Chapter 15

It's been a month, hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko. Sinubukan kong hanapin si Gracel pero hindi ko s'ya nakita, feeling ko lumalayo s'ya sa akin. Nagpasya akong pumunta sa bahay nila, nagbabaka-sakali na baka naka-uwi na s'ya.

"Kuya Roy, ano na?"

Si Kuya Roy ang pinababa ko para tingnan kung may tao sa bahay nila Gracel.

"Mayro'n pero hindi ko kilala, lalaki e. Na sa 40 plus ang edad, matangkad tapos medyo puti na ang buhok."

Imbes na magsalita pa, agad akong lumabas ng kotse. Rinig ko pang nagsalita si Kuya Roy ngunit hindi ko na ito pinansin, mas kailangan kong mahanap si Gracel kaysa makinig sa sasabihin nya.

Finally! Na'ndito ang Papa ni Gracel, dali dali akong lumapit sa kinaroroonan nito. Akala ko magugulat syang makita ako pero nagkamali ako, wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha nya.

"S-sir," utal kong tawag rito.

Nahihiya ako dahil sa nangyari, dalawang buwan na rin ang lumipas nang huli kong makita ang pamilya nila. Nakakalungkot ang nangyari dahil hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos kay Gracel, at naintindihan ko na rin kung bakit nya ipinalaglag ang ipinagbubuntis nya. Dahil 'yon sa'kin, alam kong na-stress s'ya dahil sa ginawa ko.

"Long time no see," tinapik ni Sir Cenon ang balikat ko.

"G-gusto ko po sanang malaman kung nasa'n si Gracel," pakiusap ko.

He glanced at me. Muli n'yang tinapik ang likod ko, kakaiba ang naramdaman ko sa pag-tapik n'yang iyon. May pakiwari ako na hindi ko alam kung totoo o hindi.

"H'wag mo na syang hanapin, dahil masaya s'ya kung sa'n man s'ya naroon ngayon." Nakangiting sabi ni Sir Cenon.

Napatango na lamang ako, binigyan ko s'ya ng mapait na ngiti bago tumalikod at akma na sana akong lalakad palayo ng bigla syang magsalita.

"Patunayan mong lalaki ka, magkaroon ka sana ng paninindigan sa bawat desisyon mo sa buhay." Pahabol nya, kumaway pa s'ya sa akin.

Yumuko na lamang ako tanda ng pag-galang bago tuluyang umalis. Pilit kong inintindi ang sinabi n'yang 'H'wag mo na syang hanapin, dahil masaya s'ya kung sa'n man s'ya naroon ngayon' ano ba talaga ang nangyari? Bakit parang may kakaiba sa mga salitang 'yon? Hindi ko maintindihan.

Hindi kaya patay na si Gracel? H'wag naman sana, hindi puwedeng mangyari 'yon. Isa pa rin ba 'to sa mga kasalanan ko? Tama nga sila, malaking kasalanan ang umalis ng walang paalam. At ngayon, pinagsisisihan ko 'yon. Ngunit wala akong magagawa dahil nangyari na ang bagay na dapat mangyari.

"S-sir, ano na po ang susunod n'yong gagawin?" Tanong ni Kuya Roy, imbes na magsalita binigyan ko na lamang s'ya ng mapait na ngiti.

Hindi kagaya no'n, sobrang tahimik ng byahe. Hindi nagsalita si Kuya Roy, tila ba pinapakiramdaman nya ako.

Napasulyap ako sa bintana, mapait akong ngumiti nang makita ko ang isang buntis. Hindi ko akalaing umaagos na pala ang mga luha ko. Hanggang ngayon ang sakit pa rin, ganito siguro talaga kapag nawalan.

Dumaan pa ang maraming araw at buwan, napag-pasyahan ko nang bumalik sa America. Ngunit bago ako bumalik sa America, pumunta muna ako sa bahay nila Gracel. Hanggang ngayon nagbabaka-sakali pa rin ako na makita ko s'ya at maayos pa ang relasyon namin.

"Manang, pakisabi na lang po na pumunta ako rito."

Agad akong umalis nang maibigay ko sa kapitbahay nila ang libro na isinulat ko, hindi alam ni Gracel na bawat memories naming dalawa ay isinulat ko. May mga picture din namin do'n. Mahalaga para sa'kin ang bawat memories namin kaya babaunin ko 'yon, sa'n man ako mapunta.

"Good day, passengers. Welcome to Ninoy Aquino International Airport!" Pagbati ng mga attendants na sumalubong sa amin. May sinabi pa sila pero hindi ko na 'yon pinakinggan pa.

Buong byahe akong tulog, nagising na lang ako nang gisingin ako ni Kuya Roy. Yes, isinama ko si Kuya Roy because I need him at my side. Beside, wala nang pamilya si Kuya Roy. Mag-isa na lamang s'ya sa buhay.

Pagkababa namin sa eroplano dumeretso agad kami sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ko, 'yon ang ginamit ko no'ng bumalik ako sa Pilipinas.

Medyo may kalayuan pa ang bahay namin mula sa Airport kaya nakatulog na naman ako. Busog na busog ako sa tulog ngayon, hindi kagaya no'ng nando'n ako sa Pilipinas.

"Grabe Sir, ang ganda pala dito. Ang lamig, naninigas tuloy ang mga tuhod ko." Natatawang sabi ni Kuya Roy, natawa na lamang rin ako bago bumaba ng kotse.

We're here now at our house. Napasulyap ako kay Kuya Roy na ngayon ay namamangha dahil sa kanyang nakikita, napailing na lang ako bago s'ya hilahin papasok ng bahay.

"Son!" Salubong sa akin ni Papa, thank God naging maayos na s'ya. Niyakap nya ako "Where's my apo?" Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang tanungin nya iyon.

"Gracel abort the child," malungkot kong sabi.

Nawala ang galak sa mukha ng aking ama "Kung puwede Dad, h'wag na nating pag-usapan pa 'yon." Pakiusap ko sa kanya, napatango naman s'ya.

GRACEL'S POV.

Narito ako ngayon sa isang Restaurant, kumakain kasama ang pamilya ko. Napapangiti ako sa tuwing makikitang nagkukulitan si Mama at si Papa.

"Ma, cr lang ako ha?" Paalam ko.

"Samahan na kita," offer ni Mama.

Patayo na sana s'ya ng bigla ko syang pigilan "Kumain ka na lang dya'n Ma, kaya ko naman." Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin, hinanap ko agad ang cr ng restaurant.

"Aray!" Reklamo ko nang masagi ang balikat ko, napalingon ako sa kung sino ang gumawa no'n. Laking gulat ko nang "Tito Jonas?"

"G-gracel, I'm sorry hija. Nagmamadali kasi ako, ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong ni Tito Jonas, niyakap nya pa ako.

"Kumakain po," natatawa kong sagot.

Nagtatanong nya akong tiningnan, napansin nya yatang medyo lumaki ang tiyan ko.

"Y-your pregnant?" Naguguluhan n'yang tanong, tumango na lamang ako "Alam na ba 'to ni Tristan? Hindi bat na sa America s'ya?" Tanong pa nya.

"H-hindi pa po, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya dahil iniwan nya ako ng walang paalam." Malungkot kong sabi habang nakahawak sa aking tiyan.

"Don't worry, sasabihin ko 'to sa kanya."

Agad rin nagpaalam si Tito Jonas dahil may medical mission pa sila sa kabilang bayan.

Nakahinga ako ng maluwag, finally malalaman na rin ni Tristan na buntis ako.

Lumipas ang buong araw na 'yon na hindi ko namamalayan ang bawat oras na nasasayang, masyado akong nagalak dahil sa sinabi ni Tito Jonas.

"Bakit parang ang saya mo ngayon?" Rinig kong tanong ni Mama, nakangiti ko syang nilingon.

"Nagkita kami ni Tito Jonas kanina sa Restaurant, ang sabi nya sasabihin nya kay Tristan na buntis ako." Nakangiti kong sabi, hinawakan ni Mama ang magkabila kong pisngi "Nag-bago na ang isip ko, hindi ko na sasarilinin ang pagpapalaki sa ipinagbubuntis ko. Tama si Papa, kung hindi malalaman ni Tristan na buntis ako parang tinanggalan ko na sya ng karapatan dito sa mundo." Paliwanag ko.

"Masaya ako para sa'yo,"

Napasulyap ako ngayon sa bintana, malapit sa dagat ang bahay namin kaya matatanaw mo talaga ang kagandahan ng lugar na ito. Sinalubong ko ang sariwang hangin, itinaas ko ang aking mga kamay at dinama ang bawat sandali.

Nabaling ang tingin ko sa kotseng huminto malapit sa isang puno, pamilyar sa'kin ang kotse pero hindi ko matandaan kung kailan at saan ko 'to nakita. Hindi naalis ang tingin ko rito hanggang sa may lumabas na isang babae, nakasuot ito ng black reefer dress,  black hat at sunglass. Sumingkit ang mata ko ng mapagtanto kung sino ito, ang Nanay ni Tristan.

Dali dali akong lumabas para salubungin ito, alam kong may sama ng loob si Tristan sa nanay nya pero kailangan kong sabihin sa babae na may anak kami ng anak nya.

"Ma'am, kung hindi po ako nagkakamali kayo po ang Mommy ni Tristan?" Tanong ko ng makalapit ako rito.

Tinanggal nya ang sunglasses nya, tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Nakakatakot ang mukha nya, para syang 'yong nanay ni Thyme sa F4: Thailand.

"So, ikaw pala si Gracel. Nabanggit sa'kin ni Jonas na buntis ka, totoo ba?" Tanong nya, napatango ako "Are you sure na dito tayo mag-uusap? Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob ng bahay nyo?" Muli nyang tanong, papeke akong ngumiti at saka itinuro sa kanya ang daan papunta sa bahay.

"Grabe din 'to e, akala mo kung sino mukhang pusit naman." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Nagulat ako ng bigla syang magsalita, seriously? Narinig nya ang sinabi ko?

"Wala po," palusot ko.

Pagpasok namin dito sa loob muli n'yang isinuot ang sunglasses nya at muling hinubad, pinagmasdan nya ang kabuuan ng bahay. Para syang detective, may pakiwari kasi ako na sinusuri nya ang bawat bagay na makita dito sa living room.

"May bisita pala tayo," sambit ni Mama na kalalabas lang galing kusina.

"Mama ko po," pakilala ko.

"Hindi ko tinatanong," napayuko na lamang ako.

May ka-epalan din pala ang bruha na 'to, s'ya na nga lang bibisita s'ya pa ang may ganang mag-sungit. Akala mo kung sino.

"Hindi tayo makakapag-usap kung may nakikinig na asungot."

Halos mahiya hiya kong nilingon si Mama na ngayon ay nakakunot ang noo, dahan dahan ko itong nilapitan.

"Ma, hayaan mo na. Ganyan lang talaga ang ugali n'yan." Bulong ko sa aking ina.

"Basta kapag ginalaw ka, sumigaw ka lang. Kakalbuhin ko 'yan." Inis na sabi ni Mama bago umalis.

Natawa na lamang ako. Bumalik ako sa kinaroroonan ng Mommy ni Tristan, nagulat ako ng makitang nakaupo na s'ya. Kakaiba talaga, hindi man lang nya hinintay na paupuin s'ya ng may ari.

"I like your house," bati nya.

Imbes na magsalita binigyan ko lamang s'ya ng mapait na ngiti. Walang salita ang lumabas sa bibig nya, hindi ko alam kung bakit bigla na lang syang natahimik.

