Kabanata 31
Kabanata 31
Hope You Don't Mind
Iniwan ko lang si Brandon sa waiting area. I don't expect him to truly be there the whole time I'm here. Inisip kong maaaring ayaw niyang pumunta kay Arielle pero may parte sa kanyang nag iisip na responsibilidad niya ang pag aalala sa babaeng iyon.
"Kayo ni Brandon Rockwell?" Tanong ng iilang kaibigan kong nakapasok rin pala sa Summit.
Umiling kaagad ako at ngumisi. "We're just friends."
"Really? Friends? Brandon Rockwell? And he's always with you." Nagkatinginan sila ng isa pang modelo na chinita ngunit hindi ko ka close.
"Avon, where's Adrian?" Tanong ng isa sa mga managers ng agency namin.
"Basa Boracay pa yata. Bukas pa yata uwi non." Sabi ko. "Burning his skin, getting ready for the Summit. Is he going to wear something indecent?" Natatawa kong sinabi.
Ngumisi ang manager naming bading. "Well, tatlong set ang nakahanda para sa kanya, tulad mo. May suit, may topless."
Umirap ako. Kaya pala. And this gay is already drooling at the thought of Adrian almost naked!
Pagkatapos ng fitting na naging maayos naman ay lumabas na ako ng agency. Brandon was in the midst of a crowd of the best models in our agency. Tatawagin ko na sana ngunit iritado na agad ako sa pag eenjoy niya sa company ng mga babaeng pare parehong matatangkad at magaganda. Pinaglalaruan nila ang bagong buhok ni Brandon. Umiilag siya sa kanilang mga naglalarong daliri ngunit nangingiti parin.
Namataan niya ako at agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.
"Alis na ako." Sambit ko sa nasa reception bago dire diretsong nagmartsa patungong elevator.
Sumunod kaagad si Brandon sa akin sa elevator. Nangingiti at hindi pa nakakalimot sa tawanan na nangyari sa kanila ng mga modelo kanina.
"Nang iiwan ka talaga lagi. Naghihintay ako sayo, if you don't remember." Halakhak niya.
"If you want to spend quality time with some of the most precious models in our agency, I'm not stopping you, you know." Sabi ko, humahalukipkip.
Dumami ang sumakay sa elevator. Nagkasiksikan at mas lalo kaming napalikod ni Brandon. Hindi ko nga lang alam kung sinasadya niya bang paglapitin ang aming mga braso o talagang masyado nang siksikan para magkaroon pa ng espasyo.
"Oh come on. Naghihintay ako sayo, I'm not spending quality time with them. Ang sarap mong mahalin, selosa." Humalakhak ulit siya.
Nilingon ko siya. I find his words offensive, this time. Imbes na umangal ay hindi ako makapagsalita sa di malamang kadahilanan.
Nagmartsa lang ako pagkalabas ng elevator at agad nahanap ang sasakyan niya. Sumisipol na siya at good mood sa nangyayari habang ako ay bulkan na umaamba ang pagsabog.
"Ihatid mo ako sa mall. I wanna go shopping." Sabi ko.
"Oh! I'd like to go shopping with you." Aniya, nagpapalusot na naman para isama ko sa mga gagawin ko.
Inisip ko rin na pag ako lang mag isa ay walang mag dadala ng mga pinamili ko. Kaya habang nag dadrive siya at nangungulit ay nagpasya na rin akong mag grocery bukod sa mag shopping. Wala na masyadong pagkain sa condo kaya namili na ako.
It was hard keeping up with him kahit sa supermarket section ng mall. Even the old-aged women are actually drooling over his foreign and extremely handsome features. Umiiling na lang ako habang naglalagay ng ilang mga toiletries at may mga side comments siyang sinasabi.
"I didn't know that were shopping for tissues." Sabi niya pagkatapos kong ilagay ang tatlong tig aanim na rolyo ng tissue sa cart na tinutulak niya.
Talak siya nang talak habang ako ay lagay ng lagay ng mga bagay sa cart. Hindi ko na nga alam kung paano niya iyon bibitbitin. And now that I think about it, this means aakyat na siya sa unit ko this time?
