Kabanata 48
Kabanata 48
For Closure
"What?" Padarag kong naibulalas.
Nakapasok na si Brandon sa bahay at tumitig kaagad siya sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya, masyadong abala sa pakikipag usap kay mommy.
Hindi rin agad nakasagot si mommy sa akin. Nahimigan niya siguro ang pagkakainis ko sa kanyang desisyon.
"Y-You see... Hindi naman pwedeng ideny natin ang katotohanan. May anak ang daddy mo a labas, and I want to meet her. I need to meet her."
"For what?" I know it was rude to ask. Of course, daddy is her husband. Tungkulin niya iyon bilang nagmamahal.
"For closure." Nanginig ngunit klaro ang boses ni mommy nang binanggit niya iyon.
Kinilabutan ako at hindi nakapagsalita. This is her way of coping. This is her way of accepting things. Nakalimutan kong higit sa lahat ay mas mahirap ang sitwasyon na ito para sa kanya. Siya ang pinagtaksilan ni daddy. Ano ang pakiramdam kung ang asawa mo ay may anak sa iba? Kahit selos nga ay hindi ko matanggap, paano pa iyong may buhay na ebidensya?
Nang humugot siya ng malalim na hininga, alam ko na kaagad na hindi ako ang magdedesisyon dito. This is my mother's way of building her trust for my father again. Ang makilala ang kanyang anak sa labas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat sana ay wala siyang alam ay ang magiging dahilan sa tuluyan nilang pagkakaayos. Mom would be relieved if she knows about dad's darkest secrets.
"Kailan?" Tanong ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Brandon sa aking baywang. Pinapakalma at sinusuportahan ako. Wala siyang alam sa usapan namin ni mommy pero nakita niya siguro sa intensidad ng aking mga buntong hininga at sa tono ko na hindi mabuti ang nangyayari.
"That's why I'm asking you kung kailan ka uuwi ng Manila, para isasama kita."
"Next week." Sabi ko kaagad. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako uuwi para hindi niya makilala si Arielle pero I need to cooperate this time.
"Okay. I-update mo ako sa mga detalye so we can set a formal dinner with her."
Nilagay ni Brandon ang kanyang baba sa aking balikat at niyakap niya ng tuluyan ang aking baywang. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang dinidinig ang mga bilin ni mommy.
"As soon as possible, Av."
"Yes, my. But can we talk first? I don't want to rush this. We're not in good terms. You know that." Sabi ko.
"Kahit civil lang, Av, para sa gabing iyon." May bahid na pagsusumamo sa boses ni mommy.
Umiling ako. "I know how to be civil."
"I know this is also hard for you, Av-"
"Don't start the pity party, mommy. Sige, I'll be there." I sighed. "Sana lang ay huwag kang magkakamaling dalhin siya sa Cebu. She is not a Rama. She is not your child."
"She isn't! Of course, she's not my child, Avon." Tumaas ang tono ng boses ni mommy.
"I just want to remind you, my." Sabi ko bago ko binaba ang cellphone.
Natulala pa ako ng ilang segundo. Bumalik lamang ako sa aking huwisyo nang hinalikan ni Brandon ang aking tainga. Suminghap ako at kinagat ang pang ibabang labi.
"Kailangan nating bumalik ng Maynila." Sabi ko.
"For what reason?"
"Gusto ni mommy na makilala si Arielle." Hinarap ko si Brandon. Umayos siya sa pagtayo at nagkasalubong ang kanyang kilay. "Hindi ba ay gusto ka ring pabalikin ng mommy mo sa Manila to take care of Arielle?"
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. "She's not a child anymore. She can take care of herself. May boyfriend at mga kaibigan siya."
"Sukat sa sinabi ng mommy mo kanina, although I did not hear everything, I know she's dependent on you." Fuck, I can't even hear myself. Kung pwede lang ay sigawan ko ngayon si Brandon na iwan niya ang babaeng iyon. "Siguro ay sa pagtatanggol mo sa kanya noong mga bata pa kayo, nasanay na siya sayo."
"But it's time for her to stop being dependent." Maagap niyang sinabi, nakatitig sa akin.
Ano kaya talaga ang naging relasyon ni Brandon at Arielle? I'm sure it wasn't like that of me and Adrian. It's much fiercer and historical, probably. I want to ask but I'm not sure if I'm ready to hear it.
"I'm sorry, sweetheart. It's my fault." Sabi niya umiiling. "Noong mga bata pa kami, lagi ko siyang pinagbibigyan. I spoil her a lot. Kahit si mama ay iniispoil niya si Arielle. Nong umalis kami para mangibang bansa, nagbago siya dahil wala na siyang masandalan."
Now it's hard to imagine Brandon spoiling a younger Arielle.
"Kaya nong bumalik ako, sobrang saya niya. Napansin ko na hindi gumagaling ang mga sugat niya sa katawan. Bawat linggo, may bago. Awang awa ako sa kanya. Matagal nalaman ni mama na abused siya kaya wala ring nagawa."
Napalunok ako sa sinabi ni Brandon. I can't imagine unhealed wounds everyday.
"Bakit hindi mo sinabi sa mommy mo na abused siya?"
Umiling si Brandon. "Ayaw niya. In my attempt to save her, mas lalo lang siyang sinasaktan at pinagbawalan siyang makipagkita sa akin."
"You should have told the authorities! The government, Brandon!"
"Maimpluwensya ang pamilya ng kanyang ama. Kahit anong sumbong ko, babarahin parin ng mga koneksyon niya."
Umiling ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Pati ang puso ko ay nalilito. This is the part of Arielle I could not imagine. She was really abused! Matagal ko na iyong alam pero ngayon lang talaga tumatak at nagmarka sa utak ko. Brandon's soulful gaze met mine. Alam niyang nalilito ako.
"Hey..." Aniya at hinaplos ang baba ko. "I care about her. She's my dear friend. But with you... it's different, okay? Ayaw kong magkaroon ka ng ibang naiisip."
Tumango ako at hinalikan niya ako sa pisngi. Ang maliit na distansya sa aming dalawa ay sinarado niya at ramdam ko na ang kanyang mainit na dibdib sa aking katawan.
"Maybe the reason why she's acting like a brat now is because of me. I spoiled her too much in her teenage years. Iyon lang kasi ang alam kong paraan para mapunan ko iyong nangyayari sa kanya.
"H-How long did it last? T-The abuse?" Tanong ko.
"Hmmm. Siguro nong mga nineteen siya natapos. Nong bumukod na siya sa kanilang bahay sa QC."
Tumango ako at hinalikang muli ni Brandon ang aking pisngi. It was like he was waiting for the information to sink in to me. Tahimik siya at hinahaplos haplos lang ang panga ko, ang buhok ko, ang pisngi ko.
Naisip ko kung bakit kaya siya sinasaktan ng kanyang mommy o daddy? Was it because she's not his father's child? Iyon nga siguro ang dahilan non at hindi matanggap iyon ng kanyang ama. Bakit hindi na lang nila binalik si Arielle kay daddy? Not that I want that to happen but maybe the circumstances would have changed if it did happen. Pero wala na akong magagawa kasi tapos na ang lahat ng iyon. Ito na ang nangyayari ngayon. There's no point in that.
"Are you sure you want to go back to Manila? Gusto ko sana dito lang tayo. Maayos." Bulong niya.
"I want to be with my mother pag pinakilala ni daddy si Arielle. You know she's a bitch right A two faced bitch." Pinanood ko ang ekspresyon sa kanyang mukha at hindi man lang siya nangasim sa tawag ko sa kaibigan niya. I wonder if it hurts him when I call his dear friend that.
"Do you want me to be with you pag ipapakilala na siya?"
Umiling kaagad ako. Ayokong sumabay sa problema ng pamilya. Meeting Arielle is one thing. Meeting my parents with Brandon is another.
"I understand. Kailan mo gustong lumuwas?"
"Next week. Hindi mo na kailangang lumuwas din. I know you have your work here." Sabi ko.
Ngumuso siya. "I go where you go, sweetheart. Wag mo sana akong pagbawalan, dahil babaliin ko lang iyon."
Umirap ako. "Then what about your work, Brandon?"
"Dinala ko ang trabaho dito. Ibabalik ko lang sa Manila." Sagot niya.
Kaya naman ay sa araw ding iyon, nag impake kami ng mga gamit. Inimpake ko ulit iyong malaking maleta ko. Nahirapan pa akong pagkasyahin lahat ng mga damit ko kaya tinulungan ako ni Brandon.
"Kukuha ako ng files bukas sa office at aayusin ko kung ano iyong ipapadala ko sa Manila at hindi." Aniya.
Ngayong nabanggit niya iyon, nagtaka tuloy ako kung magpapatuloy pa ba ako bilang sekretarya niya? Wait! Dahil kami na, hindi ibig sabihin non na hindi na ako empleyado ng kanilang kompanya. I don't want to have another bad record.
"Tutulungan na kita. Remember? I'm your secretary. At pagkadating natin sa Manila, titingnan ko rin ang magiging mesa ko." Sabi ko.
Nanlaki ang mata niya. "Are you serious? May matatapos kaya ako pag sekretarya kita?"
Tumawa ako. "May natapos ka naman nong mga nakaraan, a?"
"Oo, nong pinalabas kita. Bawal ka sa loob, e." Sabi niya at nagsimulang lumapit sa akin.
Pareho kaming naka squat sa sahig ng kwarto ko sa kanyang villa, nakapalibot ang mga damit ko.
"But I'm your secretary! Ayaw kong biguin ang mommy mo at tatapusin ko na lang siguro ang kontrata bago ako umalis."
Ngumuso siya at nag isip. "Hmmm. Well, I guess you're right. Kailangang wag kang umalis pero pwede ka namang di mag trabaho. I can do it without my secretary."
"Anong klaseng COO ka kung wala kang secretary?" Kumunot ang noo ko pero hindi niya na ako sinagot kasi nag simula na siyang humalik sa aking pisngi. Napapikit ako sa kiliting hatid nito. "Tatapusin ko, Brandon." Mahinahon kong sinabi.
"Alright, sweetheart." Bulong niya sabay halik pababa sa aking balikat. Sinikop niya ang aking buhok para ilagay sa kabilang balikat nang mahalikan ako ngayon ng mas mabuti.
Kaya kinabukasan kaagad ay bumyahe na kami patungong Manila. Umaga ng Lunes ay nasa daanan na kami. Nasa iPad niya ako, nag aayos ng schedule niya. Nagulat pa ako nang may nakita akong shoot niyang magaganap mamaya.
"May shoot ka mamaya?" Tanong ko.
Tumango siya at bahagyang sumulyap sa akin. "I postponed that a long time ago. Wala lang mahanap sina Hugo na papalit kaya tinawagan ko sila kahapon na makakarating ako ngayon."
Tumango rin ako. Sa pagkakaalam ko, ito ang unang shoot niya na hindi na mahaba ang buhok. Nilingon ko siya at ang kanyang nakataas na buhok sa gitna ay effortless na maayos. Nakakunot din ang kanyang noo sa daanan kaya klarong klaro ang kilay niya at ang lalim ng kanyang mga mata. "Alam ba nila na nagpagupit ka?" Tanong ko.
"Yup." Sabi niya at hinanap ang kamay ko sa at nang nahanap ay pinagsalikop at dinala sa manibela. "Why? You don't want me to do it?"
Umiling ako. "Pwede no. And besides, may gagawin din ako mamaya."
"Ano?" Tanong niya.
"Sa condo muna ako tapos kina Jessica. I missed her." Sagot ko.
In truth, I am going to ask Jessica about some... things. Unprotected sex iyong ginagawa namin ni Brandon and I think I need to do something about it to avoid getting pregnant. Uminit ang pisngi ko sa iniisip.
"Hmmm. Can we meet after?" Tanong niya.
Umirap ako at umiling.
Kumunot ang noo niya at nagkibit balikat. "What? You don't want to see me... again?" Bumagsak ng ilang tono ang boses niya sa huli.
Of course I want to see him. Pero kung busy siya mamaya at busy rin naman ako, wala kaming magagawa, hindi ba? "You're clingy."
Bumaling siya sa akin at nagkasalubong ulit ang kanyang kilay. Hindi siya nakapagsalita, para bang may malalim na iniisip. "I'm not."
"You are." Tumango ako at ngumisi lalo na nang nakita kong kinagat niya ang pang ibabang labi.
Nag sungit siya nang nagsungit habang tinutukso ko siya. Humihigpit naman ang hawak niya sa kamay ko. Natatakot tuloy ako na mamaya dahil sa panunukso ko ay ano pang mangyari sa amin dito sa daanan kaya tumigil ako ngunit hindi humupa ang aking tawa.
"Clingy..." Tawa ko ulit.
"Shut it, Aurora." Iritadong sinabi niya. "So what?"
Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mata ko nang tiningnan ko siya. Inamin niya? Now, I can't wait to see Rage and Logan's reaction about this. That would be epic! Brandon Walter Rockwell, clingy?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top