Kabanata 33
Kabanata 33
Live
Kinusot ko ang mga mata ko pagkagising kinaumagahan. Madilim pa rin ang kwarto ni Brandon dahil sa makakapal na kurtinang nakasarado sa bintana.
Kumain lamang ako ng mainit na sabaw kagabi at diretso na ang tulog ko sa kanyang kwarto. Ni hindi ko na siya natanong kung ayos lang ba na doon ako matulog.
Luminga linga ako at wala siya sa loob ng kwarto. My lips curved. At least hindi niya binali ang pangako niyang hindi siya tatabi sa akin.
Inayos ko ang t shirt na suot ko. Medyo malaki ito sa akin at nahuhulog ang braso nito sa aking kamay. I need to wear my clothes now. Uuwi na ako at hindi mabuting magtagal dito. I'm pretty sure he's really busy. At isa pa, ngayon ang dating ni Jessica at ngayon ding araw na ito iyong Fashion Summit.
Pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si daddy ang tumatawag. Ilang messages din ang nanggaling kay mommy na naghahanap sa akin. Hindi kasi ako nakapag paalam na hindi sa condo matutulog. May ilang messages din si Adrian doon, siguro ay hinanap ako ni mommy at daddy sa kanila.
Hindi ko sinagot ang kahit alin doon. Uuwi rin naman ako ngayon kaya ayos lang. Tinulak ko ang pintuan ng kanyang kwarto para makalabas na. Naamoy ko kaagad ang mga pang umagang pagkain. He's cooking right now, I'm sure.
Dumiretso ako sa kitchen at nakita kong naroon nga siya, topless and hot. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Napansin niya ang tindig ko sa likod kaya lumingon siya at ngumisi.
"Good morning." Aniya at nakita kong medyo magulo ang kanyang buhok, I still find it cute though.
"Good morning." Sabi ko at dumiretso sa upuan ng kanyang lamesa. May dalawang puting pinggan na roon at mga kubyertos.
"Big day today? Did you sleep well last night?" Aniya habang kinukuha sa kalan ang mga bacon na luto na.
Tumango ako. "Yup. Thanks."
"May trabaho ako ngayon. Pero pupunta ako mamaya sa Fashion Summit niyo. Is that okay with you?"
Oh hell. Ngayon naalala ko na naman ang mga pinaparamdam niya sa akin tuwing nanonood siya. Nawawalan ako ng confidence at nakakapanliit sa sarili. He's intimidating. "Oh... Ayos lang kung hindi na. Kung busy ka sa trabaho, ayos lang." Nag iwas ako ng tingin.
Nilapag niya ang mga lutong pagkain sa harap ko. Naghugas siya ng kamay at nagpunas na rin pagkatapos. Nanunuya ang titig niya sa akin.
"You're nervous again." Tawa niya.
"I'm not." Iritado kong sinabi.
"You know... I'm going to watch you model those clothes, Avon. Maraming designers at businessmen ang naroon and I can only imagine the way they'll drool over the models, Av. I don't want them to think that you're one of the available models." Ngumisi siya.
"I am available. I'm single." Nagtaas ako ng kilay. Not that I want any of the businessmen to hit on me.
Sinimangutan niya ako habang nilalagyan ng pagkain ang aking pinggan. Ngumuso ako at hinayaan siyang mag sungit. Hindi pa kami nag uusap ng tungkol sa nangyari kagabi. Hindi siya gaanong nagtanong, para bang hinahayaan niya ako kung kailan ko sasabihin sa kanya ang lahat.
Sungit sungitan siya habang kumakain kami. Kahit na panay ang alaga niya sa akin, lagay ng tubig sa baso, kape sa mug, at kung anu-ano pa nang di ako tinitingnan at nagtataas pa ng kilay.
"Pagkatapos kong kumain, babalik na agad ako sa condo. Magtataxi na lang ako para di ka na ma hassle." Sabi ko.
