.

"Yes," tugon ni Mommy.

"How about the car?" Tanong ko pa.

"Si Manong na ang bahala r'yan anak," sagot ni Mommy.

"Sa ferry na lang po Sir," sambit naman ng driver napatango na lamang ako habang deretsong nakatingin rito.

"Nagugutom ako," napahawak pa ako sa tiyan ko.

"Here," iniabot sa akin ni Mommy ang bag na dala kanina, pagbukas ko nito ay nakakita ako ng pagkain "Maraming klase 'yan, h'wag mo lang uubusin para mamaya ay may kakainin ka." Paalala nya, natawa na lang ako bago kunin ang isang baunan na naglalaman ng kanin at adobo, my favorite.

"Kuya, dahan dahan lang sa pagpapatakbo okay?" Sambit ko sa driver, nagthumbs up naman ito kaya nagumpisa na akong kumain "Mommy, about pala sa kailangan kong malaman? Ano ba 'yon?" Tanong ko, napaubo pa ako dahil bigla na lamang akong nabulunan.

"Ano ba naman 'yan Tristan, ang tanda mo na pero nabubulunan ka pa. Hinay hinay kasi sa pagkain, wala ka namang kaagaw." Alalang sabi ni Mommy, inabot nya ang tumbler ko habang tinatapik ang aking likod "Sa susunod na araw ay malalaman mo na 'yon kaya sa susunod na araw ko na lang din sasabihin, magfocus ka muna sa pagkain dahil baka mamaya ay mabulunan ka na naman." Dagdag pa ni Mommy, natawa pa ako ng bahagya bago muling magpatuloy.

Nang matapos ako, hindi ko na namalayang nakatulog pala ako dahil na rin siguro sa sobrang antok, naudlot ang tulog ko kanina. Ilang sandali pa, naramdaman kong huminto ang kotse kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Ma'am, Sir! Na'ndito na po tayo," sambit ng driver, nakatulog din pala si Mommy.

"Ma, let's go." Niyugyog ko ang aking ina hanggang sa ito ay magising.

"Na'ndito na pala tayo," sambit ni Mama, dali dali syang bumaba ng kotse "Bilisan mo, anong oras na baka malate tayo sa flight." Napatango na lang ako bago bumaba.

May sarili naman kaming airplane kaya kahit anong oras ay puwede kaming bumyahe pahimpapawid, si Mommy ang nagdecide na madaling araw na kaming bumyahe dahil makakapagpahinga raw s'ya gano'n din ako. Madali lang kaming nakapasok dahil may mga tauhan naman kami dito sa loob, sa ilang minuto lang ay narito na kami sa eroplano.

"Matulog ka na muna, baka sumakit ang ulo mo." Paalala ni Mommy, napatango naman ako at binigyan s'ya ng matamis na ngiti "Sige na anak," ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog.

Habang nakapikit nakaramdam ako ng pagkasabik, pagkasabik na makitang muli ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita. Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag malapit ka na sa taong mahal mo, hindi na mapigilan ng iyong puso na hindi mag-saya.

Kinabukasan, maaga na at pasikat na rin ang araw pero narito pa rin kami sa himpapawid, naglalakbay patungo sa aming pupuntahan "Anong oras na Ma?" Tanong ko sa aking ina, hindi s'ya sumagot kaya napagdesisyunan kong lingunin na s'ya.

Mahimbing pang natutulog si Mommy, ramdam ko namang pababa na ang airplane dahil hindi na kami kasing taas katulad ng kanina  "Flight attendants, prepare for take-off please." Rinig kong sabi ng piloto  "Cabin crew, please take your seats for take-off."  dagdag pa nito.

Ilang sandali pa, ramdam ko nang lumapag na sa kalupaan ang aming sinasakyan. May mga flight attendant na lumapit sa amin, at ginising ng mga ito si Mommy. Nagkunwari naman akong tulog "Tristan, wake up. We're already here," My mom said.

