CHAPTER 12

CHAPTER 12

AFTER dinner, Cherry, Creed, and Mr. and Mrs. Hurukushi went to the living room to talk and catch up. Pagkatapos ng pananghalian, agad na nagpaalam si Luke. Maghahanap pa raw ito ng Hotel na matutuluyan dahil bukas pa ito babalik sa manila.

Tito Sato offered Luke to stay in their vacation house but Luke declined. Baka raw maka-isturbo ito sa mag-asawa. Buti nalang hindi kasing bait ni Tito Sato si Creed. Hindi nito inimbitahan ang binata na sa kanila magpalipas ng gabi.

“It was nice talking to you, Creed.” Nakangiting wika ni Tito Sato sa kanila habang nasa labas sila ng bahay nito at naghahanda ng umalis.

“Same here, Ninong.” Wika ni Creed. “Anyway, we have to go. It’s past nine o’clock. Maybe we could catch up tomorrow. That is, kung hindi kayo busy ni Tita Fe.”

Ngumiti si Tita Fe. “We’re not busy. Tomorrow then. Kayo naman ang magpapakain sa’min.”

Cherry smiled. “Sige po. Magluluto po ako ng espesyal na pagkain para sa pananghalian natin bukas.”

“Great.” Tita Fe grinned. “Have a good night, you two.”

“Have a good night, too.” Sabay na sabi nila ni Creed na ikinatawa ng mag-asawa.

CHERRY and Creed walk side by side towards their vacation house. Cherry was enjoying the silence when she heard Creed’s voice.

“I think, it’s not a good idea to resign.”

Napamaang siya sa kaibigan. “What? Of course it is. It’s the only way to resolve this ‘Luke problem’ in my life.”

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. “Babe, you’re not solving the problem, you’re running away from it.”

Nag-iwas siya ng tingin. “I’m not running away.”

“Oh yeah?” Pinilit ni Creed ang mukha niya na tumingin dito. “Babe, you are running away from your problem. You are running away from Luke. Hindi mo siguro napansin pero ako, napansin ko. You are affected by him. Kahit simpling paggalaw lang ni Luke, nagri-react ka. Hindi makakabuti sa’yo na takbuhan ang problema mo. Kasi pagbalik mo, nariyan pa rin yan at may posibilidad na baka mas lumala pa iyang problema mo. Why don’t you face it, Babe?”

Marahan niyang ipinilig ang ulo. “No. Hindi ‘yon ganoon kadali. You don’t know, Luke. He’s so persistent and annoying and irritating. At gusto niya palaging siya ang nasusunod. Ayoko ‘non. At saka, why face him, kung alam ko naman na kapag ginawa ko iyon mas lalalim pa ang nararamdaman ko sa kanya at masasaktan lang ako sa bandang huli?”

Creed pulled her into a hug. “Be brave. Show him the real Cherry.” He pulled away and slightly pinched her cheek. “And show him who the boss is.”

Natawa siya sa sinabi nito. “I’ll face my problem, but not now. Gave me one week to gather all the strength I have to face Luke.”

Mataman siyang tinitigan ni Creed kapagkuwan ay tumango ito. “Fine. Let’s enjoy our week together.”

She grinned then run towards the house. Bree is sure as hell that she would enjoy her week with Creed. After that, bahala na si Batman sa kung ano ang mangyayari.

HABANG nasa Burnham Park at naglalakad. Nakahilig ang ulo ni Cherry sa balikat ni Creed. Sa ilang araw na pamamalagi nila ng kaibigan dito sa Baguio, masasabi niyang nag-enjoy siya. Marami silang napuntahang tourist spot.

“Boo, ahm, tungkol pala sa napagusapan natin tungkol sa problema ko kay Luke. I change my mind.” Napakagat-labi siya. “Diba sabi ni Luke may nahanap na siyang kapalit ko bilang sekretarya? Puwede bang sa’yo nalang muna ako mag-trabaho?”

