CHAPTER 4

CHAPTER 4

SAMO’T-SARING emosyon ang nararamdaman ni Cherry bahang nakatingin sa disc na hawak ni Luke. Hindi niya mapangalanan ang iba pero nangingibaw ang hiyang nararamdaman. She felt cheap while looking at the disc.

God! I’m such a slvt! Bakit ba niya hinayaan itong gawin sa kanya ang ginawa nito kanina sa Elevator? Kasalanan niya ang lahat. Hindi siya tumutol sa ginawa nito. She enjoyed every second of it.

“Well, Miss Secretary?” Pukaw sa kanya ni Luke.

She bit her lower lip then asked. “Ibibigay mo ba sa akin ang disc na iyan kapag hiningi ko sa’yo?”

He grinned. “Nope. Akin ‘to. Pumunta pa ako sa CCTV room para lang kunin ‘to. This is a remembrance to our little rendezvous in the elevator.”

“Okay then.” Tinalikuran niya ito. “I’m leaving. See you tomorrow.”

“What? Hindi ka puwedeng umabsent ngayon.”

Nilingon niya ito. “Says who? Ikaw? Wala naman sa company policy na bawal mag-absent ang sekretarya ng CEO. At isa pa, bawas naman ito sa sweldo ko.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Ayokong umabsent ka.” Mariing sabi nito.

“And who are you to say that?”

“I’m your boss.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Kung gusto mo akong manatali rito sa office para ipamukha sa akin iyang video na hawak mo, please, spare me. My head is about to explode in pain, I feel sore down there and I’m sleepy.”

Inirapan niya ito pinagpagutuloy ang paglalakad patungo sa pintuan ng opisina. Akmang pipihitin na niya ang door knob ng pinto nang marinig niyang nagsalita si Luke.

“Want a cup of coffee? Ipagtitimpla kita.”

Natigilan siya at binalingan ito. “Sir Luke—I mean, Sir Alexander, hindi ko—”

“Call me Luke.” Putol nito sa sasabihin niya. “And yeah, you can leave my office. See you tomorrow.”

Naguguluhang napatitig siya sa lalaki. Kanina lang gusto siyang manatili, ngayon naman pinapaalis siya. Napailing-iling na binuksan niya ang pinto at lumabas ng opisina nito. Bipolar yata ang lalaking ‘yon.

NAPATINGIN si Luke sa nilabasang pintuan ni Cherry. Napailing-iling siya ng maalala ang sinabi niya rito para lang hindi ito umalis.

Really? Siya? Magtitimpla ng kape sa isang babae? What a calamity!

Umupo siya sa swivel chair at ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng opisina ng ama. His eyes stopped on the curving table settled on the corner of the office. Curiosity ate him so he stands up and walks towards the table.

Pinaglandas niya ang daliri sa gilid ng mesa. Napatigil siya sa ginagawa ng makita ang isang maliit na picture frame na nasa gilid ng mesa. Inabot niya iyon at tiningnan ang larawan na nasa frame. May munting ngiti na kumawala sa mga labi niya ng makitang larawan iyon ni Cherry. She was smiling sweetly at the camera.

Nakaramdama siya ng inggit sa kung sino man ang kumuha ng naturang larawan. Marahas niyang ipinilig ang ulo sa naiisip. Bakit naman ako maiingit sa kung sino man siya? It’s just a freaking picture for crying out loud.

Ibinalik niya ang picture frame sa kinalalagyan nito at akmang babalik na sa mesa niya ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok doon si Cherry na mamasa-masa ang mga mata.

He instantly felt worried. Bakit kaya ito parang naiiyak?  

Nilapitan niya ang dalaga. “What happened?”

Nagtaas ito ng tingin sa kanya. Her eyes were watering and a lone tear fall down to her cheek. Mabilis na pinahid nito ang luha.

“Wala.” Hinilamos nito ang dalawang kamay sa mukha nito at tumingin sa kanya. “Can I stay here for a while?”

He shrugged. “Yeah, sure.” Tinuro niya ang table nito na nasa gilid ng opisina. “Might as well be my secretary, para may gamit naman ang pananatili mo rito.”

Tumango ito at naglaklad patungo sa table nito. Wala sa sariling napatingin siya sa pang-upo nito. What a fine ass. It should be a crime to have an ass like that. Napalunok niya ng maramdamang gusto niyang hawakan ang pang-upo nito.

Marahas niyang ipinilig ang ulo. No! Remember the second rule!  No office affair or anything sexually related.

No? You just pleasure her sexually in the elevator. Ani ng isang munting boses sa isang bahagi ng isip niya.

Kung nagkatawang tao lang ang munting isip na iyon, kanina pa niya ito binugbog. What happened in the elevator was nothing. It doesn’t count to office affair. Hindi pa siya ang boss nito. Tama, hindi iyon office affair. Wala lang iyon.

Bumalik siya sa mesa niya at umupo sa swivel chair. Pinulot niya ang pinakamalapit na file sa kanya at binasa iyon. Habang nagbabasa, parang may sariling isip ang mata niya na tumingin sa mesa ng sekretarya niya.

He gulped audibly when he saw her with glasses on. It looks hot on her. Napamura siya ng maramdamang nabuhay ang pagkalalaki niya.

“Can’t you stay calm for a freaking minute?!” Naiinis na pagkausap niya sa pagkalalaki niya.

His manhood hardened more.

“Shit ka talaga! You’re going to make me violate my second rule!”

Natigilan siya ng may tumukhim sa harapan ng mesa niya. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya si Cherry na may sinusupil na ngiti sa mga labi.

“What do you want?” Itinago niya sa pagalit na boses ang pagkapahiya.

“Lumapit ako kasi akala ko may kailangan ka.” She said, suppressing a smile. “Kinakausap mo pala ang maliit mong kaibigan.”

A smirk crept on his lips. “You know very well na hindi maliit ang kaibigan ko.”

Mas lumuwag ang ngisi niya ng makita niyang namula ang magkabilang pisngi nito. Pinigilan niya ang tawa na gustong kumawala sa bibig niya ng nagma-martsang bumalik ito sa mesa nito.

Hell… I’m enjoying this more than I should.

 

MAGHAPONG abala si Cherry sa pagta-trabaho. Hindi niya napansin na medyo madilim na pala ang kalangitan. Kung hindi pa lumapit sa kanya si Luke para patigilan siya sa pagta-trabaho, hindi niya mamamalayan.

Mabilis niyang inayos ang gamit at lumabas ng opisina. Akala niya ay nauna na sa kanya umalis si Luke kaya naman nagulat siya ng makitang nasa labas ito ng opisina at mukhang may hinihintay.

“I’m leaving, Sir Alexander.” Nilampasan niya ito at mabilis na naglakad papasok ng elevator.

Akala niya makakatakas siya kay Luke pero humabol ito sa papasira ng elevator. Naiinis na pinag-krus niya ang braso sa harap ng dibdib.

“So… bakit umiiyak ka kanina?” Tanong nito sa kanya ng mag-umpisang gumalaw ang elevator. “Not that I care, but, you are my secretary.” Pahabol nitong sabi.

Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Ano naman ngayon kung sekretarya siya nito?

“Sir Alexander, I’m just your secretary. And my personal life is not for your consumption.” Mataray niyang sabi.

Mahina itong tumawa. “Yeah, I know that. Sino ka ba naman sa buhay ko? You’re nothing. But I’m curious what made you shed a tear.”

Humalukipkip siya. “Hindi ako umiyak.”

Napahiyaw siya ng bigla nalang siya nitong hapitin palapit sa katawan nito. Pilit siyang kumakawala sa pagkakayapos nito sa kanya, but to no avail. Inilagay niya ang dalawang kamay sa dibdib nito at malakas na itinulak ito pero sa halip na bitawan siya nito ay isinadlak siya nito sa nakasarang pinto ng elevator.

“L-Luke, let go of me!”

Inilapit nito ang labi sa labi niya. When she felt his hot minty breath on her lips, her body instantly tingled in anticipation and she hated herself for it.

He looked at her deep in the eyes. “Sasagutin mo ba ang tanong ko o uulitin ko ang ginawa ko sayo kanina? I’m pretty sure you’ll like it, at hindi na ako ulit pupunta sa CCTV room para kunin ang video para hindi ka pag-tsismisan.”

Natigilan siya sa narinig na sabi nito. “Kinuha mo ang video sa CCTV para hindi ako pag-tsismisan ng mga co-workers ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki.

Sa halip na sagutin ay pinakawalan siya nito at humakbang palayo sa kanya. Umayos ng tayo si Cherry at tiningnan si Luke sa mga mata.

“Did you really do that for me?” Tanong niya na tinutukoy ang video.

Umiling ito at walang emosyong sinalubong nito ang titig niya. “No. I did that for myself. Ayokong makita ng mga empleyado na pumapatol ako sa isang sekretarya lamang.”

Parang may kumurot sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Sekretarya lamang?

Mapakla siyang tumawa. “Yes, I’m maybe just a secretary, but you know what Sir Alexander, you enjoyed fvcking this secretary in the back of your car.”

“Don’t flatter yourself.” Tumawa ito na parang nanunuya. “I always fvck my women in the back of my car.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cherry sa narinig. Tamang-tama naman na bumukas ang elevator na kinalululanan nila at naunang lumabas si Luke, hindi nito nakita ang isang butil ng luha ng nahulog sa pisngi niya. Mabilis niyang pinahid iyon.

“Bakit ba lahat ng lalaki gago?” Tanong niya sa sarili.

Inayos niya ang sarili at lumabas ng elevator. Bigla siyang natigilan ng makasalubong niya sa lobby si Dwayne. Ang tanging lalaking ka-close niya sa buong kompanya. Ito ang head ng Administrative Department.

“Cherry, bakit namumula ang mata mo?” Puno ng pag-aalala ang boses nito.

She gave him a force smile. “Nothing. Ayos lang ako.”

He rolled his eyes, not believing her. “Cherry, pinaiyak ka na naman ba ng walang hiya mong ex? Diba sinabi ko sayo, kapag sobrang sakit na, magsabi ka lang at bubugbugin ko ang si Matthew?” Anito na ang tinutukoy ay ang ex niyang isa ring gago.

Napapangiti na napailing-iling siya. “I’m okay, Dwayne.”

Mataman siya nitong tinitigan kapagkuwan ay inakbayan siya.

“Come on, ihahatid na kita sa apartment mo. Tutal pauwi na rin ako.”

She smiled at him; it’s not force this time. “Thanks, Dwayne. Ayokong makipagsiksikan sa jeep.”

Ginulo nito ang buhok niya. “Sa ganda mong iyan, hindi ka bagay makipagsiksikan sa jeep.” Anito at kinindatan siya.

Pabiro niyang kinurot ito sa bewang. “Binobola mo na naman ako. Kahit kailan talaga Dwayne, napaka-bolero mo.”

Tumawa ito ng mahina. “Hindi ako bolero. Nagsasabi kaya ako ng totoo.”

“Ewan ko sayo.”

Naka-akbay ito sa kanya habang naglalakad sila patungo sa ground floor. Hindi siya naiilang sa pagkakaakbay nito sa kanya dahil sanay na siya. Kahit naman sino inaakbayan nito. Para sa kanya walang malisya ang akbay nito. Hindi katulad ni Vanilla na makita lang na ngumiti si Dwayne sa kanya ay may namamagitan na raw sa kanila.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan at yumuko ito na para bang nagbibigay galang. “Hop in, your highness.” He said with a fake British accent.

Natatawang sumakay siya sa sasakyan nito. Nang umikot ito patungo sa passenger seat, isinuot niya ang seat belt and umayos ng upo.

“Ayaw mo bang kumain man lang bago kita ihatid sa apartment mo?” Tanong nito nang sumakay sa kotse nito.

“Hmmm.” Umakto siyang nag-iisip. “Sige ba. Libre mo?”

Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Kailan ba kita pinagbayad kapag ako ang kasama mo?”

Tinabig niya ang kamay nito habang tumatawa. “Wala naman kasi akong pambayad.”

“Kasinungalingan.” Anito at naiiling na binuhay nito ang makina ng sasakyan.

Akmang palabas na sila sa ground floor ng may humaharurot na SUV na biglang inunahan silang makalabas ng parking lot. Napamulagat siya sa sobrang gulat at takot, si Dwayne naman ay napamura ng malakas.

“Sino ba ang gagong ‘yon?” Galit na wika ni Dwayne. “Muntik na niyang banggain ang sasakyan natin ah.”

Abo’t-abo’t ang kaba niya habang nakatingin sa papalayong SUV. Kung hindi siya nagkakamali at kung tama ang memorya niya, pag-aari iyon ni Luke.

“Baka nabitawan lang ng driver ang monabela kaya ganoon.” Pagtatanggol niya sa binata. Wala naman kasing dahilan para banggain sila nito.

“Kahit ano pa ang dahilan niya, muntik pa rin niya tayong sagasaan. At hindi manlang humingi ng pasensiya.”’

 Hindi na siya umimik. Ayaw niyang dagdagan ang galit na nararamdaman ni Dwayne. Hinayaan nalang niya itong ilabas ang galit nito habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana.

Hay… Nagugutom na ako.

KINUHA ni Luke ang cell phone na nasa dashboard ng sasakyan niya at tinawagan ang ama. After four rings, his father answered the phone.

“Oh, Alexander, bakit napatawag ka?” Manghang tanong nito mula sa kabilang linya.

“May itatanong lang akong importante.” Aniya at itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Ano naman ‘yon?”

“Ano ang address ng sekretarya mo? It’s important that I know. Nag-half day lang kasi siya kanina at may kailangan akong file sa kanya.”

“Oh, her address? Teka lang, titingnan ko sa address book ko.” Nawala ng ilang saglit ang ama sa kabilang linya kapagkuwan ay nagsalita. “Oh, silly of me to forget her address, isa pala siya sa nabigyan ng apartment ng kompanya dahil sa maganda niyang performance sa trabaho. Her apartment is in VH Building.”

“Okay thanks.”

Akmang papatayin na niya ang tawag ng magsalitang muli ang ama niya.

“Alexander, alam kong hindi nag half-day si Cherry. Ano ang kailangan mo sa kanya?”

Buko na pala siya. So much for lying to his father.

“Nothing that you should know, Dad. May sasabihin lang ako sa kanya kasi a-absent ako bukas. At wala akong cell phone number niya.”

“Is that so? Then I’ll give you her number. Huwag mo ng isturbuhin si Cherry. Pagpahingain mo naman siya. I’m sure kahit anong ibilin mo sa kanya ay susundin niya.”

A smile creeps into his face. “That would be great, Dad. Do send her phone number to me.”

“Okay. Ingat.” Pagkasabi niyon ay pinatay na nito ang tawag.

Habang hinihintay niyang i-send ng ama ang number ni Cherry, binuhay niyang muli ang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa HV Building. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top