CHAPTER 7
AUTHOR'S NOTE:
>>>>> Nasa side po ang picture na nai-imagine kong si Luke Alexander Vanderhorst. Enjoy reading. Do comment and Vote (If you like)
CHAPTER 7
"ANO BA ang relasyon mo sa Dwayne na yun?" Bigla nalang tanung sa kanya ng Luke habang magkasalo silang kumakain. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang katanungang iyon.
Nagtaas siya ng tingin. "Bakit mo naman naitanong?"
Ibinalik nito ang atensiyon sa plato na nasa harapan nito. "Para ka kasing namatayan kung makaiyak ka nang malaman mo na tinanggal ko siya sa trabaho."
Napakagat labi siya. "Sorry about that. Naging over acting yata ako kanina."
"Hindi yan ang tanong ko, Cherry." Anito na walang emosyon ang boses.
Mas bumaon pa ang ngipin niya sa kanyang mga labi. "Wala kaming relasyon. Magkaibigan lang kami."
"Really?" Halata sa boses nito na hindi ito naniniwala.
"Oo."
Tumingin ito sa kanya. "Hindi ako naniniwala."
Naiinis na ibinagsak niya ang kutsara at tinidor sa plato. "Bakit ka nagtatanong kung hindi ka naman naniniwala sa sagot ko? Nakakainis ka alam mo ba?"
He grimaced. "Hindi naman kasi kapanipaniwala ang sagot mo. Masyado kayong close. And the way you reacted..." Nakatingin ito sa kanya na parang inaarok ang nasa isip niya.
"Kasi naman wala nga kaming relasyon!"
Luke stands up then he leaned in to her. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.
"L-Luke—"
"Masarap ang Bicol Express na luto mo." Anito at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Mukhang hindi kita matitikman ngayong gabi." Biglang nag-iba ang timbre ng boses nito.
"Bakit naman?" Nakasimangot na aniya.
Saka lang niya na-realize ang sinabi niya ng makita niyang bahagyang nagulat si Luke. Nasapo niya ang bibig. Me and my big mouth!
Ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Luke ay napalitan na pilyong ngiti sa mga labi.
"Hmmm... You want me to stay for the night?"
Namula ang pisngi niya. "Ayoko. Umalis ka na."
He chuckled. "Okay." He stands straight and started unbuttoning his polo.
"A-Anong g-ginagawa mo?" Nauutal na tanong niya sa binata.
"I'm undressing. Ano ba sa tingin mo?" Tuluyan ng hinubad nito ang polo na suot.
Her eyes dropped to Luke's ripped abs. Lihim siyang napalunok. God! Nagiging makasalanan siya dahil sa lalaking 'to na nasa harapan niya.
Luke winked at her. "Hihintayin kita sa sala." Anito at iniwan siya sa kumidor.
Sa sala? biglang pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Luke sa sala. Biglang nag-init ang katawan niya sa naisip. God! Grabe talaga ang epekto ng lalaking yun kanya. Marahas niyang ipinilig ang ulo para mawala ang kahalayan sa utak niya.
Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hinugasan ang kinainan nila ni Luke. Pagkatapos ay tumungo siya sa sala. Wala siyang Luke na nakita sa sala. Nasaan naman kaya ang lalaking yun?
Mabilis siyang napalingon ng makarinig ng ingay na nanggagaling sa kuwarto niya. Nagmamadaling naglakad siya patungo sa silid niya. Pagpasok niya sa kuwarto niya, nakita niya si Luke na nakapikit ang mga mata at komportabling nakahiga sa kama niya. May kulay pulang lacy bra na nakapatong sa may tiyan nito.
Kumunot ang nuo niya sa nakita. Wait a freaking minute! Parang kilala ko ang bra na yun, ah! Paanong hindi niya makikilala? E sa kanya ang bra na yun! Sa pagkakaalala niya, naiwan niya ang bra sa sasakyan ng binata nuong unang may nangyari sa kanila.
Shit!
Akmang kukunin ni Cherry ang bra niya na nasa may tiyan ni Luke ng hulihin ng binata ang kamay niya.
Nagmulat ito ng mga mata. "What do you think you're doing?"
Napakagat labi siya. "Kinukuha ko ang bra ko?"
Tumaas ang isang kilay nito. "Sayo 'to?" Anito na parang walang alam.
Inirapan niya ang binata. "Oo, akin yan."
Tumaas ang sulok ng labi nito na para bang may sinusupil na ngiti. "Then put it on if it's yours."
Napanganga siya sa tinuran nito. "What?! Magbibihis ako rito sa harapan mo? Ayoko nga!"
Luke's eyes twinkled in amusement. Mukhang nasisiyahan ito sa nangyayari. "Bakit naman? Akala ko ba sayo 'to?"
Mas bumaon pa ang ngipin niya sa kanyang mga labi. "Kasi naman e. Nakakahiya!"
"Ano naman ang kinakahiya mo?" Tanong nito sa kanya na may sinusupil na ngiti sa mga labi. "E lahat yata ng tinatago mo ay nakita ko na."
“Bastos!”
Luke smirked. “Matagal na.”
Inirapan niya ito at mabilis na hinubad ang blusa na suot. Pagkatapos ay hinubad niya ang bra at pinalitan yun ng lacy red bra na ini-abot sa kanya ni Luke.
Titig na titig ang binata sa mayayaman niyang dibdib habang nagbibihis. Itinapon niya ang inhibisyon sa katawan at sinalubong ang titig ni Luke. Wala siyang nararamdamang hiya. As a woman, she feels proud that a man like Luke looked at her like he wanted to devour her.
"Okay, done. Akin na 'to." Aniya.
Luke sat up. "Take off your jeans." Utos nito.
Walang tanong na sinunod niya ang utos ni Luke. Magtatalo lang sila at sigurado siyang siya ang talo. Hinubad niya ang jeans na suot. Nakatayo siya sa harap ng binata na halos wala ng saplot.
"Anong susunod kong gagawin, kamahalan?" Puno nang kasarkastikuhan na tanong niya kay Luke.
Napangiti ang binata sa itinawag niya rito. Tumayo ito at tumingin sa kama. "Lie on the bed."
Kumunot ang nuo niya. "Bakit?"
Luke winked at her. "I'm going to massage you."
She rolled her eyes. "Mamasahiin o mamanyakin?
Mahinang tumawa si Luke. "Mamasahiin po, kamahalan."
Inirapan niya ito at humiga sa kama. Luke sit on the space beside her then started massaging her stomach. Napapikit siya ng gumapang ang kamay nito patungo sa dibdib niya.
"L-Luke."
"Yes?"
"Ano ba ang ginagawa mo?"
"Minamasahe. Ano ba sa tingin mo?"
"Kung minamasahe mo ako, bakit parang iba yata ang destinasyon niyang kamay mo?" Nagmulat siya ng mga mata at tumitig kay Luke. "Ano ba talaga ang balak mong gawin sa akin?"
Luke stopped massaging her. "Wala akong balak. I just want to massage you. Mukha kasing napagod ka sa pagluluto."
Tinabig niya ang kamay nito na nasa dibdib niya. "Luke, just tell me what you want. Alam kong hindi ka narito para masahiin ako."
Luke looked at her eyes deeply. Puno ng halo-halong emosyon ang mga mata nito. Mga emosyon hindi niya mapangalanan.
Then the emotions in his eyes suddenly disappear. "Aalis na ako. Bye."
Isinuot nito ang polo na hinubad kanina at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Akmang hahakbang na ito palayo sa kanya ng pigilan niya ito sa kamay.
"You can stay here for the night." Aniya na nahihiya.
Luke's eyes widen a bit. "Sigurado ka?"
She nodded. "Yes. I'm sure."
Luke was reluctant to stay, halata iyon sa mukha nito pero pagkalipas ng ilang segundo, umupo ito sa kama. Ngumiti siya at bumangon, then she started unbuttoning his polo.