"Next time, samahan mo rin akong mag grocery para sa condo ko. Kaka grocery ko lang last week. Please? I think I need your common sense when it comes to toiletries." Ngisi niya.
"Bibigyan na lang kita ng listahan ng mga kukunin." Sabi ko habang namimili ng mga karne.
Kinuha niya ang thong sa kamay ko at ngumiwi sa pinipiling karne ng baka. "That's not it. Hindi ka marunong mamili pagdating sa pagkain?"
Umirap ako. "These are all fresh."
"May ibang hindi sariwa. Red doesn't mean it's really fresh. You will still need to press it firmly to see if it is." Pinindot niya ang karne gamit ang thong. Sa pangalawang karne ay hindi nagmarka ang thong kaya bumaling siya sakin. "That's fresh."
Ngumuso ako at kinuha na lang iyong tinukoy niya.
Marami pa siyang itinuro sa akin. Pinapanood ko ang bawat pag bigkas niya ng salita at hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanyang labi na mamulamula. Tumikhim ako at pinilig ang ulo para maistorbo ang kung ano mang iniisip.
Pagkatapos naming mag grocery ay pinasok namin ang lahat ng iyon sa sasakyan. Itinuro ko ang mall at nagulat si Brandon sa iniisip ko.
"Balik na lang tayo mamaya. We'll need to put all of the fresh foods in your fridge, Av." Hindi siya makapaniwalang hindi ko iyon naisip.
"Oh? It can wait." Giit ko.
"Oh I'm sure!" Tawa niya.
Umirap ulit ako. "Fine!"
Kaya wala akong nagawa kundi ang umuwi na muna bago mag shopping ng kung anu-ano. Sa byahe pa lang ay naramdaman ko na kung gaano ako napagod sa araw na ito dahil lang sa pag gogrocery.
"You want me to cook something for you pagdating natin sa condo mo? I'm sure you're starving." Sabi ni Brandon nang nakangiti.
"What are you going to cook?" Tanong ko ng wala sa sarili.
"What do you want?" Tanong niya.
"I'd like some fish fillet tsaka salad. Kaya mo ba?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Naghahamon ka ba?" Nagtaas rin siya ng kilay pabalik sa akin.
Kaya nong nakarating kami sa condo ko at dala dala niya sa dalawang kamay ang mga pinamiling grocery ay hindi na ako nagdalawang isip na papasukin siya.
Nilapag niya kaagad ang mga pinamili sa kitchen counter namin at iginala niya ang mga mata sa malaking kitchen, tamang tanggapan, at tatlong pintuan na naghahayag ng tatlong kwarto.
Umupo ako sa sofa at agad naghubad ng pumps. My feet hurts like hell. Nilingon ko si Brandon na ineexamine na ang loob ng fridge namin at nilalagay na doon ang mga fresh na pagkain.
"Kailan ang uwi ng daddy mo?" Tanong niya.
"Bakit?" Pabalik kong tanong.
Nilingon niya ako ng seryoso. "Hindi ba pwedeng magtanong? I'm just wondering kung ilang araw kang mag isa sa condo mo. Hindi ba delikado dito? Maayos ba ang seguridad?"
"I've been all alone here since college, Brandon. Except sa mga times na wala nang mapuntahan si Adrian at 'yong bestfriend kong si Jessica. Dito sila madalas nong college."
Natigilan siya at nilingon ulit ako. "Dito madalas?" Nanliit ang mata niya.
"Yup. Adrian and Jessica. They're my best buds."
"I'm fine with Jessica. But really? Adrian?" Nanliit pa lalo ang mata niya.
Umirap ako. "I'm not like you. Na kahit sinong babae basta ay malapit ay kayang kayang gapangin."
"Whoa, sweetheart. You're waging war again. Chill." Tawa niya.
"Totoo! Dinala mo lang ako sa villa mo, may ginawa ka na sa akin!? And I wonder if all the girls who went to your condo made it to your bedroom!"
"Stop right there, sweetheart. Hindi ako nagpapapasok ng kahit na sino sa bedroom ko except kay Manang Hasmin, if she's one of the women you're talking about. She's my mom's maid. Siya lang ang nakakapasok doon para mag linis."
"And you think you deserve a slow clap for that? Wow, Brandon!" Tawa ko.
Umiling siya at mas lalong lumaki ang ngisi. Naghugas siya ng kamay sa sink at nagpunas naman sa malapit na tuwalya.
Napaupo ako ng maayos nang lumapit siya sa akin. Iyong rumaragasang damdamin na kanina ko pa pinipigilan ay nag uumapaw na naman ngayong malapit siya at mabibigat ang tingin.
"Ang sungit mo talaga." Nangingiti niyang sinabi at agad nag squat sa harap ko.
Ibababa ko na sana ang paa kong nakalagay sa coffee table namin nang salubungin iyon ng kamay niya.
"Brandon!" Sabi ko.
Hinawakan niya ang taas ng takong ko at naramdaman ko ang hapdi non. Binaba ko ang tingin ko at nakita kong mamulamula iyon.
"You missed the whole point, sweetheart. Bakit mo dinadala si Adrian dito? He's a guy and you're smoking hot. You can't just let him run free inside your home." Seryoso niyang sinabi habang hinahaplos ang paa ko.
Babawiin ko na sana ngunit masyadong banayad ang haplos niya na nakakalimutan ko ang lahat ng pag ayaw ko.
Ngumuso lamang ako. Smoking hot, huh? "We're friends, Brandon. What's the problem with that?" Tanong ko.
Umigting ang bagang niya. "Ayos lang na makipagkaibigan ka sa ibang lalaki. Basta ba alam ko. Pero hindi maayos sa akin na dinadala mo sila dito. What if may masama silang intensyon?"
Tumawa ako. "You sound like my boyfriend! You're not!"
"Well, I'm sorry if I'm claiming to be. Ako lang diba? Ako pa lang."
Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang humahaplos sa paa ko. Marahan ito at punong puno ng pag iingat. Nakikiliti ako at bahagyang kumikibot sa bawat haplos niya. Binitiwan niya iyon at kinuha ang isang paa ko.
"Bukas na ulit tayo mag shopping. I'll cook for you today and you'll rest, okay?" Malambing niyang sinabi.
Tumango ako, nahihypnotize sa lambing ng kanyang boses.
Nakatulog ako sa sofa dahil sa pagmamasahe niya sa aking paa. Nagising na lamang ako na may nakakagutom na amoy na sa labas. Napansin ko rin na nasa loob na ako ng kwarto ko at bahagyang nakabukas ang pintuan.
Iyon ang mga naging eksena sa mga sumunod na araw na wala si daddy. Kahit na madalas ay busy siya sa trabaho at ako naman ay nagpupunta at nakikipagkita kay Adrian para sa pagpaplano ng isang party sa pagdating ni Jessica galing Maldives ay nagagawa parin naming magkita tuwing hapon hanggang gabi. Pinagluluto niya ako at nasasanay na ako sa mga ginagawa niya.
Brandon:
Can I ask you out later? Sa labas na tayo mag dinner.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nagbabasa sa text niya. Hinampas ni Adrian ang mesa kung saan kami nag uusap ng ilang mga kaibigan namin para sa party bukas sa pagdating ni Jessica. Isang buwan din silang nawala ni Anton. Hindi lang yata Maldives ang napuntahan kaya masyadong tumagal.
"Brandon na naman?" Bulong ni Adrian.
Tinago ko kaagad ang cellphone at umiling. "Ad..."
"Tigilan mo ako. Aalis na ako, sa susunod na linggo. Babalik na akong Thailand at nakatunganga ka parin sa cellphone mo? And do you even remember that your dad's still in Cebu? I'm sure hindi. Kasi abala ka kay Brandon."
"Ad... I'm fine when my dad's in Cebu. At least he's with mommy. Pag nandito siya, kalbaryo ko iyon." Sabay hilig ko sa kanyang braso.
Umiling si Adrian at nagsimula ulit na magplano sa party ni Jessica at sa usap usapan kung na buntis na kaya siya sa honeymoon nila ni Anton?
"So wala tayo sa after party ng Summit?" Tanong ng isang kaibigan kong nag mo-modelo din.
"Nasa parehong bar lang kaya walang problema."
Bukas ang fashion show na dadaluhan ko. Bukas rin ang uwi ni Jessica kaya mukhang mahabang araw ang mangyayari bukas. Nakikinig ako kay Adrian at nag susuggest ng mga sorpresa para kay Jessica nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Buong akala ko ay si Brandon na iyon kaya agad ko ring sinagot.
"Aurora," napapaos na boses ni daddy ang sumalubong sa tainga ko.
"D-Dad?" Bumagsak ang tingin ko sa mesa.
"Are you free right now? I'm back from Cebu, just this morning. Wala ka sa bahay kaya inisip kong baka kung nasaan ka. Nasa Eastwood ako. Can we have late lunch?"
Ginala ko ang paningin ko sa iba't-ibang restaurant na nahahagip ng mga mata ko. He's here?
"I miss you." Pahabol niya.
"Aling restaurant, dad?" Tanong ko.
Sinabi niya sa akin kung aling restaurant. Nakatingin na si Adrian sa akin, pagkabanggit ko pa lang sa kabilang linya kung sino ang tumatawag. Nang binaba ko ang aking cellphone ay sinikop ko na ang mga gamit ko.
"Speaking of?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.
Tumango ako. "Text me later. Saglit lang siguro ako. I'll just meet dad."
"Okay, then. You take care." Aniya.
Tumango ako at tumayo na para makalabas sa restaurant kung saan kami nagtipon tipon.
Huminga ako ng malalim nang makalabas sa pintuan ng restaurant at naalala na nasa talyer parin ang sasakyan ko. Brandon refused to let me drive it again. Gusto niya ay masuro itong mabuti dahil medyo old model na ito ng Honda Civic at hindi na maganda ang kondisyon. Na irita pa ako sa panghihimasok niya pero ayaw ko namang madisgrasya kaya hinayaan ko na lang. Ngayon ay kailangan kong mag alay lakad para lang makapunta sa restaurant kung nasaan si daddy.
Pumasok ako sa isang asian restaurant at nakita ko kaagad kung sino ang kasama ni daddy roon. I suddenly felt stupid. Bakit hindi ko naalala iyong plano niya bago ako pumunta dito ay hindi ko malaman. Pero hindi nito napigilan ang mga yapak ko papunta sa kanila.
Nag angat ng tingin ang mala anghel na si Arielle sa akin pagkatapos dinungaw ang menu. She wasn't surprised. In fact, she wore a damn big smile. Bitch!
Bumaling ako kay daddy, ngumingiti siya at naliligayahan na pinaunlakan ko ang iniisip niya. I kissed him on his cheek. Nilahad niya ang malapit na upuan sa kanya sa tabi ng kaharap niyang si Arielle.
"I missed you, Avon." Ani daddy.
"Miss you too, dad." Walang emosyon kong sambit at bumaling kay Arielle.
"I hope you don't mind. I invited your half sister." Sabi ni daddy sa akin.
"I don't mind, daddy." Ngisi ni Arielle.
May magagawa pa ba ako? "I won't eat. Wala akong gana." Sabi ko at umupo sa tabi niya, hindi binabalingan si Arielle.
She's wearing a white dress. Dramatic na nakalugay ang kanyang mahaba at straight na buhok na hating hati ang parte.
Bakit pa ako pumunta dito?
"Just order something." Sabi ni daddy sabay bigay ng menu sa akin. "We'll celebrate. Nalalapit nang mahatulan ang kasong hinahawakan ko. Maybe this month, it's done."
Lumaki ang ngisi ko. "That means, you'll be back in Cebu?" Nilingon ko si Arielle at nakita ko ang pag awang ng kanyang bibig sa gulat.
Tumango si daddy. "Most probably."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top