Kumunot ang nuo nito at umaktong parang nag-iisip. “Oo nga pala no? May kapalit ka na pala.”

Tumango-tango siya. “Oo, may kapalit na ako. Puwede ba sayo nalang ako mag-trabaho? Kahit bilang assistant mo, tatanggapin ko.”

Hinarap siya ni Creed. “Okay lang naman sa’kin na maging assistant kita pero masusukal na kagubatan ang pupuntahan ko para sa next project ko sa Nat. Geo. I can’t take you with me.”

Napasimangot siya. “Ano na ang gagawin ko nito?”

Humugot ng malalim na hininga si Creed na niyakap siya. “It’s okay. You’re smart. I’m sure maraming kompanya ang tatanggap sa’yo.”

Mas lalong humaba ang nguso niya sa sinabi nito. “I’m jobless. At dahil hindi na ako nagta-trabaho sa Vander Corporation, wala na rin akong apartment.” Napahikbi siya. “Ang gaga ko. Bakit ngayon ko lang naisip ‘to?”

Agad naman siyang inalo ni Creed. “Hush. It’s okay. You can work in mom and dad’s company. I’m sure tatanggapin ka nila. And about your apartment, puwede ka naman munang manatili sa bahay. Mom would love it.”

Suminghot-singhot siya. “Thank you, Boo. But I’m okay. Maghahanap nalang muna ako ng trabaho pagbalik natin sa manila. At yung tungkol sa pagtira muna sa bahay niyo, tatanggapin ko ‘yon. Pero ‘yong trabaho, hindi muna. Saka na kapag talagang wala akong nahanap.”

Creed smiled at her. “Good. Don’t cry. Nandito naman ako—”

Naputol ang ibang sasabihin nito ng biglang nag-ingay ang cell phone nito. Creed took his phone from his pocket then signaled her to wait for a while. She shrugged and sits on one of the benches. Pagkalipas ng ilang minuto, lumapit sa kanya si Creed at nasa mukha nito ang pag-aalala.

“Who was on the phone?” Tanong niya rito.

Creed sighed. “That’s the Director of the show tourist spots in the world. Gusto niyang i-email ko ulit sa kanya ‘yong na-send ko ng pictures nuong isang linggo. Na-reformat daw kasi ang laptop niya at hindi na na-recover ang mga larawan.”

“Oh, okay.” She said with a shrugged. “Why do you look worried then?”

“Because he need the picture now. As in now.” He took a deep breath. “I have to go home. I don’t want to ruin your day by taking you home with me, pero hindi naman kita puwedeng iwan dito ng basta-basta.”

She rolled her eyes. “Boo, hindi na ako bata. Alam ko naman ang daan pabalik sa bahay. Ayos lang ako. Go home. Uuwi nalang ako kapag napagod akong libutin itong park na ‘to.” Natatawang aniya.

Tinitigan siya ng ilang segundo ni Creed bago ito tumango. “Fine. Mag-ingat ka okay? Tawagan mo ako kapag kailangan mo ako. You know my number. Call me, okay?”

She nodded. “Yes, Boo. I’ll take care of myself. Sige na, umalis ka na.” Pagtataboy niya sa kaibigan.

Napailing-iling si Creed at nagmamadaling iniwan siya. huminga siya ng malalim at ipinalibot ang paningin sa kabuunan ng park. Napasimangot siya ng wala siyang interesanteng nakita. Maybe I should go shopping instead. Sa isiping ‘yon, mabilis siyang tumayo at naglakad patungo sa pinakamalapit na mall. Ayaw niyang sumakay ng taxi. She wanted to enjoy Baguio. Minsan lang kasi siya makapunta rito.

Habang naglalakad at abala sa pagtingin-tingin sa mga nadadaanang gusali, may naramdaman siyang tumabi sa kanya sa paglalakad. Nilingon niya ang katabi at halos lumuwa ang mata niya ng makita si Luke na naglalakad sa tabi niya.

“Luke…” She whispered his name at the same time he looked at her.

