Kabanata 53
Kabanata 53
Only You
Napagod na rin ako sa pakikipagtalo. Siguro ay nag tatalo si mommy at daddy sa kwarto nila nang patulog na kami sa gabing iyon. Nanggigigil ako tuwing naiisip ko na si Arielle ang dahilan ng pagtatalo nila. And each time I think about it, I can't help but hate Arielle and daddy more.
Maaga akong gumising para mag ayos. Si mommy ang nagluluto ng breakfast tuwing umaga kaya dumiretso kaagad ako sa kusina para tingnan o kamustahin siya ngunit nang nakita ko si Arielle na nagluluto doon ay napagtanto kong baka di pa nagigising si mommy at daddy. At isa pa, hindi rin ako mag bi-breakfast sa kanyang luto.
Sumulyap siya sa akin at dumiretso naman ako sa ref para kumuha ng kahit anong cereals na meron doon. Humalakhak siya kaya hindi ko na napigilan ang pag tingin sa kanya.
"Masyado kang ma pride. Kahit luto ko ayaw mong kainin," ani Arielle.
"Nagmamadali ako, wala akong panahong mag hintay." I don't need to explain her anything.
"I bet your mom cried the whole night." She smiled.
Humigpit ang hawak ko sa gatas na binuhos ko sa isang bowl ng cereals. Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa kanyang sinabi.
"You're a freak."
Nagtaas siya ng kilay. "Dito na ako titira sa inyo. Pagkatapos ay sa mansyon niyo naman. Kawawa naman 'yong mommy mo, under kay daddy. Kaya wala siyang laban lagi pag ako ang pinag uusapan."
Kumukulo na ang dugo ko sa kanyang pinagsasabi. She's delusional! Bakit ganito ang babaeng ito?
"Why are you doing this?" Napatanong ako sa kanya ng seryoso habang parang tambol na dumadagungdong sa galit ang aking puso.
Napawi ang ngiti niya sa tanong ko. "Because I deserve everything you have."
"Wag mong idamay si mommy sa kabaliwan mo! Kung gusto mo itong lahat, hindi pa ba naibibigay ni daddy sa iyo ito? What else do you want?" sigaw ko.
"I want everything you have, Avon. At oo nga naman... nasakin na, diba? Wala nang matitira pa sa'yo kahit katiting."
Nanliit ang mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang gusto niyang mangyayari. Although I'm disgusted and I don't want to share pero kaya kong gawin iyon para lang maging maayos ang buhay. Ang gusto niyang mangyari ay angkinin ang lahat at walang itira sa akin!
"Lahat ng tinamasa mo noon habang nag hihirap ko ay sa akin nang lahat ngayon. Ang daddy, ang mommy, ang bahay, karangyaan, pagmamahal, lahat!"
Nanginginig na ang kamay ko sa galit. She just couldn't stop it!
"I don't really get you. Why are you doing this, really, Arielle? Gusto mo bang magulo ang buhay mo? Gusto mo ba talaga ng ganito?"
"Wag kang mag plastik plastikan sa akin! Alam kong ayaw mo ako dito! Gusto mo akong lumayo at ayaw mo ako sa mundo mo! Kaya bago mo ako mapaalis ay ikaw ang papaalisin ko!"
Tumawa ako. "Ako? Papaalisin mo? Kahit umalis man ako dito, hindi kailanman maaalis sa kay mommy at daddy na ako ang tunay nilang anak. The legal one. You're just one bastard girl. No. A crazy bastard girl who want to own the things I have. Kasi walang sayo. Kawawa ka naman."
Ngumiwi siya at tinulak niya ako. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaatras ay sumulong na rin ako at tinulak ko siya pabalik.
"Gusto mo ng lahat ng iyan? Pwes! Ingungudngod ko ang lahat sayo!" sabi ko sabay ngudngod ng gatas sa kanyang mukha.
Sumigaw siya. Gumaralgal ang tinig nang halos malunod siya sa gatas na naihilamos niya sa mukha.
"Bitch!" aniya at umatakeng muli ngunit hindi ko siya pinag bigyan.
Natumba siya sa ginawa kong pagtulak. I want to pin her down and shout at her ngunit imbes na ganon ang gawin ko ay tumayo ako.
"Avon!" sigaw ni daddy at agad akong inilayo doon.
Humahagulhol si Arielle sa pag iyak habang nakaupo siya sa sahig. Mahigpit ang hawak ni daddy sa akin na para bang baka makawala ako o baka atakehin kong muli ang kanyang anak.
"Get your hands off me, dad!" sigaw ko.
"What did you do?" sigaw ni daddy sa akin.
Binawi ko ang braso ko galing sa kamay niya kahit na masakit. Dumalo siya kay Arielle na ngayon ay umiiyak parin. Basa sa gatas ang kanyang mukha at buhok. Mabilis ang pag hinga ko habang tinitingnan ang mag amang tumatayo.
"Dad, sinasaktan ako ni Avon..." ani Arielle.
Nilingon ako ni daddy, naka igting ang panga sa akin.
"Siya ang unang tumulak sa akin, dad!" giit ko.
"What happened?" narinig ko ang boses ni mommy.
Nakita ko siyang inaayos ang robe at iniexamin ang mga nagkalat na gatas at ilang kubyertos na maaaring nahulog nang nagtulakan kami ni Arielle.
Dumalo kaagad si mommy sa akin. Hinawakan niya ang aking braso at ramdam ko ang nagbabadyang galit sa kanya.
"What happened, Guillermo?"
"Your daughter pushed Arielle! Avon, say sorry!" si daddy.
"What?" Hindi ako makapaniwala. "Hindi ako magsosorry. Hindi ako bata, dad. Alam ko kung sino ang may kasalanan at siya iyon. She pushed me first!"
Humagulhol si Arielle sa balikat ni daddy.
"Don't act as if you're wounded, bitch-"
"Don't call her that, Avon!" ani daddy.
"Binuhusan niya ako ng gatas, dad..." sumbong ni Arielle.
"Yes! Because you annoyed the hell out of me!-"
"Stop it! Stop it, Avon!" sigaw ni daddy. "Tama na! Alam kong hindi kayo magkasundo pero paano kayo magkakasundo kung hindi niya pagbibigyan ang isa't-isa! Arielle is reaching out! At least hold out your hand!"
Halos matawa ako sa sinabi ni dad.
"Guillermo, I already told you to stop pressuring A. Hindi iyan ang solusyon!"
"Then what? Kasi hindi ko na alam, Camila. Your daughter is spoiled!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni daddy. "Bakit, dad? Ano ba kasi ang gusto ninyong mangyari? Na yakapin ko ng mahigpit iyang anak niyo? Okay lang sana kung mabait siya! But then she's a bitch to me when you're not looking! Hindi mo iyon nakita kasi plastik iyang anak mo!"
Humikbi si Arielle at yumakap kay daddy.
"Two-faced, lying bitch! Please, don't let her poison your mind! I'm your daughter too!" Kahit na matigas ang tinig ko ay nangingilid na ang luha ko. Pakiramdam ko ay nagmamakaawa ako kay daddy na makita ang rason ko. Na makita ulit ako. Dahil simula na lang nang dumating si Arielle, ako parati ang masama para sa kanya.
"Don't call her a bitch, Avon! I am warning you!"
"Because that's what she is! That's what she is! And you can't see that! She won't allow you to see her for what she is! Kasi natatakot siya na itapon mo siya sa pandidiri! Diba? Ha? Diba, Arielle!?" Naglakad ako para lapitan sila ngunit pinigilan ako ni mommy.
"Daddy, hindi po totoo iyon. N-Nagluluto lang ako dito tapos dumating siya-"
Tumawa ako at umiling lalo na nang nakitang pinapakinggan parin siya ni daddy.
"Avon, I know you hate Arielle but please... kahit casual."
Umiling ako. I'm tired of this. Hinawakan ko ang braso ni mommy. "I'm sorry, my... I love you." Bumaling ako kay daddy. "I can't do this, dad. Kung hindi siya ang aalis, ako ang aalis."
"Avon, no..." ani mommy.
"Avon!" si daddy.
"Avon, no. Guillermo, do something!"
Umiling si daddy at titig na titig siya sa akin na para bang may kasalanan akong dapat na pagbayaran. Tumulo ang luha ko. I can't believe that dad's really falling for this trap.
"This is my house too! Avon, stay!" halos umiyak na si mommy.
Umiling ako. "I can't, mom. I'm sorry. Aalis ako."
Daddy will choose to lose me. He would rather lose me. Iyon ang totoo. Iyon ang panama ni Arielle sa akin.
"Saan ka pupunta, Avon? Saan ka titira? Kina Jessica? Please tell me!" sabi ni mommy nang tinalikuran ko sila.
Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking mga mata at nilingon ko sila. Umiling ako kay mommy.
"Hindi, my. I'll text you my address don't worry," sumulyap ako kay Arielle na nag angat ng tingin sa akin.
Ang kaninang paawa niyang mata ay nag alab ngayon. Tumalikod muli ako at sumunod si mommy sa akin. Daddy was just there, standing with Arielle. Comforting her.
"You don't have to go. A, aalis din iyang si Arielle bukas."
"I can't stand daddy, mom."
Ilang damit lang ang dala ko at bumubuhos ang luha ni mommy habang parang nilalatigo naman ang sarili kong puso. Nang lumabas ako sa kwarto ay naroon lang si daddy, nagbibihis ng kanyang long sleeve. He couldn't even look at me. Umigting lamang ang panga niya nang siguro'y nakita niya ako sa gilid ng kanyang mga mata.
Dumiretso na ako palabas, umiiyak. I can't believe it! I'm walking out my own condo because of this mess!
Nilagay ko ang bag ko sa front seat ng aking Civic at mabilis na ang patakbo ko paglabas doon. Bumubuhos ang luha ko at nagtatalo ang utak ko kung saan ako pupunta, kung kina Jessica ba o kina Brandon.
Tumawag ako kay Brandon, pinapalis ang luhang walang pakundangang bumubuhos sa aking mga mata. Arielle won my family. I hope they are happy.
"Hello?" His husky voice filled my ears.
"B-Brandon..." suminghot ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"W-What's wrong, sweetheart?" nag aalala na ang kanyang boses.
"Papunta ako ngayon sa inyo. Wala akong mapuntahan. Umalis ako sa amin."
Hindi siya agad nakapagsalita. Para bang pinoproseso pa ng kanyang utak ang nangyayari. Mabilis ang patakbo ko at dahil magbubukang liwayway pa lang ay wala pa masyadong traffic.
"Are you driving?" tanong niya. "Sweetheart, please calm down," ilang mura ang nasabi niya.
Pinatay ko ang linya para makapag concentrate sa pagmamaneho. Nang naaninag ko ang tower ng kanyang condominium ay niliko ko kaagad ang sasakyan ko sa basement parking.
Nagpunas ako ng luha pagkatapos kong mag park. Hindi natatapos ang pag iyak ko hanggang sa kinatok na ni Brandon ang pintuan ng aking sasakyan. Binuksan ko iyon at sinikop niya kaagad ako para yakapin ng mahigpit.
"God, sweetheart! Please don't drive again when you're upset! I'll die of heart attack! Shhh..." Inalu niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Lumayas ako sa amin," hikbi ko. "Dad chose Arielle over me. He wouldn't believe me. Hindi siya nakikinig sa akin. Si Arielle lang ang nakikita niya!"
"Shhh..." Hinaplos ni Brandon ang aking buhok.
Humagulhol ako sa kanyang balikat. His embrace is what I needed.
"Sweetheart, I willingly take you in my home. Don't worry, okay?"
Hindi ko na alam kung paano ko gagawin ang lahat ng ito. I am so tired of daddy and Arielle. Should I move out? Hindi ko na rin naman talaga kailangang manatili doon sa condo. Yes, I want to preserve our family... our relationship. Pero paano na ito ngayong hindi ko talaga kailanman kayang makipagplastikan doon? Arielle is a bitch and I'm not sure kung alam ba iyon ni daddy ngunit pinag bibigyan niya lang o talagang wala siyang alam.
Nasa cellphone si Brandon, may tinatawagan sa opisina. Hiyang hiya na ako. Magiging pabigat ako sa kanya dito. Hindi siya makakapag trabaho ng maayos dahil sa akin.
"Sige, sige. Paki sabi na rin kay Madame," dinig ko kay Brandon na nakaharap sa terrace nitong unit niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Nang ibaba niya ang kanyang cellphone ay may tinawagan naman siyang muli.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa sofa. Nilingon niya ako habang may kausap sa cellphone atsaka binaba niya iyon.
"Magtatrabaho ka ba?" tanong ko. "I can still work. I-I'll just change."
Umiling siya. "We'll stay."
Kinagat kong muli ang pang ibabang labi ko. "I don't want to be a burden, Brandon."
Naglakad siya patungo sa akin. Naka maong siya at isang puting t shirt. Punong puno ng pag aalala ang kanyang mukha. Tinagilid niya iyon nang nakalapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at inangat niya ang tingin ko sa kanya.
"You will never be a burden to me."
"I know I am. Simula pa lang. Kasi pinoprotektahan mo rin si Arielle, diba? At ako... ako ang makakasakit sa kanya. Kaya nahihirapan ka sa akin."
Humugot siya ng malalim na hininga. "Ano ang mahirap sa mahalin ka? Or... maybe you're right."
Tumitig ako sa kanya, kumakalabog ang aking puso. Hindi ko alam kung para saan.
"You're right... nahihirapan ako. Nahihirapan ako kasi simula nang dumating ka, wala na akong gustong protektahan kundi ikaw. Nahihirapan ako kasi hindi ko na mapanindigan ang protektahan si Arielle, dahil wala na akong makita kundi ikaw, Avon. I am completely in love with you. Only you."
Yumuko siya para gawaran ako ng halik. He then slowly parted my mouth so his tongue could enter mine. Hindi ko na namalayan ang pagpulupot ng aking braso sa kanyang batok. I want Brandon so much. I love him so much. At kung wala siya ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Mag uusap kami ni Arielle," aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top