"Kung huhubaran mo ako, siguraduhin mong masasarapan ako sa balak mong gawin sa akin." Anito na ikinatigil niya sa ginagawa.
Nagtaas siya ng tingin dito. "Anong ibig mong sabihin? Hinuhubaran lang naman kita kasi baka naiinitan ka."
He gave her an arched look. "Cherry, air-conditioned ang kuwarto mo."
Humalukipkip siya. "Promise, wala akong gagawin sayo."
"Wala?" Tinabig nito ang kamay niya. "Then don't undress me. Wala ka naman palang gagawin. Uuwi nalang ako."
Lumabas ito ng kuwarto niya at naiwan siyang naguguluhan. Ano ba ang gusto ng lalaking yun na gawin niya rito? Kahalayan? Naku ha! Hindi siya ganoong klaseng babae!
Well, sort of. At dahil iyon sa lalaking ‘yon!
Naiinis na humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. “Hmp! Bakit ko pa kasi sinabing puwede siyang manatili rito sa unit ko? Nakakahiya ang ginawa ko. Baka ano na naman ang isipin ng lalaking ‘yon.”
Tumagilid siya ng higa. Nasa isip pa rin niya ni Luke. Tapos sabi niya kanina ‘Sex on the phone’ raw. Wala naman! Hmp! Walang isang salita ang lalaking ‘yon! Dapat hindi pagkakatiwalaan!
Ipinikit niya ang mga mata. “Sana mahulog si Luke sa hagdan para mamatay na siya.” Munting hiling niya sa panginoon. “Sana po pakingggan niyo ang kahilingan ko.”
“First of all, God is not a murderer. Second, kung sakaling bababa ako ng building, sa elevator ako sasakay.”
Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ni Luke. Nakasandal ang binata sa hamba ng pintuan ng silid niya at nakapamulsa habang matiim na nakatingin sa kanya.
“Luke!” Nagulat siya ng makita ito. “Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba umalis ka na.”
He rolled his eyes at her then walks towards her. “Napagdesisyunan kong matulog rito.”
Tumaas ang kilay niya sa narinig. “Paano naman ang desisyon ko?”
Walang sere-seremonyang hinubad nito ang polo na suot. “Wala akong pakialam sa desisyon mo. I’ve decided and I’m going to sleep in your bed. That’s final.”
Sunod nitong hinubad ay ang jeans na suot nito. Napatingin siya sa bagay na nasa gitna ng hita nito. She gulped. Ang laki naman.
“Eyes up here, my Cherry.”
Nag-iinit ang pisngi na nagtaas siya ng tingin. “Ha?”
Pilyong ngumiti si Luke. “You like it?”
Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang bagay na nasa gitna ng hita nito na kanina lang ay titig na titig siya.
Mas lalo pang nag-init ang pisngi niya. “H-Hindi.” Nauutal na sabi niya.
“Ows?”
“Hindi nga! Bakit ba ang kulit mo?!” Sigaw niya.
“E, bakit ka ba sumisigaw? Nagtatanong lang naman ako.” Natatawang sabi ni Luke at umupo sa tabi niya. “Bakit ba ang init ng ulo mo? Wala naman akong ginagawa sa’yo.”
Inirapan niya ang binata at nahiga muli sa kama. “Ah, basta! Nakakainis ka. Umalis ka nga!”
Of course, kailan ba nakinig sa kanya si Luke? Humiga ito sa tabi niya at ipinulupot ang braso sa bewang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Bahagyan siyang natigilan sa ginawa nito. The gesture was sweet and it made her heart skips a beat but… she doesn’t want her heart to react. Ang mga katulad ni Luke ay ang mga uri ng lalaki na dadaan lang sa buhay niya. Nasisigurado siyang hindi siya nito seseryosuhin. Masakit mang isipin pero iyon ang katutuhanan. Mayaman ito at siya? Hindi naman siya naghihikahos sa buhay pero maituturing pa rin siyang mahirap .
“What’s going on in that pretty little head of yours?” Basag ni Luke sa katahimikan. “Parang ang lalim ng iniisip mo.”
“Wala akong iniisip.” Wika niya na hindi tumitingin dito.
“Then look into my eyes and tell me that you’re not thinking of something deep.”
Tumingin siya sa mga mata nito. “I’m not thinking of something—”
Luke cut off her words by capturing her mouth. Tutugunin na sana niya ang halik ng pakawalan nito ang mga labi niya. “You’re thinking of something, Cherry. And I have a feeling that it had something to do with me. Tama ba ako?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at marahang umiling. “No, it has nothing to do with you.” Pagkakaila niya. “May iniisip akong iba.”
“Iba? Like who? Dwayne?”
Her forehead knotted. “Bakit naman napasok si Dwayne sa usapan natin? Hindi nga siya pumasok sa isip ko, ikaw lang ang nagpaalala sa’kin.”
Nag-bawi ito ng tingin at tumingin sa kisame. “Sino pa ba ang iisipin mo kung hindi ang lalaking ‘yon. Siguro nag-aalala ka sa kanya baka tanggalin ko siya sa trabaho. Don’t worry, hindi naman ako ganun kasama.”
Cherry touched Luke’s cheek and forced him to look at her. “Bakit ba parang naiinis ka kay Dwayne. Wala namang ginagawang masama ‘yong tao sa’yo.”
“Basta naiinis lang ako sa kanya.” Then he murmured under his breath. “Kung maka-akbay siya sa’yo parang kayo. Nakakairita.”
Nagsalubong ang kilay niya kasi hindi niya narinig ang sinabi nito. “Anong sabi mo? Puwede paki-ulit, hindi ko kasi narinig.”
Walang emosyon ang mukha ni Luke habang nakatingin sa kanya. “Wala akong sinabi.” Pagkatapos ay bigla nalang itong ngumiti sa kanya na para bang okay ang lahat sa mundo. “So, what makes Cherry Jean Garcia a tough and sometimes irritating woman?”
Kinurot niya ito sa tagiliran. “I’m not irritating.”
“Try dealing with yourself, malalaman mong nakakainis ka.”
She shoots a dagger stare at him. “Try dealing with yourself too, malalaman mong napakasarap pilipitin ng leeg mo.”
Tumawa ng mahina si Luke. “I know. Marami na ang nakapagsabi niyan sa akin, kaya naman hindi na iyan bago.”
Inirapan niya ito. “Alam mo naman pala e. Why don’t you tone down your attitude a bit? Para naman may magkagusto sayo.”
“Marami naman ang nagkakagusto sa akin kahit ganito ako. Nagkakandarapa pa nga e.”
She rolled her eyes. “Ang hangin mo.”
“Hindi ako mahangin. Totoo naman kasi.”
“Wala na akong sinabi.”
“Totoo nga kasi.”
Hindi na siya umimik. Magtatalo lang sila ni Luke dahil sa kahanginan nito. Mukhang totoo naman ang sinabi nito na nagkakandarapa ang mga ka babaehan dito, sa guwapo nitong mukha, hindi iyon imposibli. Pero nunkang sasabihin niya iyon sa binata. Mas lalaki lang ang ulo nito.
Nagulat siya ng bigla nalang basagin ni Luke ang katahimikan. “If I tone down my bad attitude, would you open yourself for me?”
Naguguluhang tumingin siya rito. “Ha?” Hindi niya maintindihan ang sinabi nito.
“Wala.” Anito at nag-iwas ng tingin. “Matulog ka na. Maaga pa tayong papasok bukas.”
Ilang segundo niya itong tinitigan, kapagkuwan ay ipinikit niya ang mga mata para matulog. Hindi pa lumilipas ang sampung segundo ng marinig na naman niyang nagsalita si Luke.
“On second thought, huwag ka munang matulog. Gusto pa kitang makausap.” Anito.
Nagmulat siya ng mga mata. “Ano naman ang paguusapan natin?”
Umaktong nag-iisip si Luke. “Ahm, how about you? Ikaw ang pag-usapan natin. Who’s your first boyfriend?”
“That’s easy. Luke Lazano.”
Nalukot ang mukha nito. “Magkapangalan kami?”
Tumango siya. “Oo. Sobrang manloloko ang lalaking ‘yon. Imagine, apat kami na girlfriend na pinagsabay-sabay niya. Hindi ako makapaniwala na may ganoong lalaki sa mundo, pero hayun at nakakilala ako ng isa. Mga lalaki talaga, sasabihing mahal kaming mga babae pero puro lang naman kalokohan. Nakakagigil! Bakit ganoon kayong mga lalaki, mga manloloko, manggagamit —”
“I never told a woman that I love her just so I can get into her pants. Hindi lahat ng lalaki, ganoon. Yes, I’m a self-proclaimed asshole but I never intentionally fooled a woman.”
Natigilan siya sa narinig. Maniniwala ba siya sa sinabi nito? Parang hindi kapani-paniwala. “Luke, pare-pareho lang kayong mga lalaki. Sex lang ang habol sa aming mga babae.”
“Huwag mong lahatin, Cherry—”
“Enlighten me then, Luke. Bakit ka ba narito ngayon sa kuwarto ko at nakahiga sa tabi ko? Don’t tell me, nandito ka dahil sa gusto mo akong makasama.” Puno ng kasarkastikuhan ang boses niya.
Luke stared at her then chuckled humorlessly. “Enlighten me too, Cherry. Tatabi ba ako sa’yo ng higa at yayakapin ka kung ayaw kitang makasama? Kung sex lang ang habol ko sa’yo, kanina ka pa hubad at sinisigaw ang pangalan ko.”
Pinakawalan siya nito at umalis sa kama. Nakatingin lang siya rito habang sinusuot nito ang damit na hinubad. Napakagat-labi nalang siya ng iwan siya nito sa kuwarto at narinig niyang bumukas at sumira ang pinto ng unit niya.
Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang sinabi ni Luke. Tatabi ba ako sa’yo ng higa at yayakapin ka kung ayaw kitang makasama? Naiinis na iminulat niya ang mga mata. Nasisiguro niyang hindi na babalik si Luke katulad kanina nuong una itong umalis na bumalik ito.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinilit ang sarili na makatulog. Ayaw niyang isipin si Luke. Naniniwala siya na tama lang ang sinabi niya rito. Hindi siya magpapa-apekto sa sinabi nito sa kanya. Ang lalaki pare-pareho lang, mga manloloko at wala ng ibang ginawa kung hindi saktan ang mga kagaya niyang babae.
Ang dapat sa mga lalaki ay ipakain sa mga buwaya sa Amazon river.
Mahina siyang napamura ng may narinig na nagri-ring a cell phone. Nang ma-realize niyang ang cell phone iyon ni Luke, mabilis niyang sinagot ang tawag.
“Hello?” Aniya sa kabilang linya.
“This is Luke. Nakitawag lang ako kay manong security guard. I just want to tell you to get ready. Uuwi pa ako sa bahay, so you have thirty minutes to freshen up.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Freshen up? Bakit naman?”
“Duh. Phone sex, remember. Nakakalimutan mo ba?”
Nabitawan niya ang cell phone na hawak. Phone sex? Mabilis niyang pinulot ang nabitawang cell phone. “Phone sex?”
“Yes. Phone sex. Go, freshen up.” Anito at pinatay ang tawag.
Ilang minuto siyang nakatanga sa cell phone ni Luke bago mabilis na pumasok sa banyo at naligo. Bakit ba parang nai-excite siya sa isiping mag po-phone sex sila ni Luke. Most women find it disgusting, but for her, she finds it exciting and hot. Pero may isa siyang problema, hindi niya alam kung papaano gagawin iyong phone sex na iyon.
Tanging ‘tickle his pickle’ lang ang mahalay na librong pagmamay-ari niya. Bakit naman kasi walang ‘Phone sex for dummy’ na libro!
Argh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top