“Hello, My Cherry. How are you this morning? Enjoying your walk?” Nakangiting tanong sa kanya ni Luke.

Luke’s smile sent shiver down to her spine. Parang may itinatagong lihim ang ngiting iyon.

“Anong ginagawa mo rito?” Naguguluhang tanong niya sa binata. “Diba dapat nasa Manila ka?”

Luke shrugged. “May kailangan akong asikasuhin dito sa Baguio e.”

“Ano naman ‘yon?”

“May kailangan akong parusahan.”

“Parusahan?”

“Yes, my dear Cherry.” Then he grabbed her wrist and pulled her towards him.

When their body touched, she instantly felt that tingling sensation. Mabilis siyang lumayo sa binata ng pumasok sa isip niya ang sinabi nito tungkol sa babae sa banyo nito.

“Let go of me!” Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito pero hindi niya magawa. “Please, let me go.”

Napatigil siya sa pagpupumiglas ng maramdaman niya ang matiim na titig sa kanya ni Luke. Napakagat-labi siya at mabilis na nag-iwas ng tingin.

“Staring is bad, you know.” Aniya sa mahinang boses habang nakatungo.

She heard Luke chuckled. “Na-miss ko lang iyang maganda mong mukha kaya tinititigan kita.”

Parang nag-cartwheel ang puso niya sa narinig pero pinigilan niya ang nararamdamang kilig.

Screwing Odette was much better than fucking you.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng pumasok na naman sa isip niya ang sinabi nito. Hindi dapat siya kiligin. Dapat siyang magalit dito. Pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang masasakit na salitang iyon, wala itong karapatan na patibukin ng mabilis ang puso niya.

Malakas na inagaw niya ang kamay na hawak nito. “Tigilan mo ako. Hindi gagana iyang pambobola mo sa’kin.”

Matalim ang matang inirapan niya ang binata at tinalikuran ito. Nakaka-ilang hakbang palang siya ng marinig niya itong nagsalitang muli.

“Lahat ng gamit mo sa apartment mo ay nasa bahay ko.”

Malalaki ang matang nilingon niya ang binata. “Anong ibig  mong sabihin?” Hindi siya makapaniwala sa narinig. “What did you do to my things?!” Sinugod niya ito at pinagsusuntok sa dibdib.

Hindi sinalag ni Luke ang mga suntok niya. Nanatili lang itong nakatayo at hinayaan siyang pagsusuntukin ang dibdib nito. Nang mapagod na siya sa ginagawa, nag-angat siya ng tingin. Dahil siguro sa sobrang frustration na nararamdaman, nag-uumpisang nanubig ang mga mata niya.

“Why are you doing this to me?” Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya. “Wala naman akong ginagawang masama sa’yo.”

“Cherry, suntukin mo man ako o sipain, walang magbabago. Nasa bahay ang mga gamit mo kasi nag-resign ka na sa Vander Corporation. Hindi kita hihintayin hanggang sa makabalik ka sa Manila kasi gusto ng lumipat ng nakuha naming kapalit mo sa iniwan mong posisyon. Now, if you really want your things back that badly … then get it from my house.” Tumaas ang kamay nito at tinuyo ang basa niyang pisngi. “And don’t cry. I hate it seeing you cry.”

Tinabig niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. “Don’t bullshit me, Luke. Alam kong masayang-masaya ka ngayong nakita mo akong umiiyak.”

Nagdilim ang mukha ni Luke at naningkit ang mga mata nito. “Cherry, I know I’m heartless but not that heartless. If I am, then why do I care for you?! I don’t even know why I am wasting my time stalking you?!”

Her eyes bulge. “W-What— S-Stalking … me?”

“Yes.” He said exasperatedly. “Ever since you resign, I can’t take you off my mind. I have to see you. I have to hear your voice. I have to touch you or else I’ll go mad. See? That’s what you do to me. Ngayon sabihin mo sa akin na wala kang ginagawang masama sa’kin. You’re changing me! I’m breaking my rules that I set for myself because of you! And I don’t like it!” Pagkasabi niyon ay mabilis siya nitong tinalikuran at iniwan siya nakaawang ang mga dahil sa mga sinabi nito.

Did he just … confess his feeling? Sort of.

Wala sa hinagap niya na maririnig ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Alexander Luke Vanderhorst. Mula sa bibig ng palikerong ‘yon.

She took a deep breath and exhaled loudly. Walang destinasyong naglakad-lakad siya. Nawala sa isip niya ang pagpunta sa mall. Nawala sa isip niya si Creed. Ang tanging laman lang ng isip niya ay si Luke at ang mga sinabi nito.

Tumagos iyon sa puso niya. But thankfully, her brain is still working properly. Hindi siya puwedeng magpadala sa puso niya. Kailangang mag-tugma ang puso at ang isip niya bago siya mag-desisyon. Hindi puwedeng magkasulangat ang puso at utak niya. hindi siya magpapadala sa nararamdaman ng puso niya. She won’t let Luke in until her brain and heart said so.

GABI na ng makauwai siya sa vacation house ni Creed. Naabutan niya ang binata na parang balisa at malalim ang iniisip.

Tumukhim siya para kunin ang atensiyon nito. Mabilis itong lumingon sa kanya at ngumiti ng pilit.

“Babe, narito ka na pala.”

Tumango siya at ngumiti. “Kararating ko lang.” lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. “Ayos ka lang ba, Boo? Something’s bothering you?” Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

Ngumiti ito ng pilit at nag-aalala siya. Kahit kailan, hindi pa umakto ng ganito ang kaibigan niya.

“Ayos ka lang ba, Boo? May problema ka ba?” Usisa niya sa kaibigan.

Nag-iwas ito ng tingin. “Kasi, nabanggit ko kay Mommy kanina ng tumawag siya na nangangailangan ka ng trabaho. Then she faxed this to me.” Anito at may inabot sa kanyang flyers.

Binasa niya ang nakasaad sa flyers.

ALVH Financial is in need of Secretary. Requirements: Business Management Graduate. Resume. And Transcript of Records. If you’re interested, look for Mr. Allan Colusa, the head of HR Department.

“ALVH Financial.” Tumingin siya kay Creed. “Ito ba ang rason kong bakit parang balisa ka?”

Creed chuckled. “Kinda. Baka kasi magalit ka dahil sinabi ko kay mommy.”

Napapantastikuhan siyang tumingin dito. “My god, Boo, I’m not that shallow.” Marahan siyang tumawa at tinupi ang flyer. “Maga-apply ako sa ALVH Financial, so don’t worry. Tell Tita clarice I said thanks.”

Parang naiilang na ngumiti si Creed sa kanya. “I will.”

She smiled back. “Sige, magpapahinga na ako. Napagod ako sa paglalakad.”

“Okay. Sleep well.”

Tinungo niya ang silid. Nang makapasok sa kuwarto niya, binasa niyang muli ang flyer. Napangiti siya napagkuwan. Thanks god. Magkaka-trabaho na rin ako sa wakas. Nararamdaman ko ‘yon.

“BINIGAY mo na?” Anang boses sa kabilang linya.

Creed nodded. “Yes, she already accepted it.” He sighed. “Please, take care of her.”

The person on the other line chuckled. “Of course, Creed. I will.”

“Okay, good. But if you hurt her, our deal is over.” He said in a threatening voice,

The person on the other line laughed. “A deal is a deal. I will do my part of the deal and that is to take good care of her; now, it’s time for you to do your part.”

“I will. But always remember, she loves me. So you better work well.”

Pinatay ni Creed ang tawag at mariing ipinikit ang mga mata. Sana tama itong ginagawa niya. Dalawa lang ang kalalabasan ng deal niya sa taong ‘yon. Magpapasalamat sa kanya si Cherry o magagalit ito sa kanya. I hope it’s the former and not the latter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top