CHAPTER SIX


CHAPTER SIX

"SO, ba't ka nga wala riyan sa unit mo nung bandang alas-siyete y media ng gabi?" tanong ni Abby sa kaniya habang kumakain sila ng agahan sa isa sa mga fast food chain sa loob ng RV. Nagkasalubong kasi sila noong papasara na ang elevator na sasakyan niya pababa ng building kaya sabay na lang daw silang mag-aagahan.

Kai just frowned at the woman. "What do you mean I wasn't there? I was. But maybe I was already in deep sleep during that time," she flawlessly lied even though her heart was thumping faster for a short while. Hindi niya pwedeng ikwento sa babae na binalak niyang pasukin ang bahay ni Nathan pero hindi siya nagtagumpay and instead, another one of the billionaires saw her and now knows that she's not really a maid.

"Sus," puno ng pagdududang react ng babae. "Kaya ba ganyan ka kaganda para sa isang maid? Edi sana all. Sorry, puyaters ako eh. Nagbabasa pa kasi ako ng story sa Wattpad bago matulog," pagk-kwento ni Abby na ikinakunot ng noo niya.

"Wattpad? What's that?"

Ngumiti naman si Abby. "Ang rason kung bakit single pa rin ako hanggang ngayon." Napataas na lang ng kilay si Kai na ikinatawa ng babae. "Charot lang, ito naman napakaseryoso sa buhay eh. Baka tumanda kang dalaga niyan." Napailing na lang si Kai saka muling humigop ng kape bago tumingin sa mala-garden na kapaligiran. She appreciates the view for it relaxes her mind and makes her compose her plan better.

Ilang minuto pa ang hinintay bago natapos nilang sabay ang agahan nila. They both went back to their units and changed into their uniforms. Once pleased with herself, Katrina went to the office to log in her attendance. Hindi pa siya nakalalayo mula sa opisina ay ipinatawag na siya. And so Kai, together with three more maids, rode the golf cart to Vynzent Javier's mansion.

Just like yesterday, Madam Bosette was already there waiting for them. Though this time, the mayordoma's eyes were set on Katrina. "You're assigned to the second-floor hallway. Gamitin mo ang vacuum at hindi ang walis. And never go inside any of the rooms up there, got it?" Tumango na lamang si Kai saka hinanap ang vacuum na sa pagkakaalala niya sa sinabi ni Abby kagabi ay nasa cabinet sa second floor.

Sa backyard na-assign si Abby kaya hindi niya ito makakausap sa kahit anong paraan. Napabuntong hininga na lamang si Kai saka nagsimula nang mag-vacuum. It was a good thing that Abby somehow taught her how to use it last night. At least sigurado na siyang hindi siya mapapagalitan ni Madam Bosette. Plus, it was a lot easier to use the vacuum compared to the broom and dustpan.

She was currently busy vacuuming the place when she suddenly bumped into a table and a picture frame fell down from it. Ilang beses na napakurap si Kai saka natigilan. Nakatitig lang siya sa nahulog na picture frame saka mabilis ang tibok ng pusong hinintay na dumating si Madam Bosette, but after what seemed to be a minute, nobody came rushing upstairs.

Medyo nakahinga naman na siya nang maluwag dahil doon saka nagmamadaling pinulot ang picture frame. It was a good thing that it did not break. But the picture on the frame caught Kai's attention. It was Vynzent but it seemed like he was in his teenage years. Mukhang parte ito ng isang banda dahil may nakasabit sa kaniyang gitara, and that there were four other guys in that photo. Wait, is that

"At ano na namang ginagawa mo riyan?" Muntik pang mabitawan ni Kai ang hawak-hawak nang biglang may nagsalita.

Nang tingnan niya kung sino iyon ay bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya. "M-Madam Bosette—"

"Ano? Hindi ka pa ba tapos?" pagtataray nito saka tiningnan ang hawak-hawak niya bago bumalik sa pagtingin sa kaniya. "Bakit mo naman pinapakelaman ang gamit ni Sir Vynzent? Hindi ba't sinabi kong mag-vacuum ka lang? You can't properly sweep in the kitchen and the dining room, tapos pati ba naman sa pagva-vacuum eh hindi mo pa magawa nang maayos? Should I report you now?"

Mabilis at sunod-sunod namang umiling si Kai. "I'm sorry, Madam. It won't happen again. It was just an accident—"

"Anong aksidente, aber?" Hindi naman malaman ni Kai kung sasabihin niyang nahulog niya ang picture frame at nagpapasalamat na iniligtas ng carpeted floor ang buhay niya o huwag na lang. Kai chose the latter one. Napailing na lamang si Madam Bosette. "Pangalawang warning mo na ito, iha. Kapag nakaisa ka pa, you're leaving this village. I'll make sure to tell you to the HR."

Napalunok na lamang si Kai saka nakayukong hinintay na umalis ang ginang. Nang tuluyan na itong nakababa ay saka lang nakahinga si Kai. Ibinalik na lang niya sa dating pwesto ang picture frame saka nagpatuloy sa pagva-vacuum. Buti na lamang at mas mabilis na siyang natapos kumpara sa kahapon. Kaya naman ibinalik niya ang ginamit sa cabinet saka bumaba na at tumayo sa tapat ng main door. Iyon daw kasi ang dapat gawin kapag tapos na sa assigned task.

Nang makita siya ni Madam Bosette sa may pinto ay umakyat ito. For sure, it was to check if she indeed have cleaned the place or not. Kaya naman nang makita niyang bumaba na si Madam Bosette matapos ang ilang minuto at hindi siya nito nilapitan pa ay nakahinga na siya nang maluwag.

Katrina waited for the other three maids at the main door, and when they were finally complete, all four of them rode the golf cart back to the apartment. Hindi naman na nila kasabay si Madam Bosette, and according to Abby, normal lang daw iyon dahil laging hinihintay ni Madam Bosette si Vynzent na dumating para ibalik sa lalaki ang susi ng mansyon nito.

Once they reached the first building, Kai went to the convenience store to buy herself some candies. Nakita naman niya ang isa sa mga bilyonaryong lalake na bumibili roon, kaya't iiwas na sana siya o magtatago man lang nang makita na siya nito. Why does it have it be him? "Miss Rabbit!"

Ipinikit ni Kai ang mga mata saka huminga nang malalim para ikalma ang sarili. Unfortunately, when she opened her eyes, the face of the gorgeous man with ocean blue eyes and a blonde side-parted wavy hairstyle invaded her view. "S-Sir—"

The man let out a charming smile. "You really have a pretty face," he complimented while still inches away from her.

Napaatras naman si Kai saka nag-iwas ng tingin. "P-Private space, Sir. You're invading my private space."

Umayos naman ng tayo si Levi saka mahinang tumawa. "Coming from the maid who was not supposed to be near the Royalty Hall during late hours." Katrina couldn't help but glare at the man, but she immediately changed it when she realized that he was still a boss and that there are other people in the store. Nakita naman ni Levi ang pagpapalit niya ng emosyon kaya mas natawa siya. "Don't worry, hindi ko naman pinagkalat sa iba."

This time, hindi na talaga napigilan ni Kai na samaan ng tingin ang lalake bago bumulong. "Someone knew about the rabbit that has a crush on Nathan, Mister!"

Medyo nagulat pa si Levi saka napaisip. He then leaned in and whispered as well. "Edi may iba pang nakahuli sa 'yo?" Napalayo naman si Kai saka nag-iwas ulit ng tingin. "Huli ka na naman, Miss Rabbit. Ba't kasi hindi ka nag-iingat?" natatawang wika nito sa kaniya.

Hindi naman na makasagot si Kai. I'm just really unlucky these past few days, but I can feel it! I will succeed later. Napabalik naman sa wisyo si Kai nang marinig ang boses ni Levi. "Huh? What were you saying?"

Napailing naman ang lalake habang nakangiti. "Ang sabi ko, gusto mo ba akong ihatid hanggang sa bahay ko?" pag-uulit nito.

Napakunot naman ang noo ni Kai. "Why would I want that? And besides, I'm not allowed there." Ipinakita niya ang kulay pula sa likod ng ID niya. "See? I only belong to the Red Mansion."

Levi looked at her with amusement on his face. "Akala ko pa naman gusto mong makita si Nathan mo—"

"When do we leave?" mabilis pa sa cheetah na tanong ni Kai pagkarinig ng pangalan ng lalake.

Ikinatawa naman iyon ni Levi. "You're really pretty." There was really no sense denying it. Ever since that night, Levi was already caught in her light brown eyes. "But we'll leave now if that's what you want—"

"Yes. Let's go." Akmang aalis na si Kai nang hawakan ni Levi ang braso niya. "What is it?" nagtatakang tanong niya sa lalake.

Gusto na lamang matawa ni Levi pero ngumiti na lang siya at baka tuluyan nang maasar sa kaniya ang babae. "We'll need a valid excuse if you want to roam around the village without your instructions."

Nakuha naman ni Kai ang punto ng lalake. "So, what do you want me to do?"

Inikot naman ni Levi ang tingin sa buong store. "How about you help me do groceries?"

Tumango naman si Kai. "Sure." Saka lang niya napansing hindi pa rin pala siya binibitawan ng lalake. "Uhh... Are you gonna remove your hand or not?"

Para namang natauhan si Levi saka binawi ang kamay at nagsimula nang tumingin sa paligid. "Just grab two baskets then we'll start shopping." Tumango na lamang si Kai saka sinunod ang lalake.

BOTH Levi and Kai were now walking along the village. Mas pinili pa talaga ni Levi na maglakad sa mas mahabang daanan at baka sakaling nasa basketball court o nasa Royalty Hall daw si Nathan, and Kai couldn't help but be happy about it. Even if it means carrying a paper bag and walking a very long path.

Nang madaanan nila ang basketball court ay nakarinig sila ng tunog ng sapatos sa court at bolang tumatalbog. Nakasalubong pa sila ng guard na kasalukuyang rumoronda at binati naman nito si Levi. "Sir Levi, saan po ang lakad ninyo?"

Ngumiti naman ang lalake. "I'm heading back to my house, pero may idadaan muna ako sa Hall, Kuya." Tumango naman ang guard. "Sino pala ang nandyan sa loob?"

"Ah... Si Sir Allen, Sir. Schedule niya po ng paggamit nang mag-isa sa court ng ganitong oras eh." Napatango naman si Levi bago ito tuluyang nagpaalam sa gwardiya.

Nanatili namang tahimik si Kai hanggang sa makita niya nang mas maayos at mas maliwanag ang itsura ng labas ng Royalty Hall. When Levi saw that, he couldn't help but ask her. "Ngayon mo lang ba nalaman ang tungkol sa Royalty Village?"

Tumingin naman siya sa lalake bago tumango. "I never knew that this kind of exclusive village actually existed before my friends told me about it and that Nathan lives here."

"So may crush ka talaga kay Nathan?"

Hindi naman na nagsinungaling si Kai at tumango. "You could say that. I don't know why but Nathan has this effect on me even though he was known to be cold or such. He has this expensive expression on his face that people rarely see. Not to mention that I already saw him smile but that was when I saw him in a club with his friends." Katrina's face softened. "It's just... It's satisfying to know that I could actually have the privilege to see that rare view, and I want to see him smile more, but because of me this time."

Titig na titig lang naman si Levi sa babae kaya kitang-kita niya ang paglambot ng mukha nito. "Sigurado ka bang crush lang 'yan?"

Katrina shrugged at that thought. Ilang saglit pa ay napatingin si Kai sa mga bahay sa kanan niya. "Nathan's mansion," she mumbled.

Mahina namang natawa si Levi. "Yep, but we're not stopping in front of it, masakit na ang binti ko sa paglalakad, gusto kong maupo o higa na para diretso na."

Nang dahil sa sinabi nito ay doon lang din napansin ni Kai na talagang mahaba-haba ang nilakbay nila. Napabalik siya sa wisyo nang maramdaman niya ang pagkuha ni Levi ng paper bag na bitbit niya. "Wh-What are you doing?"

Ngumiti lang naman sa kaniya si Levi. Saka itinuro ang paligid na walang katao-tao gamit ang nguso nito. "Magtago ka na lang dito sa may mga halamanan ko para mas masilip mo kahit papaano yung loob ng bahay ni Nathan, or if you're lucky enough, you might see him. Just make sure not to get yourself caught again."

Hindi naman napigilan ni Kai na mapangiti. "Thank you so much!"

Naiiling na ngumiti na lang si Levi sa naglakad papunta sa bahay nito. "Sige na. Mag-ingat ka, Miss Rabbit. 'Yung mga ganitong oras, naka-coffee break na at CR break ang mga guard. Good luck sa 'yo."

"You too." After that, parang nawala ang pananakit ng mga binti ni Kai saka pumwesto sa mga halamanan sa pagitan ng bahay nila Nathan at Levi hanggang sa makarating siya sa gilid ng garahe ni Nathan. Kailangan niya talagang mag-ingat at baka bigla na lang siyang mahuli ng mga guard.

Dahan-dahan naman ang naging kilos ni Kai saka ginawa ang kanina pang nasa isip niyang gawin. Tinanggal niya ang kanang sapatos niya saka pasimpleng ibinato papunta sa simpleng hardin ni Nathan. Napangisi naman siya nang makitang sumakto iyon ng landing saka nagsimula na siyang umakyat sa mataas-taas na bakod ng bahay ni Nathan. Maliban kasi sa bahay ng may-ari ng Royalty Village ay ang bahay ni Nathan ay tila may sariling mataas na mga bakod at gate na nakapalibot sa buong bahay nito, na iisipin ng mga taong ayaw nitong basta-bastang nagpapapasok o nag-iimbita ng tao sa loob.

"God! This is a lot more difficult than Nathan's previous gate," she mumbled to herself as she finally reached half of its height.

Akala ni Kai ay magtatagumpay na siya at walang ibang makakakita sa kanya, kaya lang ay doon siya nagkakamali dahil may dalawang pares na mga mata ang pinapanood siyang umakyat ng bakod habang nakasuot pa rin ng maid uniform. "Uhm... Miss?"

Sa sobrang gulat at kaba ay nag-alangan si Kai ng hakbang at hindi na nakakapit nang maayos kaya naramdaman niya na lang ang sariling nahuhulog. I guess this is goodbye, my Nathan. Goodbye, Earth.

H | Z

Reaksyon ng nakakita kay na umaakyat si Kai:

Itsura ni Kai nung may nakahuli:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top