Kabanata 37
Kabanata 37
Be Of Use
Nahugasan na ang kamay ko ngunit nanatili akong tulala. Sariwa pa sa utak ko iyong nangyari kanina. Pinapalibutan ako ng mga kaibigan kong nag aalala at bumubuntong hininga.
"Jess..." Dinig kong tawag ng isa sa mga kabarkada ko. "Uwi na muna kami nina Aless at Tyrone, may shoot pa kami bukas, e."
Sa gilid ng mga mata ko ay tumango si Jessica. Nakita ko ring tiningnan muna nila ako bago sila umalis ng tuluyan. Ramdam na gulat pa ako sa mga nangyari. I've never been in an accident before. Iyon ang unang pagkakataon kong nakasaksi ng isang taong nasaksak, duguan, at halos walang malayo. Iyon ang unang pagkakataon na nakahawak ako ng ganon ka raming dugo.
"A, are you okay?" Pagkatapos ng ilang sandali ay umupo si Jessica sa akin.
Alam kong madaling araw na at dapat ay tulog na ngayon si Jessica. Kinukulit na siya ni Anton na matulog na ngunit ayaw niya kaya wala ring nagawa si Anton.
Nilingon ko si Jessica, sa wakas medyo bumalik na ang huwisyo ko pagkatapos ng ilang oras.
"Y-You think he's fine?"
Nilingon ni Jessica si Anton at may sinenyas. Tumango si Anton at umalis, dala dala ang kanyang cellphone.
Pumikit ako ng mariin at hinilamos ang palad. This was all my fault. It was my dad's problem. Tinanong niya ako kung kailangan ko ba ng body guard. Kung kailan wala akong body guard tsaka naman ako magkakaroon ng ganitong eksena. And Brandon, I've said so many rude things, sinundan niya lamang ako at nadawit lamang sa gulo. And now, he's proabably critical. I'm not dumb, sa saksak na natamo niya paniguradong malalim ang sugat at sa daming dugo na nawala ay paniguradong hindi maganda ang nangyayari. He's damn almost unconscious when he was carried by some medical personnel.
"You should call your dad. Sabihin mo lang ang nangyari, A. Just let him contact the security or talk to the lawyers of the Zunigas." Nag aalalang sinabi ni Jessica.
Tumango ako. "I will." Bukas. Pag kaya ko na.
Nalaman ko na malalim nga ag sugat na tinamo ni Brandon at halos kailanganin niya ng blood transfusion sa dami ng dugong nawala. He's unconscious nang dumating sa ospital. Nanginginig ako nang nalaman ko iyon, nag fa-flashback sa akin ang mga dugo ni Brandon sa kamay ko.
Ilang linggo na ang lumipas at halos wala na akong ginawa kundi ang tumambay sa condo kasama si mommy at daddy. Imbes na dumiretso sila sa Cavite para bisitahin si tito ay nanatili sila sa Manila.
"I cooked your favorite breakfast." Ngiti ni mommy nang naaninag akong palabas sa kwarto.
Sa araw na ito, ganon parin ang mangyayari. Bibisita si Jessica at Anton dito sa condo ko habang si daddy ay may aasikasuhin sa kanilang opisina. Si mommy ay mananatiling nandito sa condo at ang dalawang body guard na nakalaan para sa kanya.
"Thanks, mom. Good morning!" Bati ko sabay halik sa kanyang pisngi.
Ngumisi siya at nilagay sa likod ng aking tainga ang takas na buhok sa aking pagkakapusod nito.
Pinulot ko ang wheat bread at nilagyan ng iba't-ibang klase ng gulay habang umuupo sa puting silya ng aming dining table. Nakatitig si mommy sa akin habang nilalagyan ko ng ham ang gitna ng sandwich na ginagawa ko.
"Inalis ng daddy mo iyong mga body guards mo, as you wished." Sabi ni mommy.
Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ako bumisita sa ospital habang nagpapagaling si Brandon. Hindi kaya ng konsensya ko. Doon ko lang din nalaman na may konsensya parin pala talaga ako. I got mad at Brandon but I never wanted it to happen to him. Naguilty ako dahil marami akong sinabing masama sa kanya pero nagawa niya parin akong ipagtanggol. He could've chosen to stay with Arielle at hayaan ako sa pag alis ko para lang ipamukha sa akin na masyado akong nag assume na sunud sunuran ko nga siya.
"Why do you want them removed? Baka may umatake na naman sayo?" Tumagilid ang ulo ni mommy.
"I've been dad's daughter for years at ngayon lang may umatake sa akin. That kid was under drugs and alcohol, desperate. Hindi naman sa sinasabi kong ayos lang iyong ginawa niya. Ang sinasabi ko ay nagkataon lang talaga ang lahat ng iyon kaya hindi ko kailangan ng body guard. Lightning doesn't hit one person twice. Wala naman sigurong magtatangka pa ulit sa akin. The case is done. Kung may magtatangka pa ulit sa akin, mabubulok na ang buong pamilya ng Zuniga sa kulungan. Wala nang ibang suspect. That's dad's latest case." Sabi ko bago uminom ng tubig.
Umiling si mommy, hindi parin sang ayon sa mga nahinuha ko.
Today, I'll probably ask Jessica and Anton to drive me to Carlzon Rockwell Hotel Group building na nasa isang tower ng Bonifacio Global City. Isang linggo kasi matapos masaksak si Brandon ay tinawagan ako ng kanyang mommy na si Madame Diana Rockwell na gusto niya rawng mag pa schedule ng meeting sa aming dalawa. Her voice was stern and serious. Sinabi ko rin sa kanyang nag uusap pa kami ng mga lawyers ko kaya pagkatapos na lang siguro ng kaguluhan.
I heard from Anton na lumabas na daw ng ospital si Brandon pagkatapos ng isang linggong confinement. He's not completely healed pero nagpapagaling daw ito, umuwi ng Tagaytay at doon muna nag stay. Arielle also contacted me through dad na gusto niya rawng mag usap kami pero hindi ko pinaunlakan.
I know, I was a coward refusing everyone's right to talk to me or to provide them correct information. Pero nasabi ko na rin sa awtoridad ang mga nangyari kaya hindi ko na kailangan pang magsalita sa ibang tao.
Kaya lang ay nitong mga nakaraang araw, nahinuha kong kailangan kong kausapin si Madame Diana Rockwell para mag apologize sa lahat. She's been nothing but good to me, like his son. At ang sinukli ko sa kanya ay ang pag aalala para kay Brandon dahil sa nangyari.
I don't want to be naive and blame myself completely for this but I know that my being a brat made him chase me and thus that situation.
"Good morning!" Bati ni Jessica nang muli ay nasa condo na namin sila.
Tumayo ako para halikan siya. Binati sila ni mommy at kumuha pa ng ilang kubyertos si mommy para pagsilbihan ang dalawang bisita.
"Kumain kayo. Marami akong niluto." Ngiti ni mommy habang naglalapag ng mga kubyertos.
"Nag breakfast na po kami sa bahay." Sabay tingin ni Jessica sa akin. "Pero sige, sasabayan namin si A."
Kumain sila kasabay ko at nakipag kwentuhan. Sumali din si mommy at naikwento nila si Adrian na sana ay nandito para mas masaya. Tahimik akong kumain habang nagtatawanan sila. Medyo kita na rin ang baby bump ni Jessica at si Anton naman ay nakaakbay pa sa upuan ni Jessica nang sarap na sarap sila sa kwentuhan kasama si mommy.
"Nga pala... Jess..." Sabi ko nang humupa ang tawanan nila.
"Hmmm?" Nilingon niya ako.
"Labas muna tayo ngayon. Kailangan kong pumunta sa building ng Carlzon Group." Sabi ko nang di siya tinitingnan.
Sinabi ko kay Jessica ang lahat ng nangyari sa gabing iyon. How I insulted Brandon. Hindi ko naman alam na nasa likod ko siya non. Galit ako sa kanya dahil nalaman kong alam ni Arielle iyong mga nangyayari at sa offer ni Brandon sa akin. Hanggang ngayon ay may hinanakit parin ako sa kanya at hindi ko parin maintindihan iyon but then, I have to prove to myself that I'm not a coward. I need to face his mother and apologize for everything.
Nagligpit si mommy ng ilang kubyertos nang natapos na kaming kumain. Nanatili si Anton sa sala, naglalaro ng kung ano sa aming Xbox. Pinasok naman ako ni Jessica sa kwarto, nag aalala sa desisyon ko.
"Galit siguro ang mommy ni Brandon sayo. Pano mo 'yon haharapin? And besides, hindi pa kayo nag uusap ni Brandon."
"He's probably angry with me. I am also mad at him. Pero hindi ako 'yong nasaksak. Hindi ako 'yong nagligtas. Siya 'yong nagligtas sa akin. Kahit na anong galit ko sa kanya, hindi ko parin makakalimutan na muntik niya nang ibuwis ang buhay niya sa akin. And I respect his mother so much na tingin ko ay dalawang beses ko na siyang nabastos. Una sa pag alis ko ng walang paalam sa Highlands, ngayon ay sa hindi pag harap sa kanya pagkatapos ng masamang nangyari sa anak niya. I should go, you know."
Tumango si Jessica at mataman akong tiningnan na para bang may kung ano sa mukha ko. Tipid ko siyang nginitian bago tumulak sa banyo.
It's been a month now since it happened pero tuwing nag sha-shower ako ay madalas ko paring naaalala ang dugo ni Brandon sa aking mga kamay. Para bang kahapon lang iyon at imbes na tubig ang makita ko na dumadaloy sa kamay ko ay ang dugo ni Brandon ang natatanaw ko.
May natamaang mga internal organs sa saksak na natamo ni Brandon kaya sobrang dugo ang nawala sa kanya. Gulat na gulat ako nang isang linggo lang siya sa ospital. Gusto ko siyang sugurin at suntukin para lang manatili doon ng kahit dalawang linggo. He wasn't completely healed. Pero nanatili akong nakakulong sa condo ko, refusing to face him and his anger or my anger and my guilt.
Brandon also forgave Jeffrey Zuniga according to my dad. Ang pamilya niya mismo ang humingi rin ng kapatawaran at nangakong ipaparehab si Jeffrey at hindi na muli ipapalapit kay Brandon. Nagulat ako na pinatawad niya iyon. Hindi ko rin alam anong magiging reaksyon ko pag nagkita ulit kami nong batang iyon. Masyado akong gulat sa gabing iyon kaya wala akong naging bayolenteng reaksyon.
Si daddy lamang ang naging bayolente at nagalit. Gusto niyang sampahan ng kaso ang binata. Mom was there when they talked about it kaya siguro hindi iyon natuloy at inareglo na lang sa ibang paraan. Hindi rin makakalapit muli si Jeffrey Zuniga sa akin dahil makukulong na siya pag lumapit pa siyang muli. Kahit ang nakulong na senador ay humingi rin ng tawad sa inasal ng anak sa publiko. He accepted the sentence the court gave him and he accepted all his faults and his son's actions. Iyon ang laman ng kanyang sinabi nang nakapanayam siya ng ilang sikat na reporter sa isang exclusive news.
Palapit na kami sa building at kabado na ako. Isang puting deep v neck shirt, black blazer, dark pants, at black peep toe ang suot ko sa appointment kong ito. Ang itim na rayban ko ay nasa mga mata ko at tahimik lamang ako sa likod ng sasakyan nina Anton at Jessica.
Kahit na naayos na ang Civic ko ay hindi naman ako pinapayagan pa ni daddy na mag drive mag isa, napapraning, kaya heto ako at nagpapasama sa kanilang dalawa.
"May appointment ako with Mrs. Diana Rockwell." Sabi ko at binaba ang wayfarers nang harapin ang babaeng nasa labas ng opisina niya.
Binigay ko ang I.D. ko sa babae at pagkatapos ng ilang pakikipag usap sa telepono ay pinapasok ako sa malaki at classic na opisina ni Madame Diana Rockwell.
Puno iyon ng wooden furniture. Sumisigaw ng antique ang mga muwebles na meron doon. Ang kulay itim na carpet, ang mahogany table kasama ang hard wood stools sa waiting area, ang malaking kulay pula niyang mesa, at ang malaking painting niya sa likod kasama ang isang foreigner na kamukha ni Brandon. That was probably his father. Nanatili ang mata ko sa mga mata ni Madame Diana at sa kanyang esposo na parehong banyaga ang kulay.
Napatalon ako nang nakita ko ang maliit niyang katawan sa malaking swivel chair. May suot siyang eye glass na hinubad niya agad nang makita ako.
"Good morning, Miss Pascual." Bati niya ngunit walang sumilay na ngiti sa kanyang mukha.
Tumikhim ako at lumapit sa malapad na mesa niya. "Good morning, madame."
Umangat ng kaonti ang kanyang labi pero hanggang doon na lang iyon. Hindi siya tulad nong dati na nangngingiting aso, ngayon ay seryoso siya na para bang isa ako sa mga nag po-propose ng kung anong deal sa kanilang kompanya.
"Sit." Utos niya.
Tumango ako at umupo sa upuang nasa tabi. Tumikhim akong muli. "I am really sorry for what happened, madame. I know na matagal po akong nag respond sa gusto ninyong meeting nating dalawa, that was because I was kind of traumatized. I-I was there when Brandon got stabbed. Ako po iyong may kasalanan-"
Pinutol niya ako. "I know, Miss Pascual. I know what happened." Matigas niyang sinabi.
Marami pa sana akong idudugtong ngunit hindi ko na natapos dahil nagulat ako sa pagputol niya sa akin. It was like as if she didn't want to hear any of my explanations.
"My son was there chasing you. Nag away kayo, hindi ba? Brandon is quite stubborn." May bahid na sakit sa kanyang ngiti. "Gusto kitang makausap kasi gusto kong mag apologize."
Ngumuso ako. For what?
"Sinabi ni Brandon sa akin na may plano ang daddy mong patirahin si Arielle sa inyo. That was not because he's occasionally sharing your life to me, he shared it to me to ask permission na gusto niya sana, kung maaari, ay patirahin ka sa condo niya. He's not really that kind of boy ever since. Hindi iyon nag papaalam sa akin kung may papasukin man siya sa hotel room niya o kahit saan but then napagtanto kong baka nga seryoso na siya this time dahil nag paalam na siya sa akin."
Nahirapan akong lumunok sa mga sinabi niya pero di ko pinigilan ang mga salita.
"I was also concerned about you. I'm sorry for that. I told Arielle that she should stop wanting more. She's not a child anymore. She's legal, for goodness sake. Dapat ay maging masaya siya sa pagiging malaya niya and stop pushing the idea of living with her father. Sa akin niya nalaman na gusto ni Brandon na tumira ka sa condo niya."
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko iyon inasahan. Nakita niya ang gulat sa aking mga mata. Tumango lamang siya at bumuntong hininga.
"So... I'm sorry. And that was it. I just want to clear my name." Ngumisi ng mapait si Madame Rockwell.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko malaman kung saan manggagaling pa ang mga salita ko. Naubusan yata ako ng mga letrang maaring ipambuo.
Marami akong masasakit na salitang sinabi kay Brandon just because of my insecurity which led to his near death. Naputol lamang ang mga naiisip ko nang tumayo si Madame Diana at nagsalita.
"Thanks for coming here, Miss Pascual. Hope we meet again." Her words were marked with finality. It was as if she didn't want to see me again.
Nanatili akong nakaupo. Naestatwa sa harap niya. Hindi makapagsalita at hindi makatayo para umalis.
"I-Is Brandon alright now, madame?"
Tumagilid ang ulo ni Madame sa akin. "He's doing great. Still recovering. Malalim 'yong naging sugat ng talim." Ngumisi siya at may pinindot sa kanyang mesa. "Please ready my next appointment."
Alam kong busy siya at kailangan ko nang umalis pero hindi ako makagalaw. She's probably the only one handling the operations of their hotels dahil nagpapahinga si Brandon ngayon.
"Nag tatrabaho po ba siya?" Tanong ko ulit.
Now she looked quite annoyed with me. Tumayo ako para makita niyang aalis rin naman ako. Umiling siya. "Nagtatrabaho pero kailangan niyang magpahinga kaya hindi na ganon ka hands on, for now."
It was already late when I realized that I looked at her straight in the eyes. "Please, I want to be of use to him, madame. Gusto ko po siyang tulungan, at least while he recovers. It was my fault. These were all my fault. Malaki na po ang utang na loob ko sa inyo. Umalis ako ng Highlands, pinalagpas ninyo. Napahamak ang anak ninyo dahil sa akin, nasaktan ko rin siya, ngayon gusto ko pong suklian ang lahat ng mga nagawa ninyong dalawa para sa akin. Please..." Nanginig ang boses ko ngunit mataman ko siyang tinitigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top