Kabanata 38
Kabanata 38
Unprofessional and Inexperienced
Nanibago ako sa pagdating ko ng Highlands. Nang nakarating ako sa dating pinagtatrabahuhan ko, ang Clubhouse, dinumog kaagad ako ng mga dating kasamahan doon. How I missed the look on Jose and Jay's face.
"Ma'am! Saan po kayo nanggaling? Bakit biglaan ang alis ninyo?" Tanong ni Jose sa akin, pawis at nagmamadali siya nang makita ako.
Niligid ko ang mga mata ko sa kanila. Sa kabilang kamay ko ay hila hila ko ang malaking stroller, preparado sa mahabang pananatili dito habang narito si Brandon.
"Basta, Jose. Kamusta na kayo?" Tanong ko dahil walang maisagot sa kanyang tanong.
"Basta? Ayos po kami dito, ma'am." Tanong ni Jose tsaka tumingin kay Ria.
Palapit na si Mr. Romualdo, tinitingnan kung anong meron at bakit nagkakagulo. Nang makita niya ako ay lumiwanag ang kanyang mukha ngunit hindi siya ngumiti.
"Nagkausap na ba kayo ni Madame? She's not pleased of your sudden leave without notice." Humalukipkip siya.
Tumango ako. "I'm sorry, Sir. Yup. Nag usap na kaming dalawa." Muli kong niligid ang mata ko sa paligid.
"Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo." Saway ni Mr. Romualdo sa mga empleyadong nakapaligid sa akin.
Naiwan kami ni Mr. Romualdo roon at nagsimula na siyang magtanong kung ano pa nga ba ang ginagawa ko dito at bakit pa ako bumalik?
Si Madame Diana Rockwell ang nag utos sa akin na pumunta dito. According to her, this plan has been long overdue. This is my punishment for leaving without formal notice and asking to be back again. And I willingly accept this punishment. Gusto kong bumawi kay Brandon sa kahit anong paraan.
"Brandon lost his secretary months ago. Wala siyang ipinalit and he did not even mind. But he needs it for work. Kaya mas lalo siyang hirap ngayon dahil wala siyang sekretarya."
Ngumiwi pa ako nang marinig ko iyon kay Madame.
"Ayaw mo?" Nagtaas siya ng kilay. "That's the only vacancy I can give you. And I refuse to make you someone unemployed to the company, kailangan ay konektado ka sa aming kompanya."
It was not my decision to make. Siya ang nag desisyon. Gusto ko lamang makabawi kay Brandon.
It was really my fault. Wala rin akong karapatang maging masama kay Brandon gayong niligtas niya ang buhay ko. He did not deserve to hear those words from me. It was all humiliating and clearly a reflection of my pride.
"Sige po, madame." Tango ko ng buong puso.
Umangat ang gilid ng labi ni madame. "Kung ganoon, mag impake ka na. Dalawang araw simula ngayon ay aalis ka patungong Highlands dahil doon nagpapahinga si Brandon."
Tumango ako at nakinig sa lahat ng kanyang bilin.
"I will inform him of the arrival of his secretary. You will serve him because he will need your services. Nagpapahinga siya at nagtatrabaho at the same time. His wound is not completely healed. You will be there to answer all his needs, from coffee down to the paperworks."
Lumunok ako. I am not used to answering anyone's biddings. Gusto kong umatras pero wala sa lahi ko ang ganon kaya hindi ko gagawin. I should sincerely pay for what I've done and this is how I'm gonna pay for it: serve.
"I'm just wondering kung saan ako maaaring matulog sa Highlands. Is my dorm still available?" Tanong ko.
Tumawa lamang si Madame sa sinabi ko. "Why would you need to be so far away? You will help him so why not sleep in his villa? I'm gonna tell him to give you the second room para doon ka na matulog. I will inform him, too."
Lumunok ako at tumango. Those were her information for this work.
Nagpaalam ako kay daddy at mommy tungkol rito. Although, dad's upset kasi sa Tagaytay na naman ako magtatrabaho, nagustuhan niya rin naman ang ideya na bumalik sa kompanya para malinis ang pangalan ko. Mom wanted to know my complete job description, hindi ko nga lang sinabi sa kanila na magiging sekretarya ako this time dahil alam kong aayaw sila.
