Chapter 14
THIRD PERSON'S POV.
Busy ngayon sa trabaho si Carter nang makatanggap s'ya ng tawag galing pilipinas, tumawag ang kanyang ama.
"Dad, wag ngayon I'm busy." Sambit nito sa kabilang linya.
[Nandya'n na ba si Tristan?] Tanong ng Daddy nya na si Jonas.
"Yes, kahapon pa s'ya dumating dito. And as far as I now, inaasikaso na nila ang mga papers for the wedding." Kuwento ni Carter sa kanyang ama.
[W-what?] Gulat na tanong ni Jonas.
"Yes, Tristan decided to marry the Sandejas daughter to save the company." Pagpapatuloy ni Carter.
[Are you sure?] Pag-uusisa ni Jonas.
"Dad, sasabihin ko ba naman sa'yo ang lahat ng 'yon kung hindi totoo. Later ka na tumawag, I need to finish what I'm doing." Napa-buntong hininga pa si Carter bago tuluyang ibaba ang cellphone nya.
Busy sa pagta-type si Carter, tila ba may hinahabol syang oras. Hindi nya na rin namalayan pa ang mga oras. Walang plano si Carter na umuwi sa kanilang tahanan dahil naroon ang mortal n'yang kaaway na si Tristan, ang pinsan nya. Dumating ito kahapon kasama si Aira Sandejas at ang Lolo nilang si Leon.
Bumuntong hininga ang binata nang marinig nya ang sunod sunod na katok sa pinto ng kanyang opisina, dali daling kinuha ni Carter ang tako na nakatago sa gilid ng pinto dahil diyes oras na ng gabi at alam nyang wala nang impleyado pang na sa company 'pag ganitong oras.
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto, itatarak na nya sana ang tako sa taong na sa harap nya ng bigla itong nagsalita.
"Dude, chill lang okay?" Nakahinga ng maluwag si Carter ng marinig ang boses ni Tristan "Galit ka pa ba sa'kin?" Tanong ng binata kay Carter.
"Ano sa palagay mo?" Masungit na tanong ni Carter kay Tristan "Anyway, what are you doing here? Gabi na."
"Mula kahapon hindi na kita nakita, umasa ako na isa ka sa susundo sa'min sa Airport pero hindi ka dumating." Malungkot na sabi ni Tristan, tinapik tapik ni Carter ang likuran ng binata.
"Miss me huh?" Natatawa nitong sabi, napailing si Tristan at kasunod no'n ang pag-seryoso ng mukha ni Carter "I heard the news, you and Aira are getting married huh?" Napangisi si Carter "Alam ba 'to ni Gracel?" Tanong ni Carter.
"No, hindi ko sinabi sa kanya." Sagot ni Tristan.
Napahawak si Carter sa bulsa nya ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone nya, nag-text ang Daddy nya.
From: Dad.
"Buntis si Gracel, at hindi 'yon alam ni Carter"
Gulat na napatingin si Carter sa pinsan n'yang si Tristan. Nagpa-lipat lipat ang tingin nya sa cellphone at kay Carter.
"What's wrong?"
"G-gracel is p-pregnant." Sambit ni Carter.
Binigyan s'ya ng nagtatanong na tingin ni Tristan, halos maibuga naman ni Tristan ang iniinom nya kape ng tumango si Carter. Hindi makapaniwala si Tristan sa narinig, akala nya ay nagbibiro lamang si Carter.
"Stop joking dude," natatawang sabi ni Tristan.
"I am not joking dude," seryosong sabi ni Carter at saka iniabot kay Tristan ang cellphone.
"Damn." Tanging salita na nasabi ni Tristan, hindi nya alam kung paniniwalaan nya ang mga nabasa nya.
"What? Are you going to marry Aira to save our company, or you're going back to the Philippines for your child?" Kumunot ang noo ni Carter ng makitang umiling si Tristan.
"No,"
"W-why?" Utal na tanong ni Carter, marahang hinawakan ni Carter ang braso ng pinsan at sinabing "Don't you dare, ka-dugo ko ang ipag-papalit mo." May pagbabanta sa tono ng pananalita nito.
"What I mean is, I'm going back to the Philippines. Hindi ko alam dude, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko sukat akalaing may naiwan akong napakahalaga," napasapo sa kanyang noo si Tristan at saka umiyak.
"No more drama's Tristan Villacorta, go!" Sigaw ni Carter sabay hampas sa puwet ng pinsan.
Hindi na nagsalita pa si Tristan, dali dali itong tumakbo palabas ng opisina no Carter.
Napabuntong hininga si Carter nang makita kung gaano kahalaga kay Tristan ang bagay na 'yon "Balang araw magiging tatay rin ako," nakangiting sabi ni Carter bago kunin ang coat nya at nagmamadaling umalis.
TRISTAN'S POV.
Nang marinig ko ang sinabi ni Carter, napailing na lamang ako dahil alam kong gumagawa s'ya ng paraan para mapa-sakanya ang pag-manage sa company namin here in Pennsylvania.
Nang iabot nya sa'kin ang cellphone nya at mabasa ko ang text ng Daddy nya, doon pa lamang ako naniwala.
Hindi ko sukat akalaing magiging tatay na ako, ang sarap pala sa feeling kahit na hindi mo pa nakikita ang baby mo. I promise baby, I will be a good father.
"Where's my ticket? I need to go back in the Philippines." Sambit ko, nagtatanong akong tiningnan ni Lolo "Come on Lo, kaya kong i-give up ang company pero ang pagiging tatay ko ay hindi." Napailing na lamang ako ng iabot sa'kin ni Lolo ang ticket ko.
"Good luck apo, be a Villacorta!" Sigaw pa nito.
Tumango na lamang ako bago tumakbo papunta sa kwarto ko, dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at isinakay sa kotse.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa airport. Hindi mapagsidlan ng tuwa ang aking puso, paano ba ako kakalma?
"Good evening Sir, welcome t—" hindi ko na pinatapos pa ang flight attendant na sumalubong sa akin.
Dali dali akong tumakbo at saka hinabol ang papaalis ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Hingal na hingal akong pumasok sa loob, inalalayan ako ng dalawang flight attendant na sumalubong sa akin patungo sa passenger seat.
"T-thank you," nahihirapan kong sabi.
Bumuntong hininga ako ng napakalalim bago ngumiti, kinuha ko ang cellphone ko at saka dinial ang number ni Gracel.
[Hello?] Bungad nya, kay sarap pakinggan ng boses ni Gracel.
"I'm so—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nawala na ang linya.
Muli kong dinial ang number ni Gracel ngunit hindi na nya ito sinasagot, nalungkot ang mukha ko. Feeling ko, ayaw nyang magpaka-tatay ako sa anak namin.
"Damn," napahawak ako sa aking puso ng makaramdam ako ng kirot "bakit ako nasasaktan?" Tanong ko sa aking sarili.
Bumuntong hininga na lamang ulit ako bago muling ngumiti. Ilang oras din ang byahe, sa sobrang tagal hindi ko na namalayan ang pag-takbo ng oras.
Tinawagan ko na si Kuya Roy para sunduin ako dito sa Airport, wala pa yatang sampung minuto ay narito na s'ya. Nagagalak ko syang niyakap.
"I miss you!" Nasasabik kong sabi.
"Grabe ka na Tristan, halos dalawang araw ka lang nawala miss mo na ako?" Natatawang tanong ni Kuya Roy, napailing na lamang ako bago pumasok sa loob ng kotse.
"Ideretso mo na sa bahay nila Gracel, Kuya." Nakangiti kong sabi.
"Hindi mo ba alam? Nung umalis ka, kinabukasan umalis na rin sila. Hindi ko rin alam kung saan sila nagpunta." Kuwento ni Kuya Roy.
