Chapter 12
TRISTAN'S POV.
Hindi ko talaga maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Gracel, s'ya ang dahilan kung bakit nabubuo ang araw ko. She complete me.
"L-lo," utal kong sabi nang makita ko ang Lolo ko.
Nakaupo s'ya sa couch habang may hawak na tasa. He's wearing a black tuxedo. Napatikhim pa ako bago tuluyang lumapit sa kanya at nagmano, hindi ko alam na ngayon ang uwi nya.
"Sa'n ka nanggaling?" He asked in a serious way.
Napag-desisyunan kong umupo muna bago sumagot sa kanya, it's been 1 year magmula no'ng huli kaming nagkita. Hindi man lang ako na-excite na makita s'ya.
"Company," maikli kong sagot.
"I want you to marry Aira, the daughter of Mr. Sandejas." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig kong iyon nagtatanong kong tiningnan si Lolo "Alam mong maka-pangyarihan ang pamilya nila, at kung s'ya ang mapapang-asawa mo hindi mo na kailangan pang mag-alala. Sagot na nila ang mga utang natin," sambit pa nya.
"Natin?" I asked.
He nodded.
Agad akong tumayo at kinuha ang brown envelope na nakapatong sa table, dali dali ko itong binuksan. Napatingin pa ako kay Lolo na ngayon ay nakatingin rin sa'kin.
"Mag-isip kang mabuti Tristan," sambit nya kasunod ng muling paghigop sa kape.
Nagulat ako ng mabasa kung ilan ang sinasabi ni Lolo na utang namin, hindi ako makapaniwala. Muli akong lumingon kay Lolo, seryoso syang humihigop ng kape habang naka-tingin sa tv.
"27 billion? Paanon—" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin, napasapo na lamang ako sa aking noo.
"That's why you need to marry a Sandejas, sila lang ang makakapag-angat sa'tin." Napailing na lamang ako dahil sa sinabi n'yang iyon.
Hindi ko maintindihan, paano kami nagkaroon ng ganitong utang? Walang din namang nabanggit si Daddy tungkol dito.
"I can't believe, anong gagawin ko?" Naguguluhang tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko rin lubusang maisip kung ano ang pipiliin ko. Dalawa lang ang pag-pipilian ko, ang piliin si Gracel para sa kaligayahan ko o piliin ang taong magsasalba sa pamilya ko.
Dali dali kong kinuha ang phone ko nang marinig ko itong mag-vibrate. Tito Jonas is calling.
"Yes Tito?" Bungad ko.
"Nakausap ko ang Lolo mo," he said.
"So, alam mo na rin po?"
"Yes. Tristan, ang maipapayo ko lamang sa'yo ay sundin mo muna ang Lolo mo 'tsaka mo na isipin ang sunod na plano kapag na sa States ka na." Payo nya.
Agad rin nagpaalam si Tito Jonas. At ng dahil sa sinabi n'yang iyon naliwanagan ako, tama s'ya kailangan ko munang maisalba ang pamilya namin. Bahala na, ang mahalaga matapos ang problemang 'to.
To: Misis ko.
"Gracel, always remember that no matter what ikaw lang ang babaeng mahal ko. Gusto ko rin humingi ng tawad sa'yo babe, babalik ako at sa araw ng pagbabalik ko pangako..............magpapakasal na tayo."
Pagkatapos kong i-type ang mga salitang iyon dali dali kong kinuha ang maleta ko, inayos ko lahat ng damit na dadalhin ko papunta sa States.
Ayaw kong magpaalam ng harapan kay Gracel dahil alam kong hindi ako makaka-alis. Mas mabuti na 'yong ganito, napakarami na naming problema at ayaw kong dumagdag pa si Gracel sa aalalahanin ko.
"Where are you going?" My Grandfather asked.
Hindi na ako nagsalita pa, dali dali akong lumabas at isinakay sa kotse ang mga gamit ko. Isinandal ko ang sarili ko sa pader ng maalala ang mga memories namin ni Gracel, napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ang pagtulo ng aking mga luha.
May parte sa puso ko na pinipigilan akong umalis pero ano pa bang magagawa ko? Hindi puwede. Kailangan kong isalba ang kumpanya namin para sa kinabukasan namin ni Gracel at sa magiging pamilya namin in the future.
"Saan ka ba pupunta?" Rinig kong tanong ni Lolo, tinagalog lamang nya ang tanong nya kanina.
"You want me to marry Aira Sandejas, right?" I asked.
He nodded.
Narinig ko pang nagsalita s'ya ngunit hindi ko na ito pinansin. Napahilamos na lamang ako bago tuluyang sumakay sa loob ng kotse, may parte talaga sa puso kong nagpupumilit na h'wag na akong umalis.
I heard my phone rang pero hindi ko ito pinansin.
Bumuntong hininga pa ako ng napakalalim bago i-start ang engine.
Finally, I'm here now at the Sandejas Corporation. Bumungad sa'kin ang mga bodyguards ni Aira, sinalubong ko sila ng mapait na ngiti.
"Good evening sir Tristan, ano pong maitutulong ko sa inyo." Salubong ng isang guard.
"Where's Mr. Sandejas?"
I asked.
"Na sa opisina po," sagot nito.
Tumango na lamang ako bago pumasok sa sliding door. Inayos ko pa ang suot kong tuxedo bago pumasok sa elevator.
Napatingin ako sa bulsa ko ng maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Napapikit na lamang ako ng makita ang sunod sunod na missed call ni Gracel, binuksan ko rin ang message na sinend nya.
From: Misis ko
"Busy ka ba? Bakit hindi mo sinasagot?"
"Tristan, kinakabahan ako sa'yo. Naka-ilang missed call na ako oh."
"Wala ba man lang, hi dya'n?"
"Tristan, alam kong makulit ako. Sana naman sagutin mo na kasi nag-aalala ako."
"Ano bang nangyari? Bakit ayaw mo?"
Napailing na lamang ako ng mabasa ang mga ito, gustuhin ko mang mag-reply sa kanya hindi ko magawa dahil baka hindi ako makaalis.
"Mr. Villacorta, akala ko ba hindi mo ako kakailanganin?" Naka-ngising bungad ni Mr. Sandejas, sinalubong nya rin ako ng napakahigpit na yakap.
Tinapunan ko na lamang s'ya ng mapait na ngiti at hindi na nagsalita pa.
It's already 2 am pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog, it's hard to make a plan. Napakahirap pala talagang ipag-palit ang dangal at pera para sa sarili mong kaligayahan.
"Alam kong mali ang gagawin ko pero sana maintindihan mo," sambit ko.
I'm bored. Dali dali akong tumayo sa aking kinahihigaan at nagtungo sa veranda, tumingala ako para makita ang mga bituin. Kinuha ko ang cellphone ko at saka pinagmasdan ang larawan ni Gracel na na sa lockscreen ko.
"Katulad ng buwan, ikaw ang nagbibigay liwanag sa madilim kong bukas."
Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Napahilamos ako sa aking mukha at mabilis na pinunasan ang mga luha nang maramdaman ko na may mga yabag na papalapit sa'kin.
"Pasensya na po kayo Sir, pumasok na po ako. Kanina pa po kasi ako kumakatok." Sambit ng secretary ni Daddy na si Axcel.
"Diretsuhin mo na ako," walang gana kong sabi habang patuloy kong pinupunasan ang mga luha ko.
"6 am daw po ang flight nyo sir," imbes na sumagot tumango na lamang ako.
Bumuntong hininga ako ng napakalalim bago muling pumasok sa kwarto.
"Axcel," tawag ko sa secretary ni Daddy.
"Yes sir?" tugon nito.
"Bago ako umalis may ibibigay ako kay Gracel, gusto ko sana na ikaw na lang ang mag-abot no'n." Pakiusap ko.
"Noted sir," napatango na lamang ako 'tsaka s'ya binigyan ng mapait na ngiti.
GRACEL'S POV.
