CHAPTER 11
CHAPTER 11
NAKADUNGAW sa Teresa si Cherry at nakatingin sa malawak na taniman ng bulaklak sa likod ng bahay-bakasyunan ni Creed habang sumisimsim ang kape. Naroon sila ni Creed sa vacation house nito at ang tinitingnan niyang taniman ng bulaklak ay pag-aari ng kalapit-bahay nila na si Mr. Sato, ang ninong ni Creed.
Tamang-tama lang ang pagbabakasyon nila dahil nagbakasyon din si Tito Sato at ang asawa nito na si Tita Fe sa Baguio. Nakita niyang bakas sa mukha ni Creed ang kasayahan ng makita ang ninong nito na ilang taon din nitong hindi nakita.
“Enjoying the scenery?” Anang boses ni Creed mula sa likuran niya.
Sumimsim siya ng kape. “Yeah. Napakaganda rito. Very relaxing. Nakakawala ng Stress.”
Tumabi ito ng tayo sa kanya at inilagay ang mga braso sa barandilya ng teresa. “Naaalala mo ba nuong sinubukan kong magtanim ng bulaklak tapos hindi nabuhay?”
Tumawa siya sa ala-alang iyon. “Oo, naalala ko. Nuong hindi nabuhay ang bulaklak na itinanim mo, yung santan sa bahay niyo ang pinagdiskitahan mo. Tapos pinagalitan ka ni Tita Clarice kasi sinira mo ang santan niya.”
Tumawa ito ng malakas. “Oo nga. Kinurot pa ako ‘non ni Mommy sa singit kasi sinira ko ang santan na tinanim niya.”
Bumungisngis siya. “Hanggang ngayon pa rin ba, frustrated ka pa rin pagdating sa pagtatanim ng mga halaman?”
“I moved on. Na-realize ko na wala akong talent sa pagtatanim ng kung ano-ano.” Inakbayan siya nito at hinapit palapit dito. “Hindi ka ba nilalamig?”
Umiling siya at inayos ang jacket at mittens na suot. “Hindi ako nilalamig.”
“Magsabi ka kapag lamigin ka. Para mayakap kita.”
Kinurot niya ang pisngi ng kaibigan. “Naku, Boo, inaatake ka na naman ng ka-sweet-an mo. Baka magkagusto na ako niyan sa’yo.”
Nawala ang ngiti sa mga labi nito at matiim siyang tinitigan. “Babe, ikaw ang kaisa-isang babae na hindi magkakagusto sa’kin. I swear to god, hindi umeepekto sa’yo ang kakisigan ko.”
She rolled her eyes at him. “Kakisigan ka riyan. Kailan ka pa naging mahangin?”
He chuckled and rests his head on her shoulder. “Hindi naman kahanginan ‘yon, totoo naman kasi. Proven and tested na na hindi ka naaakit sa kakisigan ko.”
Nilingon niya ito dahil pakiramdam niya may ibang ibig sabihin ang sinabi nito. “What do you mean proven and tested?”
Creed just shrugged. “Wala.” He distanced himself from her. “Anyway, magbihis ka na, Babe. Inimbitahan tayo ni Ninong Sato na doon maghapunan sa bahay nila.”
She dropped the question. Hindi nalang siya nangulit pa. Kapag ganoong iniiba nito ang topic, alam niyang ayaw nitong pag-usapan iyon.
She drinks the remaining coffee on her cup then looked at Creed. “Sige, magbibihis lang ako. Excited na akong matikman muli ang luto ni Tita Fe.” Aniya na ang tinutukoy ay ang asawa ni Ninong Sato ni Creed.
Nakilala niya ang mag-asawang Fe at Sato nuong nagbakasyon ang pamilya ni Creed dito sa Baguio at isinaman siya. Kamamatay palang noon ng mga magulang niya. Tita Fe’s cooking calmed her. May kung ano sa pagluluto nito na talagang kumakalma siya. Siguro dahil kasing sarap nitong magluto ang Mama niya kaya ganun.
