Kabanata 54

Kabanata 54

Time Alone

Hindi ko alam kung dapat ba ay manatili ako sa condo unit ni Brandon at hayaan siyang harapin si Arielle o sumama ako sa kanya. Gusto kong sumama dahil hindi ako matatahimik sa maaaring gawin ni Arielle sa kanya ngunit ayaw ko rin dahil mamaya ay masabunutan ko lang siya doon sa nararamdaman kong galit.

"Saan kayo mag uusap?" tanong ko habang nag bibihis siya.

"Sa opisina," sagot ni Brandon.

Tumango ako.

"Gusto mong sumama?"

Napatingin ako kay Brandon tsaka tumango ulit. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ang aking noo. Sasama ako, hindi dahil wala akong tiwala kay Brandon, wala akong tiwala kay Arielle.

Nasa loob ako ng kanyang opisina, naghihintay. Pinili ko ang manatiling nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana samantalang si Brandon ay nasa telepono para kausapin ang mga empleyadong nasa site na hindi niya mapupuntahan sa araw na ito.

Ilang sandali ang lumipas nang may kumatok sa pintuan at bumukas ito. Nilingon ko ang pintuan at ang malaking itim na shades ni Arielle ang sumalubong sa pananaw ko. Binaba niya iyon at ang kulay puting halter top at itim na jeggings ay nakayakap ng maayos at binabakas ang bawat hubog ng kanyang katawan. Malaki ang ngiti niya nang nahanap ng mga mata si Brandon.

"Finally..." aniya kay Brandon na tumayo sa kanyang kinauupuan.

Nang nahagip ako ng kanyang tingin ay napawi ang ngiti niya. Ang mabilis niyang lakad ay unti unting bumagal sa gulat sa presensya ko doon.

"Why are you here?" tanong niya, nag iiba ang tono ng boses.

Gusto kong sumagot ngunit nandito ako para makinig sa pag uusapan nila ni Brandon, hindi para makisawsaw. Huminga ng malalim si Brandon at sinalubong si Arielle. Hinawakan ni Brandon ang kanyang braso kaya naputol ang titig niya sa akin at nag angat siya ng tingin kay Brandon.

"Bakit nandito 'yang babaeng 'yan?"

"Arielle, Avon is my girlfriend."

Nanlaki ang mata ni Arielle at hinawi niya ang kamay na nakahawak sa braso niya. Ang palaban niyang mukha kanina ay napalitan ng pagkagulat.

"Are you kidding me, Brandon? Hindi ba ay ginamit ka niya noon? Hindi ba ay pinaikot ka niya?" she said almost hysterically.

Umiling lamang si Brandon. "Why do you want to ruin her family?"

"Wha..." Umiling din si Arielle. "What are you talking about? Bakit ko sisirain ang pamilya niya? Brandon... what is happening?"

Humalukipkip si Brandon. Pagod sa ipinapakitang kilos ni Arielle na halatang kabisadong kabisado niya na.

"Alam ko ang lahat. Arielle, look, I know how much you wanted your father's attention. Ibinigay na iyon ng ama mo sa iyo. Muntik nang masira ang pamilya nina Avon dahil sa'yo-"

"You... you poisoned his mind!" sigaw ni Arielle sa akin.

Hinawakan ni Brandon ang magkabilang braso ni Arielle para pigilan siya sa pagwawala. Kumalma siya at tumingin kay Brandon.

"She didn't! Kilala kita at alam ko kung ano 'yong mga gusto mo noon! And now that you have it, why aren't you content? Arielle, see reason."

"My half sister does not approve of me! Ayaw niya ako sa buhay nila! Kaya paano ako mamahalin ni daddy kung ang anak niya ay may ayaw sa akin? How can they accept me completely, Brandon!" bumuhos ang luha ni Arielle.

Now, I don't know if I'll believe her. If she wasn't so hard to like, I would have willingly shared my family with her kahit na labag sa kalooban ko. Out of respect, pity, and familial instinct. Pero sa ipinakita niyang nag uumapaw na kademonyitahan sa akin, kahit awa ayaw kong maramdaman.

Huminga ulit ng malalim si Brandon, kinakalma ang sarili at nag hahanap ng paraan para maintindihan siya ni Arielle. "Arielle, please, listen to me..."

Hinawi ni Arielle ang kamay ni Brandon. "What happened to you? Akala ko ba gusto mo ang makakapagpasaya sa akin? Akala ko ba susuportahan mo ako kahit anong mangyari?"

"Arielle, yes, I want you to be happy but if you being happy means hurting someone else or wrecking someone else's family then... no! You can't be truly happy because of that Arielle. Pag nakakasakit ka ng ibang tao, hindi ka magiging masaya."

"You don't know, Brandon! Wala ka nang pakealam sa akin! You used to be..." humikbi siya. "so protective of me. What happened now? Ang akala ko ba poprotektahan mo ako at susuportahan? Dahil lang diyan sa babaeng iyan magkakasiraan tayong dalawa? Ginagamit ka lang niyan para makapag higanti sa akin!"

