Chapter 10
Napalingon ako sa pinto at nagulat ako ng makita si Tristan, napangiti ako at saka tumakbo sa kinatatayuan nya at sya'y niyakap. Hindi ko alam ang sayang nararamdaman ko dahil ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng surprised.
"Are you happy with this?" Tanong ni Tristan habang nakaturo ang dulo ng kanyang hinututuro sa mga bagay na nakakalat sa loob ng kwarto "I have a question." Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.
Tiningnan ko sya ng deretso, napakunot ang noo ko ng bigla syang ngumiti. Tinitigan kong mabuti ang mapupungay nyang mga mata, napangiti na lamang ako ng mabasa ko ro'n ang excitement.
"Sige lang." Sambit ko, nagulat ako ng bigla nya akong hilahin dahilan para maglapit ang mukha naming dalawa "A-ano bang ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya, napapikit na lamang ako dahil ang akala ko ay hahalikan nya ako.
"Will you be mine?" He asked dahilan para imulat ko ang aking mga mata.
"Matagal na akong sa'yo," Sagot ko, hinawakan ko ang magkabila n'yang pisngi "At lagi akong magiging iyo." Sambit ko pa, napangiti na lamang ako ng maglapat ang mga labi naming dalawa.
"Let's be together?" He asked again, napakunot ang noo ko ng hindi ko maintindihan ang nais nyang iparating "What I mean is, gusto ko ng magsama na tayo sa iisang bahay." Paglilinaw nya, napatango na lamang ako.
Hindi ko alam pero kung nananaginip man ako, sana hindi na ako magising pa dahil hindi ko kakayanin kung darating ang bukas na hindi ko sya kasama.
"What? Tititigan mo na lang ako?" He asked, hinampas ko sya dahil iba ang dating sa'kin ng sinabi nya "What the? Masakit!" Sigaw nya at saka ako itinulak.
Kumunot ang noo ko bago sya talikuran, agad kong inikot ang paningin ko sa buong kwarto. Napangisi ako ng makita ko ang lobo at ang gunting. Dali dali akong lumapit ro'n, muli akong napangisi ng makita kong naka-talikod si Tristan.
Boom!
Halos mapatalon sa kung saan si Tristan ng saksakin ko ang lobo dahilan para pumutok ito, natawa na lamang ako ng makitang nakakapit sya sa pinto na parang unggoy.
"That's not funny." Inis na sambit nya, napailing na lamang ako at saka muling kumuha ng lobo "Stop that!" Sigaw nya sa'kin pero hindi ako nakinig.
"Ang cute mo." Sambit ko ng bigla na lamang nya akong yakapin, hinawakan ko ang magkabila n'yang pisngi at saka sya hinalikan.
Isinayaw nya ako, hindi man kagaya noon pero ramdam ko pa rin ang sinsiro ng bawat pangyayari. Hindi ko sya nakitaan ng kakaiba.
Lumipas ang gabing 'yon na puno ng ngiti ang aking mga labi, hindi umuwi sa kanila si Tristan dahil gusto n'yang magtabi kaming matulog. Ang sabi nya ay babawi sya ngunit lumipas lamang ang ilang minuto, ito sya at bagsak na sa kama. Tulog na tulog.
Unti unti akong lumapit sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata, hindi ko sya matatawag na aking pag-aari ngunit walang dahilan para hindi ako maging seryoso sa nararamdaman ko sa kanya. Minsan naiisip ko na lang, kung hindi siguro ako napunta sa bar na 'yon baka hindi ko sya nakilala. Siguro ay naka-tagpo na naman ako ng lalaking lolokohin na naman ako.
"Let's sleep." Sambit nya habang nakapikit.
Nagulat ako ng bigla na lamang nya akong hilahin dahilan para mahalikan ko ang kanyang labi, napapikit na lamang ako ng igalaw nya ang kanyang dila dahilan para mabilis akong umalis sa pagkaka-ibabaw sa kanya.
"Sabi ko nga." Nahihiya kong sambit bago tuluyang mahiga sa kanyang tabi.
Muli kong sinulyapan si Tristan na ngayon ay nakapikit ang mga mata at nakaharap sa akin, bumuntong hininga na lamang ako bago yumakap sa kanya. Ipinikit ko na ang aking mga mata ng ako'y dalawin ng antok.
Maaga akong nagising dahil baka hindi ko magising si Tristan, magiging dahilan pa 'yon ng pagka-late nya sa trabaho. Agad akong tumayo at pumasok sa comfort room, napahilamos na lamang ako sa aking mukha ng mapagtantong wala akong saplot pang-ibaba.
"Nakalimutan ko nga pala na hindi ko naisuot ang panty ko kagabi." Sambit ko, napailing na lamang ako at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin.
Ilang minuto pa lumabas na ako para gisingin si Tristan, nagulat ako ng hindi ko na sya makita sa kama. Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto ngunit ni anino nya ay hindi ko nakita, bumuntong hininga na lamang ako at nagtungo sa living room.
"Good morning Ma, nakaluto ka na?" Tanong ko sa aking ina ng makita ko ito na nakaupo sa couch habang nanonood ng paborito n'yang programa sa tv.
Napataas ang mga kilay ko ng bigla syang umiling, napailing na lamang ako at dali daling tumakbo patungo sa kusina. Nagulat ako ng maabutan ko ro'n si Tristan, naka-boxer lamang sya at walang pang-itaas n damit kaya makikita talaga ang kakaibang hugis ng kanyang katawan na kapag iyong nakita paniguradong mag-lalaway ka.
"Your awake now huh." Sambit nya ng mapansin ako.
"Ako kaya ang naunang nagising!" Sigaw ko sa kanya bago agawin ang hawak n'yang sandok "Ano ba ang niluluto mo?" Tanong ko, imbes na sumagot tinitigan nya lamang ako.
"Gracel," tawag nya sa'kin, agad ko syang hinarap "Do you love me?" He asked, napakunot ang noo ko at pinakatitigan syang mabuti.
"Ayos ka lang ba? Baka mamaya n'yan may pumasok na ipis dya'n sa tainga mo?" Natatawa kong sambit ngunit tinawanan nya lamang ako, agad akong humarap sa niluluto ko ng maamoy na nasusunog na ito "Tingnan mo, muntik ng masunog. Pumunta ka nga muna kasi do'n." Sambit ko at saka sya tinulak.
"Ako kasi ang nagluluto dya'n tapos pinakialamanan mo, but thanks for the compliment." Sambit nya, napalingon ako sa kanya.
Kumunot ang noo ko ng makitang nakangiti sya.
"Compliment mo mukha mo! Bilis na, kumain na tayo dahil baka mamaya ma-late pa tayo n'yan." Inis na sambit ko.
Tumango na lamang sya bago umupo at kumain, ilang sandali lamang ay tapos na kami.
"Ma, aalis na po kami." Paalam ko sa aking ina, tumango lamang sya bago muling lumingon sa pinapanood n'ya.
———
"Gracel, can I ask?" Tanong ni Tristan, agad akong napalingon sa kanya.
"You are already asking." Inis na sambit ko at saka tumakbo "Ganito na lang, mamaya kapag nagkita tayo at saka mo na lang ako tanungin." Sambit ko bago muling tumakbo papalayo sa kanya.
"Gracel!"
Tawag ng kung sino, agad akong napalingon sa likuran ko. Nagulat ako ng makita si Claire, yumuko na lamang ako at akma na sana akong aalis ng bigla nya akong hilahin.
"Mag-usap muna tayo." Sambit nya, napailing na lamang ako at saka tumakbo palayo sa kanya.
Ayaw ko muna syang makita dahil sa nangyari no'n, hindi ko alam pero parang na-trauma ako.
TRISTAN'S POV.
Napailing na lamang ako ng tumakbo palayo sa'kin si Gracel, napasulyap ako sa aking relo at nagulat ako ng makitang 9:30 na. May meeting pa ako ngayon with Mr. Roncales kaya nagmadali ako.
"I'm sorry, I'm late." Sambit ko ng makarating ako sa loob ng meeting area.
Nagulat ako ng ni isa sa mga boards namin ay wala ro'n, luminga linga ako ngunit wala talaga akong nakita.
"Sir," tawag ng isang staff, agad akong lumingon rito "Pinapasabi po ni Mr. Buenaflor na sa office na lang daw po." Sambit nya, tumango na lamang ako at saka tumakbo papunta sa office ko.
Agad akong sinalubong ng isa sa mga staff namin ng mapansing naghahabol ako ng hininga.
"Salamat." Sambit ko, agad naman syang ngumiti.
"Sa ganito ka-importanteng pagpupulong hindi dapat nawawala o nale-late ang pinaka-importanteng tao." Sambit ni Mr. Buenaflor.
Bakas sa tono ng kanyang pananalita ang labis na inis kaya agad akong lumapit sa kanya, kunot noo ko syang tiningnan mula paa hanggang ulo.
"Bakit? Sino ka ba?" Inis na sambit ko sa kanya bago tuluyang maupo sa swivel chair "Good day Mr. Roncales, I'm sorry hindi ko alam na mahuhuli ako." Sambit ko sa lalaking nakaupo ngayon sa harap ko.
"It's okay Mr. Villacorta, late rin naman ako. Sa katunayan nga ay kararating ko pa lang, dala na rin siguro ng traffic." Sambit nya at saka tumawa, natawa na lang rin ako bago umpisahan ang meeting.
Ilang sandali pa ipinaliwanag ko na sa kanya ang mga dapat naming gawin, lalo na at nais n'yang makiisa sa gagawin naming project this year sa Mabalacat.
"Gusto ko ang pananalita mo, alam mo ba no'ng kabataan ko pa lang. Ganyan na ganyan rin ako sa'yo, baka nga kung sino sino rin ang babaeng kasama mo tuwing gabi?" Sambit nya at saka muling tumawa, napailing na lamang ako bago nakipag-kamay sa kanya "Ganyan ang tunay na taga-pagmana, bata pa pero may alam na." Sambit nya pa.
"Thanks for the compliment Mr. Roncales, sana maging maayos ang proyekto natin. H'wag kang mag-alala, iisang babae lang ang inuuwian ko tuwing gabi." Sambit ko, napailing na lamang sya at saka tinapik ang likod ko bago tuluyang nagpaalam na sya'y aalis na "Mr. Buenaflor." Tawag ko sa kanang kamay ni Daddy.
"Yes?" Tanong nya, napangisi lamang ako at saka itinuro ang brown envelope na hawak nya "Why?" He asked again.
"Dapat mo pa bang tanungin ang dahilan?" Inis na sambit ko at saka tumayo sa aking kinauupuan at inagaw sa kanya ang hawak nya "Ako lang ang dapat na gumalaw sa mga importanteng bagay dito sa company dahil ni isa sa inyo ay WALA AKONG PINAGKAKATIWALAAN." Sambit ko, sinadya kong pagkadiinan ang huling salitang 'yon dahil ni isa naman talaga sa kanila ay hindi dapat na pagkatiwalaan.
"Eros, can you call Gracel? Paki-sabi magkita na lang kami sa Cafeteria." Sambit ko bago tuluyang tumalikod.
———
"Ano nga ulit ang tatanungin mo?" Tanong ni Gracel, agad akong napalingon sa kanya at sya'y nginitian.
"You said, you love me?"
I asked.
"Yes,"
She answered.
"Is it real?"
I asked again.
"Yes,"
She answered again.
"The moon is beautiful right?"
I asked.
"Yes,"
Muli nyang sagot.
Napailing na lamang ako ng mapagtantong puro 'yes' ang sagot nya, ngumiti ako at laking gulat ko ng bigla na lamang nya akong hampasin.
"So, if I asked you to be my girlfriend. What is your answer?"
I asked.
"Yes?"
She answered.
Halos tumalon ako sa aking kinauupuan ng marinig ang sagot nyang 'yon, alam ko namang 'yes' ang isasagot nya pero hindi ko ba alam kung bakit kay sarap marinig ng salitang 'yon.
"Hoy! Tama na nga, pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." Iritang sambit nya at saka nagtakip ng mukha.
"Don't mind them," I said bago lumapit sa kanya "Hey! All of you!" Sigaw ko sa lahat ng taong narito ngayon, agad silang lumingon sa akin "Did you see this girl?" I asked.
"Ano ba, tama na. Nakakahiya." Sambit ni Gracel, natawa na lamang ako ng makita ang reaksyon nya.
"She's mine now!" Sigaw ko, napangiti na lamang ako ng nagpalakpakan ang mga nanonood sa'min "Don't be shy, as long as you're with me. Wala kang dapat na ikahiya." Sambit ko sa kanya.
Kinuha ko ang mga kamay nya at saka sya inalalayang tumayo, agad kong ibinigay sa isa naming staff ang cellphone ko para kuhanan kami ng larawan. Walang atubili kong hinalikan si Gracel ng magtama ang paningin naming dalawa.
"I love you!"
"I love you!"
"I love you!"
Magkakasunod kong sigaw habang kinukuhanan kami ng larawan, I don't know why I'm inlove to this girl. She gave me some butterflies in my stomach.
"Gusto na kitang makasama sa iisang bahay, puwede ba?" Tanong ko sa kanya.
"Yes,"
She answered, ngumiti na lamang ako bago sya muling halikan.
"Binigyan mo ng kulay ang buhay ko, kung darating man ang araw na mapunta ulit ako sa napakadilim na bahagi ng buhay na ito. Asahan mo, ikaw pa rin ang painter na kukunin ko para muling gawing makulay ang buhay ko." Sambit ko sa kanya bago sya alalayang maupo.
"I always be that painter, handa akong pagsamasamahin ang lahat ng kulay sa iisang papel. Maging makulay lang ang buhay mo." Nakangiting sambit nya habang nananatili ang kanyang kamay sa aking batok.
Lumipas ang mag-hapon hindi ko alam kung sa'n nanggaling ang sayang nararamdaman ko. Lahat ng taong nakakasalubong ko ay binabati ako, they always say 'Congratulation Master V' damn.
"Let's go?" I asked Gracel when I enter her office, napangiti na lamang ako ng makitang nakatulog na sya "Baby, wake up. We need to go home." I said, unti unti n'yang iminulat ang mga mata at saka tumitig sa akin.
"Home?" Naguguluhang tanong nya, napangisi na lamang ako at saka sya inalalayang tumayo.
"Yes, gabi na kaya kailangan na nating umuwi." Paliwanag ko sa kanya bago hilahin ang kanyang mga kamay palabas ng opisina "Can I ask a question?"
"Nagtatanong ka na." Natatawang sambit nya, napailing na lamang ako bago huminto sa paglalakad at harapin sya.
"Kapag ba tinanong kita kung puwede na tayong magsama sa iisang bahay, papayag ka?" Tanong ko, she cleared her throat and looked at our hands.
"Alam mo sa tanong mo na 'yan? Alam mo na ang isasagot ko."
Hindi na ako nagalinlangan pa, agad ko syang binuhat papunta sa parking lot at saka isinakay sa kotse. Hindi ko naman namalayang naka-tulog agad sya kaya dahan dahan kong pinaandar ang kotse.
Bago ko sya tanungin, humingi muna ako ng pahintulot sa mga magulang nya. Medyo nahirapan rin ako para sa 'oo' nila kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay nila para makasama ang taong mahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top