CHAPTER FIVE

Hawwu hawwu ulit!

Before reading the next chapter, how about we play a simple game? Come back to this chapter of all the One Night Series story, and comment kung ano ang unang libro hanggang sa pang-siyam na libro based sa mga nagaganap sa bawat story. Of course malalaman niyo lang kung alin ang pinakauna at pinakahuli once na natapos na ang lahat ng stories.

Kung sino ang unang makakahula ng tamang pagkakasunod-sunod, I'll give you a copy of this series' bookset.

Yep, you read it right. Once na matapos ang series na ito (nawa'y matapos ko nang mabilis), I'll turn them into books. Maybe just a personal copy and well, the winner's as well.

Hope you'll participate, my GemZ, and enjoy the stories!

Sincerely being sincere,
Hadlee Zircon

~~~

CHAPTER FIVE

AT the stroke of seven in the evening, Katrina found herself asking a golf cart driver to drive her to the building on the other side. It was an uneventful hour since she just bought herself a burger and Coke before leaving the establishment. Kai made sure no one would see her until she finally reached the clubhouse. She was even wearing a simple pair of black jeans and a black shirt, thinking it would somehow make her invisible in the dark.

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Kai nang may marinig siyang nag-uusap mula sa likuran niya kaya naman agad siyang nagtago sa parehong bush na tinataguan niya kagabi. Sumisilip-silip siya sa mga narinig niya nang biglang may magsalita mula sa likuran niya. "What are you doing po?"

Gulat na napaharap doon si Kai saka nakita ang batang lalake na may kahawak-kamay na batang babae na kamukhang-kamukha nito. Twins! Adorable! "Hi." Bahagyang umupo si Kai para magpantay sila ng mga bata. She always had this thing about kids, maybe because she always wanted to have a younger sibling. "I'm looking for someone, but I think I'm kinda lost," she lied.

"Who are you looking for po?" tanong naman ng batang babae.

Katrina softly smiled as she found the kid cute. "I was looking for Nathan's house. I forgot where it was."

"Oh, we know where po." Hinawakan siya ng batang lalake sa kamay na siyang ikinatayo niya. "Let's go po."

Ilang beses napakurap si Kai. She was thinking if this was a good idea but since imposible siyang maggagagala nang mag-isa ay baka magamit niya pang excuse ang mga bata. Kai smiled at her thought. "Sure. Thank you. You're such nice and cute kids."

"Really po? We're cute po?" tila sayang-sayang na tanong ng lalake.

Nakangiti namang tumango si Kai saka nilingon din ang batang babae. "Yes, you're both really cute."

"Riel, sabi ko sa 'yo I'm also cute eh." Mahina namang natawa si Kai sa sobrang ka-cute-an ng mga bata. "What's your name pala po?"

Kai flashed her sweet smile. "I'm Kai, how about you two?"

"My name is Gabrielle po," pagpapakilala ng batang lalake bago itinuro ang kakambal nito. "Siya naman po si Celine. Twins po kami."

Kai's heart softened. That's pretty obvious, they're too identical, but... so cute. Must've been nice to have a twin. Nagdaldalan lang silang tatlo habang naglalakad. Sa sobrang page-enjoy ni Kai na kausapin ang dalawa ay hindi na niya napansing nakalampas na sila ng bakanteng lote at ng basketball court. "So what were you two doing near the hall?"

"Play po sa playground," sagot naman ni Gabrielle. "Pero need mo po ng help namin so tomorrow na lang po kami mag-play."

Muling napangiti si Kai. Bumitaw naman na si Celine mula sa pagkakahawak sa kamay ng kakambal nito saka tumabi sa kaniya sa paglalakad at hinawakan ang kabila niyang kamay. "You're comfortable with me now?"

Tumango naman ang batang babae saka siya tinanong. "Why are you looking for Tito Nathan po?"

Ilang beses namang napakurap si Kai. "Oh, ahm..." Think, Kai, think. "I'm a friend of your Tito Nathan and we have something to talk about." About our future marriage.

