Chapter 11
"Ang sarap pala ng ganito 'no? Hindi mo kailangang bumyahe ng malayo para lang makita ako." Natawa na lamang ako sa sinabi n'yang iyon, hindi ko alam pero magmula kahapon ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganito "Stop staring at me, hindi ako buwan." Gracel said, I just shook my head before lent her a kiss.
"I was actually buying a lot for our future house kaso napaisip ako, masyado pang maaga para do'n at isa pa...........marami pa ang puwedeng mangyari ng hindi natin inaasahan." I said before kissed her again.
"Hmm."
"What?"
"Totoo ba?"
"Ang alin?"
"Na ako pa lang ang naging girlfriend mo."
"Yes, why?"
"Wala lang."
"Hindi puwedeng wala, alam kong may gusto kang tanungin pero nahihiya ka lang."
"Wala nga."
I was about to teased her again kaso biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha.
"Hello? Tristan Villacorta's speaking." Bungad ko.
[How's your dad?]
Tanong ng isang pamilyar na boses, I was about to ended the call ng maalala ko kung kanino itong boses.
"Lolo?"
I asked.
[Hmm..........akala ko hindi mo na ako kilala]
Natatawa n'yang sambit.
"I'm sorry, akala ko po kasi kung sino."
I laughed.
[So? You didn't respond when I ask a question, is there anything wrong?]
He asked.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya na may mga brands kami na nalulugi na, maayos naman ang naging pagpapatakbo ni Daddy ng negosyo in the past few years pero nagulat na lang ako nang malamang napakalaki na ng nawawala sa'min. Kailangan ko 'yong masulusyunan bago pa malaman ni Lolo.
"M-my dad? He's okay now, and by the way..............I accept there wishes, I am now the new CEO of our company." I answered before officially ended the call.
"Sino ang kausap mo?"
My girlfriend asked.
"Si Lolo, tinanong nya kung kumusta si Daddy."
I answered.
"Bakit parang matamlay ka? Ang sabi mo no'n na sa States ang Lolo mo? Hindi ka ba masaya na nakipag-usap sya sa'yo?"
She asked again, I just shook my head.
"Okay lang kung ayaw mong sabihin." Sambit nya pa.
Imbes na magsalita, niyakap ko na lamang sya ng mahigpit. Hindi ko alam pero sa tuwing kasama ko sya, tila ba tumitigil ang oras. Sadya nga talagang ginawa ang orasan para maging bahagi ng bawat sandali, ang babaeng ito ang nagbigay ng kahulugan sa buhay na mayro'n ako.
"Aray!"
Sigaw ni Gracel ng tapakan ko ang paa nya, natawa na lamang ako ng paka-titigan nya ako ng masama.
"Hey! Don't do that!"
Sambit ko ng bigla nyang kunin ang walis tambo na malapit sa kanya at akma na sanang ihahampas sa'kin ng bigla akong tumakbo.
"Bumalik ka rito!"
Rinig ko pang sigaw ni Gracel ngunit hindi ko sya pinakinggan bagkus nagtungo na lamang ako sa veranda at pinagmasdan ang nangyayari sa buong paligid.
Napaka-ingay ng busina ng mga sasakyan, maging ang mga ibon.
"Kain na tayo?"
Rinig kong tanong ni Gracel mula sa aking likuran, agad akong lumingon sa kanya at saka lumapit.
"Kakain na naman?"
Inis na tanong ko.
"Oo, anong na naman? Ngayon ka pa lang kakain!"
She shouted.
"Kumain na ako kanina, ang ulam ko pa nga tahong e." Natatawang sambit ko.
GRACEL'S POV.
Halos masamid ako sa sinagot n'yang iyon, imbes na magsalita pa napailing na lamang ako bago tuluyang pumasok sa kwarto at maligo.
"Misis ko, bakit ang tagal mo?" Rinig kong tanong ni Tristan mula sa labas, napatakip na lamang ako ng tainga ng marinig ang boses n'yang nakakairita.
Binilisan kong maligo dahil baka ma-late pa kami sa trabaho, kahit na ilang metro lang ang layo ang kumpanya hindi pa rin kami puwedeng magpaka-kampante dahil masyadong traffic.
"Ito na, lalabas na!" Sigaw ko at dali daling lumabas.
Nagulat ako ng makitang nakabihis na si Tristan, napakunot ang noo ko ng mapagtantong hindi sya naligo.
"Dugyot!" Sigaw ko.
"Anong dugyot? Naligo ako." Sambit nya.
Agad kong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang buhok, napatango na lamang ako ng mapansing basa ito.
"Lumabas ka muna, magbibihis ako." Sambit ko sa kanya at saka itinuro ang pinto.
"Nakita ko na ang kabuuan mo kaya wala ka ng dapat ikahiya." Sambit nya, napangisi na lamang ako at saka tinanggal ang towel na nakatabing sa katawan ko "Fuck!"
Napailing na lamang ako ng makitang tinakpan ni Tristan ang magkabila n'yang mata. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Akala ko ba wala akong dapat na ikahiya? E bakit mo tinakpan ang mga mata mo?" Tanong ko at saka umupo sa lap nya.
"Baby, h'wag ngayon. May meeting ako, baka ma-late tayo." Sambit nya, natawa na lamang ako at saka tumayo.
"Ano bang iniisip mo?" Natatawa kong tanong.
"Your body is too hot, h'wag mong isuot 'yan. Makikita ang legs mo." Sambit pa ni Tristan at saka iniabot sa'kin ang isang woman slocks.
"Okay Boss."
Noon wala syang pakialam sa suot ko pero ngayon napaka-arte nya na, unti na lang talaga masisipa ko na 'to. Lahat na lang ng gusto ko binabawal.
"Hey, h'wag mong isipin na pinipigilan kita sa lahat ng gusto mo. Ayaw ko lang na mabastos ka." Sambit nya, napatango na lamang ako bago kuhanin ang necktie nyang na sa closet.
"Hindi naman ako nababastos ah." Sambit ko habang inaayos ang suot nya.
"Hindi? Paano mo nasabing hindi? Hindi mo lang napapansin. Wife, lalaki rin ako kaya alam ko kapag nababastos ang isang babae sa suot nila. H'wag ka ng magreklamo, bilisan mo dya'n male-late na tayo." Iritang sambit ni Tristan bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka sumunod sa kanya.
———
"Hi ma'am, intern po ako. Ma'am puwede po bang magtanong? Hindi ko po kasi alam kung saan ang office ni Sir Tristan." Tanong ng isang hindi pamilyar na babae.
"Na sa 6th floor, madali mong makikita 'yon dahil malapit lang 'yon sa board area." Sagot ko.
Agad na tumango ang babae at saka umalis, muli ko na sanang itutuloy ang ginagawa ko ng biglang bumalik ang babae kanina.
"Ma'am, pasensya na po talaga kayo pero hindi ko po talaga alam kung saan." Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo sa aking kinauupuan.
"Halika, sasamahan kita." Sambit ko at saka sumenyas na sumunod sya sa'kin.
"Ma'am, puwede pong magtanong?" Rinig kong sambit ng babae kaya agad akong napalingon sa kanya "Mabait po ba si Sir Tristan?" Tanong nya, natawa na lamang ako ng mapansing nangangatog ang mga tuhod nya.
"Oo naman." Sagot ko bago buksan ang pinto ng opisina ni Tristan.
Pag-pasok ko agad ko syang nakita, seryosong seryoso sya sa kanyang ginagawa. Ang kanang kamay nya at nagsusulat habang ang kaliwa naman ay nagtitipa, napangiti na lamang ako ng iangat nya ang kanyang ulo at magtama ang paningin namin.
"May naghahanap sa'yo, intern." Sambit ko.
"S-sir, p-pinapapirmahan po ni Mr. Buenaflor." Nauutal na sambit ng babae.
Agad inabot ni Tristan ang folder at saka pinirmahan.
"You are?" Tanong ni Tristan.
"Akiesha Yvanob po Sir." Sambit ng babae.
"Okay, you may now leave." Sambit ni Tristan.
Agad namang tumalikod si Akiesha at saka ako tinitigan.
"Salamat po." Sambit nya bago tuluyang umalis.
Akma na sana akong aalis ng bigla akong tawagin ni Tristan.
"Misis ko."
Tawag nya napangiti na lamang ako ng maalalang ngayon nya na lang ulit ako tinawag sa endearment na iyon.
"Yes, Mister ko?"
Nakangiting sambit ko, agad akong lumapit sa kanya at saka umupo sa lap nya.
"Kay Daddy muna ako uuwi mamaya, tumawag si Tito Jonas medyo nahihirapang huminga si Daddy." Paliwanag nya, hinawakan ko ang magkabila n'yang pisngi at saka sya pinakatitigan.
"Responsibility mong alagaan ang Daddy mo, mabuting do'n ka muna para mabantayan mo sya. Naiintindihan ko naman, siguro uuwi muna ako sa bahay ng parents ko. Alam mo na, takot ako sa multo." Sambit ko, sumimangot ang mukha ko ng bigla syang tumawa.
"Takot ka sa multo pero sa alaga ko hindi." Natatawang sambit nya.
Agad akong tumayo at akma na sana akong aalis ng bigla nya akong yakapin at ihiga sa couch, ilang beses akong napalunok ng maramdaman ko ang pagtama ng sandata nya legs ko.
"Sorry sa abala." Sambit ng kung sino, agad na umalis sa ibabaw ko si Tristan at nilapitan ang kapapasok lang na lalaki.
Bumuntong hininga ako ng napakalalim bago tumayo, ang awkward lang kasi magmula kanina hindi na ako pinansin ni Tristan. Bago tuluyang umalis kinatok ko na lamang ang table nya tanda na ako'y aalis na.
"Tatawagan na lang kita mamaya," sambit nya.
Ngumiti na lamang ako bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.
Hindi ko namalayang lumipas ang araw na 'yon.
"Oh, akala ko hindi ka na uuwi." Salubong sa'kin ng aking ina, inabot ko ang kanang kamay nya at saka nagmano.
"May sakit ang Tatay ni Tristan kaya dito muna ako, wala akong kasama sa bahay." Paliwanag ko.
Tinulungan ako ni Mama na ipasok sa loob ng bahay ang mga gamit na dala ko, napabuntong hininga na lamang ako ng ma-upo ako sa sofa. Nilibot ko ang buong bahay, hindi ko nakita ang aking ama.
"Nasa'n si Papa?"
Tanong ko kay Mama, napakunot ang noo ko ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha nya.
"Ma, may problema ba?"
Muli kong tanong.
"Ah wala, masakit lang ang ulo ko."
Sagot nya.
Tumango na lamang ako bago pumasok sa kwarto.
Pag-pasok ko rito sa kwarto, agad na nabaling ang aking paningin sa isang puting sobre.
"Hindi man lang nasabi ni Mama na may nangangailangan ng donasyon, sana naibigay ko na kanina." Napailing na lamang ako bago buksan ang sobre.
My brows furrowed when I saw a letter na nakalagay sa loob nitong sobre na hawak ko. Buong akala ko may nanghihingi ng kaunting donasyon, nagkamali ako.
'Kung ayaw mong pahirapan ko ang mga magulang mo, layuan mo si Tristan'
Napalingon ako sa pinto bago muling sulyapan ang sulat. Bumuntong hininga ako ng napakalalim at saka pilit na ikinalma ang aking sarili, alam kong si Claire ang nagpadala ng sulat na ito. Ano ba ang problema nya? Hindi nya ba matanggap na ako ang mahal ni Tristan at hindi sya?
"Nak, halika kakain na." Tawag sa'kin ni Mama.
Agad kong nilukot ang papel bago tuluyang lumabas. Habang kumakain napapailing na lamang ako dahil halata sa mukha ni Mama ang labis na pag-aalala at pag-aalinlangan.
"Ma, may problema ba?"
Tanong ko.
"Wala, kanina mo pa tinatanong 'yan." Iritang sabi ni Mama.
"Paulit ulit kong tinatanong dahil hindi mo ako sinasagot ng maayos," napailing na lamang ako ng hindi na sya marinig pang mag-salita bago muling ipagpatuloy ang pagkain.
"Si Claire," pagbasag ni Mama sa katahimikan.
Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin.
"Hindi na ba kayo magkaibi—" hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang lumitaw ang aking ama "bakit ngayon ka lang? Hinintay kita kagabi." Tanong ni Mama sa aking ama, halata sa tono ng kanyang pananalita ang tampo.
"Pasensya na Mahal, masyadong maraming reports ang ginawa ko kaya hindi ako nakauwi. H'wag kang mag-alala, sa'yo lang ako uuwi." Paglalambing ni Papa.
Natawa na lamang ako bago tumayo sa aking kinauupuan at kumuha ng plato.
"Nagpunta rito kahapon ng umaga si Claire, nagbanta sya." Napalingon ako sa aking ama ng marinig ang sinabi nya.
"A-anong sabi mo Pa?"
Naguguluhang tanong ko.
"Kung hindi mo raw hihiwalayan si Tristan, maghihirap tayo at ang sabi nya pa........... papatayin nya kami ng Mama mo." Pagpapatuloy ni Papa.
Napakunot ang noo ko, napakalakas ng tibok ng aking dibdib tila ba hindi maganda ang mga narinig kong iyon. Dahil lamang sa iisang lalaki nasira ang pagkakaibigan naming dalawa, at pati ba naman magulang ko idadamay nya?
———
"Did you receive the letter?"
Tanong ng isang pamilyar na boses. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino ang nagsasalita.
"Ano bang gusto mo?"
Inis na tanong ko.
"Hiwalayan mo si Tristan, 'yon lang."
Sagot nya at saka tumawa na parang baliw.
"Baliw ka ba? Hindi mo puwedeng ipilit ang mga bagay na hindi sang-ayon sa galaw mo!"
Sigaw ko sa kanya.
"Kung hindi ko makukuha si Tristan, mabuti pang patayin na lang kita para naman masolo ko sya haha!"
Nababaliw na talaga sya.
"Bakit ba ganyan ka? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? H'wag mong ipilit ang bagay na hindi para sa'yo dahil masasaktan ka lang." Hinawakan ko ang mga kamay nya at saka sya niyakap.
"Wala kang pakialam! Buhay ko 'to! At ikaw ang bwisit sa buhay ko!" Sigaw nya dahilan para magpanting ang tainga ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Nang dahil lang sa lalaki nagka-sira tayo, nawala 'yong mga pinagsamahan nating dalawa." Maluha luha kong sabi.
"Hindi 'yon mawawala kung hindi mo inagaw mula sa'kin si Tristan!"
She shouted.
"Hindi mo sya pag-aari kaya wala akong inagaw sa'yo," pinunasan ko ang aking mga luha bago sya talikuran.
"Kung hindi rin mapupunta sa'kin si Tristan, mabuti pang mawala na lang sya at hindi na pakinabangan pa ng iba!"
Muli nyang sigaw.
Napapikit ako at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Muli ko syang nilingon.
"Puwede ba? Tigilan mo na 'yang kabaliwan mo!" Pabalik kong sigaw sa kanya.
"Hindi mo ba naiintindihan? Mahal ko si Tristan kaya dapat sa'kin lang sya!" Muli n'yang sigaw, pilit kong nilabanan ang masama n'yang tingin.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung may pakialam ako sa nararamdaman mo o wala?" Nang-iinis na sabi ko bago tuluyang tumalikod sa kanya at lumakad palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top