Kabanata 8

Kabanata 8

Not My Girlfriend

Umalis ako sa counter lalo na nang nakitang nakatoon agad ang kanyang mga mata sa akin habang nakapamulsa ang mga kamay.

"Ria, titingnan ko lang ang 'yong mga binigyan ni Jose ng pagkain sa table nine." Paalam ko sa kay Ria bago ako pumanhik para kausapin ang mga naroon.

Kinamusta ko ang order nila. Kahit na nakatoon ang mata at ngiti ko sa pamilyang nilapitan ay sa gilid ng aking mga mata, kitang kita ko ang paninitig ni Brandon sa akin habang umuupo sa high chair ng counter. Looks like I won't be going back to the counter anytime soon, huh?

Ilang minuto siyang naroon at ilang minuto ko ring inaagawan si Jose ng mga cart para sa order ng ibang mga turista. Madalas ay sinasamahan ko pa siya at nakikipag usap ako sa turista upang mag suggest ng gagawin tulad ng pag go-golf o pag ho-horseback riding.

Bahagya kong nalingunan ang counter nang nakita kong tumayo na si Brandon at dumiretso sa isang mesang tama para sa dalawa. Umupo siya doon at nag tawag ng  waiter para sa menu.

Tumalikod agad ako at nagpasyang lumapit sa counter para makalayo sa mga mesa kung saan nakalapit na siya.

"Ma'am, may bago pong dating na mga koreano, o." Sabay nguso ni Ria sa tabing mesa na inuupuan ni Brandon.

Nagkatinginan kami ni Brandon ng saglit. Bumaling agad ako kay Ria na nakakunot ang noo.

"Jay! Kunin mo dali 'yong order ng mga Koreano. Busy si Jose sa pagkukuha ng kay Mr. Rockwell," utos ko.

"Sige po, ma'am."

Nilingon ko si Ria at ang singkit niyang mga mata ay nagtataka sa ginawa kong iyon. Nag iwas ako ng tingin at tiningnan ang log book ko na minsan ko lang dungawin.

Ilang sandali ang nakalipas ay dumami ang tao sa Clubhouse. Kinailangan ng ibayong atensyon kaya hindi ko na napigilang makisalamuha at mapadaan sa mesa ni Brandon.

"Yes, sir. We also have seafoods." Ngiti ko sa isang hapon.

Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ulit ang paninitig ni Brandon sa akin. I know it's awkward. At sa ngayon ay kung hindi siya manhid, alam niyang hindi kami bating dalawa. Hindi ko ma arok ang makipag usap sa kanya sa ngayon. Isa pa, maraming customer kaya hindi ko priority ang tugunan ang mga titig niya.

"Jose!" Sabay pitik ko sa aking kamay.

Agaran ang pag tungo ni Jose sa mesang iyon. Medyo kabado na siya sa dami ng customer at gusto ko na lang sapakin dahil baka ay sa kaba niya, pumalpak na naman siya.

"Jay, can you call your manager, please?" Sinabi ni Brandon sa isa pang waiter.

Nakangisi ako sa hapon nang narinig ko iyon. Nagkunwari akong walang narinig ngunit kung hindi lang ako kinalabit ni Jay dahil sa utos ni Brandon ay hindi ko siya lilingunin.

"Ma'am, tawag po kayo ni Mr. Rockwell," si Jay.

"Jay, may ginagawa pa ako dito. I'm taking the order of Mr. Matsumoto," ngisi ko.

"Kung gusto niyo, ma'am, ako na ang kumuha ng order niya." Ani Jay sabay tingin sa hapon. "Baka po malaking mang tip ito."

Ngumiwi ako at gusto ko na lang siyang patahimikin. Ngunit nang nagsimula na siyang mag hapon ng matigas sa mga customer ay umirap na lang ako.

Bumaling ako kay Brandon at naglakad ng diretso. Wala akong dapat ikakaba sa pagkikita naming ito. The boss needs me, I'll obey his biddings.

"Yes, Mr. Rockwell? What's your order?" Ngiti ko ng diretso sa mga mata ni Brandon.

Nagkasalubong ang kanyang kilay na para bang galit pa siya sa pagiging kaswal ko. "Wala sa job description mo ang makihalubilo sa guests."

Di ko mapigilan ang pag irap. "Mr. Rockwell, we're trained to be hospitable. It's part of a manager's job. Hindi ko kailangang makihalubilo pero para maging isang epektibong manager, gagawin ko iyon."

"I'm sorry, Av. Alam kong galit ka sa nangyari kagabi. I just didn't want her to treat you that way. Masama ang ugali non kaya-"

Ngumiti ako at pinutol siya, "Ayos lang, Brandon. I'm just concerned kung may order ka ba o wala. Tinutulungan ko kasi ang mga waiters. Medyo marami kasing tao."

Suminghap siya. "Alright. I'm sorry. I want a shot of whisky please." Sabi niya sabay baba sa menu.

Ngumuso ako at nilagay sa order form ang kanyang order. Umagang umaga ay iyon ang hihingin niya? Well, whatever. That is his life!

Ibinigay ko kay Jay ang order niya pagkatapos ay nakihalubilo na naman sa ibang customer. Pagkatapos kong gawin iyon nang di nililingon kahit kailan si Brandon ay dumiretso na ako sa opisina para ma review ang log at makakain na rin.

Naroon lamang siya paglabas ko ng mga ala una. At hanggang sa gumabi ay nasa mesang iyon parin.

Nagulat ako nang may dumating na dalawa pang medyo foreign na lalaki at umupo sa kanyang mesa. Namukhaan ko ang isa bilang isa sa palagi kong nakikita tuwing nagpaparty kami nina Adrian at Jessica. Ang isa naman ay iyong palangiting lalaki, maputi, at kasing kisig din ng kasama. Gulat si Brandon sa presensya ng dalawa. Nasa menu agad iyong kararating lang na kanyang bisita at agad tinawag si Jose.

"Mga pinsan ni Mr. Rockwell." Sabi ni Ria na bahagyang tumitili.

Now, I remember. Of course that's Rage Del Fierro out there, pinsan niya nga pala ang isang ito. Hindi ko kilala ang kanyang kasama.

"Jay..." Tawag ko ngunit nakita kong may nabasag sa malayong mesa na kanya tinutugunan.

Ang ibang waitress naman ay abala sa iba pang mga customer. Si Jose ay abala rin sa paglalapag ng mga pagkain sa isang buong pamilya.

Kinagat ko ang labi ko nang nakitang nagtaas ng kamay si Rage Del Fierro, ang pinsan ni Brandon.

"Ako na lang ang kukuha." Sabi ko at kinuha ang order form.

Nang namataan ni Brandon ang pagtutungo ko sa kanilang mesa at umigting agad ang kanyang panga at humalukipkip kaagad siya.

Nag angat ng tingin ang palangiting lalaki samantalang si Rage ay nasa menu ang mga mata. Nagtaas ng kilay si Rage nang napatingin sa akin.

"I'll have the classic steak. Bilisan mo ang pag oorder, uuwi pa ako." Sabi niya sa katabi.

"Bakit ba nagmamadali ka laging umuwi? Samantalang si Brandon dito ay mukhang permanent residence na ang Tagaytay nitong mga nakaraang araw." Halakhak nong kasama nila.

"Classic Steak." Sabi ko at nilagay iyon sa form.

Napatingin ulit sila sa akin. Nagtaas ng kilay ang palangiting lalaki at napatingin kay Brandon. Kahit di ko sila tinitingnan ay kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag iling ni Brandon sa kanila.

"Magbabayad ako agad, Miss Avon." Sabi ni Rage, tinitingnan ng aking name plate. "Nagmamadali ako, e." Sabay abot sa kanyang itim na card.

"Okay, sir. I'll take note." Sabi ko at naramdaman ko ang haplos ng kanyang kamay sa aking mga daliri nang hinaplos niya ito pag abot ng card.

Tinagilid ni Brandon ang kanyang ulo kay Rage at tumawa ito. Bahagyang uminit ang pisngi ko sa nangyari.

"What is it? Hindi ka ba masaya? I'm paying for all of us." Sabi ni Rage.

Napatingin ako kay Brandon na mukha na namang galit sa akin. "I will pay for us, Av. You can... give it back to me." Sabay lahad niya ng kamay.

"Oh!" Nagkibit balikat ko. "Sige po.

"What's the problem, Brandon?" Tawa ni Rage.