Pumikit ng mariin si Brandon. "I want you to see-"

"Alam niyang sa pamamagitan mo lang siya makakabawi sa akin. At ikaw naman, nagpadala ka!" sigaw ni Arielle.

"Hindi siya naghihiganti sa'yo! You're overthinking! Walang may gustong manakit sa iyo, Arielle... please..."

Humagulhol si Arielle. Umiling ako at tinitigan ang dalawa. Brandon can tame her. Unti unting lumapit si Brandon sa kanya at hinawakan muli ang kanyang braso. Nagpaubaya si Arielle habang umiiyak ng husto.

"She wants to hurt me, Brandon. Would you allow her to?"

Huminga ng malalim si Arielle. Nag tiim bagang ako nang nakita kong hinila ni Brandon si Arielle patungo sa kanyang mga bisig.

"Would you allow her to, Brandon?" nagsusumamo ang tono ni Arielle.

"Walang may gustong saktan ka."

"Gusto niyang saktan ako! That's why she wants me out of her family! She wants me to rot with my mother and father!"

"No... Arielle," banayad na sinabi ni Brandon.

Yumakap si Arielle sa kanya habang umiiyak. Nilingon ako ni Brandon at tinitigan. Nanatiling naka igting ang bagang ko habang tinitignan ang dalawa. I understand the whole situation. I understand this all. I just have to be patient, alright. Sana ay makita ni Arielle ang gustong ipakita ni Brandon sa kanya.

"Bakit? Bakit kayo? Can't you see? She wants to hurt me..." hikbi ni Arielle sa braso ni Brandon.

"Walang may gustong saktan ka." Paulit ulit niyang sinabi kahit na umiiling doon si Arielle.

"Kapag sinaktan niya ako, then you'll see... would you still like her, Brandon?" nag angat siya ng tingin kay Brandon.

"Arielle, please, calm down,"

"Sagutin mo ako, Brandon! Would you still like her pag sinaktan niya ako? Sinaktan niya ako sa bahay! Tinulak niya ako at binuhusan ng gatas! Would you still choose her?"

"We don't need to choose here, Arielle. Walang kumpetisyon dito."

Tinulak ni Arielle si Brandon. Nanlalaki ang mata ni Arielle at hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Brandon. Para bang nasanay siya na pinagbibigyan siya parati ni Brandon sa lahat ng kapritso niya. Para bang sa kauna unahang pagkakataon ay hindi siya ang pipiliin ni Brandon.

"You choose! Now! Ako o siya? Isa lang, Brandon!" she cried.

"Arielle, please..." Brandon reached out again.

Napaawang ang bibig ko at humakbang ako ng isang beses. Umaatras si Arielle sa bawat pag hakbang ni Brandon palapit sa kanya.

"Choose now! I want you to choose! Siya o ako! Pag siya ang pinili mo, you'll lose me forever, Brandon!"

"This is no competition-"

"Fuck your no competition! I want you to choose! Now!" Sigaw niya kay Brandon.

Tumigil si Brandon sa paghakbang patungo sa kanya. Pumikit siya ng mariin at umiling.

"Choose, Brandon! I'm going to walk out of this door..." sabay turo niya sa pintuan palabas. "and will never see you again if you choose her! I need you to choose, Brandon. Pumili ka."

Hindi na nagsalita si Brandon. Umiling na lamang siya at punong puno ng awa ang titig niya kay Arielle.

"Bakit ang hirap banggitin ng pangalan ko, ha?" She cried hysterically. "Choose, Brandon!"

"Please, Arielle... don't make me choose," mahinahong sinabi ni Brandon.

Ngumiwi si Arielle na para bang nakuha niya ang gustong sabihin ni Brandon. Tinulak niya si Brandon bago siya tumakbo palabas nang umiiyak. 

Bumagsak ang balikat ni Brandon. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. I know he's hurting because of what he did. Humakbang ako ng isang beses. Hindi malaman kung lalapitan ko ba si Brandon o lalayuan. Paniguradong galit siya sa akin ngayon.

It was obvious that he geniunely cared for her. At ngayon, ang taong pinoprotektahan niya ay nasaktan niya ng husto dahil sa akin. I didn't want to be selfish. Kahit gaano pa kasahol ang ugali ni Arielle ay alam kong may parte kay Brandon na gusto itong aluin. At ayaw kong dahil sa akin ay hindi niya iyon magawa.

Bumaling si Brandon sa akin at umiling. "I'm sorry, I couldn't tame her anymore."

Huminga ako ng malalim. Nanginginig ang labi ko ngunit buong lakas ko paring nasabi ang mga kataga. "Alam kong nag aalala ka. You should follow her, Brandon. I'm sorry I'm here. Mas maigi sana pala na wala ako dito."

Umawang ang bibig ni Brandon at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ang aking noo. "Arielle is not a child anymore, Avon. It's not your fault. Hindi niya lang makita ang mga rason. She's defensive. Ang akala niya ay lahat ng tao ay gusto siyang saktan. Na lahat ng tao sa paligid niya ay ayaw siyang sumaya."

Tumango ako. "I know you want to comfort her, Brandon. I understand."

"She needs time alone to reflect, sweetheart. Don't worry," sabay halik niya sa aking noo.

Ilang sandali pa bago kami nakagalaw sa kinatatayuan namin. Pinaupo niya ako sa sofa at nagtawag siya ng isa sa mga empleyado para dalhan kami ng maiinom at makakain.

"I have to make some calls," ani Brandon.

Tumango ako at hinayaan siya.

Sa buong araw na iyon ay nanatili ako doon sa kanyang opisina. Hindi ko malaman kung paano itong lahat ngayon. I was positive Arielle probably went to dad and told him about Brandon and me. Iniisip ko kung ano ang mga posibleng gagawin niya para lang matigil kaming dalawa ni Brandon.

Dahil nanatili naman ako sa opisina ni Brandon buong araw ay naisipan kong tumawag na lang kay Jessica para ikwento sa kanya ang lahat. Nagkataon pang online si Adrian kaya nakapag usap kaming tatlo.

"The worst... baka pumunta talaga siyang Cebu," iling ni Adrian.

May iilang empleyadong pumasok sa opisina ni Brandon at nagtrabaho naman siya tulad ng normal niyang ginagawa. Although, I'm sure he's not really feeling well because of what happened.

Nang gumabi na ay tumayo ako at lumapit sa kanya na ngayon ay nakatitig sa kanyang laptop. Pinulupot ko ang braso ko sa kanyang leeg at hinalikan siya sa pisngi. Huminga siya ng malalim.

"I'm sorry for what happened," sabi ko.

Nilingon niya ako.

"Oras na para tigilan niya na ang paging dependent sa akin, Avon. It's not right. Don't get upset about it."

"I know you are upset kahit na hindi mo sinasabi sa akin. You cared for her. You've been with her since God knows when, Brandon. You can't fool me. I know you really do care for her. At... namamangha ako sa pag aalala mo sa kanya."

Hinarap niya ako at hinawakan niya ang aking mga kamay. Ngumisi siya at nakinig pa sa mga sasabihin ko.

"She's not exactly very likeable. She's... a bitch... I'm sorry for that. She's hysterical, a drama queen, two-faced... at saludo ako sa iyo kasi kaya mo lahat ng iyon."

"Don't get jealous now, sweetheart. I promise you, wala pa sa katiting niyan ang pag papahalaga ko sa'yo. Please..."

Tumawa ako. "I'm not. I just really, really want to understand her. I really, really want to open my heart to her. Pero paano kung tuwing magbubukas ako ay mananaksak siya? She's like some cactus! The more I feed her water, the more she'll grow thorns. I'm not a saint, Brandon. I can only handle some thorns, not all of it. At pag ako ang masaktan, alam mong hindi ako nananahimik na lang."

"Yeah. I know that," ngumisi siya at hinalikan ang mga kamay ko.

"And I'm sorry kung masasaktan ko siya pag masaktan niya ako."

Hinila niya ang kamay ko pababa para makayuko ako at maabot niya ang aking labi. He kissed me gently.

Hinawakan niya ang hita ko at hinila niya ito, iminumuwestra na ipatong ko ito doon sa kanya. Ginawa ko ang gusto niyang mangyari habang hinahalikan niya ako.

Nilagay niya ang isang kamay niya sa aking batok para idiin pa ang aking mga halik sa kanya. His other hand cupped my breast. May tumakas na daing sa aking bibig habang ginagawa niya iyon. Ang kanyang halik ay naglakbay sa aking panga pababa sa aking leeg. Tumingala ako habang dinarama ang elektrisidad na nangingiliti sa bawat dulo ng aking katawan.

I began to get drunk on him. Like the world was swirling a little. Ang pamilyar na himig ng paggalaw niya ay nag painit pa lalo sa akin. His hard on was pressing against my throbbing flesh.

"Sweetheart..." he whispered.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hahalikan ko na sana siya pabalik nang biglang tumunog ng sabay ang telepono ng opisina at ang kanyang cellphone. Nilingon ko ang mga ito ngunit pinigilan ako ni Brandon. Gusto niya pang makipaghalikan.

"It might be important," sabi ko.

"Hindi na office hours," sagot niya dahil alas sietena nga naman ng gabi iyon.

Siniil ko siya ng halik ngunit nanatili ang tunog ng telepono. Nang napawi ito ay tumunog ulit kaya imbes na ipagpatuloy ko ang amin ni Brandon ay tumayo ako. Dumaing siya sa pagkabigo at nagmura bago tumayo para sagutin ang telepono.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: