Kabanata 6
Kabanata 6
Girls Like You
Mabilis kong binuksan ang kanyang pintuan. Pilit ko mang itago ang pagkakairita dahil ayaw niyang pag usapan iyong babae ay hindi ko magawa ng lubusan.
"Thanks for the ride." Sabi ko nang di siya tinitingnan.
"Hey..." Aniya bago ko pa naisarado ang pintuan.
Binuksan ko ulit ito at nagtaas ng kilay sa kanya. Tumitig lang siya sa akin. Ilang sandali pa akong naghintay ng sasabihin niya bago siya tumikhim at nagsalita.
"I'm sorry. Hindi lang talaga importante..." aniya.
"It's okay." Ngumiti ako. "And... uhm... kung hindi ka pwede bukas, ayos lang. I don't mind." Sabi ko at mabilis na sinarado ang pintuan.
Hindi na ako tumingin sa kanya. Ayaw kong madulas sa pagkakairita ko. Ayaw kong malaman niya na big deal sa akin na hindi ko nalaman kung sino ang babaeng iyon. Nagulat ako nang lumabas siya sa kanyang Benz at tinawag ako.
"Avon... Hey..." Aniya.
Nilingon ko siya ng nakangiti. "Hmm?"
"I'm sorry. Pupunta ako bukas dito. Susunduin kita. Around 7am. Breakfast muna tayo bago pasyal."
Umiling ako. "No, Brandon." Mariin kong sinabi. "Hindi kita pinipressure at mas lalong hindi ka dapat mag sorry. I just want you to know na I'm not expecting anything. Makakapasyal na man ako dito ng mag isa. Thank you for the offer but if you're gonna be busy tonight, then it's alright. You don't need to wake up that early for tomorrow." Sabi ko.
Nakakunot ang kanyang noo habang nakikinig sa akin. "She's nothing. Pauuwiin ko rin iyon ngayon. Bumisita lang iyon dito."
Tumawa ako sa pagpapaliwanag niya. Gusto kong magtanong kung sino ba iyong babae pero ayaw kong maisip niyang interesado ako sa pagkatao nong ingratitang iyon. "Well, okay then. Good night?" Nagtaas ako ng kilay.
Tumango siya at yumuko na parang bigo. "Good night."
Papasok ako ng dorm ay normal pa ang lakad ko pero nang nasa kwarto na ako ay nagmamadali na ako sa pagkuha ng aking cellphone para tawagan ang mga kaibigan ko.
"Adrian!" Sabi ko habang naririnig ang mga alon sa background. Dinig ko rin ang tili ni Jessica at tawa ng boyfriend niyang si Anton. Poor friend, third wheel na naman. I missed them but I have news! "I saw the girl!"
"Saan?"
"Dito, Adrian! Sumugod bigla! Nasa tapat siya ng villa ni Brandon! She's hysterical! Like she wants Brandon to fulfill her needs! Yuck!" Sabi ko.
"Fulfill her needs? Where the hell did you get that? Ano ba ang nangyari?" Natatarantang sinabi ni Adrian.
"Basta! Hinampas niya 'yong sasakyan ni Brandon at inutusan niya na iwan daw ako dahil gusto niya kanya muna si Brandon." Paliwanag ko.
"Did you ask him kung sino ang babaeng iyon? Girlfriend niya ba?"
"Ayaw niyang sabihin. Hindi ko na rin pinilit. Ayaw kong magduda siya. At isa pa, siguro ay pampalipas oras iyon ni Brandon. And then oh my God, she's dad's mistress! Is she an escort girl? Oh my God, Adrian!" Halos pahisterya kong sinabi.
Buong gabi silang papalit palit ni Jessica sa cellphone ko. Pinapakalma o ginagatungan ako, depende sa naiisip nilang mga spekulasyon. Sa huli ay inantok rin ako kaya nakatulog na. Maaga akong nagising kinaumagahan dahil binangungot ako.
Naligo ako at nagbihis. Inisip kong kakain na lang muna ako ngayon bago aalis. Hindi ako dadaan sa Clubhouse. Sa baba lang ako ng dorm kakain at papasyal ako sa may malapit sa Hill Side. I have never been there so doon ang punta ko. Gusto ko ring makita kung saan malapit ang Mount Makiling.
Bumaba ako at sa hall ay ikinagulat ko ang pagkakakita ko kay Brandon. His hair down, white folded v neck t shirt, faded maong, and brown boots. Pinilit kong itikom ang bibig kong halos malaglag na sa presensya niya. Kita ko sa mga mata niya ang pagkakabigo at pag aalala. Nag taas ako ng kilay.
"Good morning!" Sabi ko.
"Good morning." Bati niya, mas mahinahon.
Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang cafeteria ng dorm. Ginugutom na ako. Nakatayo lang si Brandon sa harap ko na parang may sadya pero mas nagugustuhan niyang titigan na lang muna ako.
"Uhm?" Nagtaas ako ng kilay. "May sadya ka sa mga empleyado?" Tanong ko.
Tumikhim siya. "Papasyal tayo ngayon, hindi ba?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam na matutuloy. Anyway, kakain muna ako." Sabi ko.
"We can eat on my villa." He said matter of factly.
Natigilan ako. Tinagilid ko ang ulo ko at naging interesado sa gusto niyang mangyari. Kung naroon ang babaeng iyon doon, aba ay susunggaban ko ang pagkakataong ito.
"Well, I'm not so sure about that. If the girl last night-"
"Wala siya. Umuwi siya kagabi." Agad niyang sinabi. "Let's go." Hinintay niya ang pagtango ko bago kami umalis.
Paano ko ba siya mapapakanta? Paano ko aatakihen ang isang ito para masabi niya kung sino nga ang babaeng iyon?
"Brandon..." Sabi ko at nilingon siya. "I'm sorry last night. Tingin ko ay nagpaimportante pa ako at nagpahatid sayo dito samantalang mukhang may kailangan ang girlfriend mo sa'yo." Sabi ko, pinapanood ang pagkunot ng kanyang noo.
"She's not my girl." Mariin niyang sinabi.
"Oh... well, is she your sister? Cousin? Friend? Best friend?" Nagtaas ako ng kilay.
Nilingon niya ako. "She's just a friend. She's not important."
"Akala ko kasi girlfriend mo. She's hysterical. Akala ko pag aawayan niyo ako. Akala ko pinagseselosan niya ako."
Tumawa siya. "No, she's not my girl."
Ngumuso ako at malulutong na mura na ang nasa utak ko. Hinawi ko ang buhok ko at tumingin sa kalsada. "Fling?"
Nilingon niya ako. Kita ko sa gilid ng aking mga mata. "Avon, the sun is up at hindi ba pwedeng ibang bagay ang pag usapan natin? Not unless you're jealous with that girl."
"I am not." Mariin kong sinabi. Why on earth will I be?
"Then, let's not talk about her." Aniya habang binabagalan ang sasakyan dahil palapit na kami sa villas.
Naisip ko tuloy na kung sabihin ko sa kanyang nagseselos nga ako ay sasabihin niya kaya rin sa akin kung sino iyon? Okay, Avon. We'll take this one step at a time. Kalma at nang sa ganon ay makamit natin ang ninanais.
"We're here!" Ani Brandon nang nasa labas na kami ng kanyang villa.
Mababa lang ang fence na kulay puti. May mga halaman at bulaklak na halatang inaalagaan ng mga hardinero ng Highlands. Hindi gaanong kalayuan ang sumunod na mga villa at iba iba ang itsura ng mga iyon. Ang kay Brandon ay yari sa kahoy. Kulay brown at makintab ito. It looks more like a cabin to me. Ang double doors na salamin ay out of place sa pagiging mukhang bahay ng isang cowboy. Ang puting kurtina sa gilid at sa mga bintana ay lumilipad ayon sa hangin na umiihip.
"Wow!" Sabi ko nang pumasok ako at kitang malinis ito.
Bumungad sa akin ang sala na may fire place, sofa na kulay pula, ilang mga furniture na gawa sa kahoy, at malaking salamin. Nakahilera ang mga magazine sa baba ng coffee table na pinalibutan ng sofa. Sa bandang kanan ay may dalawang pintuan. Sa kaliwa ay patungo sa kitchen at may isang pintuang mukhang bathroom.
"You like my villa?" Tanong niya, pinapanood ang reaksyon ko.
"Yes! Ikaw lang ba mag isa ang nakatira dito?" Sabay tingin ko sa dalawang pintuan sa kabila.
"Yup. May naglilinis dito na taga Highlands pag hinihingi ko. Lahat ng villas dito ay ganon." Paliwanag niya at humakbang malapit sa kusina.
"Oh. Saan pala nakatira ang mommy mo?" I asked.
"May bahay kami sa Makati. Pag nandito naman siya sa Tagaytay, may bahay rin kami labas ng Highlands."
Tumango ako at hinaplos ang sofa niya. Nanliit ang mata ko. "Dinadala mo dito mga babae mo, no?" Biro ko.
Umiling kaagad siya, nangingiti. "No. I don't bring girls here. Dito tayo sa kitchen..." Aniya.
Nanliit ang mata ko at sumunod sa kanya. Ganon parin ang disenyo ng kitchen. Wooden and modern at the same time. May round table siyang two seater lang. Sa counter ay may pagkaing nakahanda. I wonder if he cooks? What is it to me if he does cook? Nagkibit ako ng balikat.
Nilapag niya ang isang putaheng chicken wings na may mabango at spicy sauce, sunny side up eggs, and bacon sa round table.
"Wow! Nagluluto ka?" Tanong ko.
Tumango siya at ngumiti. Umupo ako sa upuan sa round table at hinayaan siyang ilapag ang baso, pinggan, at kutsara doon. May kinuha siya sa ref na pitcher ng juice bago siya umupo sa harap ko.
"Let's eat." Aniya at nilagyan ng bacon at bread ang pinggan ko.
"Thank you." Ngiti ko kumain na.
Kumain na rin siya. "I'm surprised di ka umuwi ng Manila."
Ngumiti ako. "Ayos lang. Siguro next week."
Kumunot ang noo niya. "May party next week. The Club's going to be busy."
Tumango ako. "Talaga? 'Yan ba 'yong anniversary? Baka di na naman ako makauwi." Sabi ko.
"Yup. I'll be there. Some of my friends too." Aniya.
Medyo naging alerto ako sa sinabi niya. His friends? Ibig sabihin kasama iyong ingratang iyon? This will be exciting. Paghahandaan ko iyan! "Oh. Uhm... Then buti di ka umuwi ng Manila? You have business here?" Tanong ko.
"Bakasyon lang." Aniya.
Tumango ako. May idadagdag pa sana ako nang biglaang tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan muna kami bago ko iyon kinuha. Nang nakita kong si Adrian ang tumatawag ay nag isip pa ako kung sasagutin ko ba ito o ipagpapaliban muna. "Excuse me." Sabay tayo at nagpakalayo sa kitchen para kung anong balita man iyon ay hindi malaman ni Brandon.
"Good morning!" Maligayang bati ni Adrian.
"Good morning! Ano?" Tanong ko, excited sa balita.
"I have news. Not sure if it's good or bad. Dalawa." Aniya.
Nanginig ako. Buong akala ko ay tungkol kay daddy at sa girlfriend niyang bwisit pero nang narinig ko ang kabuuan ay umirap ako. "Aalis ako next week. Magtatrabaho ako sa Thailand, Le Marcelle." Aniya.
Tumikhim ako. "Paano na?" Bulong ko. "Tutulungan mo pa ako diba?"
"Si Jess na ang tutulong sayo habang wala ako. Isa pa, may Skype naman kaya don na kita tutulungan. Ang sinabi ni Jess ay picture-an mo daw 'yong babae kung hindi mo mapakanta si Brandon."
Tumango ako habang umuupo sa sofa nina Brandon. Nilingon ko ang pintuan patungong kitchen para bantayan at baka nakikinig siya. "Okay. What's the other news?" Tanong ko.
"Ikakasal na iyong pinsan mong si Charity. Actually, kasal na siya. Civil. Mag chu-church wedding sila."
Nalaglag ang panga ko. Ibig sabihin nito ay uuwi ako ng Cebu? "Okay. Talaga? I'll call my family later. Thanks for telling me, Ad."
Nagtalo pa kami tungkol sa pagmamadali ko. Nang sinabi kong nakikipag breakfast ako with Brandon ay tumigil rin siya. Pagkabalik ko sa hapag ay naabutan ko si Brandon na hindi ginagalaw ang kanyang pagkain. Tsaka lang siya gumalaw nang umupo ako.
"I'm sorry. Tumawag ang kaibigan ko." Nag kibit balikat ako at naisip kong umuwi ng Manila. Next week ang alis ni Adrian? That means we need to see each other before next week. Can I file a leave?
"Nagalit ba ang kaibigan mo kasi nakikipag breakfast ka sakin?" Nag iwas siya ng tingin.
"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Hindi. Ba't siya magagalit? Hindi ko naman iyon boyfriend."
Nag angat ng tingin si Brandon sa akin. "You don't have a boyfriend?" Tanong niya.
"Wala pa akong naging boyfriend." Sabi ko at tumitig sa kanya. Inalis ko ang iniisip kong relasyon namin noong high school sweetheart ko. That is not counted as a relationship!
Huminga siya ng malalim. Tinusok ko ang bacon at pinaglaruan.
"Don't feel too guilty." Ngiti ko. "Alam kong marami ka nang naging girlfriend. At marami ka nang pinormahan. Guys like you? Rich, successful, and with a pretty face?" Umiling ako at di na dinugtungan.
"I'm not guilty. Why would I be? Wala naman akong intensyong masama sa'yo. Naisip ko lang kung totoo ba 'yang sinasabi mo sa akin. Girls like you should be taken and pregnant by now." He smirked.
Fuck. Namilog ang mata ko. "I'm just twenty, Brandon." Tumawa ako.
Ngumisi siya at nagkibit ng balikat bago pinansin ang kanyang pagkain. Shit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top