Chapter 20
TRISTAN'S POINT OF VIEW.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil sa pagod. Mula no'ng umalis ako sa bahay napag-desisyunan kong mag-tayo na lang ng business since may nabili naman akong farm rito, nagtanim ako ng strawberries and apples ang problema nga lang ay wala akong kasama sa pag-aasikaso rito dahil ayon sa balitang natanggap ko umuwi si Carter sa Pilipinas.
"Damn! Nakakapagod." Muli akong bumuntong hininga bago maupo, inabot ko ang tubigan ko at uminom "Ganito pala kapag walang sumusuporta sa'yo, lahat gagawin mo mabuhay ka lang at maka-ahon sa lubak na nilubugan mo." Tanging nasambit ko, bahagya pa akong napangiti.
Ilang sandali pa, lumubog na ang araw kaya napag-desisyunan kong umuwi na dahil masama ang timpla ng langit baka umulan. Malapit lang dito ang bahay na nabili ko kaya naglakad na lang ako pauwi, habang naglalakad may napansin akong kakaiba sa pantalon na suot ko "Ano 'to?" Naguguluhang tanong ko ng maramdamang may tumama na matulis na bagay sa hita ko, sandali kong ibinaba sa sahig ang hawak kong tumbler at kinuha ang matulis na bagay na na sa pantalon ko "Dito ka pala nakatago, matagal na kitang hinahanap." Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ang bracelet na niregalo ni Gracel sa akin, medyo bumigat ang pakiramdam ko nang makita ito.
Mariin kong itinikom ang aking mga kamay ng maramdaman ang mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko, ibinalik ko ito sa bulsa ko bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa tapat ng pinto, agad kong nasulyapan ang larawan namin ni Gracel na naka-paskil sa pader. Napakagat ako sa ibabang labi, ni hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa dahil para akong napako sa aking kinatatayuan. Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng likido mula sa mga mata ko.
"Tristan!"
Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ang boses ng kapitbahay kong si Sister Edna, nilingon ko s'ya nakatayo ito sa tapat ng gate habang kumakaway "Yes?" Agad kong tugon, dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan nya.
"Earlier, someone is looking for you." Sister Edna said, my brows furrowed.
"W-who?" I stuttered.
"A woman," sagot nya, napakamot pa ito sa ulo na tila ba may inaalala "As I remember her name is Veron?" Tila hindi pa s'ya sigurado sa sinabi, pero ako siguradong sigurado ako na ang Mommy ko 'yob but how? How did she know na na'ndito ako?
"So where's she?" I asked.
"I don't know," umarte pa ito na hindi nya alam, napabuntong hininga na lang ako bago sumilip sa labas ng gate "because you said to me that if someone is looking for you, I won't tell where you are." Napasapo na lang ako sa noo ko, napakagat pa ako sa ibabang labi ko bago magpaalam sa kanya na papasok na sa loob.
Anak ng tokwa!
Dumeretso agad ako sa loob ng kuwarto para kuhanin ang cellphone ko, pagbukas ko nito agad na bumungad sa akin ang sunod sunod na missed call ni Mommy.
"What the hell? Bakit ko kasi iniwan dito?" Inis na sabi ko, napakamot pa ako sa ulo bago ibaba ang cellphone ko.
Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ang sinabi ko noon kay Sister Edna.
—FLASHBACK—
"Oh, hi!" Bati ng isang babaeng papalapit sa akin, papeke ko na lang syang nginitian "New here huh?" Sambit pa nya, napatango na lang ako bago bumalik sa pagbubungkal "There's no gold here," bahagya pa akong natawa sa sinabi nya.
"Laughing my ass of, I'm not digging for gold." I rolled my eyes bago abutin ang gloves na nakalapag sa lupa.
Hindi ko na namalayan ang pag-alis nya, masyado akong na-busy sa pag-tatanim ng mga puno dito sa tabi ng gate.
Next day.....
"Hey, for you!" Inis akong napakagat labi nang marinig ang boses ng babaeng nagpunta rito kahapon "Get it," she offered me the salad she made?
Dahan dahan ko itong kinuha, pinakatitigan ko pa ang pagkain bago tikman "Delicious huh?" Napatango tango pa ako habang tumatango "What's these for?" I asked, imbes na sumagot ngumiti lamang s'ya at nagpuppy eyes "Hehe," peke kong tawa.
"Uhm......." Umarte ang babae na tila ba nag-iisip, medyo may katabaan s'ya "Actually, I want you to be my friend since I don't have a friend." Sambit nya sabay paliwanag, napatango n lang ako bago iabot ang kanang kamay ko at makipag-shake hands sa kanya "So, since we're friends what is your name?" She asked.
"I'm Tristan," nakangiti kong tugon.
"Oh, Tristan what a nice name." Napatango tango pa s'ya habang nagsasalita "What's your last name?" She asked again.
"Secret," I said.
"What the?" Natatawa n'yang sabi, bahagya na lang akong natawa back bawiin ang palad kong mahigpit nyang hawak "Nice to meet you, Tristan. By the way, my name is Edna. My mother is from the Philippines but I don't know how to speak tagalog," kuwento nya napatango na lang ako.
3rd day......
" Edna, favor please." Sambit ko, nag-puppy eyes pa ako. Agad namang tumango si Edna at tinapik tapik ang braso ko "If someone is looking for me, don't tell him or her that you know me okay?" Napatakip sa bibig si Edna at bahagya pang natawa.
"Okay, I'm a genny so your wish is my command." She said while laughing, napapahawak pa ito sa kanyang tiyan tuwing malakas ang kanyang tawa.
"Okay, thanks." Nakipag-peace bump pa ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay, kailangan kong makapag-isip ng maayos dahil kailangan kong kumita ng pera.
—END OF FLASHBACK—
"Come on," napa-takip pa ako sa aking bibig bago ko takpan ng unan ang aking mukha.
Napabalikwas ako sa aking hinihigaan ng marinig ang tunog ng cellphone ko, may tumatawag. Dali dali ko itong kinuha at nabasa ang pangalan ng aking ina, bumuntong hininga pa ako bago ito sagutin.
"Mom?" Panimula ko.
[I'm here at your father's house] she said, kaya pala narinig ko ang boses ng aking ama [Where are you?] She asked.
"Not now Ma, I'm busy." Sambit ko bago ibaba ang tawag, napabuntong hininga pa ako ng malalim bago muling ibagsak sa kama ang aking katawan "Bakit s'ya nando'n?" Tanong ko sa aking sarili.
Nagulat ako ng biglang malaglag ang picture namin ni Gracel, dali dali akong tumayo at nagulat ako nang makita itong basag. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkamali ako ng hawak sa bubog, natusok ang aking daliri at malapot na dugo ang lumabas rito. Kinabahan pa ako dahil takot ako sa dugo.
Ikinalma ko ang sarili ko, paulit-ulit akong nag-enhale at exhale para tuluyan akong kumalma. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa tuwing makikita ko ang daliri kong may dugo natataranta ako, nakaramdam din ako ng antok pero pinigil ko ang aking sarili.
"Damn, nahihilo ako." Tanging nasambit ko, nakatayo pa ako bago tuluyang mawalan ng malay at bumagsak sa sahig.
3RD PERSON'S POINT OF VIEW...
Papalapit si Edna sa pagitan ng bahay nya at ni Tristan, maligayang naglalakad ang babae hanggang sa bigla na lamang syang nakarinig ng malakas na tunog na tila ba may bumagsak na kung ano. Awtumatiko syang napalingon sa bahay ni Tristan dahil sigurado syang doon ito nanggaling, hindi na nag-atubiling tumakbo si Edna papalapit sa bahay ng kaibigan.