Dahan dahan ko pang iminulat ang aking mga mata at umastang kakagising lang, sumenyas si Mommy na kami ay bababa na kaya nag-inat muna ako bago tuluyang bumaba. Pagkababa ko agad na bumungad sa akin ang nakakasilaw na araw, tinakpan ko ang aking mga mata dahil sumasakit ang mga ito "Sa'n muna tayo Ma?" I asked my Mom, agad naman nya akong nilingon at ngumiti.

"The Mango Tree Restaurant? They said na masarap daw ang mga food do'n," sagot ni Mommy, at napapatango pa talaga habang nagsasalita.

"Ah," napatango na lang ako at sumunod sa kanyang lumakad "Sa'n tayo sasakay?" I asked.

"May mga staff tayo rito, don't worry sila ang bahala sa atin." She answered, napatango na lang ulit ako.

Habang naglalakad talagang hindi ko maiwasang maisip kung bakit parang naeexcite ako, magmula yata no'ng umalis ako sa America ay naramdaman ko na 'to. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, hindi kaya malapit lang sa akin si Gracel? Pero ang sabi ni Carter na sa Manila raw s'ya kaya paano?

Ilang minuto rin ang naging biyahe namin mula sa airport hanggang rito sa Mandurriao, mabilis ang naging takbo ng kotseng sinakyan namin dahil hindi naman ganoon karami ang mga sasakyan dito kumapara sa Manila na aabutin ka ng lima o anim na oras makarating ka lang sa pupuntahan mo.

"Bro!" Napalingon ako sa entrance nang marinig ang boses ni Carter, agad ko naman syang nakita, nakatayo sa tabi ng kotse nya "I miss you!" Sambit nya sabay yakap sa'kin ng napakahigpit, halos hindi na nga ako makahinga.

"Teka lang naman," reklamo ko at agad na kumalas mula sa yakap nya.

"Sorry, namiss lang talaga kita." Sambit nya pa, halata sa boses nya ang labis na pagkasabik, hindi naman na ako nagreklamo ng muli nya akong yakapin "So, ano na? Nandya'n na ba 'yong mga investors natin?" Tanong nito.

"Mamayang 10 am pa 'yon," sagot ko.

"Eh bakit ang aga mo akong pinapunta rito?" He asked again.

"Para makasabay kaming magbreakfast, ayaw mo ba?" Tanong ko pa.

"Hindi naman," tugon ni Carter at natawa pa nga.

"Sige na, kumain na tayo, nagugutom na ako." Sambit ko sabay tapik sa braso ni Carter "Na sa loob na si Mommy, nag-order na ng food." Dagdag ko pa.

"K-kasama pala si Tita?" Gulat na tanong ni Carter.

"Oo, s'ya ang sumundo sa akin sa Airport." Sagot ko naman.

"Sa Manila?" Agad naman akong napailing "C-cebu?" Utal na sabi ni Carter, at tumango naman ako "Ah, kaya pala. Pinuntahan kita no'n sa Airport pero wala ka, alam mo bang nagalala ako that time?" Sambit nya, natawa naman ako dahil naikuwento 'yon sakin ni Claire, ang girlfriend ni Carter.

"Bakit ka ba kasi nagpaniwala sa news? That was a fake news, walang airplane na nagcrash that time." Paliwanag ko sa kanya, hindi ko naman naiwasang hindi matawa dahil sa nangyayari lalo na nang makita ko ang ekspresyon ni Carter "Why? There's any problema? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Natatawa kong tanong sa kanya, kinaway-kaway ko pa ang mga kamay ko pero talagang natulala s'ya "What the hell is your problem?" Inis kong sabi, napailing pa ako bago sundan ang tingin ni Carter "Bro, you have a girlfriend stop that!" Asik ko.

