Kabanata 41

Kabanata 41

What Are You Wearing

Kumain muna ako sa Clubhouse bago ako bumalik sa villa niya. Nag isip ako habang kumakain ako. I'm here to make up for whatever I say or did to Brandon. I'm doing my very best. Pero wala ako rito para alipustahin niya kaya hindi iyon maaari. I can only do what I'm told. I can't be abused, kahit na may atraso pa ako.

Pag pasok ko sa villa ay naabutan ko siyang topless sa sala. Suminghap ako at pinanood ang kanyang paghihirap habang tinatanggalan ng bandage ang sugat sa likod niya. This reminds me that he was critical just weeks ago.

"May I?" Sambit ko at naglakad patungo sa kanya. Batid ko ang paghihirap niya.

"No, I can do it." Sabi ni Brandon habang palapit ako sa kanya.

Nagtiim bagang ako. Gusto niyang pantayan ang pride na ipinakita ko kanina. Sinubukan kong hawakan ang bandage na naroon ngunit mabilis niya iyong binawi. Nakita ko na may ilang sariwang stitches pa doon sa sugat. Agad siyang tumalikod para matigil ako sa pag titig.

"Ang sungit mo." Sabi ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Tinalikuran ko kaagad siya.

"Where have you been?" He asked accusingly.

"Kumain ako sa labas." Sabi ko, bago binuksan ang pintuan ng kwarto ko at nagkulong doon.

I made some calls while inside my room. Kay Jessica, kay mommy at daddy, kay Adrian. My second night was not that bad. Kahit na hindi parin maalis sa utak ko iyong nangyari kagabi ay maayos pa rin naman ito kahit paano.

Naisip ko rin iyong sugat niya na hindi pa lubusang naghihilom. I'm kind of worried. Nag jo-jogging parin kaya iyon kada umaga ngayon?

Maaga akong gumising para tingnan kung mag ja-jogging ba siya. Ganon din siya ngunit mukhang hindi siya nag jogging. Habang nag bibihis siya ay nagluto naman ako ng breakfast niya.

Hindi niya ako inutusan pero gusto kong gawin iyon. Lumabas siya sa kwarto niya ng naka puting long sleeve polo na na nakababa ang unang tatlong butones. Basa pa ang buhok niya at abot sa kusina ang bango.

Sinilip ko siya at namataan niya agad ang pagsilip ko.

"Nag luto ako ng ham at sunny side up eggs." Sambit ko at agad binalik ang mata sa niluluto.

"That's good," aniya.

Kumibot ang labi ko. Balak mo talagang alipinin ako dito, huh? "Anong gusto mong ulam mamayang gabi?"

"Adobong manok." Diretso niyang sinabi.

Ngumuso ako. Holy hell. Hindi ko alam kung paano 'yan. "Okay. Magluluto ako." But yes of course, Google. And when all else fails, call mom.

Inihain ko ang mga lutong bacon at sunny side up eggs sa pinggan. Nilagay ko iyon sa lamesa na may juice na sa baso at pinggan para sa akin at para sa kanya. Pakiramdam ko nagbabahay bahayan kaming dalawa. Kaso suplado lang ang asawa ko at hindi man lang ako nililingon.

Humanda ka mamaya.

"May meeting ako mamayang mga alas otso. Bilisan mo ang paghahanda para makaabot ka." Sabi niya pagkatapos kumain.

"Okay." Nagkibit balikat ako at pinanood ko siyang umalis.

Pagkaalis niya ay nagligpit pa ako ng mga pinggan. I'm used to living alone but I'm not used to being Brandon's servant. The hell!

Nagmadali ako sa pagligo ngunit sinigurado kong humahalimuyak ako paglabas ko ng banyo. Mas lalo kong pinag tuonan ng pansin ang pagpahid ng lotion sa aking balat. Nag perfume ako ng marami at nag blow dry ng buhok. Pagkatapos ng mga ritwal ay sinimulan ko na sa mukha ko. Kaonting make up lamang tulad ng pang araw araw kong ginagawa. Sa damit ay ngumisi na ako. Isang itim na bandage skirt, puting deep v neck top at iyong boyfriend blazer ko.

Ngumisi ako ng isanktong alas otso ako nakarating sa opisina. Dalawang lingon pa ang ginawa ng isang officemate ko pag dating ko. I've been wearing corporate attires the day I came here pero ngayon pa lang na ganito ka ikli at ganito ka sexy.

Sinikop ko ang buhok ko at nilagay sa kaliwang balikat ko, revealing my nape. That's how I like it.

"Avon, my guests are almost complete. Are you there?" Tinig ni Brandon ang bumungad sa speaker.

"Yes, sir. Papasok na ba ako?" Malambing kong sinabi.

"Bring a cup of coffee for me."

By that, lumapit kaagad ako sa water dispenser at nagsimulang mag tunaw ng kape. Dahan dahan ang pagtutunaw ko. Wala akong pakealam kung mag sungit si Brandon dahil sa pagiging pagong ko sa araw na ito.

Kumatok ako ng isang beses sa kanyang opisina. Wala siya sa kanyang swivel chair. Naroon siya sa long table malapit sa bintana, may kasamang tatlong middle-aged businessman. Seryoso ang pinag uusapan nila habang siya ay nakaharap sa kanyang laptop.

Palapit ako nang nilingon ako ni Brandon. Pasalamat ka at dala ko pa ang kape mo at baka mailuwa mo ito habang iniinom mo at tumitingin sa akin. Ngumuso siya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Here's your coffee." Sabi ko sabay yuko ng kaonti.

Nakita kong dumapo ang mata niya sa aking dibdib at pumikit siya ng mariin.

"I'll just get my notes. Magsisimula na ba tayo?" Tanong ko sabay pasada ng tingin sa mga matatandang katabi niya.

"Oh, Brandon. Is this your new secretary?" Tanong ng isang matandang intsik.

"Yes, tito. This is Avon Pascual. My new secretary." Sabi niya, nahihirapan sa pagbanggit sa mga salita.

Naglahad ako ng kamay sa intsik. "Nice meeting you, sir." Ngiti ko at tinanggap niya ang kamay ko.

"Ohhh. My name is Michael Cheng. Michael ang itawag mo sa akin."

Halos matawa ako dahil nagpapatawag siya sa kanyang first name.

"I'm Avon." Sabi ko at nilipat ko ang mga mata ko sa medyo mestizo na matanda rin.

"Avon..." Tumikhim si Brandon. "Get your notes now."

"Oh... Okay, Brandon." Ngiti ko sabay talikod at labas.

Pagkalabas ko sa opisina ay para akong uod na binudburan ng asin. Mabilis kong kinuha ang aking notes at hindi na makapag hintay na pumasok ulit.

Pagbukas ng pinto ay naroon kaagad ang problemadong mga mata ni Brandon. Nag uusap sila nong intsik at parang hindi siya nakikinig sa mga sinasabi nito.

"Do you mind if I ask? Sino pa ang hinihintay natin?" Tanong ko at umupo sa tabi ni Brandon, naka dekwatro.

"Ah! Si Mr. Alfante ang kulang." Sagot nong isang hindi ko kilala.

Niligid ko ang mga nakangiting mukha nila sa akin. "Oh, you must all be thirsty or bored. Do you want some refreshments? Coffee, juice, water? Anyone?"

Bayolenteng humugot ng hininga si Brandon at tinitigan ako. Nagkibit balikat ako sa kanya.

"I'd like some water, please." Sabi nong intsik.

"Juice."

"Coffee."

Tumango ako at tumayo ulit.

"Fuck." Bulong ni Brandon.

"Yes, Brandon?" Nagtaas ako ng kilay at dinungaw siya.

Kinakagat niya ang pang ibabang labi niya habang naglalaro ng signpen.

"Nothing." Iritado niyang sinabi.

"I'll just get your drinks, gentlemen." Ngiti ko sa mga businessman na naroon.

Pagkalabas ko sa kanyang opisina ay dumiretso na naman ako doon sa water dispenser na may katabing fridge kung nasaan naroon ang iilang drinks tulad ng juice, softdrinks at iba pa. Kumuha ako ng gusto ng mga matatanda. Nakita ko ring pumasok na ang isang lalaki na matanda lang ng kaonti kay Brandon sa kanyang opisina. Iyon na siguro ang hinihintay namin.

Dumiretso na ako sa loob at bumungad ulit sa aking mga mata ang titig ni Brandon na agad nag iwas sa akin.

"Let's start." Sabi niya.

Nilapag ko ang mga drinks sa mga matatandang may gusto nito. Nakita kong nag se set up ng laptop ang kakarating lang at sumusulyap sa akin.

"Want some drinks-"

"Upo ka dito, Miss Pascual." Matalim ang boses ni Brandon.

Ginalaw niya ang inupuan ko kanina sa tabi niya.

"We're starting. Tigilan mo na ang pag labas. You need to take down notes for me."

Tumango ako. "Alright."

Umupo ako sa tabi niya, naka dekwatro ulit. Suminghap siya ng malalim habang nagtatawanan sa kung anong rason ang mga matatanda.

"Now, tulad ng sinabi ko kanina, Brandon. This theme park is good for children. It is costly but the materials used will not need much maintenance. At isa pa, this is ideal for Highlands because some of the tourists here are families, locals or foreigners. Ibig sabihin hindi maiiwasan na may mga bata riyan. And kids, they don't enjoy the golf course that much." Sabi nong lalaki.

Nakita ko agad sa kanyang presentation iyong pangalan niya. He's an engineer. And he's proposing this building to Brandon. Ipinakita niya ang blueprint nong building na pinopropose niya.

"Paano namin 'yan mapapakinabangan? We have playgrounds, recreational activities, this won't earn more than those activities. This will only drag the hotel down." Sabi ni Brandon.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"This..." Bumaling siya ng bahagya sa akin. "This won't... this will be... kind of hard." Hirap niyang sinabi.

Tumagilid ang ulo ng engineer sa harap. Tumatango tango naman ang matatanda.

"This won't bring your hotel down. Instead, magiging isa pa ito sa highlights for children. Your playground never made it to your brochure. This will, surely."

Tumango ako sa sinabi ng engineer. Nakita niya iyon kaya ngumisi siya.

"See? Even your secretary agrees." Ngisi niya sa akin.

Tumikhim si Brandon. "I don't think this is a good idea."

Kumunot ang noo ko at nilingon si Brandon. "It's good." Sabi ko.

"What are your thoughts, Miss Pascual." Aliw na sinabi ng intsik na nakahiligan yata ako.

"Maganda ang proposal na ito. It's good for highlands. Not all kids enjoy the recreational activities. Some of it are suitable only for those who are 7 years old and above? This small theme park will make even toddlers love Highlands." tango ko.

Pumalakpak si engineer sa sinabi ko. Tumango tango naman ang mga matatanda. Matalim akong tinitigan ni Brandon, hindi nasisiyahan sa mga sinabi ko. It was my opinion anyway. Pasalamat siya at tinutulungan ko siya.

Tumikhim siya at bumaling sa engineer. "May I see more of your proposal? I don't think I can decide right away. Kailangan ko pang pag aralan ito. Anyway, this is just our first meeting right?"

Tumango ang engineer. "Okay. There's no problem."

Yumuko ang engineer para tingnan pa ang kabuuan ng kanyang proposal ngunit nakita kong hirap siya sa kanyang laptop. Ngumuso ako, uneasy sa pagkakaupo. I'm sure I can do something about that.

"Anong file ba ang hinahanap niyo, Engineer? Hope you don't mind. I can help." Sabi ko.

Ngumisi ang engineer kahit na nahihirapan. "It's a presentation. Nasa flash drive ko siya, di ko mahanap."

"Sit, Aurora Veronica. You're my secretary, not his." Bulong ni Brandon.

Nilingon ko siya. "I'm sure it won't hurt you if I help him out. Konting bagay lang naman ito, Brandon." Bulong ko pabalik at tumayo na ako.

Hahakbang na sana ako nang hinawakan niya ang aking hita. Nanlaki ang mata ko. His eyes full of confidence and authority. "Sit, Avon." Aniya, dinig ng mga tao sa loob. "I'm sure, Mr. Alfante can find the file by himself."

Nagulat si Engineer at napatingin sa kamay ni Brandon na nasa hita ko mismo. Gumalaw ako at binalewala ang kanyang sinabi.

"Let's remove the flashdrive. Baka di lang binasa." Sabi ko at dumalo na kaagad sa kanya.

Isang beses kong tinanggal ang flashdrive at binalik ulit tsaka pa lang ito umilaw at binasa.

"There." Sabi ko sabay ngisi.