"I'll have one classic steak, too Miss Avon." Ngiti ng isang lalaki.

Tumango ako. "How about you, Mr. Rockwell?" Sabi ko dahil nagtatalo pa ng tahimik si Brandon at Rage.

"I'm fine with another whisky," tumango ako at binigay kaagad ang form sa dumaang si Jay para siya na ang gumawa ng paraan para mabigyan sila non.

Naglakad na ako palayo at biglaang naghanap ng tubig. Nagpaalam ako kay Ria na papasok lang sa kitchen. Maghahanap ako ng juice doon o kahit anong makakain. Hindi yata ako nabusog sa lettuce na kinain ko kanina.

Dumiretso ako sa double doors na kitchen. Binati ng iilang abalang kusinero at nagpunta sa medyo mas tahimik, kung nasaan ang iilang drinks at ang malaking fridge.

"Ang pula ng pisngi mo kanina, a?"

Halos napatalon ako sa narinig kong boses sa likod. Suminghap ako at nilagay ang kamay sa dibdib. "Holy! Don't scare me like that, Brandon." sabay kuha sa isang coke in can.

Nakangiti siya ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagiging sarkastiko nito.

"Do you like my cousin?" Biglaan niyang tanong.

Halos maibuga ko ang iniinom ng coke. "Cousin? Del Fierro?" Tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. "And you know him?"

"Of course! It's a small world, Brandon." Sabi ko.

"So... you like him?" Mariin niyang tanong.

Bahagya akong natawa. "I like him? No." Sabi ko.

"Your face turned bright red the moment he touched your hand. Why I don't believe your answer."

Kinagat ko ang labi ko. "Teka nga. And if I like him? What is it to you? Is it a big deal?" Bahagya akong umatras para malayo sa kanya.

Ngunit humakbang siya ng dalawang beses para mapalapit. "Why don't you answer my question first?" He sounds so ridiculous, I couldn't help but smirk.

"Hindi ko obligasyon ang sagutin ang tanong mo, Brandon. You are my boss but that's too personal."

"So you do like him? Coz if you don't, hindi naman mahirap tumanggi, a?"

Tumawa ako ng bahagya. "If I like him, ano ngayon?"

Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at pagtikom ng kanyang bibig. Nagkibit balikat ako at lalagpasan na sana siya ngunit bago pa ako tuluyang makaalis ay hinawakan niya ang braso at ibinalik sa kinatatayuan ko.

"Bitiwan mo ako." Utos ko.

Mabilis niyang ginawa iyon habang nakatitig sa akin.

"So that's your type?" aniya.

Umirap ako. "Saan ba patungo itong pag uusap nating dalawa? Why is it such a big deal to you?"

"I know you are suddenly cold to me because of what happened last night! I already said I'm sorry! And then my cousin showed up, suddenly your eyes are all over him, Avon?" Galit niyang bulyaw.

Nalaglag ang panga ko. I can smell the mix of mint and whisky in his breath. "You're fucking drunk." Iling ko.

"Oh, you curse?" Malambing niyang sinabi at agad na humakbang pa papalapit sa akin. Pumungay ang mga mata niya. "I can't take that blow. The girl I like, likes my cousin."

Holy shit? Tinulak ko siya at bahagya siyang napaatras. "Wala kang karapatang magsalita ng ganyan. You're taken! You have your... damn mermaid. Don't lie to me. I know guys like you. You're a playboy!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko. "May girlfriend ka na, hindi ka pa nakuntento! Anong butas pa ba ang gusto mong pasukin at bakit parang naghahanap ka parin?!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mata niya. "Oh come on! Arielle is not my girlfriend!"

"Friend! Friend with benefits! Whatever! That's the same! Kaya wag kang umasa na mag i-stick din ako sayo kasi ni hindi mo nga maibaling ang buong atensyon mo sa akin buong araw para lang sa naghihisteryang babaeng iyon!" Mabilis ang hininga ko.

Napapikit ako agad sa mga nasabi ko. Oh shit!

Tinakpan ko ang bibig ko at mabilis siyang tinalikuran. Tinawag niya ako ngunit may narinig akong mga nabasag. Narinig ko ang pagkakataranta ng ibang waiter na nasa loob at nagmura si Brandon ng napakalakas.

That is what you fucking get.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: