Chapter 17
"Umiri ka pa!" Sigaw sa'kin ng Doctor.
Huminga ako ng malalim at umiri ng umiri. Mahigpit akong napahawak sa dulo ng hospital bed na hinihigaan ko ng maramdaman ko ang pag-awang ng puwerto ko, hingal na hingal ako. Hindi ko na nagawang bumitaw sa hinahawakan kong bakal dahil sa sakit, feeling ko mauubusan na ako ng dugo.
"Kaunti pa!" Muling sigaw ng doctor, pumwersa ako "Aba, bilisan mo! Madami pa akong paaanakin!" Sigaw pa nito sa akin.
Iniangat ko ang ulo ko para makita ang doctor, babae s'ya at mukhang masungit ang mukha. Kumunot ang noo ko ng magtama ang tingin naming dalawa.
"Akala mo naman napakadaling manganak e 'no? E kung ikaw kaya ang mahiga ro'n at pairihin kita? Tingnan ko lang kung hindi lumuwa 'yang matress mo!" Inis na sabi ng aking ina.
Hinigpitan ko ang pagkaka-hawak ko sa bakal, huminga ako ng malalim bago umiri. Dalawang beses akong umiri ngunit wala pa ring lumalabas.
"Tristan! Walang hiya ka! Papatayin kita!" Sigaw ko, at finally! Lumabas na ang baby ko, pangalan lang pala ni Tristan ang kailangan para lumabas ito. Kanina ko pa sana ginawa "O-okay na ba?" Hingal na hingal kong tanong sa doctor, nakangiti ito sa akin.
Hanggang ngayon ay naghahabol ako ng hininga. Itinaas ng doctor ang anak ko at pinalo ang puwet pero hindi ito umiyak, kinabahan ako dahil baka wala ng buhay ang anak ko.
Nagulat ako ng mapansing may isa pang baby na hawak ng isang nurse, iniangat ko ang tingin ko sa batang hawak ng doctor. Hindi kaya kambal ang anak ko?
"B-bakit ayaw umiyak ng bata?" Tanong ni Mama, may namuong luha sa mga mata ko "D-doc?" Lumingon ang doctor kay Mama.
"I'm sorry, huli na." Malungkot na sabi ng doctor bago ibigay sa akin ang baby ko, na sa kanang kamay ko ang batang babae na may buhay at na sa kaliwa naman ang batang lalaki na walang buhay.
Pinagmasdan kong mabuti ang aking kambal na anak, pinagkumpara ko sila. Parehas nilang nakuha ang ilong, mata at labi ni Tristan at ang iba naman ay sa akin. Hinalikan ko ang anak kong lalaki, wala na syang buhay. Tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang baby.
"9 months ko syang dinala sa loob ko tapos pag-labas ganito? Bakit gano'n? Naging maingat naman ako, hindi naman ako nagpabaya pero bakit?" Sunod sunod kong tanong habang umiiyak.
Hinaplos ni Mama ang likod ko, kinuha nya ang anak kong babae mula sa akin.
"Don't stress your self Ma'am," rinig kong sabi nang nakayukong nurse.
Umiling ako, inilapit ko ang mukha ko sa anak ko at umiyak ng umiyak. Mahigpit ko itong hinawakan, ilang sandali pa kinuha na ito ng doctor. Napadukdok na lamang ako, pinunasan ko ang aking luha.
"Ah!" Sigaw ng bata, napalingon ako sa anak kong lalaki na hawak ngayon ng doctor.
Mabilis itong inilapit sa akin ni Doctora, muli akong naiyak nang makitang humihinga na ang anak ko. Nakapikit s'ya habang kumakawag, hindi mapagsidlan ng saya ang aking puso.
"Thank you Lord!" Napasulyap ako sa inri na naka-sabit sa pader, hindi ako makapaniwalang ibinalik ng dios ang buhay ng anak ko "Dios ko salamat po!"
Lumapit sa akin si Mama at pinagdikit ang kambal kong anak, ang saya pala ng ganito. Akala ko muli na namang madaragdagan ang sugat sa puso ko, pero hindi pala. Isa lang itong pag-subok.
"Ang cute naman ng mga apo ko!" Nanggigigil na sabi ni Mama, napangiti ako ng makita ang itsura nya "Feeling ko tuloy, ako ang nanganak hihi!" Natawa na lamang ako bago muling ibaling ang tingin sa mga anak ko.
Ilang sandali pa, kinuha ng doctor ang mga anak ko dahil kailangan daw muna nilang imonitor ang mga bata lalo na ang anak kong lalaki na kanina ay lumabas ng walang buhay. Ang sabi ng doctor baka nahirapan lang daw ito dahil nakadapa ito kanina nang lumabas mula sa akin.
Ilang minuto lang ay nailipat na ako ng kwarto, private room pa ang kinuha sa akin. Ang sabi ni Mama, kagabi pa lang nasabi nya na daw kay Tita Veron na malapit na akong manganak at hindi nya daw sukat akalaing ngayong araw 'yon.
April 26, 2022. Ang araw kung kailan nabigyang buhay ang dalawang anghel ng buhay ko, at ang araw kung kailan ang anniversary namin ng Daddy nila. Sana nagawa na ni Tristan ang mga bagay na kailangan n'yang gawin, nagagalak na ako na muli syang makita kahit na alam kong may galit s'ya sa akin.
"Hello!" Nabasag ang katahimikan ng pumasok si Claire, napaatras ako dahil hindi ko inaasahang pupunta s'ya rito "Hi bes, how are you? Nabalitaan ko na nanganak ka na kaya dumeretso na ako rito." Dere-deretso n'yang sabi, imbes na sumagot binigyan ko lamang s'ya ng mapait na ngiti.
Hindi ko pa rin makakalimutan ang kabaliwang ginawa nya sa akin, muntik na nya akong ilaglag sa building.
"G-galit ka pa rin ba sa akin?" Utal na tanong ni Claire, hindi ko s'ya pinapansin. Ayaw kong magkaroon pa kami ng bagong pag-aawayan, ayaw ko ng gulo at isa pa baka nagpunta lang s'ya dito para guluhin ako "Don't worry, nagbago na ako. From the past one year, I guess?"
"Ano?"
Napatikhim s'ya "No'ng araw na huli tayong magkita, napag-isip isip ko na baka may tama na ako sa ulo kaya ko nagawa ang mga 'yon. And ayon, nagpa-consult ako sa isang psychiatrist and nasabi nga ng doctor na may bipolar disease ako. That time medyo takot pa ako kasi nga baka kung ano ang gawin nila sa akin, pero inisip ko na lang na para 'yon sa pagbabago ko. Seven months rin ako sa Mental, and isang araw napadalaw sa akin si Carter. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan namin noon dahil hindi ko na masyadong maalala." Paliwanag nya, tahimik lang akong nakikinig. Hinawakan nya ang mga kamay ko sabay sabing "Bes, wag ka nang magalit. Ayos na ako, magaling na ako at lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo." Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil galit ang nangingibabaw sa nararamdaman ko hindi pagka-awa.
Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Hindi na ako nagulat ng iluwa nito si Tita Veron, ang Mommy ni Tristan. May mga dala syang pagkain at gamit ng baby, nakangiti nya akong nilapitan at hinalik-halikan.
"Where's the baby? Oh my gosh, excited na akong makita ang mga apo ko!" Natatawa n'yang sabi, natawa na lang rin ako bago muling ibaling ang tingin kay Claire "Lalabas muna ako ha?" Paalam ni Tita Veron.
Tumango na lamang ako, inabot ko ang kamay ni Claire. Napag-desisyunan kong patawarin na s'ya dahil hindi habang panahon, galit ang paiiralin ko. At isa pa, kailangan kong magkaroon ng katulong sa pagpapalaki sa mga anak ko.
"Naiintindihan naman kita kung hin—" hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin ng magsalita ako.
"Napatawad na kita, at naiintindihan ko pero sana h'wag munang ulitin 'yon dahil sa susunod hindi na kita patatawarin." Sambit ko, tumayo si Claire at yumakap sa akin.
Medyo nakahinga ako ng maluwag, hindi kagaya noon na hirap ako dahil na rin siguro sa sama ng loob.
Ilang sandali pa muling bumukas ng doctor, napangiti ako ng makita ang mga anak ko. Inihiga ito ng doctor sa magkabilang tagiliran ko, hindi ko alam kung sino ang una kong hahalikan.
"May pangalan na ba ang babies mo?" Claire asked, umiling ako at umisip ng puwedeng ipangalan ko sa aking kambal na anak.
Sumenyas ako kay Claire na iabot ng ballpen at papel na na sa table, pagka-bigay nya sa akin agad kong isinulat ang pangalan ng aking mga anak.
Chriscelle Rye para sa babae at Austine Rye naman para sa lalaki, kinuha ko ang second name nila sa second name ni Tristan.
"Do you want to use my son's surname for the babies?" Tanong ni Tita Veron, umiling ako.
"Sa ngayon po, gusto ko munang apelyido ko ang gamitin nila." Tugon ko.
Hindi na umangal si Tita Veron, hindi ko sukat akalaing magkaka-sundo sila ni Mama. Sa mga araw kasing nagdaan puro na lang sila bangayan, medyo may kapangitan din kasi ang ugali ni Mama ganoon rin si Tita Veron.
"Tutal wala naman si Tristan sa bahay, I decided na dumito muna ako para naman hindi kayo mahirapan lalo na at kambal ang apo natin." Napatango na lang ako dahil sa sinabi ni Tita Veron.
Nakangiti kong pinagmasdan si Chriscelle, nakasalpak sa bibig nya ang pacifier. Si Austine naman ay hawak ni Tita Veron, nakasalpak rin ang isa pang pacifier sa bibig nito.
Hindi ako makapaniwala na makakaya kong ilabas sila, marahil natakot ako no'ng una dahil hindi ko maisip ang magiging kalagayan ko sa pagbubuntis ko dahil wala si Tristan pero ito ako ngayon, kalong ang aming isang anak na babae. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nahahawakan ang mga batang dinala mo ng siyam na buwan sa iyong tiyan.
"Your smile is so genuine, miss mo na ang anak ko 'no?" I heard Tita Veron asked, napalingon ako sa kanya sabay ngiti "Don't worry, babalik rin 'yon. Hindi naman ako nagkulang sa pangaral sa kanya e" dagdag pa nito.
TRISTAN'S POINT OF VIEW.
"Hello Ma? What happened?"
Kinakabahan ako, ano kayang dahilan kung bakit napatawag ang aking ina. Narito pa ako sa eroplano.
[Wala, I am just so happy lang. Alam mo na] Rinig ko pa ang mahina n'yang pagtawa, ramdam ko ang kasiyahan ng aking ina ngunit ramdam ko rin ang lungkot ng aking puso [Promise me okay? Babalik ka at h'wag mong pakakasalan ang Aira na 'yon, let's just say gamitin mo lang s'ya para sa company nyo ng Dad mo] Napailing ako nang marinig ang sinabi n'yang iyon, ang aking ina talaga walang ibang nasabing matino.
"Noted Mom, don't worry hinding hindi mangyayari na mag-pakasal ako sa babaeng iyon. Wala nang makahihigit pa sa pagmamahal ko kay Gracel, she's my life alam mo iyan"
Napatikhim ang aking ina, natawa na lang ako bago tuluyang tapusin ang tawag.
Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito, si Aira. May dala syang coffee, naglalakad papalapit sa akin.
"Coffee for my soon to be husband!" Masaya nyang sabi, binigyan ko s'ya ng pekeng ngiti at kunwaring humigop sa kape na ibinigay nya "Ako ang nag-timpla n'yan, masarap ba?" Tanong nya, napatango na lamang ako.
Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya, hindi ko alam pero gusto nya yata akong i-seduce. I looked into her eyes at hindi nga ako nagkamali, tama ang hinala ko. Nakikita ko sa mga mata nya ang pang-aakit, kinikilabutan ako. Napasulyap ako sa kape, at pasimple ko itong ginalaw ng makalapit si Aira sa harap ko at umupo sa hita ko. Sinadya kong itapon ang kape, dahilan para mabanlian s'ya.
"Ouch!" Maarte nyang sabi, dali dali akong tumayo at pasimpleng pumasok sa Cr "Tristan, love! Are you okay?" I heard her asked, I just said yes at hindi na nagsalita pa.
Hindi ako lumabas hanggang hindi ko nararamdaman ang paglabas nya rito sa opisina, I hate her. Akala nya naman makukuha nya ako sa araw araw na pagtimpla ng kape, no way! Mas masarap pa rin ang timpla ni Gracel.
"Buti na lang natapon, ayaw kong malason." Iritang sabi ko habang pinagmamasdan ang mukha sa salamin, napakagat ako sa ibabang labi "I miss her," walang gana kong sabi bago tuluyang lumabas.
Pag-labas ko, I saw Carter. Nakaupo ito sa chair ko habang nilalaro ang ballpen na hawak nya, nilapitan ko ito.
"What's happened?" He asked, nagtatanong ko syang tiningnan "What I mean is, anong nangyari kay Aira bakit basa?" Paglilinaw nya, natawa ako.
"She try to seduce me kaya dapat lang 'yon sa kanya,"
Tinapik ko ang balikat ni Carter, tumayo s'ya at lumipat sa visitors chair. Naka-pangalumbaba s'ya habang nagtatanong akong tinitigan.
"Gosh! Hindi kita maintindihan," he said.
Napailing ako.
"Paano mo ako maiintindihan e hindi naman ikaw ang na sa kalagayan ko," I said.
Napailing s'ya at pasimpleng tumawa, akala nya siguro ay hindi ko nakita. Napasulyap ako sa cabinet kung nasa'n nakalagay ang mga libro, napako ang tingin ko sa isang librong kulay asul ang cover. Kinuha ko ito at binuklat, nagkamali ako dahil hindi ito libro. Ito ang scrapbook na ginawa ni Gracel, dito namin inilalagay ang mga memories naming dalawa.
"Ang init ng ulo mo, para kang buntis. Nakunan na nga lang ang girlfriend mo ganyan ka pa," natigil ako dahil sa sinabi ni Carter.
Marahan akong napalingon sa kanya, nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko. Dahan dahan kong ibinaba ang libro at tumayo.
"Are you insane? Paano mo nasasabi ang bagay na 'yan?" Barumbado kong tanong.
"Bro, I am just joking."
"Joke? Tama bang gawing biro ang nangyari sa'min ni Gracel?" Inis kong tanong, tumikom ang mga kamay ko at pilit itong pinipigilan "Dude, kung ano man ang nangyari please lang! Kalimutan mo na dahil nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya, biglang bumukas ang pinto.
"What's happened?" My Grandfather asked, imbes na sumagot napailing na lamang ako bago mag-walk out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top