Nilingon ko si Brandon at halos wala nang mapaglagyan ang umaapaw na galit niya habang tinititigan ako. Nakapamaywang ako at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Let's see your presentation, Engineer." Sabi ni Brandon.

Humakbang ako palapit sa kanya at tumuon ulit ang mga mata niya sa akin. Habang nag pepresent si Mr. Alfante ay wala akong ginawa kundi mag take down ng mga notes at marinig ang bawat buntong hininga ni Brandon sa gilid ko.

Nang nag wrap up na at umalis na ang mga businessman kasama iyong Engineer ay nanatili ako sa opisina ni Brandon para itransfer ang minutes sa laptop.

Sinarado ni Brandon ang pinto pagkatapos niyang ihatid sila sa labas. Ngayon ay rinig ko ang yapak niya patungo sa mesa.

"You might want to work outside my office." Aniya.

Nagtaas ako ng tingin sa kanya. "Malapit na akong matapos, o. Papaalisin mo ako dito? Bakit?"

Umigting ang bagang niya at lumapit sa akin. "What are you wearing?"

Nagulat ako at tumingin sa damit ko. "A bandage skirt? and blouse?"

"Sana ay naghubad ka na lang! Pinag pipiyestahan ka na nong mga bisita natin. Kada yuko mo halos kita ko na ang dibdib mo. Kada yuko mo, kulang na lang makita ko ang kaluluwa mo!" Sigaw niya.

"Anong problema mo? I can wear whatever I want, whenever I want. Isa pa, this is also corporate! Is it wrong to want to wear clothes that make me look sexy?"

Umiling siya. "Tsss. Tangina. Di baleng hindi sexy, wag lang mabastos."

Uminit ang pisngi ko. "Hindi ako nabastos. And you think scolding me like this will stop me from wearing my kind of clothes? No!"

Kinagat niya ang pang ibabang labi niya. A pained expression crossed his face. Para bang hirap na hirap siya sa ginagawa ko. He groaned. "Don't leave my office when I don't tell you to, then." Sabi niya.

"Huh?" Nagulat ako sa kanyang sinabi.

Ngunit bago pa ako makapagsalita ay dumiretso na siya sa kanyang mesa. Well, whatever. May ginagawa parin naman ako dito sa kanyang mesa kaya hindi ako makakaalis.

Ilang saglit ang nakalipas ay naramdaman ko ang pagkakaihi. Nilingon ko si Brandon na ngayon ay naka babad sa mga papel ng kanyang mesa.

"Brandon..." tawag ko.

"What is it?" Hindi niya ako nilingon, para bang nahihirapan.

"Naiihi ako. Walang CR dito. Alis muna ako. Tsaka bakit ayaw mong aalis ako? May gagawin ako sa mesa ko."

Bumaling siya sa akin, umiinom ng kape. "Pumunta ka ng bathroom. May gagawin ka? Wala naman akong inutos sayo ah? Bukod sa minutes ng meeting?"

Ngumuso ako at umirap sa ere. Nagmartsa kaagad ako palabas ng kanyang opisina para sa CR.

Bahala si Brandon. Pagkatapos kong umihi ay nainitan naman ako. Hinubad ko ang blazer na suot ko at nagpasyang dumiretso na lang sa opisina ni Brandon. Mamaya ay pagalitan ulit ako non.

Nilapag ko ang blazer sa aking swivel chair bago ko pinihit ang door handle sa kanyang opisina.

Nakatalikod siya, dala dala ang tasa ng kape habang tinitingnan ang mga papel. Ngumisi ako sa sarili ko.

"Wala ka bang iuutos sa akin? Patapos na ako sa... ano... minutes."

Nilingon niya ako habang umiinom ng kape at pagkatapos ay halos mailuwa niya ang kape. Inubo siya sa nangyari. Bahagya akong humalakhak at diretsong lumapit sa kanya.

"Brandon, are you alright?" Tanong ko habang umuubo parin siya sa kape.

Nilapag niya ang kape at tumalikod sa akin.

"Stay seated, Avon!" He growled.

"What? Ayos ka lang ba?" Natatawa kong sinabi. "Nasamid ka?"

"Fuck! Just stay seated!" Sabi niya at umiling. "Labas muna ako."

Hindi niya na ako nilingon at dumiretso na siya sa kanyang pintuan, nagmamadaling umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: