Kabanata 34

Kabanata 34

Let You Go

Humupa ang mga offer ni daddy na si Arielle ay tumira kung saan. I didn't know if he was scared that he's going to lose me if he'll push it or he's just too busy with a case.

Ako naman ay abala sa pag hahanap ng magandang trabaho. Kaliwa't kanan ang job interviews at kaliwa't kanan din ang pag tanggi ko sa di malamang kadahilanan.

My relationship with dad's gotten, well, worse. Halos hindi ko na siya makausap ng maayos dahil lagi akong iritado sa kanya. He's trying his best to talk to me everyday, though.

"Kumain ka na ba?"

Tumatango lang ako tuwing magtatanong siya ng ganon. I'm so tired of my fights with him. Lalo na kasi alam kong sa huli, ako parin ang mas masasaktan kasi hindi ako ang pinipili niya. My opinion doesn't matter.

"Saan ka pupunta ngayon?" Tanong niya tuwing umaalis ako.

"May interview ako." Simpleng sagot ang sinasabi ko sa kanya tuwing ganon.

Pinahupa ko muna ang isyu doon sa modeling stint ko. Mabilis ding nawala kasi hindi naman ako kasing sikat ng mga top models pero dahil naaassociate ako kay Brandon ay tumagal iyon ng isang buwan. Kaya sa sumunod na buwan pa akong nangahas na magpasa ng mga resume sa iba't-ibang hotel na malalaki sa Maynila.

Nangibang bansa na rin ulit si Adrian. Samantalang si Jessica naman ay abala sa buhay may asawa. Lumipat siya sa condo ni Anton kung saan ako madalas tumatambay nitong mga nakaraang araw, nagpapahupa ng issue. Naayos din ang Civic ko ngunit tumirik ito nong nakaraang linggo kaya pinatingnan ulit ni Brandon para sa akin.

"You should stop driving that car." He scowled nong kinwento ko sa kanya na sa parking lot pa lang ay tumirik na ito palabas ako ng condo.

"I don't have a choice. Hindi ko pwedeng ipaship 'yong Vios ko na nasa Cebu. I want it to stay there on Cebu, uuwi rin naman ako don pagkatapos ng lahat ng ito."

Tinitigan niya lang ako, may nakita akong nagdaan na sakit sa kanyang mga mata. "Contact me if you need to go somewhere."

"I can't just contact you. You're busy." Iling ko.

Iritado na siya sakin dahil sa hindi ko pagsunod sa kanya. I just don't want to be too needy. Kahit na hindi parin maalis sa utak ko iyong inoffer niya sa akin na sa kanya na ako tumira. I don't know if he's offering me for us to be together or he just wants Arielle to be with my dad all the time.

Konting hinanakit ang naramdaman ko doon pero hindi ko iyon sinabi sa kanya. He did not deserve my doubts. We're not even together.

"Avon, where are you going today?" Tanong ni daddy habang naghahanda siya sa kanyang damit.

Kakalabas ko lang sa kwarto para kumain ng almusal. Nakita kong nakalatag ang mga bagong suits niya sa sala. He's not usually like this. Baka malaking araw ito para sa kanya?

"Job interview." Sabi ko ulit.

"You've been at it for a month now, wala ka paring napipiling trabaho? Do you want to go abroad?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

Umiling ako. "I'm just confused." Hindi ko lang talaga malaman kung alin ba sa malalaking hotel ang papasukan ko. Lagi akong na tu-turn off sa mga simpleng bagay tulad ng sahod, ugali ng supervisors, at marami pang iba. I know I shouldn't be choosy but somehow I don't want my work to be a burden in my already heavy life.

Tumango siya at binalingan ang kanyang mga necktie. Ang isa ay kulay maroon samantalang ang isa ay kulay abo. Ipinakita niya sa akin iyon kahit na nag iwas na ako ng tingin. "Which one's better?" Ngumisi pa siya.

Blanko ang ekspresyon ko habang pinapanood ko ang dalawang magkaibang necktie. "Gray's better." Sabi ko at napatingin sa kanyang kulay itim na suit.

Ngumisi siya at kinuha ang gray na tinukoy ko. "Please?"

Gusto niyang ako ang magsuot ng kanyang necktie. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit ng tuluyan sa kanya para suotin iyon sa kanyang kwelyo.

Abala ako sa pagtatali ng necktie niya habang nakatitig naman siya sa akin ngayon ng nakangiti. Normally, pag naglalambing siya ng ganito ay tumatawa ako, but this time it's different. Halos hindi nga ako makangiti sa kanya, tatawa pa ako? I can't pretend that I'm happy.

"Ngayon hahatulan 'yong kaso." Sabi ni daddy.

Tumango ako at naisip na baka sa susunod na linggo ay paparito na si mommy. Parang bumabaliktad ang sikmura ko nang naisip kong baka ipakilala na ni dad si Arielle sa kanya. "Good luck." Simple kong sinabi nang natapos ang necktie.

"You fine with the bodyguards?" Tanong niya.

Pinapasundan niya ako ng bodyguards nong nalalapit na ang katapusan ng kaso para sa seguridad ko. Ayos na sakin na nakasunod lang sila at hindi na mismo kasama ko.

"Wag na, dad. I'm sure you'll need more this time since patapos na ang case." Sabi ko.

Ngumuso siya at tumango. "Kina Jessica ka lang pagkatapos ng interview?"

Tumango ako. "Most probably."

Iniwan ko siya para sa kusina. Sinabihan niya ako na maraming pagkain doon. Kumain lang ako ng tahimik tsaka bumalik ulit sa kwarto para makaligo at makapag bihis. Umalis siya nong natapos akong mag bihis at nag antay lang ako saglit sa pagdating ni Brandon para maihatid niya ako sa building kung saan gaganapin ang interview.

Sumipol siya nang makita akong palapit sa kanyang sasakyan. Nasa labas siya at naghihintay sa akin, pinaglalaruan ang susi.

"It's the damn pencil skirt. Tss..." bulong bulong niya.

"Huh?" Kahit narinig ko ay hindi ko makuha.

Tiningnan ko ang damit kong pormal. Naka itim na pencil cut skirt ako at puting longsleeve na blusa. Nagtaas ako ng kilay sa kanya at siya naman ay nag iwas ng tingin lamang at pinagbuksan ako ng pinto.

"What is it, Brandon?" Tanong ko.

Nagkamot siya ng ulo. "Nothing."

Umupo ako sa front seat ng kanyang sasakyan at sinarado niya ang pintuan. Umikot siya patungo sa driver's seat. Sinundan ko parin siya ng tingin nang habang nagpapaandar ng sasakyan.

"Something wrong with my skirt?" Nag aalala kong tanong.

Umiling siya. "Nothing's wrong with your skirt, Av. I'm just... always damn ten times thrilled when you're wearing a skirt and I don't know why." Sa daanan lamang siya tumitingin habang nagdadrive.

Kumibot ang labi ko. "Baka naman sa office mo lagi kang nakatitig sa mga babaeng naka skirt?"

Kumunot ang noo niya at napasulyap sa akin. "Hindi ako ganon."

Inasar ko na lang siya habang nagdadrive siya. Pikon naman siya at naiinis sa mga pang aasar ko tungkol sa mga babae sa opisina niya. I have never been in his office and I can now imagine all the girls and their pencil cut skirt driving Brandon into madness.

"Dito na ako." Natatawa pa ako habang bugnutin si Brandon sa gilid ko.

Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng building at bumaling sa akin. Hindi parin naaalis ang pagkakapikon niya.

"Text me pag tapos ka na."

Umirap ako, hindi natatanggal ang ngiti. Hinila niya ag kamay ko kahit na mukha siyang galit at ang isang kamay niya ay lumipad sa batok ko para itulak iyon palapit sa kanya. "Stop it." Banta niya bago niya ako mariing siniil ng halik.

Nanlaki ang mata ko sa bigla niyang ginawa. Halos bayolente ang halik na iginawad niya sa akin. Nakakunot ng pilit ang kanyang noo at para bang hirap na hirap siyang sakupin ang labi ko. Nilapat ko ang kamay ko sa kanyang dibdib para bahagya siyang itulak habang hinahalikan niya ako.

"Brandon, my lipstick!" Sabi ko sa gitna ng kanyang halik.

"Oh, sweetheart. You won't need that." Halik niyang muli habang nanghihina na ako sa bawat pananakop na ginagawa niya. Ang kamay na nakalapat sa kanyang dibdib ay unti unting bumababa sa panghihina.

Tumigil siya at tinagilid niya ang kanyang ulo. Pula ang kanyang labi dahil sa dark red na lipstick na sinuot ko. Kinagat niya ang pang ibabang labi bago nagsalita.

"Stop teasing me, will you? Hindi ako natutuwa." Seryoso niyang sinabi.

Tumagilid ang ulo ko, hinahabol parin ang hininga dahil sa kanyang halik. "Why? You're not really a good boy so it might be true. Hilig mo ang mga babae."

"Mahilig ako sa'yo simula nong dumating ka. That's why you stop it with the other girls, Av."

Nagtaas ako ng kilay. "But then nong wala pa ako, admit it, you like their pencil cut skirts." Tawa ko at huminga siya ng malalim, nagsisimula na namang mairita. "Okay fine!" Tawa ko. "Alis na nga ako."

Nagmamadali akong umalis at nagpunas ng lipstick. Tiningnan pa ako ng security guard habang papasok sa building. Siguro ay napansin niya ang pagkalat ng lipstick ko ng konti. It's supposed to be smudge free. Ugh!

Dumiretso ako sa restroom para mag check ng make up. Damn Brandon! Nag ayos ako ng make up at buhok bago ako dumiretso sa 4th floor kung saan magaganap ang interview.

Nang nakarating ako ay ako ang pangatlo sa iinterviewhin. Nagsimula na ang nauna kaya kabado na kaagad ako. Mabuti na lang at hindi ako na late.

Nawala ang tensyon nang nakipag kwentuhan ako sa isa pang babaeng iinterviewhin ng di umanoy may ari ng hotel. Nagulat pa ako nang nalamang may ari ng hotel ang isa sa mag iinterview! Panel daw pala iyon ng HR, supervisors, at iyong mismong may ari.

Kabado rin ang babaeng matanda sa akin ng ilang taon bago pumasok roon. Kaya tila hinahabol ako ng aso sa kaba na naramdaman ko. Nang pagkatapos ng mahigit kumulang limang minuto at nakalabas siya na sobrang putla ay mas lalo na lang akong kinabahan.

"Aurora Pascual." Tawag ng sekretarya kaya pumasok ako kaagad.

Malaki ang room at ang una kong napansin ay ang babaeng pamilyar sa akin nasa gilid ng isang sofa. Malalaking gold na chain ang nasa kanyang leeg at ang kanyang ngiti ay nagpa tumbling sa aking tiyan. It was Madame Diana Rockwell. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko siyang nakangiti.

"G-Good morning!" Hindi ko alam kung para kanino ang bati kong iyon. Kung para ba kay Madame Diana o sa panel na naroon sa mahabang lamesa sa harap ko.

"Good morning, Avon!" Ngiti ni Madame.

"Good morning." I bowed slightly to her. Pagkatapos ay hinarap ko ang panel, reviving my confidence once again. "Good morning!"

"Madame Diana, you know this applicant?" Tawa ng intsik na lalaking nakasalamin. Ito na yata ang kanilang CEO dahil nasa gitna siya ng isang middle-aged woman na may nakalagay na HR sa harap at ang isang babae ay naka unipormeng pang hotel.

"Yes of course! She worked for me. She's my manager sa Highlands, Fred."

Tumango ako. Holy crap! I am her AWOL manager! With no guts to just even leave a damn resignation letter.

"Oh? Nagtrabaho siya sa Highlands? Wala sa kanyang resume." Sabi ng CEO habang niligid ang mata sa papel sa harap niya.

Great God! I have no escape. Ngumiti lamang si Madame Diana. I'm failing in this job interview.

"It's not here, Miss Pascual." Nag angat ng tingin ang HR sa akin. "So you worked for the Highlands in Tagaytay? And as manager?"

"Yes, ma'am. I did not put it on my credentials because I've been inefficient in their company. Masyado po akong naging reckless. Umuwi po ako ng Cebu ng walang paalam because of a family problem." Tumango ako nang tumango ang CEO.

"That's not true. She's very efficient." Tinagilid ni Madame ang kanyang ulo habang tinitingnan ako at nginingitian. Oh! Bakit ang bait niya sa akin? n"I'm sorry for interrupting, Fred. I can't help it. I liked her." Tumayo si madame at kinuha ang kanyang bag na sumisigaw ng Prada.

"It's okay, Madame Diana. You don't have to go. Patapusin mo na lang muna itong interview niya. Anyway she's the last. Take a seat."

"No, Fred. Tapos na rin naman ako sa kailangan ko dito." Ngiti niya.

Napapawi na ang ngiti ko habang palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Tumikhim ang CEO at tumayo para igiya si Madame Diana patungo sa pintuan. "Finish the interview, Mrs. Manuel." Bilin niya sa HR.

"Yes, sir." Sagot ng HR.

Hindi na nakatingin sa akin ang HR muli at may sinulat lamang siya sa kanyang mga notes pagkatapos mag tanong ng dalawa pang tanong tungkol sa pamamahala ko sa Highlands. Turn off sila sa pag alis ko ng walang paalam doon. At wala na akong magawa kanina kundi umamin. Ayaw ko namang maisip ni madame na nagsisinungaling ako.

"Thank you, Miss Pascual." Tsaka pa lang ako tiningnan ng HR nang pinapaalis na ako.

"Thank you." Pilit akong ngumiti at nakipag kamayan.

Nang lumabas ako sa kanilang opisina ay bumuntong hininga ako. Nanlaki ulit ang mata ko nang nakitang nag uusap parin si Madame at ang CEO. Natapos lamang ang kanilang usapan nang napatingin si Madame sa akin at tinuro ako.

"There you are, Avon. If you'll excuse me, Fred. Aalis na rin ako. My assistant is here." Sabay lingon niya sa lalaking malaki ang katawan na may hawak sa bag niyang Prada.

"M-Madame." Hindi ako halos makangiti nang lapitan niya ako. Hiyang hiya ako sa inasal ko sa Highlands. I never thought I'll see here again like this. At ni sa panaginip ay ayaw ko na sanang makita siya dahil sa kahihiyan ko.

Lumapat ang kamay niya sa aking likod at marahan niya akong iginiya patungong elevator.

"It's good to see you again." Lingon niya sa akin nang nasa loob na kami ng elevator kasama ang kanyang assistant o body guard na iyon.

"I'm sorry, Mrs. Rockwell. Sa inasal ko sa Highlands, it was very unprofessional. Nahihiya na po akong makipag harap sa inyo dahil sa ginawa ko."

"That's okay but at least you should have told Brandon why you left. My poor boy was devastated." Nagngiting aso siya. "Hindi ko alam kung bakit at para saan? Dahil ba mahihirapan kaming makahanap ng kapalit mong magaling na manager o dahil nahihirapan siyang wala ka."

Tumikhim ako. "I'm sure it's because of the first reason, Madame. I'm really, really sorry." Sabi ko.

Tumunog ang elevator hudyat ng pagbubukas nito. Sabay kaming lumabas doon at tumigil siya sa gitna para harapin ako.

"It's okay. I understand. It's Brandon that I'm worried about. Sana ay bumalik ka na sa hotel. Hindi ka ba niya binibigyan ng offer sa magtrabaho doon?" Nagtaas siya ng kilay. "Or is he offering you to not work instead? I'm sure." Puno ng malisya ang kanyang ngiti.

Umiling lamang ako. "He's not offering me work, madame. He's just supportive." Nahihiya kong sinabi.

Tumango siya at pinasada ulit ang ngiti.

"Thank you for being very kind to me. Sorry po talaga sa nangyari sa Highlands."

"If you were just another manager, I'll probably make you pay for that. Brandon will, I'm sure. But then I like you and you're not just another manager, I'll let it go. My company has to let you go, but I'm sure my son won't." Ngiti niya bago ako tinapik para magpaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: