Chapter 22
Ilang oras na ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Carter, gabi na at hindi ko pa rin natatapos ang pinapagawa nya. Kailangan ko nang umuwi dahil paniguradong hinihintay ako ng mga anak ko, baka nga umiiyak na ang mga 'yon ngayon.
Nagdesisyon akong puntahan na si Claire sa opisina nya, mabuti na lamang at hindi pa s'ya umaalis "Gracel, may problema ba?" Agad na bungad nya nang makapasok ako rito sa loob.
Napakagat pa ako sa ibabang labi bago nagsalita "Ah kasi Claire......" Aaminin kong nahihiya ako, hindi naman sapat na dahilan ang pagiging magkaibigan namin para umalis na lang ako ng walang paalam.
"Ano ba 'yon? Sabihin mo na," sambit nya habang nakatutok ang mata sa laptop, pasimple pa akong dumungaw sa laptop nya pero hindi ko man lang nakita kung ano ang ginagawa nya "bilisan mo, time is gold." Dagdag pa nito, napatikhim pa ako.
"Magpapa-alam sana ak—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sumenyas si Claire na tumigil ako 'tsaka nagsalita.
"Umuwi ka na dahil tiyak akong kanina ka pa hinihintay ng mga inaanak ko," sambit nya, hindi naalis ang tingin nya sa laptop kaya tinapik ko na lang s'ya bago ako umalis tanda ng pag-galang "Bess!" Gulat akong napalingon sa pinto ng opisina ni Claire nang marinig ko ang boses nya na tinawag ang aking pangalan.
"Uhm?" Tinaas ko pa ang kanang kilay ko.
"Puwedeng hintayin mo na ako? Ayusin ko lang saglit ang mga gamit ko," napatango na lamang ako, sandali ko pa syang hinintay "Tara na?" Hindi pa man ako napapalingon sa kanya, agad na nyang hinawakan ang aking braso at hinila palayo sa kanyang opisina "Bilisan mo," dagdag pa nito at binilisan ko naman ang pag-lakad.
"Teka naman," reklamo ko.
"Bilis!" Si Claire sa mataas na boses, halata sa tono ng kanyang pananalita ang labis na pagka-taranta.
Hindi na ako nagreklamo, binilisan ko na lang din maglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot kung nasa'n ang kotse nya. Malalim pa itong napabuntong hininga nang makapasok sa kotse "May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko, napalingon s'ya sa akin sabay hawak sa aking kamay.
"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula," napanguso s'ya habang pinapaypayan ang sarili, sa style nya pa lang kinilabutan na ako.
"May nakita ka ba?" Biglang tanong ko, ni hindi ko maintindihan kung sa'n nanggaling ang itinanong ko "Claire?" Nagtatanong kong tinawag ang pangalan nya dahil bigla na lamang itong natulala, kinaway-kaway ko pa ang kamay ko sa harap ng mata nya pero hindi ito kumurap "Hoy!" Hinampas ko ang braso nya at sa pagkakataong ito ay sigurado ako na naka-balik na s'ya sa wisyo.
"Sorry, feeling ko kasi lumulutang ang isip ko." Sambit nya habang nakahawak sa magka-bilang sentido.
"Alam mo? Mag-drive ka muna tapos mamaya mo na lang ikuwento," suggest ko, agad naman n'yang pinaandar ang kotse.
"Sisimulan ko na ba?" Tanong nya, tumango naman ako at sumenyas na nakikinig ako sa sinasabi nya "So eto na nga, no'ng nakaraang buwan ko pa talaga 'to napapansin e." Kuwento nya at saglit na huminto.
"Ang ano ba? Deretsuhin mo na para hindi na ako mag-isip pa ng kung ano, sumasakit ang ulo ko." Reklamo ko sa kanya, bumuntong hininga pa si Claire bago muling ituloy ang kinukuwento.
"Kasi sobrang cold na ni Carter, feeling ko may iba na s'ya tapos lagi ko pang nakikita na may kausap s'ya sa cellphone at alam mo? Ang lawak ng ngiti nya kapag kausap ang taong 'yon," kuwento nya at naka-simangot pa.