Nagmamadali siyang bumalik sa kuwarto na inuukupa niya at nagbihis. She choose to wear thick blue jeans, baby pink long sleeve shirt na pinatungan niya ng kulay gray na Cardigan na irenigalo sa kanya ni Creed nuong graduation niya sa College. Pagkatapos ay nagsuot siya ng kulay putting mittens.
Lumabas siya ng kuwarto niya at naabutan niya si Creed na nasa sala at mukhang hinihintay siya. Mukhang narinig nito ang mga yabag niya mula sa likuran kaya naman nilingon siya nito.
When he saw her, he smiled. “Bakit ba napakaganda mo kahit simple lang ang suot mo?”
Itinirik niya ang mga mata. “Bakit ba napaka-bolero mo?”
Natawa ito ng mahina. “Hindi kita binobola.” Hinawakan siya nito sa siko at iginiya palabas ng bahay. “Are you excited to see Tita Fe and Ninong Sato?”
Tumango siya. “Last time I heard doon na sila namalagi sa Japan. Buti naman at naisipan nilang magbakasyon dito sa Pilipinas.”
Pinagsiklop ni Creed ang mga kamay nila habang naglalakad patungo sa katabing bahay nila. “Sa Japan na kasi naka-base ang negosyo ni Ninong Sato. Kaya doon na sila namalagi. Oo nga e, buti naisipan nilang magbakasyon dito.”
Nang makarating sila sa bahay ng Ninong Sato ni Creed, pinindot ng binata ang door bell ng bahay. Ilang segundo ang lumipas bago sila pinagbuksan ng pintuan.
Malapad na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Tita Fe ng makita sila ni Creed. Excited nitong niyakap si Creed at sunod naman nitong niyakap ay siya.
“Oh my god!” Tita Fe exclaimed. “Ang tatanda niyo na kayo pa rin ang magkasama?” Nanunudyo iyong ngumiti. “Hmm. Kayo na ba? Hindi naman kataka-taka. Bagay kayong dalawa.”
Tinawanan lang niya ang panunudyo nito. “Tita Fe, hindi po kami nor hindi magiging kami.”
Tawa lang ang isinagot nito sa kanya at hinila sila ni Creed papasok sa loob ng bahay.
Napansin kaagad niya na tahimik ang buong kabahayan.
“Tita Fe?” Tawag niya sa atensiyon ng ginang. “Nasaan po ang mga anak niyo?”
If her memory serves her right, dalawa ang anak nito.
Binalingan siya nito. “Naku, Cherry, iniwan namin sa Japan. Kami lang ang nagbakasyon ng Tito Sato mo. Second honeymoon daw.” Anito na binuntutan pa ng hagikhik na parang kinikilig.
Creed and Cherry both chuckled.
Iginiya sila ng ginang patungo sa sala at pina-upo sila sa mahabang sofa.
“Nasaan po si Ninong Sato?” Hindi makapagpigil na hanap ni Creed sa ninong nito.
Umupo sa pang-isahang sofa si Tita Fe. “Naku, kilala mo naman ang Ninong mo. Napaka-business minded. He’s talking to someone about investing his money on some Financial Company here in the Philippines.”
“Si Ninong talaga.” Naiiling na ani ni Creed. “Kumusta naman ho kayo, Tita. Kumusta ho ang Japan?” Pag-iiba ng topic ni Creed.
“Hayun, Japan pa rin.” Natatawang sagot ni Tita Fe na ikinatawa naman niya.
Pinukol siya ng masamang tingin ni Creed. She stops chuckling and wipe off the smile on her face. Nang makita nitong seryuso na ang mukha niya, saka lang ito bumaling kay Tita Fe. Napapailing-iling naman ang ginang.
“Alam niyo, kayong dalawa. Hindi makapagtataka kong paghinalaan kayong magkasintahan.” Komento nito habang nakatingin sa kanila. “Kahit anong deny niyo, you two act like lovers, well, except hindi kayo naghahalikan. But all in all, para kayong magkasintahan.”
Sabay nilang tinawanan ni Creed ang sinabi ni Tita Fe.
Akmang magsasalita si Creed ng biglang bumukas ang isang pintuan na medyo malapit sa sala. Lumabas mula roon si Tito Sato at ang pamilyar na mukha ng lalaki.
She inwardly gasped when their eyes met. Halatang nagulat din ito na makita siya roon kasi bahagyang nanlaki ang mga mata nito at umawang ng kaunti ang mga labi nito sa gulat.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at kumapit sa braso ni Creed. Then she leaned in to Creed and whisper over his ear.
“Boo, please, hold my hand.”
Bumaba ang tingin ng kaibigan sa kamay niya na nanlalamig. Then Creed’s eyes moved to Luke who’s standing few meters away from them, his eyes were on her.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumayo. “Magpapahangin lang ho ako sa labas.” Paalam niya.
Hindi niya hinintay ang sagot ni Creed o ng may-ari ng bahay. Lumabas siya at humugot ng isang malalim na hininga. Nang medyo kumalma na ang parang nakikipag-karera niyang puso, narinig niya ang boses ni Luke mula sa likuran niya.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito.
Bago pa siya makasagot, narinig niya ang boses ni Creed at laking pasasalamat niya.
“Hey, Babe.” Lumapit sa kanya si Creed at pinagsiklop ang kamay nila. “Halika na. May ibibigay daw sa’yong cookies si Tita Fe.”
Tumango siya at hinayaang hilain siya ni Creed palayo kay Luke. Para siyang nabunutan ng tinik ng makalayo siya sa lalaki.
“Siya ba?” Tanong ni Creed sa kanya ng makalayo na sila kay Luke.
Bahagyang siyang natigilan kapagkuwan ay tumango. “Paano mo nalaman?”
“It’s easy, Babe.” Ipinalibot ni Creed ang kanang braso sa bewang niya. “Para kang tinuklaw ng ahas ng makita mo siya. You look so pale.”
Humilig siya sa balikat nito at naglalambing ang boses na nagsalita, “Boo, puwede bang sa bahay mo nalang tayo kumain? Ayoko siyang makita. Masisira ang araw ako. Please? I beg you.”
Pinisil ni Creed ang tungko ng ilong niya. “Nope. Haharapin mo siya.”
Napasimangot siya. “Ayoko nga. Galit ako sa kanya.”
“Get over it.” Pagakasabi ‘non ay hinila siya ni Creed patungong komidor.
HINDI pa rin makagalaw sa kinatatayuan si Luke habang paulit-ulit na niri-replay sa utak niya ang nangyari ilang minuto lang ang nagdaan.
Cherry is here in Baguio … with someone?
Nalukot ang mukha niya ng makitang ipinalibot ng lalaki ang braso sa bewang ni Cherry. Gawain lang iyon ng lalaki na gustong bakuran ang mga girlfriend nila.
Are they are couple? Hindi napigilang tanong niya sa sarili.
If they are, then why did Cherry let him penetrate her? And if they are couple like he assumed, he wanted to laugh at the man. He was the one who took Cherry’s virginity, walang laban ito sa kanya.
Huminga siya ng malalim at bumalik sa loob ng bahay at sinundan ang pinanggagalingan ng boses. Pagpasok niya sa komedor, naabutan niyang naghahain ng pagkain sa mesa ang asawa ni Mr. Hurukushi.
“Oh, Mr. Vanderhorst. Sumalo ka na sa amin kumain.” Anito na may magiliw na ngiti. “Umupo ka na.”
“Yeah, Mr. Vanderhorst, you should dine with us.” Sang-ayon ni Mr. Hurukushi sa asawa.
Ang totoo, wala siyang balak na magtagal. Kung sasaluhan niya ang mga itong kumain, mahuhuli siya sa flight niya.
Then his eyes settled on Cherry. Nakatungo ito halatang naiilang ito sa sitwasyon nilang dalawa. Sino ba ang hindi? At masama na kung masama pero gusto niyang mas mailang pa ito. Gusto niyang makita kong paano nito itatago sa kasintahan nito na may nangyari na sa kanila.
Did that guy even know that Cherry is not virgin anymore? Hmp! If he finds out, he’s sure as hell that he will leave her.
“Sure, sasaluhan ko kayo.” Pagpapaunlak niya sa kahilingan ng mag-asawang Hurukushi. Nakita niyang natigilan si Cherry at gustong niyang ngumisi. “Let me just call my secretary.”
Lumabas siya sa komedor at tinawagan si Tessa. Unang ring palang sumagot na ito.
“Yes, Sir Luke?” Anito sa kabilang linya.
“Cancel my flight. Re-schedule it tomorrow morning.” Utos niya rito.
“Huh? Sure ka, Sir Luke? Akala ko ba babalik ka kaagad kasi ang dami mong nakatambak na trabaho dito sa opisina.”
“Just cancel my flight.” Sabi niya at pinatay ang tawag.
Bumalik siya sa loob ng komedor at umupo sa bakanteng mesa na kaharap ng inuukupang upuan ng kasintahan ni Cherry.
“Ninong Sato, matatagalan ba kayo rito sa bansa?” Narinig niyang tanong ng lalaki. “Dad would really be happy if you visit him sometime. Na-miss na kayo ni Mommy at Daddy.”
So, ninong niya si Mr. Hurukushi? Tinitigan niyang mabuti ang lalaki na abala sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ni Cherry. Sa ayos ng pananamit nito, mukhang may kaya ito sa buhay. At ninong nito si Mr. Hurukushi, ibig sabihin, parehong mundo lang ang ginagalawan nila ng lalaki.
“Not really. We miss them too. Maybe some other time.” Sagot ni Mr. Hurukushi. “Anyway, let me formally introduce you two with our guest.” Binalingan siya nito. “This is Mr. Alexander Luke Vanderhorst. Mr. Vanderhorst, I want you to meet my godson. Creed Santillana. He’s a photographer of National Geographic Channel. A very talented fellow. Anak siya nila Mr. and Mrs. Charles Santillana.”
Tumaas ang isa niyang kilay. Santillana. “The owner of Santillana group of Resorts?”
Tumango si Mr. Hurukushi. “Yes. And then, this woman beside him is Cherry Jean Garcia. Secretary of CEO of Vander Corporation.”
He chuckled lightly. “My father is Alex Vanderhorst, the CEO of Vander Corporation.” Matiim niyang tinitigan si Cherry. “Hindi na siya secretary ng CEO ng Vander Corporation. Nag-resign siya kahapon. She was replaced this morning. Wala na siyang babalikang trabaho.” Pananakot niya pero ang totoo wala namang pumalit rito.
Nag-angat ng tingin si Cherry sa kanya at naningkit ang mga matang tumingin sa kanya. “I resigned for a reason. And anyway, wala naman akong balak bumalik sa Vander Corporation. I’m now Creed’s Secretary. Malaki na ang sahod, makakapunta pa ako sa iba’t-ibang bansa.”
Tumawa si Mr. Hurukushi na mas nagpadagdag sa inis na nararamdaman niya. So, iyon pala ang plano ng babaeng ito. Kaya naman ang lakas ng loob ng mag-resign.
“Very wise thinking, Cherry.” Wika ni Mr. Hurukushi. “It’s more comfortable working with Creed because he’s your best friend.”
His eyes widen a bit. Best friend? Pinaglipat-lipat niya ang tingin kay Cherry at Creed. Umasim ang mukha niya ng makitang pinunasan ni Creed ang gilid ng labi ni Cherry na may kumalat na sause gamit ang tissue.
Gusto niyang matawa. Magkaibigan? Yeah, right. There’s no such thing as platonic relationship between a male and a female. Palaging may nadi-develop sa dalawa. And he’s pretty sure that’s its Creed. Nasisigurado niyang walang nararamdaman si Cherry para sa kaibigan nito.
Sa akin may gusto si Cherry. Sa akin!
A/N: May unrequited love ba si Creed kay Cherry? Ano sa tingin nito? i-comment niyo na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top