In the end, pumayag sila. Nangako pa silang bibisita sila. Sa makalawa na rin ang alis nila papuntang Cavite at bisitahin si tito doon ng ilang linggo bago sila tutulak patungong Batangas para mag bakasyon. Hopefully, hindi muna sila babalik ng Maynila para hindi pa makaharap ni mommy si Arielle.
Wala rin silang ideya tungkol kay Brandon. They only know him as Arielle's friend who got stabbed for saving me. Hindi ko sinabi sa kanila kung ano man ang relasyon namin noon at hindi rin naman nabanggit ni Arielle kay daddy iyon.
Sinabi ko kay Mr. Romualdo ang job description ko at lumapad ang ngiti niya. May bahid na pagdududa ang mukha.
"Pumayag ka?" Nagtataka siya.
Tumango ako.
"An enderun graduate, secretary to the Chief Operating Officer and Carlzon Rockwell Group successor? Sounds impossible."
Ngumuso ako. "Do you know where's Brandon's office?" Winala ko ang usapan.
"Nasa conference room. Doon nag oopisina si Madame pag narito siya. Doon din si Brandon." Aniya, hindi natatanggal ang ngising aso.
"Well, you think he's there right now?" Sabay tingin ko sa bagahe kong sandamakmak. Bitbit ko yata ang buong kabinet ko sa condo. I will need more corporate attires, wala kasing uniporme ang sekretarya nila kaya ako ang bahala roon.
"He's probably there. Saan ka tutuloy?" Napatingin siya sa bagahe ko.
Lito ako kung saan ako mauuna. Sa kanyang villa ba kung saan ko ilalagay ang mga bagahe ko o sa kanyang opisina kung saan naroon siya at nang makapag paalam ako sa pagpasok sa kanyang villa.
Alas seis pa lang at naisip kong baka hindi pa siya lumalabas ng kanyang villa kaya nagpasya rin akong doon na lang dumiretso. Pumara ako ng van para maihatid ako doon. Kahit malamig at hindi pa gaanong mataas ang araw ay pinagpapawisan na ako ng husto dahil sa mga bitbit ko.
Binaba ako ng van sa mismong tapat ng villa ni Brandon. Sa garahe niya ay naroon ang Hilux at ang Benz kaya nasisiguro kong nasa loob pa siya.
Dumagungdong ang kaba sa aking puso. This is not going to be easy. I am pretty sure he's angry. I'm pretty sure he's mad. I hope I can melt it, though. Can I really?
Huminga ako ng malalim at kumatok sa wooden door niya. Pinasadahan ko ng tingin ang kulay pink na malaking stroller ko at ang isang bag na Louis Vuitton. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at nilagay ang takas na buhok sa likod ng tainga.
Walang sumagot sa katok ko kaya kumatok muli ako. Wala ba siya dito?
Tiningala ko ang ilaw sa taas ng kinatatayuan ko at ginala ang mata sa mga bintana sa gilid. May tao ba dito?
"What are you doing here?" Matigas ang boses na galing sa likuran ang narinig ko.
Mabilis akong bumaling doon at nakita ko ang naka grey na sleeveless shirt at black Underarmour shorts na si Brandon. Pawis siya at hinihingal pa dahil sa pagtakbo. Nanlaki ang mga mata ko. I remember madame's words. Hindi pa raw siya dapat mag work out dahil kahit na medyo maayos na ang sugat niya ay hindi pa maayos ang internal organs na natamaan ng talim kaya maaring mag internal bleeding pa siya.
"You're jogging?" Tanong ko, kabado sa kanyang galit na reaksyon.
Mabilis at mabibigat ang lakad niya nang palapit sa akin. Sinundan ko lang siya ng tingin habang parang tambol na dumagungdong ang puso ko sa kaba.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit nang di ako tinitingnan.
I was amazed by his mad expression. Although I've seen it before, I've never seen him this mad and angry before. Kahit na kabado ako sa reaksyon niya ay hindi ko mapigilan ang paghanga. His brows defined and his eyes heavy all because of his anger. It was sexy as hell. Nagtaas siya ng kilay sa akin ng napansin ang titig ko sa kanya.
"Nagtatanong ako sayo. Anong ginagawa mo dito? Don't tell me you're the secretary my mom's talking about?"
Tumikhim ako at kumurap kurap sa gulat dahil sa katigasan ng kanyang boses. "Yes, I am." Taas noo kong sinabi.