Tumango naman ang dalawang bata. "I thought you also have a crush on Tito Nathan po eh. I know a lot of girls who likes Tito Nate po." Pinigilan naman ni Kai na mapataas ang kilay. So I have a lot of opponents. "But you're pretty, Tita Kai. A lot prettier than the other girls po."

Kai felt her confidence rise because of that. "Thank you, Celine."

Natigil lang sila sa paglalakad nang nasa tapat na sila ng Orange Mansion. "Here na po tayo, Tita Kai. Color orange po yung house ni Tito Nathan."

May sasabihin pa sana si Kai nang biglang magsalita ang guard na rumoronda sa loob ng village. "Oh, Celine, Gabrielle, sino ang kasama niyo?" nakangiting tanong ng guard pero nararamdaman ni Kai na istrikto ito dahil kung makatingin sa kaniya ay parang pinag-aaralan na siya. One wrong move at isusumbong siya nito.

"Hello po, security!" Kumaway pa si Gabrielle bago siya itinuro. "Si Tita Kai po. We're just going to visit Tito Nathan."

Ngumiti naman na lalo ang security guard at mukhang pinagdududahan na talaga siya. "Hihingin ko muna ang pass ni Tita Kai ha?"

Kinakabahan namang ngumiti si Kai saka hindi pinahalata ang panginginig ng kamay habang kinukuha ang employee's pass niya. "Here you go."

Tiningnan naman iyon ng guard. Nandoon pa rin ang ngiti nito, para sa mga bata, pero seryoso ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Kulay pula ang pass mo, Miss Kai ah. At anong ginagawa mo sa labas ng ganito ka-late?"

Pasimpleng huminga nang malalim si Kai saka hindi pinahalata ang kabang nararamdaman. "I went out to have dinner but these kids saw me," turo niya pa sa mga bata. "And then they told me that they want to see Sir Nathan."

Seryoso pa rin siyang tiningnan ng guard bago tiningnan ang mga bata. "Gabrielle, Celine, totoo bang gusto niyong makita si Sir Nathan."

Nakahinga naman nang maluwag si Kai nang makita niyang tumango ang kambal. "Opo, yes po," magkasabay pa nilang sagot.

Mukha namang naniwala ang guard sa excuse ni Kai dahil ibinigay nito pabalik sa kaniya ang ID niya saka nanatiling nakatayo roon. "Sige, enjoy kayo, mga bata." Gusto na sana ni Kai na ngumiti nang matagumpay kaya lang ay narinig niya pa ang boses ni kuyang guard. "Kapag may nangyaring masama sa kambal, yare ka kay Sir Manuel."

Napalunok naman si Kai saka dahan-dahang tumango. "Y-Yes. Noted." Tinanguan na rin siya ng guard saka hinila si Kai ng kambal.

"Tita Kai, here na po house ni Tito Nathan," sabi ni Gabrielle habang nakaturo sa gate. "Orange."

Namamangha namang tiningnan ni Kai ang bahay ni Nathan. Bahay pa lang, kasing gwapo na ng may-ari. "Do you think we can get inside?"

Tumango naman ang kambal. Akmang lalapit na sila sa bahay ng lalake nang may boses na lalakeng tumawag sa kambal. "Gab-Gab! Cece!"

Sabay-sabay silang tatlo na lumingon saka nakita ang isang lalakeng papalapit sa kaniya. Oh my god! That's the vocalist of Lights Out! Kai, play dead! "Tito Chris!"

Bumitaw sa kaniya ang kambal saka niyakap ang lalakeng nagngangalang Chris. "Hey, twins. Napagala ata kayo rito." Tinapunan din siya ng tingin ng lalake bago iyon bumalik sa kambal. "Why are you here?"

"Punta po kami house Tito Nathan." Tinuro siya ni Gabrielle. "Help po namin Tita Kai."

Oh, hell. Muli siyang tiningnan ni Chris saka nginitian. "Really now, Tita Kai?" May bahid ng pang-aasar ang tono ng pananalita nito.

Napalunok naman si Kai saka bahagyang yumuko. "Sir Chris," bati niya rito.

Bahagyang umupo naman si Chris para pantayan ang mga bata. "Unfortunately, kids, ayaw pang magpapasok ni Tito Nathan sa bahay niya eh. Maybe next time, hmm?" sabi nito sa mga bata. Tumango naman ang kambal kaya tumayo na ang lalake. "How about I take you both home?" Tinapunan siya ng tingin ng lalake bago bumalik sa mga bata. "Your Tita Kai and I will get you to Tito Manuel's house."

"Okay po," magalang na sagot ng mga bata saka bumalik sa kaniya at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Let's go na po, Tita Kai. Tito Nathan is busy po," sabi pa sa kaniya ni Celine.

