Kabanata 47
Kabanata 47
Time To Meet
Tatlong araw kaming nawala sa Highlands para sa kasal na iyon. It was all like a dream. Nong namataan ko ang mga pine trees sa Tagaytay ay parang nagbalik din sa akin ang katotohanan na nagtatapos rin ang mga masasayang araw.
Brandon squeezed my hand. Nauna na ang gamit namin sa kanyang villa at nag request ako na sa Clubhouse na lang kami mag dinner since gabing gabi na at ma ha-hassle pa siya pag nagluto pa siya doon.
"Uh..." Hindi malaman ni Ria kung saan niya itutuon ang pansin, kung sa aming mga kamay ba o sa aming mga mukha. "Your favorite seat is not taken, Mr. Rockwell." Sabay lahad niya sa madalas na inuupuan ni Brandon. "Good evening, Ma'am Avon."
"Good evening, Ria." Ngiti ko.
Nagpatuloy sa paglalakad si Brandon, hawak hawak ang kamay ko. Nakita kong palapit si Jose at kumalantog ang tray na hawak niya nang bumaba ang kanyang tingin sa aming mga kamay.
"M-Magandang gabi, Ma'am."
"What's with the shocked face, Jose?" Matigas na tanong ni Brandon nang napuna ang nangyari.
"M-Magandang gabi din ho, Mr. Rockwell." Nagkamot ng ulo si Jose. "Anong order niyo?"
Paupo na kami ni Brandon at pinagmasdan ko ang pag kunot ng kanyang noo at pagtanggap niya sa menu.
"Kamusta, Jose?" Tanong ko sabay lingon kay Jose.
Nininerbyos siya. Ganyan siya palagi pero weirdong ni ninerbyos siya ngayong kami lang naman ni Brandon ang kanyang pagsisilbihan.
"Ayos lang mo, ma'am. Ikaw?" Nahihiyang sinabi ni Jose.
"What's your order?" Brandon's intense gaze flashed.
"I'd like some steak. Ginutom ako sa byahe." Sabi ko.
"Steak, Sisig, and Shrimps, Jose." Mabilis na sinabi ni Brandon.
"Drinks po, sir?" Nagsusulat na siya sa order form.
"Pineapple juice, dalawa." Sabay bigay niya ng menu kay Jose.
"Inaantok na ako." Sabay hikab ko. Kung hindi lang ako gutom ay nagyaya na ako kay Brandon na dumiretso sa villa.
"Naku, ma'am, magpahinga ka na p..." Hindi natapos ni Jose ang sasabihin kasi matalim na siyang tinapunan ng tingin ng kasama ko.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "You are so rude!" Sabi ko.
Nagkibit balikat lang si Brandon. He's not even sorry for what he did.
"Kawawa naman si Jose. I was their manager, here."
"He cares for you too much. I don't like it." Hindi siya makatingin sa akin.
"Ang tawag don, Brandon, pakitang tao. Hindi ka siguro ganon unless may sadya ka sa kinakamusta mo kaya hindi ka maka relate." Iling ko.
Nanliit ang mata niya. "Nakita niya tayong magkahawak kamay, dapat ay hindi na siya nagpahiwatig pa ng pagkagusto sayo." Sabi niya na parang tamang tama ang kanyang linya at dapat maintindihan ko na pagkatapos non.
Umirap ako. "You've got to be kidding me, Brandon. For Pete's sake, he's just a boy. Nagpapahiwatig na may gusto? Kung kamustahin ba ako ni Adrian ngayon, may gusto na agad 'yon?"
Mas lalo lamang lumiit ang mata niya. "Nag uusap pa kayo ng lalaking iyon?"
"Oh my God!" Iling ko at hindi na ako nakapagsalita.
Pinoprotektahan ko lang ang imahe niya at ngayon pag hindi titigil si Brandon sa kakaputok ng butchi niya ay baka ipagapang ko na siya sa bi na iyon.
"Okay, okay, I'm sorry. I know he's your friend." May bahid na pagkakataranta sa boses ni Brandon.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi pa ako kahit kailan nagkaboyfriend, Brandon. Ikaw pa lang ang naging boyfriend ko."
Kinagat niya ang pang ibabang labi niya. "I know sweetheart. And I've never been in love before, too."
Ngumuso ako at tinoon ang tingin sa mga pagkaing kakarating lang.
Ingat na ingat si Jose sa paglalapag ng pagkain. Hindi ko na lang din siya kinausap dahil nagsisimula na naman ang mga matatalim na titig ni Brandon sa kanya. This poor boy is just working hard to please the customers. Dapat ay parangalan pa nga siya ni Brandon sa pagiging friendly nito pero wala, e.
Habang kumakain kami ay nag usap kami sa mga proyektong tinrabaho namin sa Huma Island. Kahit na naroon kami ay hindi naman puro bakasyon ang inatupag namin. Maraming naging pending papers na kailangan niyang pirmahan mamaya pagdating sa villa.
"I think you should also go for that project. Yong Theme Park?" Nagtaas ako ng kilay.
He groaned. "You just like the engineer."
"Hindi no! I think it's a great asset! Stop being a jealous dog, Brandon." Tawa ko.
Nanliit ang mata niya. "Wow! Ginagawa mo nang endearment 'yong dog, a?"
Tumawa lang ako sa sinabi niya. Umiling siya at umangat ang gilid ng labi. "Then stop being so jealous."
Pagkatapos naming kumain ay nag CR na muna ako. Nakasalubong ko pa ang ilang babaeng waitress doon at nanukso pa sa akin kung gaano ako ka in love ngayon.
"Sabi na, e. Magiging kayo ni Sir." Puna nila sabay turo kay Brandon na nag hihintay doon sa upuan.
Umiling lang ako. "Bumalik na nga kayo sa trabaho." Tawa ko.
Pagkarating namin sa villa ay dinapuan na ulit ako ng matinding pagod. Ang pag iisip na may kamang naghihintay ay parang langit sa akin. Naroon na ang mga bagahe namin sa sala. Kukunin ko na sana para maihatid na sa kwarto ngunit hinapit ni Brandon ang baywang ko.
"Not so fast, Sweetheart. You'll be sleeping in my room from now on." Aniya nang napatingin ako sa kanya.
"Ang akala ko ba may mga trabaho kang gagawin?" Nagtataka kong tanong.
"Meron nga. That doesn't mean you can't sleep with me." Ngumisi siya.
Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking baywang. Tinutop niya ang kamay na nakahawak doon at inangat niya ako bigla. Halos mapasigaw ako nang binalot niya ang aking labi ng mga senswal at mahihinang halik.
I really couldn't get enough of him. Kahit na gaano man ako ka pagod ay nagagawa parin niyang pukawin ang damdamin ko. Rumagasa ang init na naramdaman ko sa mga halik niya. He claimed my mouth hungrily so I kissed back with the same intensity. Napadaing siya sa ginawa ko. He then cupped my breast. Ako naman ngayon ang napadaing.
"Makakatapos kaya ako ng gawain ngayon?" Tanong niya sa tainga ko.
Of course, the night did not end without us making love slowly and passionately. Nakatulog ako sa pagod at sa kanyang halik. Mabuti na lang at Sunday naman bukas kaya hindi ako mamomroblema kung may pasok o wala.
Dumilat ako kinaumagahan na nasa kanyang braso na ang ulo ko. He was in deep sleep. Siguro ay matagal itong natulog kagabi dahil sa trabaho kaya imbes na gisingin ko siya ay nagpasya akong ipagluto siya ng almusal.
Ginala ko ang mga mata ko sa kanyang kusina para sa maaaring lutuin at napagtanto kong kaonti na lang ang naroon. Kailangan naming mag grocery mamaya.
Masaya akong nagluluto ng bacon at eggs sa kusina. Tinali ko ang aking buhok para mas maging maaliwalas ang pakiramdam ko.
Pagkatapos kong lutuin ang mga iyon ay nilagay ko kaagad sa isang pinggan at nilapag sa counter. Hihintayin ko na lang ngayon ang kanin na maluto nang bigla kong narinig ang mga yapak ng takong sa sala.
Nagmadali ako patungo roon at nakita ko ang nakatalikod na si Madame Diana Rockwell. Nakaharap siya sa isang cabinet na may mga frame at mamahaling muwebles. Napansin niya siguro ang presensya ko kaya umikot siya para makita ako.
"Good morning, Avon." Bumalik ang sigla ng kanyang ngiti sa akin. It was very unlike the last time we met.
"Good morning, madame." Sabi ko at nahiya kaagad sa madungis na estado.
"I'm here to check on my son." Sabay pakita niya sa kanyang mga susi. "I'm sorry if I'm intruding your privacy, I just miss him so much."
Tumikhim ako, hindi malaman kung anong sasabihin. "T-Tulog pa po siya."
Parang narinig ang taimtim kong dasal na sana ay bumangon na si Brandon, lumabas siya sa pintuan ng kanyang kwarto nag susuot ng puting t shirt. Nakita niya kaagad si madame na ngumisi sa kanya at nag lahad ng kamay.
"Good morning, Ma..." Sabay halik ni Brandon sa kanyang mommy.
Lumunok ako at gusto kong lamunin na lang ako ngayon ng lupa. This is very awkward. Nilingon ako ni Brandon at pumanhik siya patungo sa akin para yumakap ng mahigpit. Nakita kong lumapad ang ngisi ni Madame sa aming dalawa.
"I just want to check on you two, hijo." Ngisi niya nang hinarap na siya ni Brandon na nasa tabi ko. "And I think you two are fine?"
"We are." Tango ko.
"Of course." Maagap na sagot ni Brandon.
Tumango si Madame, hindi na kailangang magtanong kung anong klaseng pagkaayos iyon dahil bakas na sa kanyang mukha na nakuha niya na ang sagot. "By the way, I called you kahapon, hijo." Baling niya kay Brandon.
"Nasa Huma Island pa kami kahapon." Ani Brandon.
"Yes, I know. It's just that, I need you to be in Manila. Dalhin mo ang mga trabaho mo doon, tutal ay tapos na rin naman yata ang rehabilitasyon mo? You're fine now, I'm sure." Ngiting makahulugan na naman ang ipinakita ni Madame.
Umiling si Brandon. "I'm fine here."
Tingin ko ay mahaba itong usapan nila kaya imbes na manatili doon ay nagpaalam akong aayusin ang mesa para doon na rin makakain si Madame. Kabado tuloy ako at ako pa naman ang nagluto sa mga ito.
"If it's Arielle, Brandon, then all the more kailangan mong mag Manila." Narinig ko ang sinabi ni Madame habang naglalapag ako ng mga pinggan.
"It's not all about Arielle. Mas gusto ko dito kasi payapa." Sagot ni Brandon.
Bakit kailangan pumuntang Manila ni Brandon para kay Arielle? Hindi ko alam at gusto ko ba iyong malaman?
"Arielle needs a friend. I'm sure..." Hindi ko na narinig ang sinabi ni madame kasi humina ang boses niya.
Parang may tumusok sa puso ko. I didn't want to be selfish. Alam ko na magkaibigan ang dalawa simula pa pagkabata. Naaaninag ko ang batang Brandon na pinoprotektahan ang iyakin at musmos na Arielle. This is going to be hard.
"She is not a child anymore." Rinig ko ang frustration sa boses ni Brandon.
"Yes, but you know her. I'm just concerned." Huminahon si Madame.
Ngayon ay hindi ko na alam kung kaya ko bang tawagin ang dalawa para kumain o hindi. Ganunpaman ay lumapit ako sa sala at napatingin silang dalawa sa akin. Kitang kita ko ang kunot na noo ni Brandon at ang kalmanteng ekspresyon ni Madame.
"Uh, breakfast is ready." Sabi ko. "Madame, dito na po kayo kumain. Nagluto ako."
"Tapos na akong nag breakfast, hija. But I'd like some coffee so I'll be there." Ngiti ni Madame at nauna siyang pumanhik sa dining table kesa kay Brandon.
Susunod na sana ako kay Madame ngunit pinigilan ako ni Brandon at hinalikan niya ang aking noo. Nilingon ko siya. I can see the frustrations in his eyes. Kahit wala siyang sinabi at giniya lang niya ako patungo sa kanyang ina ay naramdaman ko ang kaba sa higpit ng kanyang hapit sa akin.
Tumawa si Madame. "You two make a good couple." tinagilid niya ang kanyang ulo at bumaling sa akin. "I like you for my son."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumawa si Brandon sa sinabi ng ina at pinaupo na ako sa tabi.
"Well, I just hope your dad likes this man." Ngisi ni Madame sa akin.
Nagkibit balikat ako. Hindi ko pa naipapakilala si Brandon sa mga magulang ko. I still couldn't. It's all so complicated.
"He will like me, of course." Mayabang na idineklara ni Brandon.
"Bakit ka niya magugustuhan?" Nagtaas ako ng kilay.
Tumawa si Madame at naging magaan din naman ang hangin sa aming tatlo.
But then I wonder, Madame Diana Rockwell also cared for Arielle. What if Arielle wants Brandon for herself? Gugustuhin rin ba ni Madame iyon? I don't know. This is pissing me off! This whole insecurity thing is pissing me off! Well, kung gustuhin ng mundo na sa kanila si Brandon, maglalaban muna tayo, hindi ba?
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Madame. Hindi pa lang siya nakakalabas ay narinig ko na na tumutunog ang cellphone ko sa loob ng kwarto ni Brandon.
"Excuse me. That might be my parents." Sabi ko kay Madame at ngumuso siya nang nakita akong patungo sa kwarto ng kanyang anak.
I need to answer that call. Ilang beses ko na silang nakaligtaan simula nong nag Palawan kami. Nakita kong si mommy nga ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello?"
"Avon! Bakit ngayon ka lang sumagot? I was kind of worried. Kahapon ka pa hindi sumasagot, a."
Umirap ako. I'm not a teenager na kailangan pang tawagan araw-araw. "I'm sorry, mom. Busy lang nitong mga nakaraan sa trabaho."
"Nakauwi ka na ba galing Palawan?" Her voice sounded worried.
"Yup. Nasa Tagaytay na po ako. Bakit?" Humalukipkip ako at lumabas ng kwarto.
Tiningnan ko si Brandon sa labas na kumakaway sa isa pang sasakyang Benz kung nasaan sakay si Madame Diana. Hinintay ni Brandon na mawala ito sa paningin bago bumalik sa villa.
"Uuwi ka bang Manila?" Ngayon ay nahihimigan ko na na may sadya siya sa tawag na ito.
"Hindi ko alam, my." Sabi ko, nanliliit ang mga mata.
Huminga siya ng malalim. "Pabalik na kaming Manila."
Nanlaki ang mga mata ko. "Akala ko magtatagal kayo sa Batangas?"
Hindi agad nakapagsalita si mommy. "I'm actually thinking... it's time to meet your half sister."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top