Lumabas si Mama at napalingon sa kanya ang Mommy ni Tristan, may dala si Mama na meryenda kaya tumayo ako at sinalubong s'ya para tulungan. Inilapag ko lamesa ang juice at ang dessert na ginawa ni Mama malapit sa nanay ni Tristan. Alam kong Mommy s'ya ni Tristan pero hindi ko alam ang kanyang pangalan.

"Thank you," pasasalamat nya.

Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong humilab, napalapit tuloy ng di oras sa akin si Mama. Tinulungan nya akong maupo, habang ang Mommy naman ni Tristan ay iniayos ang unan at inilagay sa likuran ko. Lumabas rin si Mama ng mapansing nag-iba na naman ang timpla ng mukha ng bruha.

"H'wag mo nang sabihin kay Tristan na buntis ka, lubog na ang kumpanya at kailangan n'yang pakasalan si Aira para maisalba ito. Hija, sinasabi ko 'to dahil concern ako sa anak ko. Iniisip ko kayong dalawa maging 'yang apo ko pero mas matimbang ang anak ko, future mo, ni Tristan at ng apo ko ang inaalala ko." Paliwanag nya, bumigat ang puso ko. Nahihirapan akong huminga pero hindi ko 'yon pinahalata, tama naman ang sinasabi nya "Alam kong mahirap, pero paano kayo matutustusan ng anak ko kung wala syang pera? Paano nya maibibigay ang pangangailangan nyo kung wala syang pera? Paano nyo maitatawid ang pang-araw araw nyo kung wala kayong pera? Hindi ba't mahirap? Kaya please lang, anak. Pag-bigyan mo na ang kahilingan ko, Tristan need to marry Aira for the company and to your future. Sa oras na maisalba na ang kumpanya, pangako ako mismo ang magsasabi sa anak ko. Pero sa ngayon, kailangan ko ang tulong mo." Dagdag pa nya.

Hindi ako makapag-desisyon, tama s'ya mahirap mabuhay ng walang pera pero paano ang anak ko? Hindi puwedeng hindi nya makasama ang Tatay nya, paano kung makalimutan nya ang tungkol sa akin? Hindi nya 'yon masasabi kay Tristan at mawawalan ng karapatan ang anak ko.

"I need your help," hinawakan nya ang kanang kamay ko at saka hinimas "Ikaw na lang ang pag-asa ko, pinilit kong pigilan si Papa na h'wag ipakasal si Tristan kay Aira dahil alam kong mahal ka nya at do'n ko lang nakitang naging masaya ang anak ko pero wala akong nagawa. Hindi ko nagawang maipagtanggol ang anak ko dahil hindi ko kaya, hindi ko sila kakayanin." Tumulo ang mga luha nya, hindi ko na rin napigilang maluha.

"H'wag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat. Handa po akong isakripisyo ang kaligayahan ko at ng anak ko para kay Tristan." Napipilitan kong sabi, napakagat na lang ako sa aking labi at nanatili na lamang tahimik habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

Nagulat ako ng hawakan nya ang tiyan ko, hinimas himas nya ito habang nakangiti.

"I'm sorry, baby."

Pinunasan ko ang mga luha ko nang tumayo s'ya, yumuko sya tanda ng pag-galang bago sumenyas na aalis nya. Akala ko ay umalis na s'ya pero hindi pa pala.

"Tandaan mo, Veron ang pangalan ko. H'wag mong pababayaan ang apo ko ha? Dadalaw ako rito kapag nanganak ka na, h'wag kang lilipat ng bahay." Sambit nya habang umiiyak, napatango na lamang ako.

Hindi ko sukat akalain na sa sobrang sama ng ugali nya may itinatago rin pala syang kabaitan, hindi kaya mali lang ang pagpapakilala ni Tristan sa kanyang ina?

"Sana maintindihan mo ako," hinimas himas ko ang aking tiyan habang naka-dungaw sa pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top