Kabanata 42
Kabanata 42
Stay There
Hindi niya na ako binalikan sa kanyang opisina. Lumabas ako kahit na wala pang utos niya para magtanong kung nasaan siya pero may inasikaso di umano. Ayos lang ba 'yon? Ako na secretary niya ay walang alam kung nasaan siya?
Hindi hectic ang schedule niya ngayon. Iyong meeting lang naman ang schedule niya para sa araw na ito. Naisip ko tuloy kung gaano siya ka busy sa mga araw niya pag naroon siya sa Maynila. Panigurado ay mas hectic ang schedule niya roon.
"Oh, Miss Pascual. Di ka pa a-out?" Hinahagilap na ng isang empleyado ang mga papeles niya para makauwi na.
Nakapangalumbaba ako sa aking mesa. Pwede na akong umuwi pero wala pa si Brandon. Hindi ko naman siya kailangang antayin pero iniisip ko kasing baka bumalik pa siya.
Suminghap ako. "Susunod na ako."
Tumango siya at umalis na rin. Ilang sandali ang nakalipas ay nagpasya akong umuwi na lang din. Tinitigan ko ang cellphone ko sa loob ng van at inisip kong mag text sa kanya.
Ako:
Where are you?
Wala siyang naging reply kahit noong nasa loob na ako ng villa. Kaya imbes na antayin ang kanyang reply at magmukmok ay naisip kong maghanap na ng recipe para sa adobong manok.
Hinagilap ko ang kasangkapan niyon sa kusina ni Brandon. Naroon naman lahat ng sangkap nito. Dinirekta ako ng Google sa Youtube para makapanood ng video kung paano ito lutuin.
Nagsuot ako ng apron at ginaya na kung paano magluto. Inuna ko iyong cooking oil tsaka 'yong sibuyas at bawang. Ginisa ko ito.
Napaisip pa ako na kailangan din yata akong bumili ng mga pagkain dahil nakikikain lang ako sa mga pagkain ni Brandon. Mamaya ay sumbatan pa ako non dahil sa pagtira ng walang bayad doon.
Habang naglalagay ako ng toyo at tubig roon ay tiningnan ko ang cellphone ko na walang text kundi iyong nangungumustang si Tyrone, Jessica, at ang mensahe ni mommy na nasa ospital sila ni daddy para kay tito. Walang galing kay Brandon. Nireplyan ko isa-isa 'yong mga mensahe habang naghihintay na maluto ang manok.
Pagkatapos kong mag text ay tsinek ko ang manok at agad nahagip ng kawali ang palapulsuhan ko. Napasigaw ako sa sakit at hapdi ng pagkakapaso ko. Namula kaagad ito at nanatili ang hapdi nito ilang sandali ang nakalipas.
Natapos na ang pagluluto ko ng adobo at alas syete na ng gabi. Naluto na rin ang kanin sa rice cooker. Nilagay ko ang mga ito sa mga pinggan para maging maganda ang presentasyon. Kumuha rin ako ng juice at nilagay muna sa ref para malamig iyon mamaya pag balik ni Brandon.
Suminghap ako sa sala, iniinda ang paso ko sa palapulsuhan. Hindi naman siguro ito nakakamatay. Kaya lang, mahapdi. Hindi ko mabalewala.
Ilang sandali ang nakalipas ay napansin ko ang sahig na kahit sa carpet ay kitang maalikabok na. Ang alam ko, may bumibisitang taga linis dito. Hihintayin ko pa ba iyon?
Kinuha ko ang vaccuum cleaner sa loob ng kabinet na may lamang mga panlinis. Nagsimula ako sa sulok. Maglilinis muna ako habang wala pa si Brandon. I'm sure he'd be pleased to see me cleaning the whole sala when he's home.
Binagalan ko ang paglilinis para sana madatnan niya akong naglilinis roon ngunit hanggang sa pagkatapos kong magpunas ay walang Brandon na nagpakita.
It was nine in the evening and he's not yet home! Where the hell is he?
Hindi ko na napigilan ang pagpindot ulit sa cellphone ko.
Ako:
Where are you? Dinner time na! You're late.
Pagkatapos ko iyong tinext ay dumiretso na ako sa kwarto. Mamaya ay madatnan niya pa akong pawis at madungis. Maglilinis na lang muna ako ng katawan habang wala pa siya. Naligo ako at nagpabango. Ngunit pagkalabas ko ng kwarto ay wala parin siya.
Umupo ako sa kusina. It was almost ten in the evening. Tinitigan ko ang malamig nang adobong manok at kanin. Ginugutom na ako at nabubuwisit na ako sa kay Brandon.
Nagpaluto siya tapos iindianin niya ako ngayon? Nag walk out siya kanina sa opisina at hindi na ulit nagpakita, a? Paano kung bumalik pala siyang Maynila at hindi niya na nakayanan ang presensya ko?
I suddenly felt stupid. Why would I put effort on all this shits? Gusto kong balikan kung paano niya ako pinahiya, gusto kong isipin na siya na ang pinakagagong tao sa buong mundo, pero tuwing naiisip ko iyon, imbis na magalit ay nangingilid ang luha ko. Damn it!
Bumukas ang pintuan ng villa niya at napatalon ako sa kinauupuan ko. Agad siyang nagmura at padabog na sinarado ang pinto. Nahanap niya kaagad ang mga mata ko.
He was wearing that same white long sleeves. Ang unang tatlong butones ay nakakalas at kumunot agad ang noo niya. Tinuro niya ang pintuan.
"The door was unlocked. Hindi mo sinarado?" Galit niyang panimula.
I hated that he did not even see the clean floor, or the food in front of us. Iyon ang una niyang napansin. Ang pintuan na hindi ko ni lock.
"Akala ko uuwi ka ng maaga. Pinagluto mo ako, e."
Bumaba ang tingin niya sa mga pagkain at nakita ko ang sakit na saglit na dumapo sa kanyang mata bago siya nag angat muli ng tingin.
"Kahit na! Sana ay sinarado mo ang pintuan! What if..." Hindi niya maituloy.
Nagtagpo ang titig namin at agad niyang iniwas ang kanya. Kita ko pa ang bayolenteng hugot niya ng hininga habang pinipilig ang ulo.
Umirap ako, hindi na maitago ang pait na nararamdaman. "Kumain ka na?" Binaba ko ang tingin ko sa adobong manok at nawalan agad ng ganang kumain. Ganunpaman ay kumuha ako ng isang piraso nito.
Jerk! Nagkibit balikat ako para hindi niya mapansin ang sakit na naramdaman ko. "Hinintay mo ako?"
Yes, idiot! Jerk! Asshole! Gusto kong banggitin sa harap niya ito. If only my pride would allow me.
Humakbang siya patungo sa mesa at umupo siya sa harap ko. Binalewala ko siya. Nanatili ang atensyon ko sa pagkain para makakain na. Nalipasan pa ako para lang hintayin siya!? Bakit ko nga pala siya hinintay? "We have to talk about your attitude in my home. I don't like you leaving the doors unlock when you're inside."
Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko rin maiwasan ang pag angat ng kilay ko. Sa dami ng ginawa ko para sa kanya, iyong kamalian ko lang ang naisip niya?
"Avon, listen!" Pangungulit niya habang sumusubo ako ng pagkain.
Binaba ko ang kubyertos ko at binigay ang tingin ko sa kanya. Nagulat siya sa talim ng titig ko. Bago ko masala ang mga salita ko ay naibuga ko na ito sa kanya, "Oo na nga kasi! Oo nga, ila-lock ko na next time!" Iritado kong sinabi at nag simula nang kumain ulit.
Minadali ko ang pagkain. Ilang hakbang ang ginawa niya patungong ref para magsalin ng tubig. Wala akong ganang kumain pero kumain parin ako kahit konti. Ayaw kong sabihin sa kanya na pinaghirapan ko ang lahat ng ito! Na naglinis pa ako para lang mahintay siya! Para matuwa siya!
Nilingon ko siya at nakita kong tinititigan niya ang aking luto. Agad ko iyong tinakpan ng plato at nag isip na ilalagay ko na lang iyon sa ref, tutal ay tapos na rin naman yata siyang kumain.
"Maghuhugas lang ako ng pinggan, matutulog na ako pagkatapos." Sabi ko.
"Okay." Sabi niya at naglakad paalis ng kusina.
Nagpupuyos ako sa galit habang naghuhugas ng pinggan. Ang tarantadong iyon, pinagluto ako pero hindi niya naman kinain!? Kumain na yata siya kung saan, e. At baka pa may kasama iyon kaya ginabi?
Halos mabali ko ang mga kutsara niya habang naghuhugas ako. Pagkatapos non ay nagmartsa agad ako patungo sa aking kwarto. We're not yet done, Brandon Rockwell!
Bahala siya sa buhay niya. Natulog na lang ako ng maaga para maunang magising sa kanya kinabukasan.
Pagkagising ko ng mga alas kwatro ng madaling araw ay kaagad akong naligo. Pagkatapos maligo ay ginawa ko muli ang ritwal na pang umaga, pag pahid ng lotion sa balat at pag lalagay ng perfume na hindi masakit sa ilong. Nanatiling basa ang buhok ko dahil madaling araw pa naman. Hindi rin ako nagbihis ngunit hinanda ko na iyong pencil skirt na puti at floral spagetti strap. This time, I will no longer wear my damn blazers.
Tinapis ko ang puting tuwalya sa aking katawan at tanging underwear lang ang suot ko. Lumapad ang ngisi ko at hinagilap ang pipe wrencher. Naaalala ko kagabi na habang naghuhugas ako ng pinggan, may tulo akong naririnig sa ilalim ng lababo. Mag kukumpuni ako ngayon ng sirang tubo kahit na ang totoo ay hindi ko naman alam kung paano.
Five thirty ng umaga ay naroon na ako sa kusina. Naghihirap na kapain ang tubo sa ilalim ng lababo. Paano ba ito? Nakita kong may kaonting leakage doon at hindi nito kailangan ng pipe wrencher. Kailangan yata ito ng pandikit o kahit anong ganon para mawala iyong kaonting leak.
"Holy fuck!" Sigaw ng tinig sa likod ko na alam kong kay Brandon. Kakagising niya lang yata.
Tumayo ako at hinarap siya. Pinagpawisan ako ng konti kaya pinahid ko ang pawis ng noo ko.
"Good morning!" Bati ko sabay turo sa tubo. "Nagkukumpuni ako ng sirang tubo."
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at nagkamot ng ulo. Pumikit siya ng mariin at ako naman ay nagkagat ng pang ibabang labi para maiwasan ang ngisi. "Where's your clothes?" Tanong niya, iritado.
"Kakaligo ko lang, nasa loob ng kwarto. Naalala ko kasi ito-"
"Ako na niyan! Go back to your room and put your clothes on."
"Magsasaing pa ako-"
"Go to your room, Avon!" Sigaw niya.
Nanliit ang mata ko at nakita kong hindi siya makatingin sa akin. "Oh, well, teka lang. Ima microwave ko rin 'yong adobo kagabi. Ibababa ko lang sa ref." Sabi ko at nakapaang naglakad patungong ref.
Marahan siyang pumikit at pinilig muli ang ulo, para bang konting konti na lang ay mapipigtas na ang pisi ng pasensya niya sa akin.
Humugot siya ng malalim na hininga at dumiretso na lang doon sa tubo bago pa siya sumabog sa galit. Imbes na dumiretso din ako sa aking kwarto ay nagawa ko pang mag microwave habang siya ay nakaluhod sa lababo at tinitingnan ang leakage.
"Itong adobo na lang ang breakfast natin." Sabi ko.
"Maaga ako sa opisina ngayon. May mga reports akong gagawin. Wag kang mag pa late. Mauuna na ako." Sabi niya habang naroon parin ang atensyon sa tubo.
"Okay." Umirap ako at ilang sandali ang nakalipas ay nilapag na iyong adobo sa mesa.
Nakapaa ulit akong dahan dahang dumiretso sa aking kwarto. Humalakhak ako sa loob ng kwarto ko at naligo muli. Pinagod ako ng lababong iyon ah?
Napagtanto kong bigo naman ako ngayon sa pag alam kung nagustuhan niya ba iyong luto ko. Lintek rin kasi ang isang iyon at bakit pa naunang umalis. Ayaw talaga yata akong makasama.
Sinikop ko ang aking buhok at nilagay ko iyon sa kaliwang balikat ko bago kumatok ng isang beses sa kanyang opisina.
Pumasok ako ng may dalang kape at nadatnan ko siyang katalikod, ang palad ay nasa noo, at may kausap sa cellphone.
"What do you mean get married? You will, really, Rage?" Aniya sa cellphone.
"Coffee!" Sabi ko sabay lapag ng coffee sa kanyang mesa.
Nakita ko ang pagtalon ng kanyang balikat sa narinig na tinig ko at nilingon niya kaagad ako. Naging matalim ang titig niya sa akin.
"Talk to you later." Sabi niya at binaba kaagad ang tawag.
Tinuro ko ang labasan para makaalis na ngunit umiling siya sa akin.
"Why are you here?" Tanong niya, nanatili ang mata sa aking mata. "And what's with your clothes again?" Sigaw niya.
"This is corporate-"
"Don't give me that bull, Avon. I told you I dislike those clothes!" Aniya.
Nalaglag ang panga ko. "Doesn't mean I'm going to stop wearing them, Brandon. Kung ayaw mo, edi wag mo akong tingnan, simple!" Sabi ko at tinalikuran ko siya.
Bago ko pa masarado ang pintuan niya ay narinig kong may nabasag sa kanyang opisina. Nanlaki ang mata ko at muling binuksan ang pintuan.
Nakita kong isang flower vase ang basag at nasa ere ang daliri niya.
"Stay fucking there." Aniya, nagbabanta.
"P-Pero-"
"For once, Avon, sundin mo ang utos ko!" banta niya.
Kaya imbes na ako ang tumulong ay nanghingi pa sila ng tulong sa maintenance. At pagkatapos non ay wala na ulit akong natanggap na utos galing sa kanya. Buong araw akong walang ginawa. Inaantok tuloy ako at sayang lang itong pinag hirapan kong attire kung di ko naman rin pala mababalandra.
Nasa opisina pa rin siya nang nag alas singko kaya inisip ko mauuna na lang akong mag out kasi hindi niya naman ako inuutusan. Sumakay na ako ng van at nadaanan ko pa ang malinis at kumikislap na tubig ng swimming pool ng Country Club. Nakakaakit nga naman talaga iyon.
"Hindi naman ako inutusan ni Brandon na magluto ngayon pero magluluto parin ako ng para sa kanya. Pagkatapos ay didiretso na ako sa Country Club. Kung kagabi ay siya iyong matagal na umuwi, pwes, kaya ko ring gabihin sa araw na ito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top