Saktong pagpasok nya sa kuwarto ni Tristan, nakita nya ito na naka-handusay sa sahig at wala itong malay. Nagulat pa at nakaramdam ng takot si Edna dahil nakakita s'ya ng mga bubog at nakita ring duguan ang palad ng kanyang kaibigan, dali dali nyang nilapitan si Tristan at dahan dahan itong itinayo. Matimbang man ang katawan ni Edna hindi pa rin maitatanggi na sya'y nahirapan sa pag-buhat sa kanyang kaibigan, dahan dahan n'yang inihiga sa kama si Tristan at agad na kumuha ng gaza para mapigilan ang pag-dugo ng kamay nito.
"My goodness!" Tanging nasabi ni Edna, halata sa boses nya ang pagka-taranta dahil ito pa lamang ang unang beses nyang mag-linis ng sugat "Oh God," napapapikit at napapakagat pa s'ya sa ibabang labi dahil sa takot.
Hindi umalis si Edna sa tabi ni Tristan hanggang sa magising ito, wala namang masyadong ginagawa si Edna kaya humiling si Tristan na kung puwede ay bantayan muna s'ya dahil wala syang kasama "Okay, I promise I don't leave you." She said, napatango naman ang binata.
"Edna," awtumatikong napalingon si Edna kay Tristan nang marinig nyang tinawag ang kanyang pangalan "I have a question," sambit ni Tristan.
"Spill it," the woman said.
"Do you have a husband, daughter's and son's? A family," biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Edna, ang kaninang masaya ay nabalutan ng lungkot "Why? Did I say something wrong?" Tanong ng binata, binigyan s'ya ng mapait na ngiti ni Edna.
"My family died because of car accident," nanginginig ang boses ng babae.
"I'm sorry, I didn't know." Nakayukong sabi ni Tristan, hinawakan nya ang kamay ng babae.
Biglang bumukas ang pinto, awtumatikong napalingon ang dalawa sa pinto "What the hell?" Sambit ng babaeng kakapasok pa lamang, dalawang beses napalunok si Tristan habang gulat na nakatitig sa babae "What's wrong with you?" The woman asked.
"M-mom," Tristan stuttered.
"What the hell are you doing? Babae mo ba s'ya ha?" Galit na sabi ng babae, agad namang napailing si Tristan "Then who is she?" Tanong nito.
"She's sister Edna, my friend." Tugon ng binata sa kanyang ina, kumalma ang babae.
Kaunting katahimikan ang nangibabaw sa loob ng kuwarto, ni isa sa kanila ay hindi nagawang mag-salita "Goodbye, I'm going home now." Pagbasag ni Edna sa katahimikan, hindi naman na nagpumilit pa si Tristan dahil hinayaan nya na ang kaibigan nyang umuwi na.
"Ma, ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong ni Tristan sa kanyang ina, dahan dahang naupo ang babae sa kama at hinimas himas ang buhok ng kanyang anak "There's any problem?" He asked again.
"Wala anak, I'm just wondering...." Tugon nito.
"Wondering?" Naguguluhang tanong ng binata.
"What if buhay ang anak nyo ni Gracel?" Sambit ni Veron na ikinagulat ni Tristan, tinitigan nya ng mabuti ang anak "What if lang," pahabol nya.
"Impossible Ma, hindi nagsisinungaling si Gracel." Natatawang sambit ni Tristan, napayuko ang kanyang ina "Why?" Muling tanong nito.
"Wala lang," tugon ni Veron.
"Ah," napatango na lang si Tristan bago tumayo at bigyan ng napaka-higpit na yakap ang kanyang ina"I miss you, I love you." Masayang sambit nito.
"I miss you too, and I love you anak." Niyakap pabalik ni Veron si Tristan, may tumulo pang luha sa mga mata ni Veron pero pinilit nya itong pigilan dahil ayaw n'yang makita ito ng anak.
"M-ma, umiiyak ka ba?" Tanong ni Tristan kay Veron dahil narinig nito ang pag-hikbi ng kanyang ina, agad namang tumanggi si Veron "Tell me Ma, nag-aalala ako." Dagdag pa ni Tristan.