Biglang tumamlay ang aking mukha, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. May parte na masaya at may parte rin na malungkot.
Kinuha ko ang phone ko at itinext si Gracel.
To: Misis ko
"Nasa'n ka? Papunta ako ngayon sa bahay nyo."
May lungkot sa puso ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Gustuhin ko mang maging masaya dahil magiging ama na ako hindi ko magawa dahil may pumipigil, bakit ko ba kailangang maramdaman 'to?
Napasulyap ako sa hawak kong cellphone ng maramdaman ang pag-vibrate nito, si Gracel. Tumatawag s'ya.
*Misis ko is calling...
"H-hello love?"
[I-i a-abort t-the baby] Nanginginig n'yang sabi.
Nag-umpisa nang mag-karera ang mga luha ko. Totoo ba ang narinig ko? Pinalaglag nya ang bata? She's lying and I know that.
[I-im s-sorry] utal n'yang sabi.
"Put—bakit?"
Napasabunot ako sa aking buhok, hindi ko alam kung bakit kailangan nya iyong gawin. Kasalanan ko 'to, kung hindi ako umalis hindi nya maiisipan 'yong gawin.
"Gracel, anak ko 'yon e." Napahawak ako sa aking noo habang hinihintay ang eksplanasyon ni Gracel "Bakit?" Napailing na lamang ako ng bigla n'yang ibaba ang cellphone.
Nanggigigil ako, hindi ko alam kung saan ko ilalabas ang galit ko. Gusto kong magwala, gusto kong harapin si Gracel at tanungin kung bakit nya nagawa 'yon.
"Sir, okay ka lang?" Rinig kong tanong ni Kuya Roy.
Imbes na sumagot nanatili lamang akong tahimik hanggang sa makarating kami rito sa bahay, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan ang mga luhang naguunahang tumulo mula sa mga mata ko.
Hindi ko matanggap, walang kapatawaran ang ginawa ni Gracel sa'kin. Hindi man lang nya binigyan ng pagkakataon para mabuhay ang anak namin, hindi man lang nya ito binigyan ng pagkakataong makalanghap ng sariwang hangin.
Dahil sa sama ng loob hindi ko na namalayang unti unti na ako nitong nilalamon. Nang makapasok kami dito sa loob, pinuntirya ko kaagad ang mga vase na na'ndito sa living room. Lahat ng makita kong babasagin ay binabasag ko.
"Putangina!" Sigaw ko, buong puwersa kong itinaob ang dining table namin "Bakit kailangan? Bakit kailangan n'yang gawin 'yon?" Garalgal kong tanong.
Bumagsak ako sa aking kinatatayuan, natigil ako sa pag-iyak nang makita ang nanay ko. Nilapitan ko s'ya at hinarap.
"Bakit kailangang ako ang magdusa sa lahat ng ginawa mo?" Tanong ko sa kanya, hindi ko na mapigil ang sarili ko.
"A-anak," bakas sa boses nya ang pag-aalala ngunit hindi ko ito binigyang halaga.
Sinuntok ko ang pader na na sa side ni Mommy, masakit pero mas masakit ang nangyari sa akin. Parang kahapon lang, napakasaya ko pa habang na sa byahe pero bakit ngayon umiiyak ako? Bakit kailangan?
"M-may mali ka rin," rinig kong sabi ng aking ina.
Inis akong napalingon sa kanya "Hindi, ikaw ang mali. Kung hindi mo kami pinagpalit ni Daddy sa lalaki mo, edi sana ngayon hindi nangyari 'to!" Sigaw ko.
"Naiintindihan kita anak," sambit pa nya.
"Hindi mo ako naiintindihan, 'tsaka mo lang ako maiintindihan kapag nawalan ka na rin ng anak!" Sumbat ko sa kanya.
Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong ibang maisip kung hindi ang sundan na lang ang anak ko.