"Baka naman Mama o kaya Papa nya," sambit ko.
"Mukha namang hindi," bumuntong hininga na lang ako.
Mabuti na lang at narito na kami sa bahay, dali dali akong tumakbo papasok ng bahay. Hindi naman sumunod si Claire dahil may kailangan syang puntahan at importanteng gawin, pagpasok ko agad na bumungad sa akin ang dalawa kong anak. Nilalaro ni Papa, napangiti naman ako dahil sa masayang ngiti ng dalawang anak ko.
"Na'ndito na ako," sambit ko, kumawag kawag ang dalawang bata tila gusto pa nilang tumakbo papalapit sa akin "Na-miss ko kayo!" Sambit ko pa habang naglalakad papalapit sa kanila, nang maka-lapit ako agad kong binigyan ng napaka-higpit na yakap ang aking mga anak.
"Buti naman at dumating ka na," sambit ni Papa. Agad kong inabot ang kanang kamay nya at nagmano "May pupuntahan muna ako, ikaw nang bahala sa kanila ha?" Sambit pa nya, napatango naman ako at ngumiti "Ang Mama mo, pauwi na 'yon." Dagdag pa nya bago tuluyang umalis.
Saglit kong ibinaba si Chriscelle dahil gusto nya raw na manood ng tv, kanina nya pa kasi 'yon itinuturo. Tumayo ako at lumapit sa kinalalagyan nito, pag-bukas ko agad na kumawag ang bata "Ang cute naman ng baby kong 'yan," sambit ko, lumapad ang ngiti sa aking mga labi "Oh bakit?" Tanong ko sa dalawang bata ng bigla na lamang silang umiyak at itinuro ang tv, pag-harap ko sa kinalalagyan ng tv agad kong nakita ang eroplanong bumagsak.
Media: Ayon sa nasagap naming balita, kani-kanina lang lumapit sa amin si Carter Smith at sinabing nawawala raw ang pinsan nyang si Tristan Villacorta. Sa eroplanong sumabog daw kasi nakasakay ang kanyang pin—.
Hindi ko na hinayaang matapos ang sasabihin ng reporter, agad kong pinatay ang tv dahil unti unti nang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ako mapalagay, gustuhin ko mang pigilan ang mga ito ay hindi ko magawa dahil minahal ko rin naman si Tristan "Daddy," sabay na sambit ng dalawang bata na mas lalong nagpa-lakas sa agos ng mga luha ko.
Niyakap ko ng napaka-higpit ang dalawang bata, I can't help but feel sorry for my self. Ang bigat ng dibdib ko, para itong sasabog. Nilingon ko ang bag ko nang marinig ko ang sunod sunod na pag-vibrate ng cellphone ko, si Mama Veron tumatawag.
"H-hello Ma?" I stuttered.
[Umiiyak ka ba?] Tanong nya.
"Hindi po, napuwing lang po ako." Palusot ko.
[Ah, by the way......] Alam kong 'yong news sa tv ang sasabihin nya [Have you already watched the news?] She asked.
"Yes po," tugon ko.
[Don't worry about it, pinakaba ka lang ni Carter. Fake news 'yon] My brows furrowed, totoo ba ang narinig ko? Sabagay, ni kahit kaunting pag-aaalala ay hindi ko man lang nahalata sa boses ni Mama Veron [Tumawag si Tristan kanina, na sa Airport na raw s'ya. Sa Cebu pala s'ya dumeretso, uuwi na lang daw s'ya rito sa Manila kapag naayos nya na ang problema nya] Kuwento ni Mama Veron, biglang gumaan ang dibdib ko na kanina'y parang sasabog [Sige na, may gagawin pa ako e] dagdag pa ni Mama Veron bago tuluyang putulin ang linya, agad ko namang ibinaba ang cellphone ko.
Natulala ako, tila ba nawala ako sa wisyo. Napako lamang sa iisang bagay ang tingin ko, at 'yon ay sa halaman na na sa harap ko "M—mhie," nagulat ako nang bigla na lamang akong sampalin ni Austine "D-dadii," sambit nito, umiling naman agad ako pero nakita ko sa mga mata ng batang hawak ko ang pagka-gulat.
"The man on the television is not your Father, because your Mama Veron called me earlier. She said that your daddy is at the Cebu," Paliwanag ko, hindi ako siguradong maiintindihan nila ang sinabi ko pero sinubukan ko pa rin at hindi na inulit pa.
Bumukas ang pinto, iniluwa nito si Carter. Hingal na hingal s'ya na tila may nag-habol sa kanya na kung ano, hindi na ako nagulat at nag-isip pa ng kung ano dahil alam ko namang lolokohin na naman nya ako, alam ko na rin kung ano ang sasabihin nya "G-gracel," utal nya pang sabi, umarte ako na tila hindi alam kung ano ang sinasabi nya "S-si Tristan na—" hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita sina Austine at Chriscelle.
"Our dad is not on the tv, because Mama Veron said that our daddy is on the Cebu." Deretsong sabi ng dalawang bata na ikinagulat ko, ngayon lang sila nakapag-salita ng deretso.
"What the hell?" Carter said, napahawak s'ya sa kanyang ulo ngunit halata naman sa asta nya na sya'y natatawa "Paano nila nalaman?" Tanong ni Carter, umarte naman ako na hindi ko alam.
"Bakit ako ang tatanungin mo?" Sambit ko sabay irap sa kanya, bahagya namang natawa si Carter "Don't act like you doesn't know nothing," sambit ko pa.
"Did I?" Umirap pa si Carter bago maupo at kilikin mula sa akin si Austine "Hi baby, miss you!" Sambit nito at hinalik-halikan ang bata, agad namang nairita si Austine at pinagsa-sampal si Carter "Stop, masakit!" Reklamo pa ni Carter, natawa na lang ako dahil para silang aso at pusa.
"Austine!" Pagba-bawal ko sa bata, nilakihan ko pa s'ya ng mata kaya agad na tumigil sa ginagawa "H'wag mo kasing halikan, alam mong binata na ang anak ko." Natatawang sabi ko, natawa rin si Carter at hinampas hampas pa ako "Para kang tanga," nis pang sabi ko.
"Stop!" Si Austine sa mataas na boses, muli syang hinalikan ni Carter at katulad kanina nairita na naman s'ya sa ginawa ng kanyang amain.
"Tigilan mo na nga, kaya nagse-selos si Claire sa amin e." Nang-iinis na sambit ko, Carter raised his right brow.
"What the hell are you talking about?" He asked.
"Wow ha? Sige, umarte ka lang na wala kang alam." Inirapan ko pa s'ya bago batuhin ng unan, bumawi ng bato si Carter "Umuwi ka na, may naghihintay sa'yo." Sambit ko at sumenyas na bukas ang pinto.
"Ayaw mo na ba akong kasama?" Nang-aakit nyang tanong, natawa naman ako.
"Alam mo ikaw? Umuwi ka na dahil kanina ka pa hinihintay ng kaibigan ko," sambit ko, umirap si Carter pero hindi ko na 'yon pinansin "Bilisan mo," hinampas ko pa s'ya "Ingat," kinawayan ko pa s'ya.
Nang maka-alis si Carter, gumaan ang pakiramdam ko. Naka-tulog na ang dalawang bata, nag-stay muna kami rito sa sala dahil walang bubuhat sa kanila. Muli kong binuksan ang tv, sakto at tapos na ang balita.
Hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako, dahan dahan pang nabitawan ng mga kamay ko ang remote. Ramdam kong gumalaw ang paa ng isa sa mga anak ko kaya mabilis na dumilat ang mga mata ko, akala ko kung sino, si Mama naman pala, buhat buhat nya si Chriscelle at inihihili ito "Gising ka na pala, kumain ka na ba?" Tanong ni Mama, napalingon pa ako sa buong paligid at saka ko lang napagtanto na madilim na ang buong paligid.
"G-gabi na pala," utal kong sabi, binigyan ko ng mapait na ngiti si Mama.
"Ako na munang bahala sa mga bata, kumain ka na dahil baka nagkasakit ka." Sambit nya, napatango na lang ako bago magtungo sa kusina.
Naka-handa na ang mga pagkain, paborito ko ang iniluto ni Mama, ang adobong baboy at sinigang na hipon.
Habang kumakain, biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mama Veron, na sa Cebu si Tristan at may aayusin lang syang problema kaya ilang araw lang ay babalik na s'ya. Ano ang gagawin ko? Hindi nya puwedeng makita ang mga anak ko, magmula no'ng araw na iniwan nya ako sinabi ko sa sarili ko na wala na syang karapatan sa mga anak ko.
"Gracel, tapos ka na ba?" Rinig kong tanong ni Mama.
"Saglit lang!" Sigaw ko. Pag-tapos kong mag-hugas ng plato, agad akong lumabas. Nadatnan ko naman si Papa, kalong kalong nya si Austine "Pa, may sasabihin sana ako." Sambit ko, agad naman akong nilingon ni Papa.
"Ano 'yon?" Tanong nya, napalunok pa ako bago muling mag-salita "Deretsuhin mo na," sambit pa nya.
"Gusto kong iuwi muna ang mga bata sa Ilocos, na sa Cebu na si Tristan at ayaw kong malaman nya na may anak kaming dalawa." Sambit ko, medyo nanginginig pa ang boses ko.
"Pero alam ng nanay nya na may anak kayo, ano na lang ang sasabihin ni Veron kapag nalaman n'yang inilayo mo sa anak nya ang mga anak nito?" Napayuko ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko "Pag-desisyunan mong mabuti, mahirap ibalik ang tiwalang nawala." Dagdag pa nya.
"Iyon na nga Papa e, matagal nang sira ang tiwala ko kay Tristan at isa pa natatakot ako na baka kapag nalaman n'yang may anak kami kunin nya sa akin ang mga bata." Sambit ko, tumulo ang aking mga luha "Kaya gusto kong ilayo sa kanila ang anak ko," sambit ko sa garalgal na tono.
"Kung 'yan ang gusto mo, kung sa'n ka nando'n kami." Sambit ni Papa, napatango naman ako.
"Salamat po," binigyan ko si Papa ng mapait na ngiti at saka yumakap "Gusto ko, bukas na." Sambit ko pa, hindi naman na nag-reklamo si Papa.
Nilingon ko si Mama na ngayon ay deretsong nakatingin sa akin, hindi ko alam kung ano ang gusto n'yang ipahiwatig. Alam kong may gusto syang sabihin pero hindi nya ito masabi, panay rin ang tingin nya kay Papa tila ba may kakaibang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.
"Papasok na muna ako sa kuwarto," sambit ni Mama at sumenyas sa akin na ako'y sumunod sa kanya.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago tuluyang sumunod sa aking ina, kinuha ko pa si Austine mula kay Papa at sinabing "Ako na Pa, mag-pahinga ka na muna." Agad namang sumang-ayon ang aking ama, hinintay ko pang maka-pasok s'ya sa kuwarto nila ni Mama bago ako pumasok sa kuwarto namin ng mga bata "May problema ba Ma?" Tanong ko, mabilis na isinarado ni Mama ang pinto.
"Matagal ko nang napapansin sa Papa mo, may iba syang ikinikilos. Magmula no'ng ipakilala mo sa amin si Veron, may namamagitan kaya sa kanila?" Tanong ni Mama, namuo ang mga luha sa mga mata nya at nakaramdam naman ako ng awa.
"Wala naman siguro Ma, isa pa h'wag mo nang isipin 'yon dahil asawa mo si Papa. Bibigyan ka lang n'yan ng sakit ng ulo," sambit ko at hinaplos ang likod nya.
"Sabagay, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin." Napabuntong hininga na lang ako at muling hinaplos ang kanyang likod, napahawak pa si Mama sa kamay ko at binigyan ako ng mapait na ngiti bago tumalikod.
Akma na sana syang aalis nang bigla akong nag-salita "Iaayos ko na ang gamit ng mga bata, bukas na bukas gusto ko pong pumunta na kayo sa Ilocos para hindi malaman ni Tristan ang tungkol sa kanila." Sambit ko, agad namang tumango ang aking ina "Salamat po," dagdag ko pa, agad na lumabas ng kuwarto si Mama kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para ihiga na sa kama si Austine, nangawit ang kanang braso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top