Chapter 19

GRACEL'S POV.

Lagi kong napapansin na may kausap si Mama Veron sa cellphone nya, pero kadalasan hindi nya ito pinaparinig sa akin. Tila may tinatago syang bagay na hindi ko alam.

"M-ma, sino po 'yong kausap nyo?" Tanong ko, nagbabaka-sakali na baka si Tristan 'yon.

Hinawakan ni Mama Veron ang magkabila kong pisngi, nakaramdam ako ng kakaiba sa mga kilos nya. Nagtatanong ko syang tiningnan pero hindi man lang ako nakakita ng kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha, napapaisip tuloy ako kung ano ang itinatago nya.

"H'wag mo nang intindihin pa si Tri—" hindi na naituloy ni Mama Veron ang sasabihin nya nang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Carter.

"May pamilya na sa America si Tristan, ang sabi nya pa nga sana raw ay maging masaya ka." Para akong nauupos na kandila nang marinig ang sinabi ni Carter, nanghihina ako "Joke lang!" Kunot noo kong nilingon si Carter at pinaghahampas.

"Siraulo ka ba?" Inis na sabi ko sa kanya, halos bumagsak pa ako dahil sa sinabi nya tapos joke lang pala "Anong klaseng utak ang mayro'n ka?" Tanong ko pa, pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko namalayang kanina pa pala ito tumutulo.

"Miss mo na pinsan ko 'no?" Tanong ni Carter, napatango na lamang ako.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba kasama ka ng anak ko?" Tanong ni Mama Veron kay Carter, hindi ko na narinig pa ang iba nilang pinag-usapan dahil nagpaalam agad ako na lalabas muna para kumuha ng meryenda.

Tulog ngayon ang mga anak ko, mabuti nga at mababait sila at hindi iyakin. Narito kami ngayon sa Manila, sa bahay ni Mama Veron. Dito nya muna kami pinatuloy dahil wala si Mama, umuwi s'ya sa Iloilo dahil namatay ang Lola nya.

"Gracel!" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Claire na tinawag ang aking pangalan "Ang mga inaanak ko, nasa'n?" Tanong nya, sumenyas ako na na sa taas.

"Bakit kasi hindi ka pa mag-anak?" Natatawang tanong ko, natawa s'ya ng bahagya kasunod ng pag-iling "Puntahan mo na sa kuwarto, h'wag ka lang maingay dahil baka magising. Nando'n rin naman si Shy," sambit ko, tumango s'ya bago sumenyas na pupunta muna sa kuwarto.

Pabalik na ako sa living room kung nasa'n si Mama Veron at Carter nang makita ko si Shy na bumaba ng hagdan, tumatakbo s'ya. Napahinto ang bata ng makita ako, nginitian ko s'ya bago magpatuloy sa paglalakad. Pagka-rating ko dito sa living room, hindi ko nakita si Carter.

"M-ma nasa'n si Carter?" Tanong ko, inilapag ko sa lamesa ang tray na may 2 slices of pizza at juice "E 'di ba po kanina na'ndito lang s'ya?" Tanong ko pa.

"Nagpaalam sandali, gusto nya raw makita ang mga pamangkin nya." Sagot ni Mama, busy s'ya sa kakapindot sa cellphone. Hindi ko na pinakialamanan pa si Mama, agad akong bumalik sa kitchen para iayos ang mga kinalat ko.

Nang matapos akong mag-linis, nakaramdam ako ng pagka-bagot. Napag-pasyahan kong magtungo muna sa kuwarto para tingnan ang aking mga anak, hindi naman puwedeng ipagkatiwala ko ang mga anak ko kay Claire at Carter.

"Oh, Shy! Anong ginagawa mo dya'n?" Tanong ko sa kapatid ni Tristan nang makita ito sa labas ng pinto, nakaupo sa sahig.

"E kasi po ang sabi sa'kin ni Kuya Carter, h'wag muna akong papasok hanggang hindi s'ya lumalabas." Sagot ng bata, napakunot ang noo ko.

Walang pakundangan kong binuksan ang pinto, nagulat ako nang makita si Carter at Claire na naghahalikan. Ayon sa nakikita ko, nananabik sila sa bawat isa. Pumasok agad ako, in short I interrupted them.

"Ano ba? Dito pa talaga sa harap ng mga anak ko?" Inis na tanong ko, agad kong nilapitan ang mga anak ko at tinakpan ang mga mata nito "Doon kayo sa bathroom!" Sigaw ko, hindi na ako magugulat kung sasabihin ni Claire na boyfriend nya si Carter.

Pumasok sila sa Cr, dali dali kong isinakay sa stroller ang mga bata at itinulak palabas ng kuwarto. May playing room naman sila rito kaya ro'n ko muna ipinunta, nakaka-irita ang dalawang 'yon hindi man lang inisip na may nakakakita sa kanila kaya pala tumatakbo pababa ng hagdan kanina si Shy.

"Anong gusto ng mga baby kong 'yan?" Napanguso ako nang makita ang ngiti ni Chriscelle "Chriscelle, lalaki ka ng mabuti ha? H'wag pasaway para hindi mahirapan si Mommy, okay?" Napatango naman ang anak ko na tila naiintindihan ang mga sinasabi ko, ang sarap pala kapag may anak nawawala ang pagod mo kapag nakita silang naka-ngiti "At ikaw naman Austine, maging mabuting kapatid ka sana kay Chriscelle ha? Hiling ko na makuha mo ang ugali ng ama mo," nakangiti kong sambit habang pinipindot ang dulo ng ilong ni Austine.

Bumukas ang pinto, si Claire pawis pawis. Nagtatanong ko syang tiningnan pero hindi nya ito pinansin bagkus ay lumapit sa amin na parang walang nangyaring kung ano sa pagitan nila ni Carter kanina, hindi alam ni Claire na si Tristan ang ama ng mga anak ko. Pinilit kong itago sa kanya dahil alam kong sasabihin nya ito kay Tristan, nakiusap rin ako kay Carter na h'wag sabihin sa kahit kanino ang sekreto ko.

"Si Tristan ang ama?" Awtumatiko akong napailing nang marinig ang tanong, napatango naman si Claire bago kunin si Austine "Kung hindi si Tristan, bakit magkamukha sila?" Tanong nya, napalunok ako ni hindi ko alam kung ano ang isasagot ko "Oh s'ya, sige na. Aalis na rin ako dahil may meeting pa ako mamaya sa mga new investors ng company," nakangiti n'yang sabi, hinalikan nya pa sa noo ang dalawang bata bago tuluyang umalis.

Napabuntong hininga na lang ako, napansin ko naman si Carter na naka-silip sa pinto. Lumapit s'ya sa amin, tinapik pa ang braso ko bago maupo sa sahig.

"Nag-layas si Tristan," pangunguna nya, my brows furrowed "Seryoso ako, lumayas s'ya no'ng isang araw. Ang sabi nya sa'kin, hindi nya na kaya ang ugali ni Tito Levi." Kuwento nya, napapatango na lang ako tuwing tititigan nya ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi "Gracel," muli akong napalingon kay Carter nang tawagin ang aking pangalan "Mahal mo pa ba ang pinsan ko?" He asked.

Hindi ako naka-sagot, may parte sa puso ko na nagsasabing mahal ko pa s'ya pero ang isip ko naman ay sinasabing hindi ko na s'ya mahal "Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan?" Bahagya pa akong natawa.

"Seryoso ka?" Napailing na lang ako bago ilipat ang atensyon sa anak kong babae "I'm asking, mahal mo pa ba si Tristan?" He asked again, hindi ako sumagot.

"Carter, h'wag mong piliting sagutin ni Gracel ang tanong mo." Si Tito Jonas, napayuko na lang ako. Alam nya kung anong hirap ang pinag-daanan ko noon, ni hindi ako maka-tulog dahil sa iniisip ko si Tristan "Darating ang panahon na masasagot nya 'yan, hindi nga lang ikaw ang makaka-saksi." Dagdag pa nito, mapait naman akong napangiti.

Another they comes, galing kami sa church. Balak ko ng pabinyagan ang mga bata pero ang sabi naman ni Mama Veron ay h'wag muna, hintayin muna si Tristan. Gustuhin ko man ay hindi puwede dahil iginagalang ko ang desisyon ng lalaking dati ko ng minahal.

"Ang guwapo't ang ganda naman ng mga anak mo, saludo ako sa'yo dahil kahit single mom ka nakakaya mo lahat." Sambit ng isang babae, hindi ko alam kung paano nya nalaman na single mom ako. Hindi ko s'ya kilala.

"Sa tulong na rin siguro 'yon ng dalawang Mama ko," nakangiti kong sabi.

Hindi na umimik pa ang babae, nagpaalam na rin kaming umalis dahil kulay itim na ang langit. Tila malakas ang magiging ulan, si Carter ang nag-sundo sa amin.

"Masasagot mo na ba ang tanong ko?" Bungad nya nang maka-sakay kami rito sa loob ng kotse "But it's okay kung hindi pa, I'll understand." Dere-deretso n'yang sabi, napatango na lang ako bago umayos ng upo.

I heard my phone rang, dali dali ko itong kinuha. Si Claire, tumatawag.

"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.

[Hey, gusto mong mag-work?] She asked.

"Oo naman, kaso problema ko ang mag-aalaga sa mga anak ko." Tugon ko.

[Hiring kasi ngayon ang company ng secretary e, nag-back out 'yong naipasok ko] Paliwanag ni Claire, naglikot si Chriscelle kaya nabitawan ko ang cellphone.

"Is that my girlfriend?" Tanong ni Carter, pinulot nya ang cellphone at iniabot sa akin "About work?" He asked again, napatango naman kaagad ako.

"Yup, may inaalok sa'king trabaho." Tugon ko, napatango naman si Carter bago paandarin ang sasakyan.

Halos dalawang oras din ang lumipas, narito na kami sa bahay. Medyo traffic, galing kami sa Quiapo.

"Kumusta ang mga apo kong 'yan?" Dali daling kinuha ni Mama Veron si Austine, tila ba isang taon nya itong hindi nakita.

"M-ma," tawag ko rito.

"Bakit? May problema ba?" Tanong nya, napailing naman agad ako.

"May inalok po sa'king trabaho si Claire, gusto ko po sana kaso ang problema ko walang mag-aalaga sa mga bata. Next month pa po kasi uuwi si Mama, galing probinsya." Paliwanag ko, lumapit s'ya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Ako ng bahala sa mga apo ko," sambit nya, napangiti naman ako at yumakap sa kanya.

"Salamat po," sambit ko.

"Basta para sa'yo at sa mga bata," napatango na lang ako bago kunin mula sa kanya si Chriscelle "Sige, aalis muna ako. Kailangan kong makipag-meet up sa new investors ng company," Paalam nya, hinalikan nya pa ang dalawang bata bago tuluyang umalis.

"Ang bait ni Tita Veron 'no?" Napalingon ako sa hagdan nang marinig ang boses ni Carter, napatango naman ako "Alam mo? Hindi s'ya ganyan noon, ang naaalala ko no'ng mga bata pa kami nina Tristan at Drev lagi syang wala. Actually, dito rin ako naka-tira no'n coz laging na sa province nadedestino si Daddy and ang Mommy ko naman is wala na. She's dead," kuwento ni Carter, natawa pa s'ya ng bahagya bago lumapit sa amin at maupo "Hindi si Tito Levi ang first love ni Tita Veron, ang first love nya is ang Tatay ni Shy. Sa pagkaka-alam ko, ginamit ng Tatay ni Shy si Tita Veron para lokohin at makaganti kay Tito Levi. May away yata sila, hindi ko masyadong alam kasi hindi ko na rin matandaan." Dagdag pa nya, napatango na lang ako.

"Really?" Sabay kaming napalingon ni Carter sa pinto nang marinig ang boses ni Claire "Sa'n kayo galing?" Tanong nya.

"Sa Quiapo, nagsimba." Sagot ko.

"Bakit mo nga pala ako pinatayan ng tawag kanina?" Taas kilay n'yang tanong, natawa naman ako "May nangyayari bang hindi ko alam?" Nagpalipat lipat ang tingin nya sa amin ni Carter, napailing na lang ako.

"Naglikot si Chriscelle, ayon nabitawan ko." Sagot ko.

"Sure ka?" Paninigurado nya, parang pinaghihinalaan nya kami ni Carter na may ginagawang masama "May trust issue ako sa ganyan," dagdag pa nya.

"Ano bang sinasabi mo?" Inis na tanong ni Carter, nakakunot ang noo nito "Una pa lang, sinabi ko na sa'yo na ayaw kong pinaghihinalaan ako o ano." Dagdag pa nito bago mag-walk out.

"Galing kami sa church, may pinuntahan kasi si Mama kaya si Carter na ang naging driver namin." Paliwanag ko, rinig ko ang mahinang pag-buntong hininga ni Claire bago tumayo at sundan ang kasintahan "Anong mayro'n sa dalawang 'yon?" Tanong ko sa aking sarili, medyo naiirita ako sa kanilang dalawa.

Napansin kong tumunog ang cellphone ko, saglit kong ibinaba si Chriscelle sa couch at inabot ang bag ko. Si Mama, nag-text.

From: Mama
— Pauwi na ako, nasa'n ang Papa mo? Na'ndito na ako sa airport, tumatawag ako kanina sa kanya hindi naman sumasagot. Busy siguro, paki-sabi na lang sa kanya nak.

Nang mabasa ko ang text, agad kong hinanap ang phone number ni Papa at dinial. Naka-ilang ulit rin na nag-ring ang cellphone pero hindi talaga s'ya sumasagot. Sakto namang pababa ng hagdan si Carter at Claire.

"Carter, puwede mo bang sunduin ang Mama ko sa Airport? Hindi kasi sumasagot si Papa e," pakiusap ko.

"Sige," tugon nya, napatango naman ako "Love, dito ka muna okay? H'wag kang aalis hanggang 'di ako bumabalik okay?" Sambit ni Carter kay Claire, agad namang tumango ang kasintahan.

"Nag-away kayo?" I asked.

"Muntik na, 'di ko ba alam pero nagseselos ako sa inyong dalawa." She emotionally said, natawa ako ng bahagya.

"Bakit naman?" Natatawa kong tanong, umiyak si Austine "Paki-hawak muna si Chriscelle," sambit ko bago kunin ang anak kong lalaki "H'wag nang iiyak baby, na'ndito na si Mommy. Oh, bakit?" Napanguso pa ako habang nagsasalita, agad namang tumahan ang bata kaya agad ko rin itong ibinalik sa crib.

"Sa'kin muna," reklamo ni Claire nang babawiin ko na ang anak ko.

"Gumawa ka rin kasi," sambit ko pa.

"Speaking of gumawa ng baby," nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Claire "Nagpa-check up ako kahapon, ang sabi ng Doctor may possibility na hindi ako mag-buntis." Malungkot nyang sabi, hinawakan ko ang likod nya at hinimas himas "And sa palagay ko, 'yon ang reason kung bakit nag-iba ang pakikitungo ni Carter sa akin. Gusto nya ng baby, pero hindi ko maibigay." Pagpapatuloy nya, hindi na naiwasan ni Claire ang pagiging emosyonal "Sorry, wala lang talaga akong mapag-labasan ng sama ng loob." Dagdag pa nya.

"Sorry, hindi ko alam." Sambit ko, isiniksik ko ang ulo ko sa balikat ni Claire "Hindi ko alam kung paano kita dadamayan," dagdag ko.

"No, it's okay. Alam ko namang may dinadala ka rin na bigat sa puso mo," kinuha ko ang palad nya at hinawakan, hindi ko alam kung paano mag-comfort ng tao "About pala sa offer ko, ano?" Bumuntong hininga pa ako bago ngumiti.

"Hmm, pumayag si Mama Veron na s'ya muna ang mag-alaga sa mga bata kaya yes na yes tinatanggap ko." Napangiti naman si Claire, pinunasan ko ang luha sa mga mata nya "Tahan na, h'wag ng iiyak. Daig mo pa ang bata," natatawa kong sabi, isinandal naman nya ang ulo sa sofa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top