Chapter 18
I'm here now at the bar, nagpapaka-lasing. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat, pero hindi pa pala dahil kahit anong gawin ko naka-dikit na talaga sa akin ang nangyari. My child doesn't deserve this kind of shit, it's all my fault.
"Tristan?" Rinig kong tawag ng kung sino, napalingon ako sa likuran ko "Hey, what's up?" Napakunot ang noo ko, hindi ko makilala kung sino lalaking na sa harap ko.
"Who are you?" Walang emosyon kong tanong sa lalaki, I heard him laugh.
"Damn bro, it's me Aby." Pagpapakilala nya, my brows furrowed.
Aby was my first year college best friend, napailing ako bago tumayo at yakapin s'ya. 7 years na rin ang nakalipas mula no'ng hindi na kami nagkita, lumipat kasi sila dito sa America.
"I miss you," nakangiti kong sabi.
"Damn bro, it's been a year." Natatawa n'yang sabi.
Halos ilang minuto rin kaming nagkuwentuhan, hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nya dahil pa-iba iba s'ya ng language kung mag-salita. Ilang sandali pa, may tumapik sa braso ko. Nilingon ko ito, si Aira.
"Anong ginagawa mo rito?" Irita kong tanong, hinawakan nya ang kamay ko at pilit na kinuha ang basong hawak ko "What's wrong with you?" I asked again but she didn't answer me.
Walang pakundangan ko syang itinulak, ni hindi ko na inalam ang nangyari sa kanya dahil dali dali akong tumayo at naglakad papalayo. I don't wanna see her fucking face, pinapa-sakit nya ang ulo ko.
I heard my phone rang kaya dali dali ko itong kinuha, si Mama tumatawag.
"Hello Ma?" Bungad ko, rinig ko ang pag-tangis nya "Are you crying?" I asked.
[Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko anak, kung na'ndito ka lang baka nabaliw ka na] she said, naguluhan ako dahil sa sinabi nya.
"I'm sorry I didn't understand you," I said.
Medyo nahihilo na ako dahil sa kalasingan, buti na lang at naka-uwi na ako rito sa bahay. Minabuti ko na munang mag-stay ako rito sa loob ng kotse dahil sa sobrang hilo.
[Ang anak nyo ni Gracel, buhay 'yong babae pero ang anak nyong lalaki ay wala ng buhay. Tumawag sa'kin kanina si Mara, anak hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, hindi ko alam sasaya ba ako o malulungkot dahil sa nangyari] kuwento nya, anak namin ni Gracel? Anong sinasabi nya?
"Ma, I didn't understand you."
Napasapo ako sa noo, hindi ko na namalayang nabitawan ko na pala ang cellphone ko. Nawalan ako ng malay.
Mainit na sikat ng araw ang tumama sa mukha ko, napahawak ako sa ulo ko nang maramdamang masakit ito. Dahan dahan akong umayos ng higa at isinandal ang ulo sa patong patong na unan, napabuntong hininga pa ako bago tuluyang tumayo. Napapikit ako at napahawak sa pader nang sumakit ang ulo ko, parang may ala-alang nagpupumilit pumasok sa isip ko.
Sa naaalala ko may sinabi si Mommy kagabi about sa batang babae na buhay at batang lalaking namatay, hindi ko s'ya maintindihan bakit kailangan n'yang sabihin sa'kin ang bagay na 'yon e hindi naman ako ang ama ng mga sanggol na iyon. Hindi ko rin masyadong maalala ang bawat detalye dahil hindi ko talaga alam kung nasabi 'yon ni Mama sa'kin o hindi.
Pumasok ako sa Cr, nag-hilamos agad ako para mamunawan. Ilang minuto rin akong nakatitig sa salamin bago lumabas. Pagka-labas ko hinanap ko agad ang cellphone ko, nakita ko naman ito agad sa loob ng bag ko. I'll try to contact my Mom pero hindi ito sumasagot.
Bumukas ang pinto, si Daddy.
"Anong nangyari kagabi?" My dad asked, nanatili akong tahimik "Tell me, anak hindi na maganda 'yang ginagawa mo. You pushed Aira," napa-iling na lamang ako "Tristan, hindi ka naman siguro pipi para hindi sagutin ang tanong ko." Iba na ang tono ng pananalita nya, at hindi ko na 'yon gusto.
"H'wag kang magalit, wala kang alam" tugon ko.
"Tristan, you hurt someone." Sabat nya pa.
"Because she tried to seduce me!" Sigaw ko.
"Seduce you? Damn! Tristan, she's your fiance! Dapat lang 'yon." Dere-deretso n'yang sabi, napailing na lamang ako at kinuha ang cellphone ko bago mag-walk out.
Iba na ang ugali ni Daddy, parang nagka-baliktad na sila ni Mommy. Hindi ko na s'ya kilala, noon hindi s'ya nakikialam sa mga desisyon ko sa buhay pero ngayon? Halos lahat ng gawin ko ayaw nya, at lahat ng bagay na hindi ko gustong gawin ay s'ya mismo ang nag-didikta.
Pagbaba ko, nakita ko si Mr. Sandejas, si Lolo, Carter, at Aira. May benda sa ulo si Aira, sumenyas si Lolo na lumapit ako sa kanila pero hindi ko ginawa. Rinig ko pa ang pag-tawag ni Lolo sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon bagkus nagtuloy tuloy ako sa paglalakad.
Nag-vibrate ang cellphone ko, dali dali ko itong kinuha. Si Mommy, tumatawag.
[Hello nak?] Bungad nya.
"Mom, tumatawag ako kanina bakit hindi ka sumasagot? Are you busy?" I asked.
[Na sa byahe ako e] tugon nya.
"I want to ask some questions, naguguluhan ang isip ko." Napahawak ako sa buhok ko at sandaling inilayo ang cellphone sa tainga ko "Ano 'yong sinasabi mo kagabi?" I asked.
[Sinasabi?] Paninigurado nya.
"Yes, 'yong batang namatay."
[Wala 'yon nak, wala kasi akong maka-kuwentuhan kagabi kahapon kaya sa'yo ko nasabi] tumawa pa s'ya.
"Ok" I said, nagpaalam na rin s'ya dahil marami pa syang gagawin.
Sandali akong huminto sa isang sementeryo kung saan naka-libing ang aking Lola na si Tasha, bumili ako ng bulaklak sa labas ng gate kanina. Puno ng niyebe ang nilalakaran ko kaya nahirapan akong hanapin ang grave ni Lola, mabuti na lang at may isang pilipino akong nakita na ngayon ay hinahanap rin ang grave ng magulang nya.
"So, matagal na rin kayo dito?" Tanong ng lalaki sa akin.
"No, pa-visit visit lang kami pero ang Lola ko nag-stay na s'ya rito coz you know haha! She's dead." Natatawa kong sabi, napailing s'ya habang nagpapatuloy kami sa paghawi sa mga niyebeng nakakapit sa bawat grave.
Pag-hawi ko, bumungad sa akin ang pangalan ng aking Lola.
"Natasha Villacorta," banggit ng lalaking na sa likuran ko "Natasha pala ang pangalan ng Lola mo?" Tanong nito, napatango naman ako "Parehas pala sila ng pangalan ng kapatid ko." Dagdag pa nito.
"Really?"
"Yes, oh s'ya. Aalis na ako dahil hahanapin ko pa ang grave ng parents ko." Paalam nya, napatango na lamang ako at kumaway bago s'ya tuluyang tumalikod at lumakad palayo sa akin.
Napa-buntong hininga ako bago ibaling ang tingin sa grave ng aking Lola, halos ilang taon na rin ang nakalipas mula no'ng huli akong bumisita rito. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan nya.
Natasha Villacorta
Born: September 30, 1940
Died: May 21, 19 2010
"Naaalala ko, I was just 13 years old when you left me. That was my birthday too." Naluluha kong sabi habang nililinis ang grave ni Lola, papeke pa akong natawa bago punasan ang tumulo kong luha "Balik ka na La, wala na akong kakampi e. Miss ko na rin 'yong mga toys na ibinibigay mo everyday, alam mo po? Naitago ko ang mga 'yon at balak ko pang ipaman 'yon sa magiging anak ko kaso parang ang labo nang mangyayari kasi nga wala na akong balak, ikamusta nyo na lang po ako sa baby namin ni Gracel ha?" Sambit ko pa, napasinghot ako.
Hindi ko na talaga napigilan ang pagiging emosyonal, napaka-hirap. Gusto ko syang yakapin pero 'di ko magawa.
"Sige po La, aalis na po ako." Paalam ko, bahagya ko pang hinaplos ang lapida ng aking nuno bago tuluyang umalis.
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Mommy, mabuti na lang at sinagot nya agad.
"M-ma?" I stuttered.
[Tristan, umiiyak ka?] Tarantang tanong nito, hindi ko na naitago ang aking pag-tangis dahil napasinghot ako [Okay lang 'yan baby, matatapos din ang lahat kaunting tiis lang] sambit pa ng aking ina.
"Hindi ko na kaya," tugon ko.
[Kayanin mo dahil may nag-hihintay sa pagbabalik mo] sambit nito na bumuhay sa puso ko.
"Yes, kaya ko at kakayanin ko pa!" Sigaw ko sa loob ng kotse, hindi tumagal ang usapan namin ni Mommy dahil may narinig akong umiyak na bata "Bata 'yon ah? Kaninong anak 'yon? Hindi kaya nagpa-buntis na naman sa ibang lalaki si Mama?" Tanong ko sa aking sarili, imbes na intindihin pa 'yon inayos ko ang aking sarili at nag-umpisa nang mag-drive.
Narito na ako ngayon sa bahay, tahimik ang lahat ng maka-pasok ako rito sa loob. Ni isa ay walang nag-salita maliban sa ibon na kumakanta, tinitigan ko sila isa isa.
"Ayaw ko na, gusto ko na lang mabuhay ng tahimik." Pagbasag ko sa katahimikan bago tuluyang pumasok sa kuwarto ko, padabog pa akong umakyat ng hagdan.
Inimpake ko ang mga gamit ko, balak kong manirahan sa London at humanap ng trabaho kung saan matututunan ko ang tunay na kahulugan ng salitang buhay. Para naman sa pag-babalik ko ay may mukha akong maihaharap sa kanila, at maipamukha ko na hindi ko kailangang magpakasal sa isang babaeng hindi ko mahal para lang mabuhay ako sa kaginhawahan.
"Where are you going?" My dad asked, hindi ko s'ya pinansin hanggang sa maka-sakay ako dito sa kotse.
Napalingon ako sa labas dahil lumabas sina Lolo at Carter, ilang beses din kinatok ni Daddy ang bintana ng kotse ko pero hindi ko 'to pinansin. Hindi ko na inintindi pa ang mararamdaman nila dahil sa una pa lang hindi naman nila inintindi ang mararamdaman at naramdaman ko, dali dali kong pinaandar ang kotse.
"Miss, is this house is still available?" Tanong ko sa isang babaeng nakita ko sa tapat ng gate na na may naka-paskil na 'house for rent'.
"Oh, yes sir." Tugon nito, napatango naman ako back bumalik sa kotse ko. Saglit kong kinuha ang wallet ko "Sir, pilipino po kayo?" Gulat akong napalingon sa babae, nagtatagalog s'ya.
"Yes, ikaw?" I asked.
Tumango naman agad s'ya, napangiti ako dahil lilipat pa lamang ako ay nakahanap na agad ako ng bagong kaibigan. Hindi madali ang pinag-daanan ko sa paghahanap ng bahay na matutuluyan ko, kanina habang naghahanap ako ay may binaril sa harap ko kaya idinala ko sa hospital ang lalaking nabaril. At kanina naman sa isang bakanteng lote muntik na akong makipag-away, ang sama ng ugali no'ng isang babae sabihan ba naman ako ng manyak.
"Opo sir, 13 years na po ako rito." Sagot ng babae.
"Ah, e nasa'n ang may ari ng bahay?" I asked again.
"A-ako po ang may-ari nitong bahay Sir," gulat ko syang tiningnan, hindi ako makapaniwala wala sa itsura nya na may bahay syang ganito kalaki "Nagtataka po kayo 'no? Sa 13 years ko po rito, bahay po talaga ang pinag-ipunan ko." Kuwento nya, napanganga na lang ako.
Laking paghihirap nya siguro nang ipinatayo ang bahay na ito, pulido ang pagkakagawa. Isa ito sa dream houses ko, malaki talaga ang bahay pero hindi ito nalalayo sa mga Camella houses sa Pilipinas.
"Magkano po ang renta?" Tanong ko, napangiti s'ya.
"400 dollars na lang po sa inyo Sir," tugon nya.
Nasamid ako, ang laki naman masyado. Hahanap na lang siguro ulit ako ng bagong bahay na mauupahan, hindi ko kaya ang renta. Kulang ang pera ko, kailangan kong mag-tipid para sa kinabukasan ko at ng magiging pamilya ko.
"Pasensya na po ate, nagbago na po ang isip ko e. At isa pa, tumawag po ang kaibigan ko ang sabi nya sa akin sa bahay nya na lang daw muna ako." Palusot ko, pumayag naman agad ang babae at hindi na ako hinabol pa "Masyadong mahal," bulong ko sa aking sarili bago maka-pasok sa kotse.
My phone rang, dali dali ko itong kinuha. Si Mommy, tumatawag.
"Hello Mom?" Bungad ko.
[Tumawag si Carter sa akin ang sabi lumayas ka raw, totoo ba?] Tanong nya, napatikhim pa ako bago magsalita.
"Yes mom, hindi ko na kaya ang ugali ni Daddy." Tugon ko.
[Eh 'di ba ang sabi ko sa'yo, tiisin mo lang?] Sambit nya, napailing na lang ako at pinaandar na ang kotse.
"Iba na s'ya Mom, hindi ko na maintindihan ang ugali nya. Parang hindi na s'ya si Daddy e,parang ibang tao na s'ya." Sambit ko, rinig ko ang pag-buntong hininga ni Mommy "K-kaninong anak ang hawak mo?" Utal na tanong ko, parang bigla na lang may pumitik sa puso ko parang bigla na lang nabuhayan ang loob ko.
[I-ito? S-sa kapitbahay] utal na sagot ni Mommy, napakunot ang noo ko. Alam kong nagsisinungaling s'ya [Ma, nasa'n po 'yong diaper ng mga ba—] mabilis na pinatay ni Mommy ang cellphone nya kaya hindi natapos ang sinasabi ng babae, pamilyar sa akin ang boses.
"S-si G-gracel," utal na sabi ko at muling sinubukang i-dial ang phone number ng aking ina pero hindi na ito sumagot "H-hindi kaya may pamilya na si Gracel? Pero paanong si Mommy ang nag-aalaga ng anak nya? Teka, bakit parang ang gulo? Hindi ko maintindihan," sunod sunod ang tanong sa aking isipan, mga tanong na parang napaka-hirap bigyan ng kasagutan.
May posibilidad na may pamilya na si Gracel pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa, alam kong hindi nya magagawa sa'kin ang bagay na 'yon. Nangako kami sa isa't isa na hindi mawawala o masisira ang pinapangalagaan naming tiwala kaya malabo, hindi puwede.
Ilang sandali pa, nahinto ako sa isang bahay na may naka-paskil na 'house for rent' bumaba ako ng sasakyan "Good day Ma'am, is the house is still available?" I asked, medyo may katandaan na ang babaeng pinag-tanungan ko.
"Oh yes, come." Inaya nya akong pumasok sa loob para raw makita ko kung gaano kaganda ang bahay, hindi ko inakalang pati dito ay mayro'ng nagpapa-upa ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top