"You won't be an effective one. Tss." Iritado niyang sinabi.
Nagulat ako sa sinabi niya. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at diretsong pumasok sa kanyang villa. Nanatili akong nakatayo sa labas, hindi alam kung papasok ba o ano. Dumiretso siya sa kanyang cellphone at sumulyap sa akin bago nilagay sa kanyang tainga.
Tumikhim ako at nagpasyang pumasok. It's not like this is the first time I've been here. Hinila ko ang aking malaking stroller at pinanood lamang niya ako habang nasa cellphone siya.
"Madame Rockwell." Sabi niya. "Hindi mo ako sinabihan na hindi trained ang magiging sekretarya ko-"
Hirap ako sa pag kuha sa isa ko pang bag at sa pag lagay nito sa sofa. Tumikhim ulit ako nang may naalalang pangyayari doon. Nilingon ko ang isa pang kwarto kung saan sinabi ni madame ay magiging kwarto ko. Nakinig rin ako sa usapan ni Brandon at ng kanyang ina. He seemed to be quite annoyed. Alam ko na ang magiging reaksyon niya at wala na siyang magagawa. I was hired by the CEO herself.
"It's stupid. I don't need someone unprofessional and inexperienced." Tumalikod siya sa akin.
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko sa kanya. It was true but I will fucking try you imbecile. Pero hindi ko iyon isasatinig dahil narito ako para gumaan ang kanyang buhay, hindi para pestehin siya araw araw.
"What? Kaya ko ng walang sekretarya..."
Binaba niya ang kanyang cellphone at suminghap siya na parang problemadong problemado sa nangyayari. Tumingin siya sa akin at mabigat parin ang mga mata.
"Brandon..." Panimula ko. "I'm sorry for what happened. This is my way of making up-"
"Whatever, just put your things inside that room." Sabay turo niya sa isa pang kwarto. "Wala na akong magagawa. Utos ng CEO na nandito ka." Nilapag niya ang cellphone niya sa mesa at dumiretso sa kwarto na parang wala siyang pakealam na nandito ako. He did not even let me explain!
Nanatili akong nakatayo roon, gulat dahil hindi niya ako pinatapos man lang sa mga sasabihin. Pinagmasdan ko ang maleta ko at ang pintuan ng kwarto. Humugot ako ng malalim na hininga. He's angry with me and it is my fault alright. Kailangan kong ibaon iyon sa utak ko nang sa ganon ay hindi ko siya masumbatan. I am determined to make it up to him this time. He's done so many things for me and I understand his cold treatment right now. I should not give up, wala 'yan sa dugo ko.
Hinila ko ang mga bagahe ko patungo sa isang kulay kayumangging wooden door. Binuksan ko iyon at isang puting kama, isang kabinet, tukador, at upuan lamang ang naroon. Binuksan ko ang pintuan na mukhang patungong banyo at tsinek kung maayos ito. This is just okay. Not as grand as Brandon's room but still okay.
Umupo ako sa kama at ilang sandali pang natulala. Hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Ilang sandali ang nakalipas ay narinig ko ang iilang hakbang sa labas. Binuksan ko ang pintuan para tingnan at naroon na si Brandon, naka long sleeve shirt, maong, at handa nang lumabas doon.
"Uh, magtatrabaho ka na?" Tanong ko, pinapanood siyang abala sa pagkuha ng mga susi.
Bumaling siya sa akin. "Isn't it obvious? Do you expect me to stay here all day? Marami akong trabaho. And your job is to help me out, right? Why don't you move and do your job too?" Aniya.
Nagtaas ako ng kilay. Ang suplado nito. Gusto kong sumagot pero sinarado niya na ang pintuan kaya hindi ko nagawa.
Badtrip. Mabilis akong dumiretso sa banyo para maligo at ilang sandali lang din ang pagbibihis ko para magtungo na roon sa opisina niya sa conference room. Kaya ko 'to!
Dumiretso na ako sa opisina niya. I'm wearing this black pencil cut skirt, white sleeveless top, and black peep toe shoes. Oy, hindi ko iyan sinadya. It was the usual corporate look. I don't intend to seduce him or what.
Nagtanong tanong ako kung saan ba iyong opisina ni Brandon Rockwell doon. Iginiya lang ako ng isang staff sa isang kulay kayumangging pintuan na may munting mesa at swivel chair sa gilid ng isang malaking halaman.
