CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

PARA namang natauhan si Katrina ilang segundo matapos sumigaw. "I-I'm sorry. I-I somehow forgot that he lives h-here. My friends love him too much," pagdadahilan niya. Hindi naman na siya pinansin ng lahat matapos siyang tapunan ng na-we-weirduhang tingin ng mga kasama.

Ilang saglit pa ay ibinigay na sa kanila ang mga keycard ng kaniya-kaniya nilang apartment unit. Binigyan na rin sila ng exclusive Royalty Card na magsisilbing credit card nila sa loob ng village para daw sa pagkain at mga gamit na maaari nilang kailanganin sa buong buwan. Pwede lamang nilang gamitin ang card na iyon sa loob ng village na iyon. At dahil tapos na rin naman ang pagpirma nila ng kontrata ay pinapila na rin sila para sa ID picture. Mabilis na lamang ang mga naging proseso kaya nakuha na kaagad si Katrina ng employee's ID niya. Ang likod ng ID niya ay kulay pula, ang ibig sabihin daw noon ay naka-assign siya sa bahay ni Vynzent Javier. May walo pang ibang kulay na nakabase sa kung kaninong bahay nakatoka ang maid o iba pang empleyado.

Gusto sana ni Kai na makipagpalit doon sa isa pang natanggap na maid at kulay kahel ang card nito kaya lang imposible naman iyon. Napabuntonghininga na lamang si Katrina saka lumabas ng opisina ng HR at dumiretso sa kabilang building — apartment building. Agad siyang sumakay sa elevator saka muling tiningnan ni Katrina ang card na kasama ng ID niya. It was the keycard for her unit. Talagang mukhang hotel ang sinasabing apartment ng mga empleyado. Hindi talaga lugi ang mga trabahador dahil maayos ang trato sa kanila sa loob.

When Katrina finally reached the door to her apartment, she swiped her key card and her lips formed an o when she opened the door. The place has a small living area, a kitchenette, a door to the bedroom, and a door to the comfort room. May sarili rin iyong balkonahe kung saan makikita mo ang kagandahan ng Royalty Village.

When she entered the bedroom, it was a simple single bed with a cabinet on the side and a small bedside table. Talagang hindi mo mararamdaman na nagtatrabaho ka sa lugar at aakalain mong nasa bakasyon ka lamang para mag-relax.

And that relaxing part was the one that occupied Katrina's mind as she laid her body on the bed. Hindi iyon kasing lambot ng kama niya sa sariling mansyon pero pwede na rin. Sa sobrang antok, dahil nga ang aga siyang sinundo ni Mary Raven, ay mabilis na nakatulog si Kai.

Hindi niya tuloy namalayan ang paglipas ng oras. Pasalamat na lamang siya at pinamimili pa lang sila ngayon ng mga gagamitin at lulutuin nila dahil tamad na tamad talagang bumangon si Katrina. Her only driving force was to see her beloved Nathan.

Inabot ni Katrina ang mapa ng villlage na ipinatong niya kanina sa bedside table bago siya nakatulog. On the map were a few details about the restaurant, fast food chains, the convenience store, and other important things, like the clinic. Unfortunately, her phone was confiscated at the office — All of the employees' phones were confiscated, especially those with cameras. It was to make sure that the life of the billionaires inside the compound would remain private and free from any social media activity. Kaya kahit tuloy ayaw na ayaw ng babae sa ideyang iyon ay wala itong nagawa. I wouldn't get to take a photo of my Nathan and it's pissing me off!

Bumuga na lamang ng hangin si Katrina para pakalmahin ang sarili bago pinilit na bumangon para bumaba at lumipat ng building para bumili ng ilang kakainin at gamit, according to her best friends, sa convenience store sa unang palapag. Sakto namang pagakarating niya sa building ay may ilang mga bago at mukhang lumang empleyado rin ang papasok sa convenience store. "Iha, mamimili ka rin 'ga ng mga gamit at pagkain?" tanong sa kaniya ng isang matandang babae na kasabay niyang pumasok sa loob. Tumango lang naman si Kai. "Ay, masasanay ka rin dito." Walang imik namang sumunod na lang si Katrina. Wala siyang enerhiya para magsalita nang magsalita at wala pa siyang natatanggap na Vitamin N para sa araw na iyon. "Ano 'gang pangalan mo?"

"Kat — Kai." Muntik pa nga siyang madulas sa sobrang kawalan ng gana. "Kai Graciadas."

Tumango-tango naman ang matandang babaeng palagay niya ay mas matanda pa kay Ma'am Estela dahil sa puti nitong buhok. "Isa ka sa mga bago, ano?" Tumango muli ang dalaga. "Ako naman si Kailah Sison, isa ako sa mga matatagal nang nagtatrabaho rito sa compound." Natigilan si Kai nang may maalala saka kinuha ang mapa. Tiningnan naman siya ni Aling Kailah. "Hindi ka na ba bibili?"

Umiling naman si Katrina saka tumingin sa labas. "I think I'm gonna go and grab some food first. I missed lunch," aniya habang iniisip na ang pwedeng i-order na pagkain.

Tinitigan naman siya ng matanda na siyang naramdaman ng dalaga kaya nilingon niya ito. "Kay ganda mo naman bumigkas ng Ingles." Saglit na natigilan si Kai. "Sigurado ka bang kasambahay ang nais mong pasuking trabaho?"

Damn it. Am I getting busted on my first day? Tumango na lang si Katrina bago nagpaalam at baka mas lalo pa siyang mahuli kapag nagsalita pa siya. Unfortunately, the spoiled princess could only understand Filipino but can't fluently say it. Hindi niya rin naman na sinusubukan at baka matawag na naman siyang conyo. At hindi iyon gustong mangyari ulit ni Kai. She's too damn scared to get bullied again just because of her way of speaking and voice tone.

Muli siyang sumakay ng elevator para makarating sa ikatlong palapag. Naroroon kasi ang mga kainan, specifically the Red Diamond Restaurant — Royalty Version. It was one of the most famous restaurants in Asia, Europe, and America, and knowing that its owner resides in this village, it wasn't surprising for Kai to see a smaller version here. When she finally spotted the classic-themed restaurant, walang pag-aalinlangang pumasok doon si Kai. And when the receptionist saw her, they greeted her with a smile. Even upon seeing her ID as an employee, the receptionist treated her fairly.

"Just a table for one. Thank you," sanay na sanay na bigkas ni Kai. And after she was guided to her table and given the menu, Kai completely forgot about her lowkey profile and acted as the normal her. Kaya naman nang matapos siyang kumain at makalabas ng restaurant ay saka lang niya na-realize kung magkano ang nagastos niya. "Oh my god! I should have not spent a lot on food!" bulong niya sa sarili. Nagmamadali naman niyang kinuha ang wallet mula sa loob ng maliit niyang shoulder bag saka iyon binuklat. "Thank God." Thank you, Mary Raven. Malaki talaga ang pasasalamat ni Kai. Saka lang din pumasok ulit sa isip niya na iba nga pala ang para sa pambili niya ng mga gamit sa loob ng village. Muli siyang sumakay ng elevator para bumaba at bumili ng mga kailangan niya.

So for the second time in her entire life, Katrina went inside a convenience store. May listahang ibinigay sa kaniya sina Joffy at Mary Raven na mga kakailanganin niya raw sa araw-araw. They have already somehow practiced this kaya nga pangalawang beses na niyang makapasok sa convenience store. But of course, hindi pa rin naman talaga gamay ni Katrina ang pagbili. Mas sanay nga naman kasi siyang mga maid nila ang gumagawa noon at automatic nang kumpleto ang gamit nila sa bahay.

"So ahm... According to those two, I have to buy a lot of these for me to at least survive?" bulong ni Kai sa sarili habang nakatitig sa sandamakmak na cup noodles. "Am I not gonna die early because of this?" nakakunot noong tanong niya pa. Buti na lang at siya lang ang nasa aisle na iyon dahil baka napagkamalan pa siyang siraulo kabubulong mag-isa.

She was about to grab the spicy seafood cup noodles when someone got ahead of her. Akmang magrereklamo na siya at sasabog nang makita kung sino iyon. "Oo nga, I did say I was going to grab some snacks, idiota. I'm almost done here. Just tell them to keep the microphone away from Dave. Siraulo, edi magwawala na naman 'yan," sabi ng lalakeng busy sa kausap nito sa telepono.

Saglit pa lang na nasisilip ni Kai kung sino ang mapangahas na lalakeng iyon nang mabilis siyang tumalikod saka nagkunwaring busy sa pamimili ng flavor ng cup noodles. What is that weirdo doing here? pagtukoy ni Katrina sa lalakeng papalayo na sa pwesto niya. Pasimpleng nilingon niya pa ito para lang masigurong wala na ang malas na iyon. That Vynzent Javier just ruined my entire day. Great! Kung may mga bilyonaryo din naman pa lang pagala-gala lang sa convenience store, edi bakit hindi na lang si Nathan ang nakita niya? Naiirita tuloy na dumampot na lang ng kung anong cup noodles si Kai bago pumunta sa mga tinapay at palaman.

Other than her sudden encounter with her boss, Katrina's convenience store experience would somehow be considered a success. May bitbit-bitbit nga lang siyang apat na paper bags pero sasakay lang naman siya ng golf cart at aakyat ng elevator pataas kaya hindi na siya mahihirapang buhatin iyon. Medyo naparami lang din kasi ang bili niya dahil natuwa siya sa dami ng murang klase ng candies sa convenience store na iyon at halos lahat tuloy ng brand nun ay kinuha niya.

After her convenience store adventure, Katrina was finally inside her apartment unit and this time, nagsimula na siyang mag-unpack ng mga gamit. Ang mga damit niya ay inilagay niya sa provided na cabinet sa kwarto. Ganoon din ang mga pinamili niya. Pasalamat na lang talaga siya at kahit papaano ay tinuruan siya ni Mary Raven kung anong mga pagkain ang dapat nasa ref at kung alin ang nasa cabinet lang.

Nang matapos ay pagod na humilata si Katrina sa sofa ng sala saka inabot ang remote ng maliit na flat screen TV. She let herself enjoy a movie before she decided to wash up. Hindi rin naman kasi siya nakapanood talaga at parang papikit-pikit pa ang mga mata niya kaya maliligo na lamang siya at nang makapagpalit na ng pantulog para dire-diretso nang makatulog. She was sure that tomorrow would be difficult for her. Itinatak na kasi ni Kai sa utak niya na sisimulan na niyang hanapin ang bahay ni Nathan bukas. The earlier, the better.

So after washing up and changing into her matching rabbit-printed pajamas, Katrina went inside her room and decided to take her slumber. Unfortunately, unlike earlier, hindi na muling makatulog si Katrina. For some unknown reason, she found herself sitting up and staring at the outside view through the window.

Napagdesisyunan niya na lang tuloy na bumangon na't tumambay muna sa may balcony. Napakunot naman ang noo ni Kai nang may marinig na kumakanta — pumipiyok. She was sure that it was the voice of a man.

Ilang saglit niya pang pinagtiisang marinig ang pumipiyok na iyon hanggang sa may ma-realize siya kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Dali-daling binalikan ni Kai ang mapa niya sa bedside table bago bumalik sa balcony. Based on the map, the sound was coming from the Royalty Village Hall. And according to Charm's orientation earlier, only the billionaires living in this village have the access to that place, unless some of the employees are assigned to clean there.

Sa isiping posibleng naroroon si Nathan ay nagmamadaling kinuha ni Kai ang jacket niya at ang key card saka lumabas ng unit. Idinahilan niya sa guard na may nakalimutan lang siyang bilhin na pagkain kaya naman nakalabas siya ng apartment nang matiwasay. In-offer-an pa siya ng guard na ipag-drive siya papunta roon gamit ang golf cart pero hindi na lang niya tinanggap at sinabing maglalakad na lang para tipid.

Buti na lamang at pinagbigyan siya ng guard at baka hindi pa natuloy ang plano niya. Pasalamat na rin siya at mukhang hedge maze ang village, natatakpan ng mga matataas na halaman ang view ng guard sa kaniya. Kaya lang ay nagkaproblema si Katrina nang akalain niyang malapit lang ang Royalty Village Hall at kayang-kaya lakarin. Parang gusto niya na lang tuloy bumalik at tanggapin ang alok na golf cart. "Whoever designed this place must have a death wish," Katrina kept on mumbling and mumbling.

Nagsisimula na ring sumakit ang mga binti niya at hindi naman talaga siya sanay sa mga malalayong lakaran. Lumiwanag lang ang mukha ni Kai nang mapansing nakalampas na siya sa dalawang mansion sa kanan niya. Sa likod ng malaking fountain at ang garden ng village ay ang pwesto ng hall. Mas binilisan naman ni Kai ang paglalakad nang mapansin ang biglang pagtigil ng pumipiyok.

After five minutes or so, Katrina found herself behind a tall bush just outside the Royalty Village Hall. Kitang-kita mula sa pwesto niya ang mga lalakeng bigla na lang nagtanggal ng damit para maligo sa pool. The only thing that they were wearing was their boxers. Bigla namang napatakip ng bibig si Kai. "In fairness, that bastard's body is to die for," Kai mumbled to herself as her eyes feasted on Vynzent's naked top. Mas lalong nagningning ang mga mata niya nang makitang nagtanggal din ng damit ang lalakeng pinapangarap niya. "OMG!" Mahinang tinampal ni Kai ang sariling pisngi. "Where's my phone when I badly need it?" Nanatiling titig ang mga mata ni Katrina kay Nathan kaya hindi niya napansin ang isa sa mga nakatira sa village na nasa likuran niya lang at sayang-saya sa panonood at pakikinig ng mga reaksyon niya. "Nathan is too perfect."

"Yeah, right," Leviathan snorted, which made Kai jump in surprise. It was a good thing that she did not scream. "Mas maganda pa rin kaya ang katawan ko," reklamo pa nito na parang hindi apektado sa gulat na tingin ni Kai. Levi then grinned at her. "Ikaw ah? Crush mo si Nathan 'no?" pang-aasar ng lalake na para bang matagal na silang magkakilala. "Nakakatakot na talaga ang mga babae ngayon, sila na ang mamboboso."

Nangulay kamatis na ang mukha ni Katrina dahil sa pinagsasasabi ng lalake. Para din siyang pinutulan ng dila at hindi na makapagsalita.

Naiiling na nakangisi pa rin ang lalake. "Isa ka sa mga bagong pasok?" Tumango na lamang si Kai. Levi jokingly sighed in disappointment. "Kapag nalaman ni Madam Estela na pakalat-kalat ka ng ganitong oras, yare ka niyan—"

Mabilis na umiling si Kai. "Don't tell her. I won't do it again." Okay, that's a lie. "I promise, I won't."

Napataas naman ng kilay si Levi nang marinig ang boses ng babae. Akmang tatanungin niya ang pangalan nito nang may biglang tumawag sa kaniya, mukhang may isa sa mga lalake ang nakakita sa kaniya. Sumesenyas naman si Kai na 'wag siyang isumbong. And since Katrina got Levi's attention because of her pretty face and sweet voice, he just smiled at her. "Oo na! May nakita lang akong kuneho!" sigaw nito pabalik bago bumulong. "I'll let this one slide, Miss Rabbit. I'll see you around?" Kumindat pa si Levi bago umakyat papunta sa hall.

Tila nakahinga nang maluwag si Katrina saka saglit pang sinilip ang mga naliligo sa pool na mga lalake bago tuluyan nang naglakad palayo ng Royalty Village Hall. So much for my first night.

H | Z

~~~

Fun Fact: 

When I first thought of writing this story, ang nasa isip ko talaga is how weird would it be if I put myself in the shoes of a fan girl slash stalker?  

Since I've always been this type of girl who has A LOT of crushes, napaisip tuloy ako, paano ba ako? Or like hanggang saan kaya aabot ang pagiging stalker ko if ever? 

So when I wrote an initial scene for this story the mahiwagang pag-akyat ng gate, if you know doon na siya nagsimula.

Ayon lang, pfft, enjoy the rest of the story, and thank you for reading ONWMS.

Sincerely being sincere,
Hadlee Zircon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top