"I don't care, as long as may nakikita akong babae." He said, para bang nagpanting ang tainga ko dahil sa narinig "Ouch!" Si Carter sa mataas na boses, hinampas ko ang kamay nya dahil hindi na ako nakapagpigil.

"What?" I raised my right brow, bigla na lamang nya akong inambaan ng suntok.

"Wala, nakakainis ka kasi e." Paninisi nya sa akin.

"Anong ako? Eh ikaw itong kanina pa nakatitig do'n sa babae, alam mong may girlfriend ka." Inis na sabi ko, inirapan ko pa s'ya "H'wag mo nang uulitin 'yon kung ayaw mong sabihin ko kay Claire nag ginagawa mo," sambit ko.

"Okay," tugon nya.

"Pupunta muna ako sa comfort room, naiihi ako." Paalam ko sa kanya, nakita ko pa si Mommy na hanggang ngayon ay nakapila "Excuse me, nasa'n ang cr dito?" Tanong ko sa staff na nakasalubong ko.

"Do'n po sir," sagot nito sabay turo sa hallway bandang kanan.

"Salamat," tumango na lamang ito bago umalis.

Habang naglalakad, nakakita ako ng babae may hawak itong bata na sa tingin ko ay na sa isang taong gulang pa lamang. Nang makatapat ko ang babae bigla akong nakaramdam ng kakaiba, tila kilala ko na s'ya. At ang ipinagtataka ko ay naramdaman ko ang pagkasabik nang magkasalubong kami, may pakiwari ako na konektado ang buhay ko sa babaeng 'yon pero paano? May katandaan na s'ya at higit pa wala akong kasiguraduhan kung kilala ko ba ito o hindi.

Mabilis na naglakad palayo ang babae, tila iniiwasan nya ako. Imbes na intindihin ko pa ito, dali dali akong pumasok sa comfort room dahil naiihi na talaga ako. Habang umiihi hindi ko maiwasang hindi isipin ang babae, bakit kaya gano'n na lang ang naramdaman ko?

"Sino ba kasi 'yon?" Tanong ko sa sarili bago lumabas ng cr, paglabas ko hindi ko na nakita ang babae "Umalis na siguro," sambit ko pa back bumalik sa table namin nila Mommy.

"Anak, may problema ba?" My mom asked.

"Wala Ma, nagtataka lang ako dun sa babae parang iniiwasan nya ako." Kuwento ko, hindi naalis ang tingin ko sa entrance dahil alam kong doon dumaan ang babae "Para kasing connected s'ya sa'kin," dagdag ko pa.

"Sure ka?" Paninigurado pa ng aking ina.

"Yes, pero ang ipinagtataka ko lang bakit nya ako iniiwasan?" Tanong ko, naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari.

"Baka nagmamadali lang, o baka may kailangang gawin." Sambit ni Carter.

"Hindi eh,"

"Don't mind her na, kumain na tayo." My mom said, agad naman akong sumunod.

"Mamaya pagkatapos ng meeting uuwi na tayo sa Manila," sambit ko.

"H-huh?" Utal na sabi ni Carter, napatango naman agad ako "Bakit parang ang bilis?" Sambit pa nito na tila hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Yes, kung gusto mo naman maiwan ka na rito basta humanap ka ng titirahan mo." Sambit ko, natawa naman si Mommy.

"Okay fine, sasama na akong umuwi pero Ferry ang sasakyan ko, may dala akong kotse e." Sambit nya, napatango naman agad ako.

"Sige, sa Ferry na rin kami." Sabat ni Mommy, napatango na lang ako at hindi na umangal pa.

Nang matapos kami, agad kaming humanap ng hotel kung sa'n kami makakapahinga. May negosyo ang Daddy rito at may bahay din s'ya pero hindi ako puwedeng umuwi do'n dahil baka malaman nya na na'ndito na ako sa Pilipinas, sigurado akong hahanapin nya ako at pipiliting magpakasal kay Aira.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top