"Diyan ang magiging mesa mo. Iyan ang bilin ni Mr. Rockwell sakin. Tsaka maghintay ka lang daw ng tawag." Bilin ng staff.
Tumango ako at iginala ang tingin sa maliit na mesa. Umupo ako roon at nagsimulang mag ayos sa mga papel, paper clips, at kung anu-ano pa. May computer sa gilid ko at nagsimula rin akong mag palit ng password doon, mag ayos ng ilang files.
Ilang oras ang nakalipas ay wala paring lumalabas na Brandon galing sa loob. Ano kaya ang ginagawa nito sa loob? May speaker sa akin na tingin ko ay doon lalabas ang boses ni Brandon pag may kailangan siya pero wala akong narinig galing doon kaya nanatili akong nakaupo at nakanganga sa mesa ko.
Pinanood ko ang ilang staff na paminsan minsan ay dumadaan sa aking harapan at abala sa ilang mga gawain. Tiningnan ko rin ang taga linis ng sahig na mas abala pa sa akin. Pumangalumbaba ako at nakita ang isa pang staff na may kape na hawak.
Inaantok na ako kaya nag desisyon akong kumuha na rin ng kape, tutal ay wala naman akong ginagawa. Nagtimpla ako ng instant coffee at may dumalaw sa isipan ko.
Hindi ba nagbibigay ng kape ang mga sekretarya sa boss? I should give Brandon some coffee, right? Pero ano ba ang gusto niyang kape? Well, he'd tell me if I gave him this right?
Nagtimpla pa ako ng isa pang kape para maibigay sa kanya pagkapasok ko sa loob. Nilapag ko iyong akin sa mesa bago dumiretso sa pintuan niya. Kumatok ako roon bago ko pinihit ang bukas namang door handle.
Pagkapasok ko ay dumiretso ang mata niya sa akin habang may binabasa siyang kung ano. Nakaupo siya sa swivel chair at bayolenteng humugot ng hininga nang makita ako. Binaba niya ang papel na hawak at binigay ang buong atensyon sa akin.
"What is it, Miss Pascual?" Pormal niyang sinabi sa akin.
Dire diretso ang lakad ko patungo sa kanyang mesa. May dala akong kape na nilapag ko kaagad nang makalapit doon. He looked offended by my presence. Pilit akong ngumiti.
"Pinagtimpla kita ng kape." Maligaya kong sinabi, feeling proud.
"Hindi ba sinabi ng staff ko sayo na maghintay ka ng tawag ko?"
Kumunot ang noo ko nang sinabi niya iyon. Hindi ko makuha. "Tawag ng ano? Pinagtimpla kita ng kape kasi baka lang gusto mo."
"Tinawag ba kita at sinabi ko sayong mag timpla ka ng kape?" Medyo iritado niyang sinabi.
Nauubusan na ako ng pasensya at hindi ko na napigilan. "Hindi. Pinagtimpla lang kita kasi baka gusto mo. Kung ayaw mo edi pwede mo namang sabihin na ayaw mo at iinumin ko na lang iyang tinimpla-"
"It is a simple instruction, Miss Pascual. To answer only when you are asked. To carry out orders when you are ordered. I did not order you to give me that coffee, right?"
"It was initiative, Brandon-"
"I will not need your initiative. I need you to answer my orders. And it wasn't an order." Dismayado niyang sinabi.
"Hindi mo ako kailangang utusan kasi initiative ko nga iyan. I'm just being thoughtful here-"
"I need you to carry out my orders with precision. And my order is for you to wait for my command. You did not. Clearly, you're at fault, Miss Pascual! You're wasting my time here. Leave... With your coffee. I did not ask for it." Mabilis niyang sinabi.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pinagmasdan ko ang kapeng naroon sa harap niya. Nanginig ang tuhod ko. Hindi ko malaman kung anong pwede kong gawin o sabihin sa pagkakataong ito. Yes, he's right. Hindi ko nga sinunod ang mga sinabi niya.
"Pero-"
"Please don't waste my time." Iritadong sinabi ni Brandon bago dinampot ang papel na binabasa niya kanina at nagsimula ulit siyang magbasa nito.
Huminga ako ng malalim. Be more patient, A. Kinuha ko iyong kape at inangat. Taas noo akong lumabas sa kanyang opisina. I've never been scolded that way by a boss... ever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top