Wala namang nagawa si Kai kung hindi ang magpahila sa mga bata papalayo sa future house niya. So long, my Nathan. I'll come back tomorrow, I promise. "Kuya! Alis na kami. Hatid na namin ang mga bata," boses iyon nung Chris nang makita nila ang kaninang guard — mukhang binabantayan nito si Kai.

"Sige po, Sir Chris. Okay na po ba ang pinunta niyo po?"

Tumango naman yung Chris. "Yes, yes. Wala pa ring effect kay Allen ang kaingayan ko." Napailing na lang ang guard bago tuluyan silang naglakad palayo. Maiksi lang naman ang lalakarin papunta sa Blue Mansion kaya agad silang nakarating. "Gab-Gab, Cece, you guys can go inside from here, right? Mag-uusap lang muna kami ni Tita Kai."

Nakaramdam naman ng kaba si Kai. This is the second guy that caught me. Damn it! Ayaw sanang bitawan ni Kai ang mga kamay ng kambal pero wala naman na siyang nagawa nang tumango ang dalawa saka kumaway sa kaniya. "Babye, Tita Kai," sabay pang sabi ng kambal. Wala naman nang nagawa si Kai kung hindi ang kumaway pabalik.

"So... Mind walking with me while chatting? Pakiramdam ko ay hindi ka nakatira sa isa sa mga main house rito." Napahinga naman nang malalim si Kai saka tumango na lamang at naglakad kasabay ang lalake papasok ng Royalty Garden. "So... Why would Tita Kai want to see Tito Nathan?" may bahid ng pang-aasar na tanong sa kaniya ng lalake. "And please, spare me with the lies."

Huminga nang malalim si Kai saka hindi nagsalita. Baka mas mahuli pa siya kapag binuka niya ang bibig niya.

"Let me guess... you're the rabbit that Levi was talking about last night." Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kai. "Empleyado ka, tama?" Tumango na lang si Kai. "Tsk tsk. I'm telling you, Miss Kai. You shouldn't be carelessly roaming around. Okay pa at kami ni Levi ang nakahuli sa 'yo, at least hindi kami nagsusumbong. Pero kapag 'yung iba? Lalo na sina Dave at Brian? Nako, lagot ka talaga."

Napalunok na lang si Kai. "T-Thanks for not telling."

Medyo napataas ang kilay ni Chris. There's something about this woman that tells him she's not a normal maid. "So... Kai, right?" Tumango muli ang babae. "You like Nathan?" Agad na napaangat ng ulo si Kai saka gulat na tiningnan ang lalake. "Huli!" Tumawa naman ito. "So ikaw nga ang nakita ni Levi. Nag-kwento 'yon eh. May nakita raw siyang kuneho na mukhang may crush kay Nathan." Muli itong tumawa. "Nung una hindi ko makuha pero ngayon." Nginisihan siya ng lalake. "Good luck sa 'yo. Suplado pa naman ang lalakeng 'yon."

Kai couldn't help but roll her eyes. "As if I did not know about that already."

Mahinang natawa si Chris. "Well, we're already here," pagtukoy ni Chris sa Pink Mansion. "I have to get home now. Do you think you can handle it from here pabalik sa apartment ninyo without getting caught?" Tumango naman si Kai. "It was nice meeting you, Miss Kai." Bahagyang napangiti naman si Kai. "Hoping to meet you outside the village next time? Maybe during one of our concerts?" Ilang beses namang napakurap si Kai, hiindi niya makuha ang ibig sabihin ng lalake. Tiningnan naman saglit ni Chris ang braso ng babae bago iyon bumalik sa mga mata nito. "A normal and simple employee, even under the Royalty Village, wouldn't be able to afford a Portsea watch of Melbourne Watch Company."

Mabilis na napatingin si Kai sa relo niya. Hindi niya naisip na mahahalata iyon ng ibang tao. It was a gift from her mother so she always wear it. "I-I can explain—"

Nakangiting naiiling naman si Chris. "No need. As long as you're not here to cause us harm, your secret's safe with me." Naglakad na ang lalake papalapit sa gate saka siya nilingon. "Goodnight, Miss Kai."

Ilang beses namang kumurap si Kai saka pinanood ang lalakeng pumasok sa loob ng bahay nito. She then took a deep breath before letting it out. Damn it. I really have to be careful next time.

Kai already got warned by Chris but she's a hard-headed young woman. Whatever Kai wants, she will have. And if she wants to see and be seen by Nathan, then she will be... whatever it takes.

H | Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top