Lumipas ang ilang linggo, at hanggang ngayon napaka-bigat pa rin ng dinadala ko. Aaminin kong nahirapan ako at sa paghihirap na 'yon ni isa wala akong nasandalan, hindi ako iniwan ni Mommy kahit na paulit ulit kong isinusumbat sa kanya ang mga kasalanang nagawa nya.
Totoo nga ang sinasabi ng iba, sa una lang masaya pero kapag na sa huli na wala ka nang ibang mararamdaman kung 'di ang masaktan ng paulit ulit.
"Tristan, kumain ka na." Rinig kong sabi ng aking ina, napatango na lamang ako at unti unti syang nilingon "Magiging ayos rin ang lahat," sambit pa nya bago lumabas.
"I'm sorry," natigil s'ya sa paglalakad at unti unting lumingon sa akin "Sorry sa lahat." Pagpapatuloy ko.
Lumapit sa'kin si Mommy at ako'y niyakap, tumulo na naman ang mga luha ako.
"Tama na ang pag-iyak, baka mamaya nyan dehydrated ka na."
Hinawakan ni Mommy ang buhok ko at saka ito hinimas pataas at pababa, pilit akong ngumiti. Tinulungan nya rin akong bumangon sa pagkakahiga, s'ya rin ang nagsubo sa akin. Ang sabi nya, nais n'yang bumawi sa lahat ng naging pag-kukulang nya kaya habang na'ndito pa ako sa Pilipinas gagawin nya ang lahat mapag-silbihan lamang ako.
"Lagi mong tatandaan na unahin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sa'yo," napatango na lamang ako ng marinig ang sinabi ni Mommy.
Ilang sandali pa, nagpaalam na s'ya na lalabas na dahil kailangan n'yang alagaan ang kapatid ko. Oo, tanggap ko na ngayon ang lahat nang nangyari, 20 years ago.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama nang makaramdam ako ng sakit ng ulo, hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang sakit na ito. Imbes na mag-isip ng kung ano ano ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at sinubukan ulit matulog.
"Daddy! I miss you!" Sigaw ng isang batang sumalubong sa akin, hindi ko makita ang mukha nya pero nararamdaman kong konektado kami sa isa't isa "How are you Daddy? Don't cry, we're fine." Hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko ng marinig ang huli n'yang salita, sya na ba ang anak namin ni Gracel?
"Hello, baby."
Niyakap ako ng bata, tumakbo ito kaya hinabol ko hanggang sa bigla na lamang syang mawala kasama ng liwanag.
"Daddy!" Sigaw pa nito.
Sinundan ko s'ya sa liwanag ngunit wala akong nakita. Paulit ulit kong naririnig ang boses nya na tinatawag ako ngunit wala talaga, wala akong makitang bata.
Nilibot ko ang buong hardin kung saan ko nakita ang bata, umaasa ako na muli ko syang makikita. Hindi nga ako nagkamali dahil naroon s'ya sa ilalim ng punong mangga, nakangiti nya akong tiningnan.
"Baby!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang boses ng pinsan kong si Carter. Nagulat ako ng bigla na lamang tumakbo papalapit sa kanya ang bata.
"How's my baby?" Nakangiting tanong ni Carter sa batang hawak nya.
"C-carter? Why you're here?" Naguguluhang tanong ko.
"Cassandra, meet your Uncle Tristan. Your mother's ex boyfriend," sambit ni Carter.
Napaatras ako ng maintindihan ang sinabi nya, anak nila ni Gracel? No way, hindi puwedeng mangyari 'to. Gracel is mine, only mine.
"No!" Sigaw ko.
Nagising na lamang ako dahil sa malakas na puwersang tumama sa pisngi ko, nanaginip ako. Bakit ko napanaginipan 'yon?
Unti unti kong iminulat ang aking mata hanggang sa mapako ito sa mukha ng aking ina, niyakap nya ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumakas ang tibok ng aking puso.
"Kanina pa kita ginigising," sambit ni Mommy sabay hawak sa aking mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top