CHAPTER 9
CHAPTER 9
MASIGLANG pumasok sa trabaho si Cherry. Maganda ang gising niya dahil kay Luke. All night, Luke embraced her like she’s the only woman he wants and needs. She felt like there’s something special the way Luke embraced her last night. Kaya naman siya na ang pinakamasayang babae sa buong bansa.
Mula pagmulat ng mga mata niya, may malapad na ngiti sa mga labi niya. She’s happy.
Speaking of that guy, nang magising siya, wala na ito sa tabi niya. May iniwan lang itong note na nagsasabing umalis ito ng maaga dahil may importante raw itong pupuntahan.
Akmang pipihitin na niya ang door knob ng opisina ng marinig niyang tinawag ang pangalan niya ni Vanilla. Isa sa mga kaibigan niya.
“Cherry!” May diin na tawag nito sa pangalan niya.
Nilingon niya ang kaibigan. “Ano?”
Lumapit ito sa kanya ang kinuha ang kamay niya na nasa door knob. “Shh!” Anito na inilagay pa ang hintuturo sa mga labi. “Huwag kang maingay.” Hinila siya nito palayo sa pintuan ng opisina. “Huwag ka munang pumasok. Baka ano pa ang makita mo, magulat ka pa. Virgin ka pa naman.”
Natigilan siya sa narinig at tumaas ang kilay niya. “Anong ibig mong sabihin?”
Tumigil ito sa paghila sa kanya at hinarap siya. “Late ka na naman kasi e. May babaeng pumasok sa opisina ni Sir Alexander mga twenty minutes na ang nakakaraan. Tapos si Thena naman may paperpermahang papeles kay Sir at pumasok ang gaga kasi akala niya naroon ka na, wala raw tao sa loob ng opisina pero narinig daw niyang may malalakas na ungol na nanggagaling sa banyo ng opisina. Hula namin, nakipag-quickie si Sir Alexander sa babaeng ‘yon.”
Para siyang binuhusan ng tubig sa narinig. Ang puso niya parang tumigil sa pagtibok at narinig niya ang unti-uting pagkakapiraso niyon.
Mapakla siyang tumawa. “Ganoon ba? Oo nga ‘no? D-Dapat h-hindi muna ako pumasok kasi b-baka maka-isturbo lang ako.”
Nalukot ag mukha ni Vanilla habang matamang nakatingin sa kanya. “Ayos ka lang? You look pale.”
Tumawa siya ng walang buhay. “Oo naman. “Ayos lang ako. I’m good.” Tumawa na naman siya ng peke. “Sige, sa baba muna ako. Doon sa may coffee shop. Text mo ako kapag lumabas na ‘yong babae.”
“Wait!” Pigil sa kanya ni Vanila.
Nilingon niya ulit ito. “Bakit?”
“Nag-change ka ba ng number? Hindi kasi kita matawagan kagabi. How can I text you if I can’t contact you? Did you know that—”
“Yes, I change my number.” Mabilis niyang inilabas ang cell phone.
Nanlaki ang mga mata ni Vanilla. “Oh my god! Alam mo ba kung gaano kamahal iyan cell phone na hawak mo?”
She just nod and gave her number to Vanilla by copying it to a piece of paper she had on her shoulder bag. “Yan ang new number ko. Text mo ako kapag lumabas na ang bisita ni Sir Alexander.”
Cherry gave Vanilla a fake smile then hurriedly walk towards the elevator. Naninikip ang dibdib niya. Hindi siya makahinga. Nag-uumpisa nang manubig ang mga mata niya.
Pagkababa niya sa gusali, agad niyang tinungo ang coffee shop at umorder ng brewed coffee. Pinagdarasal niya na sana matanggal ng kape na iyon ang pait na nararamdaman ng kanyang puso.
ILANG MINUTO ang lumipas mula ng umorder siya ng kape ng biglang tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, it’s none other than Alexander Luke the Jerk.
Sinagot niya ang tawag na naninikip parin ang dibdib niya. “Hello?”
“Cherry?! Nasaan ka na ba?!” Galit ang boses nito. “Masyado kabang napagod kagabi para hindi ka makapasok ngayon?” Ani ng lalaki sa kabilang linya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Actually Sir Alexander, kanina pa ako dumating. Kaya lang may bisita daw kayo, ayoko namang maka-isturbo.”
Ilang segundong natahimik ang nasa kabilang linya. “Pumasok ka ba sa loob ng opisina?”
“No. Pinigilan ako ng kaibigan ko. She said you have a visitor and I might disturb you.” Aniya sa normal na boses na parang wala siyang sakit na nararamdaman sa dibdib niya.
“Oh. Then come in. Lumabas na ang bisita ko.”
“Yes, Sir.” Pinatay niya ang tawag na hindi nagpapaalam dito.
Kinuha niya ang order na kape at bumalik siya sa gusali na pinagta-trabahoan. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob ng opisina.
“Good morning, Sir.” Bati niya kay Luke na naka-upo sa swivel chair at nakatingin sa kawalan.
“Cherry, may sasabihin…”
Tumaas ang dalawa niyang kilay at hinintay ang iba pa nitong sasabihin pero wala namang lumabas sa bibig nito.
“Yes, Sir?” Aniya na may ngiti sa mga labi. “May kailangan ba kayo?”
Mataman siya nitong tinitigan pagkatapos ay nagbaba ito ng tingin. “Wala. Sige, mag-trabaho ka na.”
“Okay, Sir.” Aniya na nakangiti pa rin.
Pagtalikod niya kay Luke, agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Magkasalubong ang kilay niya na umupo sa table niya. Habang nagta-trabaho, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ni Vanilla na narinig daw ni Thena.
Irritation is building inside her. She can feel it sipping through her every nerve. So when her phone rang, she answered the call, anger is visible on her voice.
“What?!” Asik na tanong niya sa nasa kabilang linya.
Natahimik ang nasa kabilang linya kapagkuwan ay narinig niya ang boses ng matalik niyang kaibigan mula pa nuong elementary siya. “You okay, babe?”
Nasapo niya ang bibig at mabilis na tumayo pagkatapos ay lumabas ng opisina. “Hello, Boo. Why’d you call?”
“Bakit ako tumawag? Now that’s a question I want to ask myself.” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “Babe, kababalik ko palang sa bansa. My parents throw a welcome party for me last night but you’re nowhere in sight. Where the hell are you? I called your phone a thousand times, Babe. But it’s always unattended. Natawagan lang kita kasi binigay sa akin ni Vanilla ang new number mo. And then last night, I came to your apartment, I knocked and knocked, but no answer. Alam mo bang nakakainis ‘yon? Why the heck did you change your number without informing me?!”
Napakagat labi siya. “Boo, I’m so sorry. Hindi ko kasi alam na bumalik ka na sa Pilipinas. No one informed me—”
“Babe, iyan ang gamit ng cell phone. But you change your number without telling me. What the heck is wrong with you?”
Mas lalo pang bumaon ang ngipin niya sa kanyang mga labi. “Sorry talaga, Boo. I’ll make it up to you.”
Ilang segundong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Nang muli itong magsalita, may bahid nang ngiti ang boses nito. “Really? You’ll make it up to me?”
“Yeah.” Para siyang nabunutan ng tinik sa biglang pag-iiba ng timbre ng boses nito. “Anything. I’ll do anything you want just don’t be mad at me.”
Boo chuckled. “Hmm. How about you take a break in your job… say … one week?”
Her eyes nearly popped out from its socket. “What?! One week? Boo naman.” Angal niya. “Alam mo naman kung gaano ka-demanding ang trabaho ko.”
“Okay. Then I’m mad at you.” Bumalik na naman ang galit nitong boses.
Bumuntong-hininga siya at hinilot ang sintido. Bakit ba hindi niya kayang hindian ang matalik niyang kaibigan. “Fine. One week. Ano ang gagawin natin sa one week?”
Tumawa ang kausap sa kabilang linya. “Ako na ang bahala kung saan tayo pupunta. Ang gagawin mo, after your work, punta ka rito sa bahay. Ako na ang kukuha ng mga gamit na dadalhin mo sa kung saan ko man gustong pumunta. See yah, Babe. Bye. Take care.”
Laglag ang balikat na pinatay ang tawag. Shit naman! Ano ang idadahilan niya kay Luke? Kung si Sir Alex ang boss niya, siguraado siyang papayagan siya nito pero ang anak nito, hindi makapagtataka kung hindi siya nito payagan.
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi niya bago siya muling pumasok sa opisina.
“Who’s Boo?” Anang boses ni Luke na ikinaigtad niya sa gulat.
Mabilis siyang nataas ng tingin sa binata. “L-Luke…”
“Who’s Boo?” Hindi maipinta ang mukha nito.
Habang nakatingin sa hindi maipintang mukha ni Luke, paulit-ulit na parang sirang plaka na nag-reply sa utak niya ang sinabi ni Vanilla sa kanya. Cherry clenched the phone on her hand.
“It’s none of your business, Sir.” Aniya sa walang emosyong boses.
“Of course, it is. You’re working in my company. It’s my business—”
“No, it isn’t.” Aniya na umiiling-iling. “My personal life is not for your consumption, Sir Alexander. I may be your employee but what I do outside the office is none of your business.”
Tinalikuran niya ito at akmang babalik sa mesa niya ng pigilan siya ni Luke sa braso at hinaklit siya palapit dito.
“It’s my freaking business!” His voice was coated with anger. “You are not just my employee, Cherry. You’re my—”
“I’m your what?” Sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. “Ano mo ba ako, Luke? Kasi ako, hindi ko alam. Hindi ko alam kong ano mo ba ako. And honestly, I don’t want to know. I’m not interested.”
Ipiniksi niya ang braso na hawak nito at bumalik sa mesa niya.
HINDI alam ni Luke ang iisipin at gagawin habang nakatingin sa papalayong likod ni Cherry. Nang makita niyang parang natatarantang tumayo ito at lumabas ng opisina ng makatanggap ng tawag, parang may kaba siyang naramdaman.
His mind keeps on asking who Cherry is talking too. And then he heard her calling the person on the other line ‘Boo’. Who the heck is boo? Bakit parang naiirita siya?
Bumalik siya sa swivel chair at matiim na tinitigan si Cherry. She keeps on checking her phone. What the heck? Who is she texting?
His jaw tightened. “Cherry! Why are you busy texting?! You’re here to work, not to fucking text!” Kinakain siya ng galit na nararamdaman.
Nakita niyang napaigtad si Cherry dahil sa lakas ng boses niya. Bigla siyang nakonsensiya.
Ikinuyom niya ang kamao sa ilalim ng mesa ng makitang lumapit sa kanya si Cherry.
“Sir Alexander, can I take a leave for a week?” Anito na ikinakunot ng nuo niya.
“Why?”
“Importante lang, Sir.”
Mas lalong kumunot ang nuo niya. “Anong gagawin mo? Saan ka pupunta? Gaano ka importante iyang gagawin mo na kailangan mo pang mag-leave ng isang linggo?” Sunod-sunod na tanong niya.
Ilang parte lang ng usapan ni Cherry at ang kausap nito sa telepono ang narinig niya. Kailangan niyang malaman kung ano ang gagawin nito sa isang linggong leave nito. There’s something in him that really wanted to know.
“Ahm, basta, Sir. Hindi ko puwedeng sabihin kasi personal ‘yon.”
Curiosity is eating him.
“Okay.” Sumandal siya sa likod ng upuan. “Mag-file ka ng leave for a week. Pipermahan ko ang leave mo sa isang kondisyon.”
Her forehead knotted. “Ano ‘yon?”
“Have a date with me tonight.”
Nakita niyang bahagyang nanlaki ang mga mata nito. Halatang nagulat sa sinabi niya. Bigla nalang nagawa ang kislap ng mga mata nito na ikinabahala niya.
“Why are you asking me? Bakit hindi ‘yong babaeng bisita mo ang imbitahan mong makipag-date? Kasi ako, ayokong makipag-date sa’yo.”
Hinilot niya ang nuo at mariing ipinikit ang mga mata. Shit! Sabi ko na nga ba. Narinig niya. Kaya naman iba ang pakikitungo nito sa kanya ngayon.
Tinitigan niya si Cherry sa mga mata. “Did you hear us in the bathroom?”
Cherry shook her head. “Nope. But my friend did.”
Luke heaved a deep sigh. He stands up then walked to Cherry’s side. He holds her hand. “Cherry, let me explain.”
She chuckled humorlessly then shook her head. “You don’t have to explain, that’s very okay with me. Alam ko namang hindi mo ako se-seryusohin. Bakit mo nga ba se-seryusohin ang isang katulad ko? Kung ikokompara mo ako sa mga naging babae mo, hindi ako magugulat kong isa akong bulaklak ng santan samantalang ang mga babae mo ay maihahantulad sa mga mamahaling rosas. So spare me. I know that for you, it’s just sex. Plain and simple. And you know what; it’s just a sex for me too. No string attached. So maybe from now on, we should function as what we are. You’re my boss, and I’m your secretary. Let just leave it with that. Nothing more and nothing less.”
His jaw tightened more. He discarded all the emotion he’s feeling at the moment. “Oh. Okay. So, I can’t screw you again? It’s just sex right? That date, wasn’t really a date, I just want an excuse so I can screw you again afterwards. But I guess I can’t screw my secretary. Oh, and that woman in the bathroom, that’s Odette. She’s a model. Yes, I screwed her too. And screwing Odette was much better than fucking you.” Pagkasabi nun ay lumabas na siya at iniwan si Cherry.
Everything he said was a lie. Alam niya iyon. But why did he lie? Bakit siya nasaktan sa sinabi nito na ‘it was just sex’? He used to enjoy plain and simple sex. No string attached. Why the hell is he mad?
Damn that woman to hell!
PINAHID ni Cherry ang luha na nalaglag mula sa mga mata niya. Hindi niya alam na makakaranas siya ng ganitong sakit dahil kay Luke.
Parang pinipira-piraso ang puso niya sa sakit. Bakit ganito? Does she like Luke? Why is he feeling this ways towards him? Does she have special feelings for Luke?
Wala siyang sagot sa sarili niyang tanong. Dahil kahit siya, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. Cherry doesn’t know if what she feels is just a simple crush or is it something more than attraction?
She took a deep breath and dried her checks. “Mawawala ka rin sa sistema ko, Luke.”
Before this feeling of her deepened, kailangan na niyang pigilan na mas lumalim pa iyon. Maybe it’s time for her to accept Creed’s offer. Mas yayaman pa siya kapag tinanggap niya ang trabaho na matagal ng ino-offer sa kanya ni Creed. Mas komportabli pa siya dahil matalik niyang kaibigan ang Boss niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top