"Hatid na kita." Sabi niya, nang di tumitingin.
"Wag na, Brandon. I know you're busy with business. Kaya ko naman-"
"I said, ihahatid kita." Nag angat siya ng tingin sa akin.
"Sungit." Sabi ko, ngumingiti.
Ngumuso lamang siya at pagkatapos naming kumain ay nag ligpit. Tumulong ako para mas dumali ang gawain kahit na tumatanggi siya sa paghawak ko ng pinggan.
Badtrip siya pagkahatid sa akin. Wala naman akong nakikitang masama sa sinabi ko. I'm single and it's true. At alam niya iyon kaya kahit masama ang kanyang loob ay wala siyang masusumbat sa akin. Na guilty tuloy ako. I like Brandon. I fell for him, alright. Pero ayaw kong mag madali at matulad nong una. I must know where I stand in his life. Masyado nang pinapakealaman ni Arielle ang aking buhay sa pamilya, pati ba naman kay Brandon? At bago ako ay nariyan na si Arielle sa kanyang buhay, I wouldn't blame him if Arielle will remain a part of his life... if he continues to care for her. Wala na ako don, hindi ba?
"Brandon." tumigil ang sasakyan sa labas ng condo ko. Kinalas ko kaagad ang seat belt at nilapit ko ang sarili sa kanyang upuan at hinalikan ng mabilis ang kanyang pisngi. "Thank you."
Nilingon niya ako, nakakunot parin ang noo at may bahid na sungit parin sa mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi at tumigil ang kanyang daliri sa aking baba. "I'm not single. I'm not available. Because of you. Just so you know." Sabi niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumango. Parang nililipad ng hangin ang insekyuridad ko kay Brandon tuwing pinaparamdam niya sa akin na ako lang.
Hindi matanggal ang ngiti ko hanggang sa nakarating sa aking unit. Pagkapasok ko pa lang ay si daddy na na nanonood ng TV at nagkakape sa sala ang naabutan ko. Hindi ko siya tiningnan sa pag iisip na matatakasan ko siya pag dumiretso ako sa kwarto.
"Where have you been?" Galit na ang tono niya sa tanong na iyon.
"I'm with Adrian. May modeling stint ako ngayon, if you'll excuse me." Sabi ko nang di siya tinitingnan. Dumiretso ako sa paglalakad ngunit ang awtoridad ng boses niya ang nagpatigil sa akin.
"Don't turn your back on me, Aurora!"
Bumaling ako sa kanya. Diretsong tinitigan ang mga mata niya.
"Hindi porke't may galit ka sa akin ay babastusin mo na ako ng ganito! I am your dad!"
"Give me a reason to treat you with respect! Respect me first!" Sigaw ko.
Tumayo si daddy at nilapitan niya ako. Nanginginig na ang mga tuhod ko at naiisip ko nang baka pagbuhatan niya ako ng kamay dahil sa mga katagang binibitiwan ko. Nang pumungay ang mga mata niya at may nakita akong luha ay natigil rin ang takot ko. He's not like that. He's not like Arielle's daddy.
"Avon... I'm trying my best to keep this family intact. I lied because I don't want you to feel insecure. Alam ko ang nagagawa nitong pagkakamali ko sa inyo ng mommy mo. But please, I am also hurting. And I am a father to Arielle."
"You are a father to me, too. And dad, I am not ready for Arielle. I am not ready for an evil sister!" Sigaw ko sabay turo sa labas na para bang naroon si Arielle.
"Wala tayong magagawa. Andyan na siya. And she's been hurt. She's been abused. Please understand her childish behaviors. You were loved and cared for all your life, please give love to your sister who's been deprived all these years."
"It is not my obligation to give her love, dad. It is your obligation. Kaya ikaw na lang ang mag mahal sa kanya." Sabi ko.
"Whether you like it or not, she's your sister. Kailan mo siya matatanggap kung hindi ngayon?" Frustrated niyang sinabi.
"You try to force me, dad. Talagang mawawala ako sayo." Iling ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Nalaglag ang panga ni daddy at nagawa kong kumawala sa usapan naming walang kwenta.
Dumiretso akos banyo para makaligo. Nagbabad ako sa bath tub ng isang oras bago nagdesisyon na pumunta na lang kay Adrian at sumabay na sa kanya papuntang Mall of Asia Arena.
Nag impake lang ako sa aking itim na Longchamp bag ng isang itim na dress para sa susuotin ko mamaya sa party ni Jessica. Isang itim na jeggings, puting button up long sleeve, black sneakers, at black na wayfarers lang ang sinuot ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Naroon parin si daddy sa sala. Bumaling siya sa akin, ngayon mas kalmante na.
"Where are you going?" Tanong niya.
"May fashion show ako." Sabi ko, respeto na lang ang pag sagot.
"Will you please text us kung nasan ka at kung hindi ka makakauwi? Your mom is worried. Give her some respect by texting her."
Tumango lamang ako.
"And by the way, modeling? Nagkausap kami ng mommy mo at binanggit niya sa akin na umalis ka sa pinagtatrabahuan mo sa Tagaytay without proper farewell letter. You should apologize to the company. Act like a professional, Avon." Ani daddy.
"Yes, dad." Sabi ko bago umalis at umirap na lang pagkalabas.
Taxi ang sinakyan ko patungo kina Adrian. Habang nasa loob ay nitext ko si mommy, nagpaalam at nag apologize sa hindi ko pagtitext kagabi. Pagkatapos ay nitext ko rin si Brandon at nagpaalam na kina Adrian muna ang tungo ko at sabay na kami sa Arena.
Tumawag kaaagad siya kahit na dinig na dinig ko sa background niya na may nag po-propose ng kung anong building sa kanilang kompanya.
"Bakit hindi na lang ako ang maghatid sayo don?" Masungit niyang sinabi.
"You're in a meeting, Brandon. Come on, friends lang talaga kami ni Adrian."
"He can't be trusted, Av. Just look at his face, mukha siyang manyak." Iritasyon ang bumalot sa kanyang boses.
Natawa ako. Manyak nga pero depende iyon sa gender. "He's not, ano ka ba? At isa pa, marami kami don. Naroon na nga ang ibang model friends ko. Sasabay lang talaga ako sa kanila."
Nagtalo kami hanggang sa nakarating ako sa condo ni Adrian. Wala pang labing limang minuto ay umalis na kami doon dahil natataranta na ang nasa Fashion Summit dahil kailagan naroon kami ng mas maaga.
Tumawag na naman si Brandon at inirapan na lang ako ni Adrian.
"Sana nga siya na lang ang nandito kesa sa ikaw, A." Tawa ni Adrian. "Mamanyakan ko pa iyan."
Malaki ang ngiti ko habang nag aalburoto na si Brandon sa kabilang linya.
"Itext mo ako pag nakarating na kayo sa Arena." Aniya, iritado parin.
"Okay. Pero magiging busy ako, a?" Sabi ko. "Magmimake up at magbibihis ako."
Suminghap siya. "Okay, just text me when you have time." Iyon ang bilin niya.
Naging abala nga ako sa pag aalaga ng make up artist. Mabilis ang mga kilos ng mga modelo at make up artist sa backstage at medyo naging busy na rin ako sa aking damit. Everything's in place. Nililingon ko si Adrian na pormado na ang damit at ready'ng ready nang rumampa.
Una ay casual clothes lang kaya hindi masyadong mahirap. Nasa harap ko ang dalawa pang damit na susuotin ko mamaya.
Masyadong abala ang lahat at kabado na rin sa mga mangyayari. Ilang picture rin ang nagawa namin kasama ang ilang models at ang mga designers bago nag tawag na magsisimula na in five minutes.
"Kasali pala si Tyrone." Sabi ni Adrian sa akin nang nagkasama kami bago pa magsimula.
"Talaga?" Nagulat ako.
"Oo. Isa siya sa unang lalabas at huli rin." Ani Adrian bago pa kami tinawag para humanda na.
Mabilis ang mga pangyayari. Ganon naman talaga lagi sa mga ganitong gig. Nang lumabas ako ay iniwan ko lahat ng simangot ko sa loob at pinalitan ko ng confidence ang aking mukha. Ngunit mabilis itong natibag nang nakita ko si Brandon sa long table sa harap, katabi ang iilang sikat na artista. Humalukipkip siya nang makita akong rumampa.
Nanginginig ang tuhod ko ngunit nagawa ko paring umikot ng maayos. Pagkarating ko ng backstage ay napabuga ako ng malakas na hininga.
"Bullshit. I have never been this tensed before."
Sa pangalawang labas ko ay naka 7 inches heels wedge ako. Nanginginig parin ang tuhod ko. Isang beses ko siyang sinulyapan at naka pangalumbaba lamang siya, hindi ngumingiti at para bang sinusuri ako. Ang artistang babae na nasa tabi niya ay bumubulong sa kanya ng kung ano at wala siyang anong ekspresyon.
Nanlaki ang mata ko nang ang babaeng nasa unahan ko ay medyo natalisod sa suot na long skirt at 7 inches heels. Nag concentrate na lang ako sa paglalakad at binalewala si Brandon sa takot na ma dapa ako dito.
Ang huling sinuot ko ay isang silver na gown na may silver ring 7 inches heels. I'm used to wearing heels and modeling, but I'm not really used to Brandon's intense gaze everytime I'm on stage.
This is the last, Avon. Iyon ang patuloy kong sinasabi sa sarili ko dahil huling labas ko na iyon sa stint na ito.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ay nilingon ko ulit si Brandon na tumatango sa kasamang babae. Bago ko pa naibalik ang titig ko sa harap ay natalisod na ako. Tumama ang tuhod ko sa sahig ng nirarampahan at napahawak na rin ako doon.
Tumili ang ninerbyos na mga tao. Sa gulat ko sa nangyari ay saglit akong tumunganga bago nag desisyon na tumayo ng maayos at ayusin ang damit.
Pagkatayo ako ay laking gulat ko nang may nakatayo na ring tao sa gilid ko. Itim ang suot niya at nang tiningala ko ang mukha ay si Brandon pala iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at ang isang kamay ay naglahad sa daanan.
Dumami ang mga camerang nag click dahil sa nangyari. May mga daing akong narinig galing sa audience. And God I think my face turned bright red!
"Brandon..." Sabi ko ngunit nagpatuloy sa paglalakad.
Hinatid niya ako hanggang sa nakabalik ako sa backstage. Bumalik din naman siya sa inuupuan niya at nagtilian ang mga modelong nakuha ang nangyari. Pumikit ako ng mariin at nag takip ng mata sa kahihiyan at kabaliwan.
Nang natapos ang nangyari ay dalawang reporter ang pumunta sa akin para hingin ang opinyon ko kay Brandon. Ang isa ay hinalungkat pa na naroon daw si Brandon nang nag audition ako para sa Summit. Great! Now I'm part of showbiz?
Nakapangalumbaba ako sa bar kung saan namin winelcome si Jessica. Hiyang hiya parin ako sa nangyari kanina nang natalisod ako. Kahit na sana ay nakalimutan ko na iyon dahil sa mga kabaliwang ginawa namin para kay Jessica ay hindi ko maalis sa utak ko.
"Nakakahiya." Sabi ko, nakapangalumbaba at tinititigan ang mamahaling mga inumin sa harap ko.
Tumawa lamang si Adrian. "Bakit ka kasi masyadong tensyonado?"
"First time mo itong nadapa, huh?" Dagdag tawa ni Jessica na nakapulupot ang kamay kay Anton.
