Chapter 13

Tristan sent me a message.

"Gracel, always remember that no matter what ikaw lang ang babaeng mahal ko. Gusto ko rin humingi ng tawad sa'yo babe, babalik ako at sa araw ng pagbabalik ko pangako..............magpapakasal na tayo."

Nang mabasa ko ang message ni Tristan agad akong nakaramdam ng kakaiba. Iba ang pahiwatig ng mensahe nya, tila ba aalis s'ya at iiwan ako.

"Nak, bakit parang bigla kang tumamlay?" Tanong ni Mama, imbes na magsalita at sagutin ang kanyang katanungan binigyan ko na lamang s'ya ng mapait na ngiti.

I decided to call Tristan, ilang beses ko itong dinial ngunit ni isa sa tawag ko ay hindi nya sinagot. Hindi ako tumigil kakatawag, hindi naman siguro s'ya busy para hindi sagutin ang tawag ko.

"Kung ayaw sumagot itext mo na lang," rinig kong sabi ni Papa.

Napatango ako.

To: Mister ko

"Busy ka ba? Bakit hindi mo sinasagot?"

"Tristan, kinakabahan ako sa'yo. Naka-ilang missed call na ako oh."

"Wala ba man lang, hi dya'n?"

"Tristan, alam kong makulit ako. Sana naman sagutin mo na kasi nag-aalala ako."

"Ano bang nangyari? Bakit ayaw mo?"

Alas syete ko sinend ang text pero alas dose na ay hindi pa rin s'ya nagrereply, parang kahapon lang ay kay saya namin ngunit ngayon ay hindi na.

"Gracel, bukas na 'yan. Matulog ka na," rinig kong sabi ni Papa sabay tapik sa aking balikat.

Hinarap ko s'ya. Ngumiti ako sabay buntong hininga, muli kong tiningnan ang cellphone ko ngunit wala pa rin. Noon wala pa yatang isang segundo may reply na s'ya, tama nga siguro sila. Sa una lang masaya dahil ang lahat ay nagbabago.

"Opo, goodnight." Niyakap ko pa ang aking ama bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Isinubsob ko sa unan ang sarili ko at saka umiyak. Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako? Sa simpleng hindi lang nagreply ay tila ba handa nang madurog ang puso ko, hindi ko maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko at ang mga bagay na pumapasok sa isip ko na nagiging dahilan ng pagka-bagabag ko.

Lumipas ang gabi at ito ap rin ako ngayon, naghihintay sa reply nya. Muli kong dinial ang number nya, hindi pa rin nya ito sinasagot. Paano ko pa masasabi sa kanya na buntis ako?

Buti pa siguro, magtungo na lamang ako sa kanilang tahanan.

"Ma, aalis muna ako ha?" Paalam ko sa aking ina.

"Mag-iingat ka, tandaan mong buntis ka" paalala nya.

"Opo" mapait ko syang nginitian bago tuluyang umalis.

Ilang minuto rin ang byahe, habang papalapit sa bahay nila Tristan ang kotse mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Hinawakan ko ang aking dibdib 'tsaka huminga ng malalim. Ngumiti pa ako bago bumaba ng kotse.

"Manong, puwede pong pahintay na lang?" Tumango naman ang driver kaya naglakad na ako papalapit sa gate nila Tristan "Manang!" Sigaw ko nang makita ang maid nila na si Lorna.

"Hi ma'am, kumusta po?" Salubong nito sa akin.

"Ayos naman po Manang," sagot ko.

Luminga linga ako sa paligid, nakakapanibago. Bakit kaya ang tahimik dito?

"Ma'am, pasensya na po kung hindi ko na kayo papapadukin ha?" Sambit ng Maid.

"Ayos lang po," sagot ko.

Mapait akong nginitian ni Manang Lorna, hindi ko alam kung bakit. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa ngiti nyang iyon.

"Ma'am, hinahanap nyo po ba si Sir Tristan?" Tanong nito sa akin habang patuloy ang pag-sulyap ko sa pinto.

"Opo, may sasabihin kasi ako sa kanya." Nakangiti kong sabi habang nakahawak sa aking tiyan.

"Umalis na po sila, ang sabi po ni Sir Tristan hindi na sila babalik dito sa Pilipinas." Nagtatanong kong tiningnan si Manang Lorna, biglang nanghina ang katawan ko at halos mabuwal na ako sa aking kinatatayuan "Ikakasal na po s'ya ma'am," dagdag pa nito.

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin, agad akong tumakbo sa taxi. Tinakpan ko ang aking bibig at saka umiyak, hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang aking sarili.

"K-kuya, t-tara n-na p-po," garalgal kong sabi.

Hindi ko na naramdaman ang pag-andar ng kotse, ang sakit. Bakit napakadali sa kanyang iwanan ako? Ni hindi ko man lang narinig sa kanya na may iba pala syang gusto, bakit hindi nya sinabi sa akin?

Kung darating man ang araw na mag-kita ulit kami, hindi ko hahayaang makalapit s'ya sa anak ko. Magmula sa araw na ito, buburahin ko na s'ya sa buhay ko. Ang lalaking kagaya nya ay hindi dapat maging masaya.

"Ma'am, na'ndito na po tayo." Rinig kong sabi ng driver.

Hindi ko namalayang naka-tulog pala ako, inabot ko sa driver ang pamasahe. Nginitian ko pa ito bago lumakad papalapit sa bahay namin. Pinagmasdan ko ang mga kamay ko na ngayon ay nanginginig.

"Anak? Bakit? Anong nangyari?" Tanong ng aking ina, dali dali nya akong inakay papasok sa loob ng aming bahay "Sabihin mo sa akin." Sambit pa ni Mama.

"I-ikakasal na si Tristan," umpisa ko.

"Edi mabuti, para naman maging happy family kayo." Nakangiting sabi ni Mama, hinawakan ko ang mga kamay nya.

"Hindi ako ang babaeng pakakasalan nya," walang gana kong sabi.

Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa kamay ni Mama, hindi ko alam kung paano ko ilalabas sa kanya ang mga hinanakit ko.

"Kung 'yon ang gusto nya, wala kang magagawa. Ang mahalaga ngayon ay maging healthy ang ipinagbubuntis mo, h'wag kang mag-alala anak. Kami ang bahala sa'yo," sambit ng aking ama.

Niyakap nila ako.

"Kakayanin kong buhayin ng mag-isa 'to," sambit ko habang hinihimas ang aking tiyan.

Napalingon kaming tatlo sa labas ng mag-ring ang doorbell. Sumenyas si Papa na s'ya na ang magbubukas, napatango na lamang kami ni Mama. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ng aking ina.

"Salamat Ma,"

"Para saan?" Naguguluhan nyang tanong.

"Sa lahat,"

Natigil ang drama namin ni Mama nang pumasok si Papa. May dala syang kulay brown na box, may kalakihan.

"Ano 'yan?" Tanong ni Mama.

"Ewan ko," sagot ni Papa. Lumapit si Mama para makita kung ano 'yon "h'wag mong pakialamanan, para sa anak mo yan." Pagbabawal ni Papa kay Mama.

Natawa na lamang ako dahil para silang mga bata.

"Para sa'kin?"

"Oo, bukod ba sa'yo sino pa ang Anak ko?" Natatawang sabi ni Papa.

"Aba, anong anak mo? Anak ko rin 'yan hoy!" Napailing na lamang ako, binatukan kasi ni Mama si Papa.

"Pakilagay na lang sa kwarto ko Pa," sambit ko.

Ipinunta ni Papa ang box sa kwarto ko, sumunod na rin ako para makita kung ano ang laman ng box. Medyo kabado ako dahil alam kong galing ito kay Tristan.

Nang makalabas si Papa, kinuha ko agad ang cutter at inumpisahang buksan ang box. Pagbukas ko, may nakita akong bouquet of roses, chocolates, dalawang teddy bears at ang mga picture namin ni Tristan.

"Bakit pa nya ito pinadala dito? Gayong alam nya na masasaktan ako," may namumuong luha sa mga mata ko at pilit ko itong pinipigilan.

Ito na yata ang pinaka-malungkot na naging araw ng buhay ko. May mga bagay talaga na hindi mo alam na mangyayari, wala man lang sign. Inisip kaya ni Tristan ang mararamdaman ko?

Kinuha ko ang picture naming dalawa, hindi ko alam kung sino ang kumuha sa litratong ito. Parehas kaming nakangiti at halata sa litrato na napaka-importante ng bawat sandali. Ito 'yong araw kung saan isinayaw ako ni Tristan sa kanilang Veranda.

"Hindi ko sukat akalaing, hanggang litrato na lamang tayo sasaya."

Hindi ko na napigilang tumulo ang aking mga luha, hinawakan ko ang aking tiyan.

"Huling luha na ito, ayaw ko na."

Pinunasan ko ang aking mga luha na ngayon ay hindi napapagod umagos. Nakakalungot, hindi man lang nalaman ni Tristan na magkaka-anak kami.

"Sorry baby ha? Alam kong balang araw maiintindihan mo rin ang lahat, sa ngayon ako muna ang mag-aalaga sa'yo habang na sa tiyan pa kita. Darating ang araw na makikilala mo rin ang Daddy mo, alam kong may rason kung bakit s'ya umalis ng walang paalam. Ipag-dasal na lang natin na maging masaya s'ya sa naging desisyon nya." Sambit ko.

Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras, mabuti na lamang at kumatok si Mama sa pinto.

"Ang buntis ay hindi dapat nalilipasan ng gutom," rinig kong sabi nya.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha bago buksan ang pinto, binigyan ko ng mapait na ngiti ang aking ina bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Alam kong masakit at mahirap, pero sana anak alalahanin mo ang anak mo." Paalala ni Mama.

"Alam ko Ma, at magmula sa araw na 'to iisipin ko na lang na hindi dumating sa buhay ko si Tristan. At anak ko sa ibang lalaki ang ipinagbubuntis kong 'to." Sambit ko, inakbayan ako ni Mama.

Alam kong mahirap lokohin ang sarili ko, pero ayos lang. Ang mahalaga makalimutan ko s'ya, at bigyang pansin ang anak naming dalawa.

Lumipas ang mga araw, humingi ako ng permiso sa mga magulang ko na kung puwede ay sa Ilocos muna kami mamalagi. Tutal 'yon naman ang bayang kinalakhan ko. Pumayag si Mama, si Papa naman ay hindi dahil parang tinatanggalan ko raw ng karapatan si Tristan na maging ama sa anak namin.

"Pa, sige na. Pumayag ka na." Pangungulit ko.

"Hindi nga puwede, paano kung bumalik si Tristan?" Tanong ni Papa, marahan kong hinawakan ang mga kamay nya.

"Pa, kung aasa ako parang niloloko ko lang ang sarili ko." Tinitigan ko ang mga mata ni Papa 'tsaka s'ya binigyan ng mapait na ngiti "At isa pa, kung babalik man si Tristan. Sigurado po ako na hindi kami ang babalikan nya, ikakasal na s'ya Pa. H'wag na natin ipilit ang hindi talaga itinadhana," dagdag ko.

"Oh sige na, dahil mapilit ka. Uuwi na tayo sa Ilocos." Mahigpit kong niyakap si Papa, mabuti na lamang at napilit ko s'ya.

Agad akong nagtungo sa aking kwarto, inilabas ko na ang mga gamit ko.

"T-teka, ba't ang bilis mo?" Gulat na tanong ni Papa.

Natawa na lamang kami ni Mama at hindi na nagsalita pa, bago ako humingi ng permiso sa kanila iginayak ko na talaga ang mga gamit ko. In case na pumayag sila, hindi naman ako nagsisi dahil pumayag nga sila.

Inalalayan ako ni Papa na sumakay sa kotse, pag-aari ng kumpanyang pinag-tatrabahuhan ni Papa. Ilang oras din ang byahe, gabi na ng makarating kami dito sa Norte.

Sa tagal ng byahe hindi man lang ako nakaramdam ng antok, talaga nga sigurong nae-excite akong bumalik dito.

"Naimbag nga rabii Apo (good evening Sir)," salubong ng hindi ko kilalang lalaki "S'ya na ba si Gracel?" Tanong nito.

"Wen, Manong (Oo, Kuya)" sagot ni Papa.

Sumenyas sa'kin si Papa na magmano ako sa lalaking na sa harap ko, dahan dahan akong lumapit sa lalaki at inabot ang kamay nito para ako'y magmano.

"Balasang gayamin (dalaga na pala)" Binigyan ko s'ya ng mapait na ngiti.

"S'ya ang Uncle Jose mo, kapatid ko." Pagpapakilala ni Papa sa lalaki na si Uncle Jose daw "Kuya, puwede bang pumasok na tayo sa loob? Baka mahamugan 'tong anak ko, buntis e."

Inalalayan ako ni Papa habang si Mama naman ang nagbaba sa mga gamit namin. Sa natatandaan ko may bahay kami rito ngunit nang makahanap si Papa ng trabaho sa Maynila, ibinigay nya ang bahay sa kapatid nya.

"Tuloy kayo." Tinulungan ni Uncle Jose si Mama na ipasok sa loob ang mga gamit "Pasensya na kayo ha? Hindi ko naman kasi alam na uuwi kayo rito, hindi ko tuloy nlinis ang kwarto nyo." Tinapik ni Papa ang balikat ni Uncle Jose.

"Ayos lang Kuya, biglaan rin kasi itong si Gracel e. Gusto nya daw magbakasyon dito." Paliwanag ni Papa.

Nang ituro ni Uncle Jose ang kwartong tutulugan namin, agad na akong nagtungo roon. Napagod ako dahil sa byahe.

"Naku! Nakalimutan natin ang gatas nyo ni baby," sambit ni Mama.

Napasapo si si Mama sa kanyang noo. Napabuntong hininga na lamang ako bago umayos sa pagkakahiga, hindi ko na rin namalayang naka-tulog na ako.

Unti unti kong iminulat ang mata ko nang makaramdam ako ng ginaw (lamig) kukunin ko na sana ang kumot ng marinig ang boses ng aking Ama.

"Anong gagawin natin? Hindi puwedeng hindi malaman ni Tristan na buntis si Gracel, sigurado akong magsisisi si Tristan kapag nalaman nya sa huli na may anak syang naiwan dito sa Pilipinas." Marahan kong hinawakan ang tiyan ko ng marinig ang sinabi ni Papa, may luhang namuo sa mata ko ngunit pinigilan ko itong tumulo.

"Magsisisi s'ya oo, pero hindi mo ba maintindihan? Nasaktan ang anak natin, mas mabuti pang intindihin na lang natin ngayon ang pag-aalaga kay Gracel at sa ipinagbubuntis nya."

Natigil sila sa pag-uusap ng bigla akong tumayo.

"Hindi naman pang-habang buhay ito Pa, darating ang araw na masasabi ko 'yon kay Tristan. Sa ngayon, kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang dinadala ko, dahil sa isang maling galaw lang maaari itong mawala." Paliwanag ko, napabuntong hininga si Papa.

Lumapit ako sa kinauupuan nina Mama at Papa, pumagitna rin ako sa kanila at saka yumakap. Napangiti naman ako ng yakapin nila ako pabalik, tinitigan ko silang pareho at sila'y binigyan ng matamis na ngiti bago bumalik sa kama at saka ipinagpatuloy ang naudlot kong tulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top