Chapter 16

Muntik na akong mahulog sa kinahihigaan ko ng marinig ang tunog ng cellphone ko tanda ng may nag-send ng message. Kinuha ko ito, si Tristan.

From: Mister ko

"Nasa'n ka? Papunta ako ngayon sa bahay nyo."

Ilang beses akong napalunok nang mabasa ang text nya, na'ndito s'ya sa Pilipinas?

Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko. Takot na baka kapag nalaman nya, piliin nya kami at pabayaan ang kumpanya nila at excitement naman dahil gustong gusto ko na ulit syang makita. Nananabik na ako sa kanyang mga yakap at halik.

Hindi ko alam kung paano ikakalma ang aking sarili, pilitin ko mang pigilan ang nararamdaman ko ay hindi ko kaya.

"Bakit parang iba 'yang ngiti mo?" Tanong ni Mama, nagulat pa ako dahil hindi ko naramdaman ang pagpasok nya rito sa kwarto "Sumagot ka, bakit?" ulit nya.

"Na'ndito na ulit sa Pilipinas si Tristan!" Masaya kong sabi, nakangiti akong humawak sa aking tiyan habang hinihimas ito.

Nakita ko kung paano tumamlay ang mukha ni Mama, nawala rin ang ngiti sa aking mga mata. Sa tingin ni Mama, tila ba may nais syang ipaalala sa akin. Nagtatanong ko syang tinitigan.

Lumapit s'ya sa'kin at umupo sa tabi ko, hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Anak, hindi ko mapipigilan ang kagalakan dya'n sa puso mo pero sana isipin mo ang sinabi ng ina ni Tristan. Wag kang magagalit kung sabihin ko sa'yong nakinig ako sa pinag-usapan nyo." Mariin akong napatango, huminga ako ng malalim bago tumitig sa mga mata ni Mama "Alam mo? Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit kailangan mong maranasan ang lahat ng 'yan." Tumulo ang mga luha ko nang marinig ang mga sinabi ni Mama.

"Alam ko naman po 'yon," malungkot kong sabi.

"Sige na, tawagan mo na si Tristan. Ikaw ng bahala sa kanya dahil kung ako ang tatanungin mo, hindi ko alam ang gagawin ko kung ako ang na sa kalagayan mo kaya saludo ako sa'yo anak." Napatango na lamang ako.

Sinakto kong naka-labas na si Mama bago ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Tristan.

*Tristan is ringing....

[H-hello love?] Bungad nya, halata sa tono ng boses nya ang labis na kagalakan.

"I-i a-abort t-the baby," Nanginginig kong sabi, naluha na lamang ako ng sabihin ang mga salitang 'yon.

Alam kong masasaktan si Tristan pero sana maintindihan nya na ginawa ko ang bagay na ito para sa kanya at sa magiging future namin, inilayo ko saglit ang cellphone sa tainga ko nang marinig na suminghot s'ya.

"I-im s-sorry" napipilitan kong sabi habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko.

[Put—bakit?]

Mabilis kong nailayo sa aking tainga ang cellphone nang marinig ang galit na sigaw ni Tristan, huminga ako ng malalim bago muling ilapit sa tainga ko ang cellphone. Rinig ko ang pag-tangis nya, at doon ako lalong nasaktan. Hindi nya deserve ang lokohin, at kung darating man ang araw na malaman nya ang lahat ng ito. Sana ay mapatawad nya ako.

"Gracel, anak ko 'yon e." Hindi maitatanggi na labis na sakit ang nararamdaman ngayon ni Tristan, hindi rin ako makapag-explain dahil hindi ko alam kung paano ko ipaiintindi sa kanya ang lahat "Bakit?" Hindi na ako sumagot, dali dali kong ibinaba ang cellphone at saka umiyak ng umiyak.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko, gusto kong magwala pero hindi puwede dahil may dinadala ako. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla na lamang itong kumirot, nagdikit ang dalawang tuhod ko.

Namamalipit ako sa sakit, napakahigpit ng hawak ko sa dulo ng kama "Ah! Mama! Ah—huhu!" Sigaw ko, sobrang sakit.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pag-bukas nito, bumungad sina Mama at Papa. Dali dali silang lumapit sa akin.

"Dios ko!" Napatakip si Mama sa bibig nya "D-dinudugo ka, a-anak." Alala nyang sabi.

Napahawak ako sa short ko, nakahawak ako ng basa kaya iniangat ko ito. Totoo nga ang sinabi ni Mama, dinudugo ako.

"Mahal, tawagin mo si Kuyang." Utos ni Papa, dali dali namang tumakbo sa labas si Mama.

Dahan dahan akong binuhat ni Papa hanggang sa tapat ng sasakyan, medyo may kalayuan mula sa bahay ang parking lot nila Uncle Jose kaya ramdam ko ang hirap ni Papa nang buhatin nya ako.

Hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako kay Tristan pero mas kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang ipinagbubuntis ko.

Hindi ko na namalayan ang iba pang pangyayari dahil bigla na lamang akong nawalan ng malay.

"Your daughter is fine," rinig kong sabi ng kung sino nang magising ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa tumama ito sa isang babae, binigyan nya ako ng matamis na ngiti. Lumapit ang babae sa'kin, hindi naalis ang ngiti sa nga labi nya hanggang sa makalapit sa akin.

Hinawakan nya ang kanang kamay ko, nagtatanong ko syang tiningnan ngunit hindi s'ya sumagot. Tinitigan ko ang mga mata nya, sakto namang nag-tama ang tingin naming dalawa.

"I am Vanessa," pakilala nya.

Napangiti ako ng muli n'yang hawakan ang mga kamay ko, gumalaw ang mga kamay nya hanggang makarating ito sa tiyan ko. Medyo nairita pa ako sa kanya dahil iba ang dating sa'kin ng mga titig at hawak nya.

"A-ah, wait lang ha?"

Sinadya kong lakasan ang boses ko para matigilan s'ya sa kanyang ginagawa, kanina na sa kamay ko ang hawak nya hanggang sa mapunta ito sa aking tiyan at kani-kanina lang kung hindi ko s'ya pinigil nag-uumpisa na namang gumalaw ang kamay nya patungo sa private part ko.

"Oh, Ms. Velasquez gising ka na pala." Bati ng doctor, lalaki s'ya at medyo may katandaan na ang itsura.

"Yes doc," nakangiti kong sabi.

Napasulyap ako kay Vanessa na ngayon ay malagkit na nakatitig sa akin, naiirita ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ng Doctor, napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa "Oo nga pala, h'wag mong isipin ang mga bagay na nagbibigay stress sa'yo dahil maaari 'yong maging dahilan para bumitaw ang baby mo. Alagaan mo ang sarili mo lalo na si Baby ha?" Napatango na lamang ako bago tumayo.

"Doc, sino ba s'ya? At anong ginagawa nya dito?" Naguguluhang tanong ko habang nakatitig kay Vanessa na ngayon ay busy sa pagkuting-ting sa cellphone nya.

"Ah si Vannesa ba?" Pabalik n'yang tanong, napatango ako "Nurse s'ya rito, sa pagkaka-alam ko baguhan pa lang s'ya pero napakarami ng pasyente ang nagreklamo dahil nababastos nya daw." Kuwento ni Doc.

"Actually ako rin po kanina no'ng hindi kayo nakatingin, by the way Doc nakita nyo po ba ang parents ko?" Tanong ko.

Luminga linga si Doc "Hindi e, pero ang dinig ko kanina bibili muna sila ng food mo." Sagot nya, napangiti na lamang ako at dahan dahang tumayo.

Ilang sandali pa, dumating na sila Mama. Ihahanda na sana nya ang pagkain pero sinabi kong busog pa ako at kung puwede sa bahay na lang dahil naiinip na ako dito, ayaw ko lang talagang makita pa ulit si Vanessa. May kalibugan pala ang babaeng 'yon at kahit kapares n'yang babae, tinitira nya.

"Okay ka na ba nak?" Tanong ni Mama, tumango naman ako habang papasok sa sasakyan.

Medyo may kalayuan ang hospital dahil malayo kami sa bayan. May isang oras naman kami sa byahe dahil sa traffic, ilang sandali pa nakauwi na rin kami. Finally! Makakahinga na ako ng maluwag.

Inabot ni Uncle Jose ang kamay ko para alalayan akong bumaba, habang naglalakad pauwi sa bahay. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa aking tiyan habang ang kanan naman ay na sa aking baywang, nahihirapan akong maglakad.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Uncle Jose, s'ya ang kasabay ko dahil na sa kotse pa sina Mama at Papa.

"Opo," tugon ko.

Napalingon ako sa bag ko nang mapansing tumutunog ang cellphone ko, kinuha ko agad ito dahil baka importante. Si Tita Veron, ano kayang problema? Bakit s'ya napatawag?

"Hello Tita?" Bungad ko.

[Are you okay na ba? Tumawag sa'kin ang Mama mo, dinugo ka daw. Hindi ba't ang sabi ko sa'yo, alagaan mo ang sarili mo?] Sunod sunod nyang sabi, hindi man lang nya ako hinayaang makapag-explain [H'wag mo nang intindihin pa si Tristan, alagaan mo 'yang sarili mo dahil sa'yo magmumula ang kalusugan ng ipinagbubuntis mo at tandaan mong apo ko 'yan!] Dagdag nya.

"Alam ko naman po 'yon Tita, hindi ko lang po napigil ang sarili ko kanina dahil sa nangyari. Sinabi ko kay Tristan na ipina-abort ko ang bata, hindi ko lang po matanggap na nasabi ko ang lahat ng 'yon. Lalo na dahil alam kong nasaktan si Tristan." Paliwanag ko.

Rinig ko pa ang pag-buntong hininga nya, bago muling nagsalita. Walang preno ang bibig nya, parang makina.

[Ako na ang bahala sa anak ko okay? Mind your own business, hindi joke lang] natatawa n'yang sabi, natawa na lang din ako para naman mabawasan ang lungkot ko [Baka mamaya n'yan, sabihin mo. Ganito na nga lang ang sitwasyon, nagagawa ko pang mag-joke. Anak, gusto lang kitang patawanin para naman mawala 'yang stress mo dahil baka mamaya kapag nakita ko ang apo ko, magulat na lang ako dahil mukhang ipinaglihi sa sama ng loob] dagdag nya.

Napailing na lamang ako, tumagal pa ang kuwentuhan naming dalawa. Ilang sandali pa, narinig kong tinawag nya ang pangalan ni Tristan kaya dali dali kong ibinaba ang cellphone ko at pinatay.

Pumasok na rin ako sa loob dahil mahamog na, ang sabi nila hindi raw puwedeng nahahamugan ang mga buntis.

"Let's eat?" Tanong ko, ako na lang pala ang hindi kumakain "Wow, adobo." Nakangiti kong sabi ng maamoy ang ulam ng kapitbahay namin.

"Kumain ka na nga, baka mamaya malipasan ka pa ng gutom. Pagagalitan ka pa ng biyenan mo." Natatawang sabi ni Mama bago tumayo at lumabas.

Ilang buwan na ang nakalipas, mabuti naman at hindi na ako dinugo. Hindi ko na iniisip pa si Tristan dahil alam ko namang galit s'ya sa akin, pero ano nga bang magagawa ko? Para sa kanya rin naman 'yon at sa magiging anak namin.

I'm here now at the living room, malaki na ang tiyan ko kaya nahihirapan akong tumayo, maglakad at maging sa pagtulog ay hirap ako. Kaunting galaw ko lang kasi ay sumasakit ang tiyan ko, bilog na bilog ito at laging sinasabi ng mga nakakakita sa'kin na purong bata daw ang na sa tiyan ko.

"Kailan ang due date mo?" Tanong ng Auntie kong si Bonic habang hinihimas ang aking tiyan.

"7 months na po, Auntie." Tugon ko.

"Ang laki, lalaki siguro ito? Iyon kasi ang kasabihan, kapag ka bilog ang tiyan mo lalaki ang magiging anak mo at kapag lapad naman ay babae." Kuwento nya habang patuloy sa pag-himas.

Napangiti ako ng maramdaman ang sunod sunod na pag-sipa ng baby, nakaka-tuwa. Sumisipa pa lang pero sobrang saya ko na, paano pa kaya kung lumabas na at makita ko na ng malapitan?

"Auntie, puwede nyo po ba akong tulungan tumayo? Na sa kusina kasi si Mama, may ginagawa."

"Oo naman," agad na tugon ni Auntie Bonic.

Si Mama lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay dahil isinama ni Papa si Uncle Jose sa Manila, si Auntie Bonic naman ay madalas wala dahil lagi syang na sa center, nagtatrabaho.

Inakay ako ni Auntie Bonic papasok sa bahay, sobrang sakit ng mga hita ko, sumasabay pa ang kirot ng tiyan ko. Inalalayan din akong maupo ni Auntie Bonic, saktong pag-upo ko lumabas si Mama na may dalang gatas.

"Salamat Ateng," nakangiting sabi ni Mama.

Lumabas si Auntie Bonic at sumunod naman si Mama, ako lang mag-isa ngayon dito sa loob at medyo natatakot ako dahil baka biglang bumagsak itong inuupuan ko. Kahoy pa naman. Dahan dahan akong tumayo, binuksan ko ang t.v dahil nabuburyo ako.

Tawa ako ng tawa dahil sa pinapanood ko, si Babalu at Redford White. Sumasakit na ang tiyan ko dahil sa katatawa, hindi ko na namalayang naka-ihi na pala ako.

"Ano ba naman 'yan?" Inis na tanong ko habang pinupunasan ang hita ko.

Habang tumatagal lumalakas lalo ang buhos ng ihi ko, hindi ko naman ito pinapansin dahil alam ko namang naihi lang ako dahil sa kakatawa.

Mahigpit akong napahawak sa dulo ng upuan nang maramdaman kong bigla na lamang humilab ang tiyan ko, napapakagat ako sa aking labi tuwing humihilab ang aking tiyan. Ilang sandali pa naramdaman kong may kung anong matigas akong naka-dikit sa panty ko, dahan dahan ko itong hinawakan.

"Ay dios ko! Ang ulo ng bata nalabas na!" Sigaw ni Auntie Bonic kaya nag-panic ako, hindi ko alam ang aking gagawin.

"Ma!" Sigaw ko.

Tarantang taranta si Auntie Bonic, tila hindi na nya alam kung ano ang kanyang gagawin. Takbo s'ya ng takbo at hindi man lang maisipang tawagin ang aking ina o 'di kaya ay tumawag ng doctor.

"Ma! Manganganak na ako!" Sigaw ko.

Dali daling tumakbo palabas si Auntie Bonic, tila naka-balik na s'ya sa kanyang wisyo. Pagbalik nya may mga kapitbahay na syang kasama at binuhat ako papunta sa sasakyan.

"Dahan dahanin nyo dahil baka mahulog ang bata!" Tarantang sigaw ni Auntie Bonic.

Inhale exhale, paulit-ulit ko 'yong ginagawa para kumalma ang aking sarili. Ngunit habang papalapit na kami sa hospital, lalo pang sumasakit ang aking tiyan.

Hinanap ng mga mata ko si Mama, wala s'ya. Mahigpit akong napahawak kay Auntie Bonic na ngayon ay namamalipit sa sakit, huminto ang sasakyan.

"Stretcher! Stretcher! Manganganak na ang pamangkin ko tumabi kayo!" Sigaw ni Auntie Bonic.

Naglakad ako papasok sa loob ng hospital dahil imbes na ako ang isakay sa stretcher, si Auntie Bonic ang isinakay nila. Hindi ba't ako ang buntis?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top