Matalim ang titig ko sa kanila habang ang mga kaibigan namin ay nagsasayawan na pagkatapos naming sinorpresa si Jessica kani kanina lang. Nilingon ko sila at nag isip akong sana ay kaya kong magpakasaya. Tiningnan ko ulit ang mga picture ko sa internet na nagkalat na dahil sa pagkakadapa ko. And all this time ni hindi ko namalayan na nakita pala iyong puting panty ko dahil sa nangyari. Oh God! It's tagged panty slip. Please, Oh God, kill me now.
"That's okay, kaya mo namang mag bikini in front of all those people. Wala lang yan." Sabi ni Adrian. "And dinumog si Brandon ng media pagkatapos, a." Iling niya.
Tumikhim si Anton at Jessica ng sabay. May nilingon naman si Adrian sa likod ko at agad siyang tumayo. Bumaling ako sa kanya at napaupo ng maayos.
"Your knight is here." Tinagilid ni Adrian ang kanyang ulo habang sinusuri ang nasa likod ko.
Nilingon ko si Brandon na ngayon ay naka itim t shirt at dark blue na maong. Si Adrian ang katitigan niya at naghahamon na naman ang titig.
Sumulyap si Adrian sa akin at tinuro ang dancefloor. "Sayaw lang ako."
Tumango ako at bumaling ulit kay Brandon na ngayon ay bumababa ang tingin kay Anton at Jessica na parehong tumatayo at tinuturo na rin ang dancefloor na napaka ingay dahil sa biglaang pagsayaw ni Adrian. "Sayaw din kami." Tawa ni Jessica, leaving us alone.
Suminghap ako at pumangalumbaba ulit. Hiyang hiya sa nangyari. Halos di ko siya maharap ngunit nagawa niyang umupo sa tabi ko at kinuha niya ang kamay ko kung saan nakapatong ang aking baba.
"Are you okay? Di kita nasundo kasi dinumog ako ng reporters." Aniya.
Tumango ako. "I'm okay."
"Sana di ka na lang umakyat para hindi ka dumugin ng reporters at paparazzi." Sabi ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap niya ito sa nag aalala niyang mga mata. "I'm fine with it. Mas gusto ko iyon para makita ng lahat na ikaw ang pinunta ko doon."
Ngumuso ako, umiinit ang pisngi sa mga sinabi niya. Iginala ko ang mga mata ko sa nagkakasiyahang mga kaibigan ko. I don't know but I suddenly want to go home. Pero hindi sa condo ko. I want to go home with Brandon, and stay with him, in his arms. But I can't just say that to him right now.
Hindi pa ako nakakabaling ulit kay Brandon ay tumunog na ang cellphone ko, si daddy ang tumatawag. What is it this time?
"Hello?" Sinagot ko iyon at binitiwan ang kamay ni Brandon.
"What's this picture in the internet? Avon..." Banta sa boses niya ang nanaig.
"It's not like I wanted that to happen, dad. Nadapa ako, okay?" Umirap ako. I saw Brandon's feature stiffen.
"I told you to stop fooling around, work seriously. Hindi iyan linya ng inaral mo sa Enderun! Stop modeling and go back to serious work!" Binabaan ako ni daddy ng tawag at pumikit ako ng mariin.
Walang nagsalita sa amin ni Brandon. Alam niyang gulong gulo ang utak ko ngayon. Suminghap ako at nagdilat ng mga mata. Ang tanging nakita ko ay ang malalalim na mga mata niyang nag aalala sa akin.
"If... your dad wants Arielle in your home, will you live with me?" Sabay haplos niya sa aking buhok.
Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Nanghina ako sa sinabi niya. He'll want Arielle to live in our house. He wants the best for the girl he cared for.
"I won't let Arielle live in our house, Brandon." Mariin kong sinabi, nasasaktan. "Do you want her to live in our house?"
"I want you to live with me, sweetheart." Aniya, kitang kita ko ang sakit na saglit dumapo sa kanyang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top