"Na-miss lang talaga kita, halos magdadalawang taon na yata mula no'ng huli tayong magkita." Sambit ni Veron, mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag-yakap kay Tristan "Bumalik ka na sa Pilipinas," sambit nito.
Kumawala sa pagkakayakap si Tristan sa kanyang ina "B-bakit Ma? May problema ba?" Sunod sunod nitong tanong, umiling ang kanyang ina at muli syang yumakap "Don't tell me sasabihin mo na naman na miss mo ako," natatawa nitong sabi, natawa na lang din si Veron bago magpaalam sa kanyang anak na pupunta muna sa kitchen para magluto.
Hindi akalain ni Veron na sumunod ang kanyang anak, nagulat si Tristan nang marinig nya ang sinabi ng kanyang ina.
"Don't worry lahat gagawin ko para maniwala s'ya sa akin," napakunot ang noo ni Tristan ni hindi nya alam kung ano ang mararamdaman nya dahil iba ang tono ng pananalita ni Veron tila ba ito'y may binabalak na masama "Okay, promise." Dali daling tumakbo pabalik sa kuwarto si Tristan nang mapansing lumingon sa hagdan si Veron, ang lugar kung saan s'ya nagtago.
"What did she mean by gagawin nya ang lahat para maniwala ako?" Naguguluhan nitong tanong sa sarili, hindi naalis sa pagkakunot ang noo nya dahil sa narinig "What the hell? Ano ba 'tong iniisip k—" hindi na naituloy ni Tristan ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at iluwa ang kanyang ina.
"S-sinong kausap mo?" Gulat na tanong ni Veron, agad na napailing si Tristan "May itinatago ka ba?" Dagdag pa ni Veron.
"W-wala po Ma," utal na tugon ni Tristan.
"Okay, sige lalabas na ako ha?" Sambit ni Veron bago tuluyang lumabas, paglabas nya agad nyang kinuha ang cellphone nya at muling tumawag "Hello, sorry ha? Akala ko narinig ako ni Tristan e, pasensya ka na talaga." Sambit nya sa kausap.
Hindi nag-tagal ang pag-uusap ni Veron at nang kausap nya sa cellphone dahil gabi na at kailangan nya pang magluto para sa anak nya, medyo nahirapan si Veron sa pagluluto dahil may sugat ang kanyang kamay.
"Sana magustuhan nya ito," masayang sambit ni Veron nang maihanda na ang niluto nyang pagkain "Tristan, kakain na!" Sigaw nito, dali dali namang lumabas sa kuwarto si Tristan.
"Kapag nakapag-harvest na ako ng mga fruits na tanim ko, babalik na ako sa Pilipinas at magsisimula ng sarili kong business." Panimula ni Tristan, namangha naman si Veron sa sinabi ng kanyang anak "Gusto kong kumita ng pera gamit ang pawis ko at paghihirap, mula pagkabata hindi ko naranasang paghirapan ang mga bagay na nakukuha ko kaya magmula ngayon gagawin ko ang lahat mahirapan man ako makuha ko lang ang isang bagay," dagdag pa nito.
"That's great, don't worry susuportahan kita sa kung ano mang gusto mo." Sambit ni Veron ngunit natigil sa pagkain si Tristan.
"I don't need your help nor support," deretsong sabi nito kaya nasamid si Veron ngunit imbes na umangal at makipagtalo sa kanyang anak, yumuko na lamang s'ya at muling pinagpatuloy ang pagkain.
A month past, the harvest day is coming....
"Mom, sigurado ka bang aalis ka na?" Tanong ni Tristan sa kanyang ina nang madatnan itong nagiimpake ng kanyang mga gamit "Mag-stay ka muna rito, bukas naman na ako magha-harvest kaya please lang dito ka muna." Pangungulit pa ni Tristan ngunit desidido na ang kanyang ina at hindi na nya ito napigil pa.
"Kailangan kong bumalik ng Pilipinas dahil may trabaho ako at isa pa walang kasama ang kapatid mo," paliwanag ni Veron.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top