CHAPTER FOUR

Hawwu po sa readers ng One Night Series!

First of all, thank you po sa pagbabasa po nitong story na ito. And as for the second po, this is a note that this series has no particular order, meaning you can read this one first and then read the orders in which order you want to read them.

Say hello to some minor spoilers nga lang AHAHAHAHA pero ayon, no need to worry kung anong una niyong babasahin. Basta enjoy lang.

Again, thank you po!

Sincerely being sincere,

Hadlee Zircon

~~~

CHAPTER FOUR

HUMINGA nang malalim si Kai nang makita ang sarili sa harap ng salamin. She was wearing a navy blue and white maid dress with a hint of gold linings. May maliit na patch din iyon na nakalagay ay RV — initials of the Royalty Village.

She then let out a satisfied smile as she stared at herself a little more. I look pretty in everything. I sure hope Nathan could see it too.

Ang nakalugay niyang itim na wavy na buhok na may ash gray highlights ay kinailangan niya namang itali into a neat bun. But since sanay si Kai na pinapatali ang buhok niya sa hairdresser niya sa mansyon ay naging messy bun iyon.

"At least I tried," she mumbled to herself. "Whatever. I still look pretty." Kai went on to putting on simple makeup before finally wearing her flat black shoes and leaving her unit with her ID lace around her neck.

Based on what Charmaine said during the orientation, kailangan munang mag-report ni Kai sa office for her attendance sa araw na iyon para if ever na kailanganin ng maids sa bahat ni Vynzent ay isa siya sa tatawagin.

"Good morning," bati sa kanya ng lalake behind the counter nang hindi siya tinitingnan. "Your ID, please." Agad iyong inabot ni Kai saka saglit na naghintay para ma-record ang attendance and availability niya. "Here you go. We'll call you if you're needed. Have a great day. Next," sunod-sunod na sabi ng lalake kaya umalis kaagad si Kai saka muling bumalik muna ulit sa unit niya.

Hindi pa nag-iinit ang pang-upo niya sa sofa nang tumunog ang telepono sa unit niya. She quickly stood up to pick it up. "Hello? Graciadas speaking."

"Good morning. The Red Mansion needs three maids. We are putting your name," sabi ng boses ng lalake na kung tama si Kai ay ang lalake sa likod ng counter kanina. He sounded cold but trying to be warm.

"Got it. Thanks." After her confirmation, the call ended. Muling tiningnan ni Kai ang sarili sa tapat ng salamin bago huminga nang malalim at lumabas ng unit niya para makababa.

According to the orientation, there will be a golf cart waiting for the assigned maids, kaya naman hindi na nagulat si Kai nang makitang siya na lamang ang hinihintay ng golf cart doon na may dalawa pang sakay na babaeng kapareho niya ng suot.

Compared to her mini trip last night, Kai once again appreciated the beauty and calmness of the village. Her sight was filled with relaxing green bushes and trees. Nadaanan na rin nila ang malaking fountain at ang Royalty Village Hall. There was a vacant lot between the basketball court and the Gray Mansion, which was slightly intriguing for Katrina. Although, as much as Kai wanted to ask the ladies she was with, she chose to keep her mouth shut. Panay English lang kasi ang lalabas sa bibig niya at alam niyang hindi iyon normal katulad na lamang ng sinabi ni Aling Kailah sa kaniya kahapon.

Hindi naman maitago ni Kai ang pagkamangha sa buong village. Talagang napakapayapa ng lugar. Just perfect to those famous and influential people who wanted to still keep their privacy. I should ask my parents to live in a more secluded and private area. Though parang hindi naman na iyon kailangan ni Kai dahil wala namang nakakakilala sa kanya. Kaya nga madali lang siyang nagpanggap na mahirap para maging maid eh. Her parents kept her life and identity private after she was bullied in highschool. Umiling na lang si Kai. Ayaw na niyang balikan ang parte ng buhay niyang iyon.

Nang huminto naman ang sinasakyan nilang golf cart ay bumalik na sa reyalidad si Kai at saka niya lang napansing nasa tapat na sila ng Red Mansion.

Ilang beses pang napakurap si Kai. I wasn't able to take a glimpse of Nathan's mansion! Bagsak ang mga balikat at naiirita tuloy siyang bumaba ng golf cart at sumunod sa dalawang maid. But somehow, Kai managed to look at the exterior design of Vynzent Javier's mansion. The paint of the house was mostly dark red with a little touch of black. It was a two-storey house with a garage. May malawak-lawak din itong frontyard and the fences around his place were all metal painted black.

May parang mayordoma naman sa bahay na naghihintay sa kanila sa main door. "You're in the living area," turo nito sa pinaka-unang maid. "You're in the second floor hallway," sabi nito sa pangalawa bago tingnan si Kai. "And you're in the kitchen and dining area."

Hindi nahalata ng mayordoma ang panlalaki ng mga mata at paglunok ni Kai dahil agad itong pumasok sa bahay. Oh my god! Kitchen? On my first day of work? Kinakabahang naglakad na rin si Kai papasok sa bahay habang pinapanalanging hindi siya ma-report sa first day niya. "Kitchen... Plates... Glasses... Oh my god," Katrina kept on mumbling and mumbling until she finally reached the dining area.

Based on the map of Vynzent's mansion, there's a cabinet full of cleaning materials inside the kitchen and so Kai went there after passing through the dining area. Una siyang kumuha ng walis kung saan nakasabay niya ang isa pang maid na in-assign sa living area. "Paabot na lang ng walis," anito sa kaniya.

Inabot naman iyon ni Kai bago kumuha ulit ng isa pang walis na siyang gagamitin niya. Pagkaalis ng babae ay nagsimula nang magwalis si Kai sa loob ng kusina. As minutes passed, Kai was getting more and more irritated. "Stupid dust, cooperate!" pabulong na sigaw niya sa mangilan-ngilang nawalis. Sa hindi kasi malamang dahilan, hindi nagsasama sa iisang lugar ang mga winawalis ni Kai. "Stop running away, damn it!" bulong niya na naman habang sinasamaan ng tingin ang mga winalis na para bang nagsisiliparan.

Sa sobrang focus ni Kai sa mga winalis ay hindi niya napansin ang naguguluhang tingin sa kanya ng kaninang maid. "Huy! Anong dinadaldal mo riyan?" anito para makuha ang atensyon ni Kai.

Bahagya pang nagulat si Katrina bago masama ang tingin na itinuro ang mga nagwawalang alikabok at iba pa. "Those stupid dusts just kept on leaving! They're not cooperating with me!" para bang nagsusumbong an batang wika ni Kai.

The maid flatly looked at her before walking towards some switches on the wall. She then switched off the ceiling fan inside the kitchen. "Bago ka kasi magwalis, patayin mo muna ang ceiling fan para hindi sila magliparan." Napailing naman ito. "Hindi ka ba marunong magwalis?"

Tila natigilan si Katrina sa tanong ng babae saka umiwas ng tingin. "I-I forgot about the fan," she mumbled but the other maid heard her.

"Ang taray mo ah. Kanina ka pa English nang English," anito na ikinakaba ni Kai. "Dalian mo na lang at magwalis ka na ulit. Baka mahuli ka pa riyan ni Madam Boset, pagalitan ka pa sa tagal mong magwalis."

Nakakunot noo namang tiningnan ni Kai ang maid. "Boset? Isn't it Bosette? Like Bo-sey?" nagtataka niyang tanong sa pronounciation ng maid sa pangalan ng mayordoma nila.

Bumungisngis naman ang babaeng maid na halos kaedaran niya lang din. "Quiet ka lang ha? Bagay naman sa kanya 'yon eh. Palaging boset sa buhay." Muling bumungisngis ang babae.

Katrina frowned even more. "What's boset?"

Nagtataka naman siyang tiningnan ng babae. "Boset, 'yung parang iritado sa life, ganon. Nakakairita o naiirita. Basta ganon."

Dahan-dahan namang napatango si Kai. She just learned a new word. She should be grateful. "Okay. Thanks. I'll continue sweeping the floor now before Madam Bosette catches me."

Napailing naman ang babae nang marinig na naman siyang mag-straight English bago nagpaalam at babalik na sa sala habang may dala-dalang pamunas.

Since the fan was now off, Kai had an easy time sweeping the dust and catching it with the dustpan — well, she tried. "Stupid dust! Why are you running away again?" bulong niya na naman at tila hindi niya iyon madakot nang maayos. Finally, Kai gave up and irritatedly went out of the kitchen to look for that maid she was talking to a while ago. "Hey, you," mahinang tawag niya rito at baka marinig siya ni Madam Bosette. "You, girl."

Nakataas ang kilay na tiningnan siya ng babae na huminto sa pagpupunas ng mga lamesa. "Oh? Ikaw ulit. Anmeron?"

Umiwas siya ng tingin habang medyo namumula ang mga pisngi. "T-The dust. They're not cooperating again."

The lady flatly looked at her for the second time before letting out a deep sigh and walking towards her. "Anong ayaw makipag-cooperate? Ano 'yang mga 'yan? Kagrupo mo sa research?"

Ilang beses na napakurap si Kai saka tiningnan ang daan papunta sa kusina. "The dustpan couldn't catch them all."

"Wow, hina mong Pokemon master ah."

"Huh?"

Napailing na lang ang babae saka nauna nang naglakad. "Wala. Lika na para matapos kaagad at baka mahuli pa ako ni Madam Boset na wala sa pwesto ko."

Tumango na lang si Kai saka sumunod sa babae. Tinuruan siya nitong magdakot gamit ang dustpan kahit naguguluhan ang babae sa ikinikilos niya. Tinanong pa siya nito kung bakit hindi ata siya marunong magwalis dahil marami pa siyang hindi nawawalisan na parte ng kusina. "I-I'll tell you later. But I'll take it from here. Thanks for the help."

Tinanguan na lang siya ng babae. "Ako nga pala si Abby, Nichole Abby. Mamaya chikahin mo ako ha? Babalik na muna ako sa pwesto ko't mayayari na talaga ako ni Madam Boset dahil sa 'yo."

Tumango na lang din si Kai saka ipinagpatuloy ang pagwawalis at pagdadakot. Akala niya ay makakaligtas na siya kay Madam Bosette pero pumasok ito sa kusina at nahuli pa rin siyang nagwawalis.

Tumingin ito sa suot na relo saka tinapunan siya ng masamang tingin. "You. Kanina ka pa riyan. It has been fifteen minutes. Hindi pa nawawalis ang dining area. Ano bang balak mo? Tumambay? Kekupad kumilos."

Nagbaba na lamang ng tingin si Kai saka parang robot na nagsalita. "Sorry, Madam."

Bumuga naman ng hangin ang palagay ni Kai ay nasa forties na babae. "Dalian mo na't baka abutan pa tayo ni Sir Vynzent dito." After that, Madam Bosette left the kitchen.

When Kai heard the bastard's name, she moved quickly. Ayaw niyang magkrus na naman ang landas nila ng lalakeng iyon at mainit pa rin ang ulo niya sa lalake. Pasalamat na lang talaga ito at kahit na parusa sa kanya ang magtrabaho bilang maid eh kapalit naman noon ay ang makita ang Nathan niya.

MATAPOS ang paghihirap ni Kai sa pagwawalis sa dining area ay natapos na rin siya. Hindi man kasing bilis ng gustong mangyari ni Madam Bosette ay hindi naman na kasing bagal sa kusina. Ang ending tuloy ay masama ang tingin sa kanya ng mayordoma nang lumabas na sila ng mansyon.

Saktong pagsakay naman nila ng golf cart ay ang pagdating ng kulay pulang kotse. Saglit na napatingin doon si Kai bago mabilis na tumalikod nang makitang lumabas mula sa kotse si Vynzent. "Are you done?" boses iyon ng lalake na halos nasa likuran niya lang.

"Si, Señor. Welcome home," pormal na sabi ni Madam Bosette.

"Took you long enough to finish," komento ng lalake at pakiramdam ni Kai ay tinamaan siya sa sinabi nito. "Whatever. I just want to be alone and rest. You may leave."

"How about for dinner—"

"Just leave. Now," maotoridad na bigkas ng lalake.

Para namang natigilan si Madam Bosette saka yumuko na lamang. "Understood, Señor." With that, sumakay na lang din ng golf cart si Madam Bosette saka sila umalis.

At dahil kasabay nila ang mayordoma ay hindi na sinubukan ni Abby na daldalin siya katulad ng naunang plano nito.

"You. The new one," nadinig niyang sabi ni Madam Bosette nang hindi siya nililingon. Sinenyasan naman siya ni Abby na siya ang tinutukoy nito kaya kailangan niyang sumagot.

"Yes, Madam?"

Hindi pa rin siya nilingon ng babae pero mataray ang tono ng pananalita nito. "Work faster next time or I'll tell the HR."

Kai got pissed but tried to calm herself. "Yes, Madam." Kasalanan niya bang ayaw makisama ng mga winalis niya kanina?

Nang makarating sila sa apartment ay nauna nang bumaba mula sa golf cart si Madam Bosette at pumunta pa ito sa building ng mga opisina. Magkakasama naman silang tatlong maid na dumiretso sa apartment building at nang sumakay an sina Abby sa elevator ay agad siyang sumabay.

Nang makitang nauna nang pumasok ang isa pa nilang kasamahan sa unit nito ay agad siyang nilapitan ni Abby. Sinenyasan siya nitong buksan na ang pinto at pareho silang pumasok sa unit niya. Nang maisara ang pinto ay nagtatakang tiningnan ni Kai ang babae. "Why are you here?"

At home na at home na umupo si Abby sa sofa niya sa sala saka naiiling na tingnan siya. "Ikaw, first day mo pa lang tapos pinainit mo kaagad ang ulo ni Madam Boset."

Iritado namang lumapit si Kai sa ref niya saka kumuha ng tubig. "Whatever. I don't care. I would work faster next time so she wouldn't scold me again." Para kasi kay Kai ay wala itong karapatang pagsalitaan siya ng ganoon but the dare kept getting into her mind so she has to cooperate if she really wants to interact with Nathan.

"Ewan ko sa 'yo. Pero nagtataka ako." Napatingin si Kai kay Abby na siyang nakatitig sa kaniya. "Ba't panay ang English mo? Ba't ka nakapasok sa trabaho kung nipagwawalis eh hindi mo magawa nang maayos? Saka mind you, ha? Sa tatlong buwan kong pagta-trabaho rito, ngayon lang ako nakakita ng maid sa RV na hindi alam na papatayin muna ang electric fan bago magwalis. Ano ka? Beginner? Eh basta normal na tao alam 'yon eh—" Natigilan si Abby. "Teka nga, normal ka ba?"

Si Kai naman ang natigilan at kinabahan. I-Is she going to find out? W-Would she tell me to the HR?

Mas lalong tumitig sa kaniya si Abby. "Beh... Alien ka 'no?"

Hindi malaman ni Kai kung maiirita siya o anong mararamdaman. "Really? An alien? I'm too pretty to be an alien."

Malakas namang natawa si Abby. "Kasi naman, beh. Hindi ka talaga totoong tao kung hindi ka man lang marunong magwalis."

"It's normal if you live with maids," Kai mumbled to herself.

Huminto naman ang babae sa katatawa. "Ha?"

Umiling na lamang si Kai. "Nothing. I just forgot how to do it because I just got into an accident," she flawlessly lied.

Tila bumahid sa mukha ng dalaga ang pag-aalala. "Ha? Aksidente? Tapos nagtrabaho ka kaagad? Hindi ba dapat eh nagpapahinga ka pa?"

Katrina just shrugged and her body calmed down. "I need to work hard." I have to see Nathan whatever it takes.

Para namang naintidihan ni Abby ang ibig niyang sabihin. "Well, kailangan ko rin namang magtrabaho nang husto dahil may pamilya akong sinusuportahan. Hirap maging panganay tapos yung mga kapatid mo eh mga walang direksyon ang buhay. Tapos pareho nang matatanda ang mga magulang mo." Napabuga na lamang ng hangin si Abby saka siya tiningnan at nginitian. "Pwes, kung nakalimutan mo na ang ibang gawaing bahay, handa naman akong tulungan ka. Kasi kapag napagalitan ka, lagot tayong lahat. At ayaw ko pang madamay, beh."

Parang nakahinga naman si Kai at kahit papaano ay may makakausap din siya. Hindi naman na tinanong ni Abby ang tungkol sa panay ang English niya kaya kahit papaano ay parang normal lang din ang pakikitungo sa kaniya ng babae.

Ilang oras din silang nag-usap pa at tinuruan siya ni Abby magwalis at maghugas ng plato. Nakailang beses pa siyang muntik nang makabasag pero buti na lang ay nasasalo kaagad ni Abby.

Nang pareho na silang napagod ay napagdesisyunan na ni Abby na bumalik sa sarili nitong unit. Hindi naman na sila pinatawag pa ulit sa office kaya naman nakapagpahinga na si Kai. Pumunta na lamang siya sa kabilang building at pumasok sa office para mag-log out.

Saktong paglabas naman niya mula roon ay may pumasok sa isip niya. She was staring outside of the apartment building when she finally thought of a plan before the night completely takes over. Kai then smiled at her plan.

I'll see you tonight, Nathan. I promise you that.

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top