"Nak, buti naman nakauwi ka na." Salubong sa'kin ni Mama, agad kong inabot ang kamay nya para magmano "Halika, ipinagluto kita ng paborito mo." Nakangiti nya pang sabi.
Magkaakbay kaming pumunta ni Mama sa kitchen. Natawa na lamang ako ng hampasin nya ang pwet ko, inalis ko ang pagkakaakbay sa kanya dahil bigla na lamang sumakit ang aking tiyan. Pumasok agad ako sa loob ng Cr para ilabas nagwawalang dragon sa loob ng tiyan ko.
"Nak, tapos ka na ba?" Rinig kong tanong ni Mama mula sa labas "Bilisan mo dahil baka lumamig itong paborito mong sinigang," sambit pa nya.
Namamalipit ako sa sakit ng tiyan, hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong nakain kanina na hindi tinanggap ng tiyan ko.
"Akala ko hindi ka pa lalabas e, papasukin na sana kita." Natatawa pa nitong sabi.
Natawa na lang rin ako. Inayos ko ang damit ko bago maupo sa hapag, nakangiting inilapag ni Mama sa lamesa ang niluto nya. Halos masuka ako ng malanghap ang umuusok na sinigang.
"Bakit?" Tanong ni Mama.
"Ano ba naman 'yang luto mo Ma, amoy pa lang nakakadiri na." Reklamo ko, kita ko ang pag-kunot ng noo ni Mama "Bulok pa yata 'yang karne na nabili mo," muli kong reklamo.
"Aba, ikaw na nga lang 'tong nilutuan nagrereklamo ka pa. Kung ayaw mong kumain edi h'wag, hindi 'yang pati luto ko jinajudge mo!" Banat ni Mama, napailing na lamang ako kaysa makipagtalo pa sa aking ina.
"Nasusuka ako," sambit ko at dali daling tumakbo patungo sa lababo.
"Nak, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng aking ina.
Patuloy pa rin ako sa pagsuka, sobrang sakit na ng tiyan ko. Pati yata bituka ko ay maisusuka ko na, hindi na maganda 'to. Ngayon lang 'to nangyari sa'kin.
"Teka, tatawagan ko ang Papa mo." Rinig ko pang sabi ni Mama, napatango na lamang ako habang patuloy sa pagsuka "Hello Dominic? Nasa'n ka na? Umu—hoy Gracel! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Mama.
Hindi ko na kinaya, tumakbo na ako rito sa labas para humanap ng sasakyan.
"Teka anak, hintayin mo ako!" Tarantang sigaw ni Mama habang nila-lock ang pinto.
Lalapit na sana ako sa trycicle na ngayon ay pumarada dito sa harap ng bahay namin ng bigla na lamang akong nakaramdam ng hilo, nilingon ko ang aking ina na ngayon ay papalapit sa'kin.
"Dominic, si Gracel!" Rinig ko pang sigaw ni Mama bago ako tuluyang bumagsak sa aking kinatatayuan.
Nagising na lamang ako ng maramdaman kong masakit ang ulo ko, napahawak ako rito. Napako ang tingin ko sa aking mga magulang na tila ba nagtatalo. Ano kayang pinagtatalunan nila? Bakit parang napaka-seryoso naman.
"Ma?" Tawag ko sa aking ina.
Dali dali itong lumapit at saka ako hinalikan sa noo.
"Nak, kilala mo pa ba ako?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong na 'yon ng aking ina.
"Siraulo ka ba ma?" Natatawang tanong ko.
"Hindi, naninigurado lang." Tugon nya kasunod ng pagtawa.
"Ms. Velasquez?" Tawag ng doctor.
"Doctora, ano pong lagay ng anak ko? May cancer ba s'ya? Malala na ba?" Sunod sunod na tanong ni Mama, natawa lamang ang doctor.
"Ang O.A mo Ma," inis kong sabi.
"You are Gracel, am I right?" Tanong ng doctora, hinawakan nya ang pala-pulsuhan ko at saka ako pinakatitigang mabuti "Congratulations, you're pregnant." Bati nito sa akin.
Natulala lamang ako, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hinawakan ko ang tummy ko, may luhang namuo sa mga mata ko. Hindi ko sukat akalaing magiging ina na ako, ano na lang kaya ang mararamdaman ni Tristan kapag nalaman n'yang buntis ako? Siguro ay tatalon 'yon ng tatalon dahil sa tuwa.
"T-thank you po," nakangiti kong sabi.
Tinapik ng Doctor ang balikat ko, hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi.
"Totoo ba ang narinig ko?" Hindi makapaniwalang tanong ng aking ina.
"Sa palagay mo Ma?" Pabalik kong tanong.
"Magiging Lola na ako?" Tanong pa nya.
"Hindi mo sure," sambit ko.
Nagulat na lamang ako ng bigla akong hampasin ni Mama. Inis akong napalingon sa kanya, hindi ko alam kung bakit parang ang sama ng ugali ko ngayon. Ganito siguro talaga kapag ka buntis.
"Alam na ba ito ni Tristan?" Tanong ni Mama.
"Hindi. Ngayon ko nga lang din nalaman e, malamang hindi pa alam nun."
Rinig ko pa ang pag-buntong hininga ni Mama. Ilang sandali pa, narito nang muli ang aking ama na lumabas kanina para bumili ng makakain. Nakangiting pumasok si Papa habang dala ang hawak nyang plastic bag.
"Kumain ka na, hindi puwedeng nalilipasan ng gutom ang buntis." Nakangiti n'yang sabi.
Napangiti na lamang rin ako bago umayos sa pagkakahiga. Sinubuan ako ni Mama, muli na naman akong nagbalik sa aking pagkabata. Sa naaalala ko no'ng ako'y limang taong gulang pa lamang si Mama lagi ang nag-aasikaso sa'kin maging sa pagkain, sinusubuan nya ako at pagkatapos no'n ay inihahatid nya ako sa eskuwela.
"Salamat po, akala ko magagalit kayo kasi nga nalaman n'yong buntis ako."
Napalingon sa'kin ang aking ama 'tsaka lumapit "Bakit naman kami magagalit? Dapat nga tayong mag-saya dahil madaragdagan na ang maliit nating pamilya." Sambit ni Papa kasunod ng pagtawa, tinapik nya ang aking balikat 'tsaka hinalikan ang aking noo "Alagaan mo nang mabuti ang magiging apo namin, dahil ikaw? Hindi ka namin pinabayaan." Dagdag nya.
Tumango ako at saka sya'y niyakap "Dadalhin ko lahat ng pangaral nyo hanggang sa pagtanda ko," nakangiti kong sabi.
Ilang sandali pa, inaya ko na silang umuwi. Ayaw kong mag-stay dito sa hospital kasi feeling ko laging may nakatingin sa akin. Natatakot tuloy ako.
"Ilang taon ka no'ng nagkakilala kayo ni Papa, Ma?" Tanong ko sa aking ina.
"17," maikling sagot ni Mama.
"So 19 si Papa no'n? 'di ba matanda s'ya ng dalawang taon sa'yo?" Muli kong tanong.
"Uh-mmm"
"What happened? Bakit parang ang ikli mong sumagot ngayon Ma? May itinatago ka bang galit sa'kin?" Deretso kong tanong.
"Wala, pinipigilan ko lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko, alam mo na. Parang kailan lang, kalong kalong pa kita pero ngayon magiging Ina ka na rin katulad ko." Naiiyak na tugon ni Mama, napayakap ako sa kanya.
"Ako pa rin naman ang baby nyo 'di ba?" Naglalambing kong tanong, isinandal ko ang ulo ko sa leeg nya. Ramdam ko ang pagtango ni Mama kaya hindi na ako nagsalita pa.
"Oh s'ya, tawagan mo na si Tristan." Sambit ni Mama 'tsaka ibinigay sa'kin ang hawak n'yang telepono.
Curious ako sa magiging reaksyon ni Tristan. Sana ay masaya s'ya kapag nalaman na nya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top