Kabanata 3

Kabanata 3

Ponytail

"Si Brandon Rockwell ay anak ng isang foreign businessman na nag invest sa Highlands Golf and Country Club." Monotone ang tono ng boses ni Adrian nang nasa loob na kami ng hotel.

Sabog sa kalasingan si Jessica at naroon sa CR habang sumusuka. Abala naman ako sa paghahagilap ng impormasyon sa kay Brandon Rockwell.

Kahit sa after party ng competition ay hindi ko nahagilap ang kabit ni daddy. Ang tanging naroon ay ang mga judges at ang iilang mga contestants at mga kabilang sa staff. Adrian flirted with both girls and boys while Jessica got involved with a lot of vodka. Ako lang ang walang ginawa kundi mag masid.

Ginulo ko ang buhok ko pagkatapos pinindot ang send sa Gmail account ko. "Napapraning na ako!"

"Hindi ko nakita ang babaeng tinutukoy mo, A. But if we find Brandon Rockwell on Facebook, maari rin nating ma trace sa friendlist niya kung sino nga iyon." Ani Adrian.

Kaya dalawang oras ang iginugol namin para doon ngunit nalaman kong hindi nagpapakita ang friendlist ni Brandon Rockwell.

"Give it up, guys." Pabulong na sinabi ni Jessica habang nakasalampak na siya sa kama. Ganon na rin ang hitsura ni Adrian habang ako ay gulong gulo ang utak.

Ang tinipa kong sulat kanina sa aking Gmail account ay isang application letter para sa Highlands. If that Brandon Rockwell own this place, then I should work here. I will need the experience too. Pero ang una kong misyon ay ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa kabit ni daddy. Kung ayaw niyang kumanta ay ako mismo ang maghahagilap sa katotohanan.

Habang nasa eroplano sa mga sumunod na araw ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa Highlands na natanggap na ako bilang isa sa mga department managers nila. That's what Enderun and my internship abroad's got me. Kahit iyong mga malalaking hotel ay nagagawa paring i acknowledge ang credentials ko.

"Please turn off your cellphones or other gadgets. We will be taking off soon." Anang speaker sa buong eroplano.

Uuwi ako ng Cebu. Kahapon, nang bumisita ako sa Cavite at nadatnan ko si daddy kasama ang tito ko sa ospital ay hindi ko maiwasang makisimpatya sa kalagayan ni tito. Ganunpaman ay hindi ko magawang tumingin ng diretso kay daddy. Kalahati sa akin ay nag iisip na mas pinipili niyang manirahan sa Cavite dahil taga rito o malapit rito ang tirahan ng kanyang kabit. Or maybe, he's living with his mistress?

Pinilig ko ang ulo ko. I am so frustrated but I refuse to plant anger in my system. Sana lang ay magawa ko iyon. Tumulo ang luha sa aking mga mata at hinigpitan ang seatbelt ko. I'm a daddy's girl. Hindi ko matanggap kahit bali baliktarin ang mundo na may ganito. I couldn't even ask him straight. Hindi ko magawa ang simpleng bagay na iyon dahil natatakot ako na baka nga tama ang hinala ko.

"Avon, dapat ay sabihin mo sa daddy mo na umuwi na siya dito. It's almost a year and if that case isn't solved yet, then he'd better go home." Sabi ni tito nang nasa hapag kami at binibisita kami ng mga pinsan ko at ng mga tito ko.

Mom's depressed. Very depressed. May mga visits na siya sa mga doktor para matuonan ng pansin ang kanyang depression. She's taking meds for it. Umiling si tito habang tinitingnan si mommy na abala sa paghahanda ng pagkain at pakikipagtawanan sa kina tita.

"Maybe you should stay home, A?" Sabi ng pinsan kong si Cole.

"You know I can't. Magtatrabaho ako. Dad should stay home. Tito, sa totoo lang..." Nilingon ko si tito at bumaling siya sa akin. "Ayaw ko na pong harapin si daddy. Nagtatampo po ako. Ayaw ko pong masaktan ko siya sa mga salita ko. I hope you help me with this. Please talk to him, tito."

"Kung ayaw makinig ng daddy mo sa mommy mo ay hindi rin iyon makikinig sa amin. You should talk to your dad. Ikaw ang anak at makikinig siya sa iyo." Sambit ni tito.

"A, bibisita kami palagi dito para mabantayan si tita. Please convince tito." Sabi ng pinsan kong si Charity.

Pumikit ako ng mariin at pumangalumbaba. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I want to talk to dad pero paano kung puno ng galit ang puso ko. I love him so much na ang sakit sakit kasi ginawa niya ito sa amin ni mommy.

Nang nakabalik ako sa Manila ay wala paring tao ang Condo. I am not sure where dad is. I think he's in Cavite. Ni hindi niya alam na umuwi ako ng Cebu ng dalawang araw. Hindi niya rin alam na magtatrabaho ako sa Tagaytay.

"Bibisitahin ka namin ni Adrian at Anton sa Tagaytay. Keep in touch. Are you really sure about this, A?" Tanong ni Jessica nang paalis na ako.

"Yes, I am." Iyon lang ang naisagot ko. They will never understand why it's such a big deal to me. Hindi pa nila nararanasan ang ganitong insekyuridad.

Sa byahe ay tinawagan ko si daddy. Siya ang sumagot ng kanyang cellphone. Pilit na umigting ang bagang ko pagkarinig ko sa kanyang boses.

"Hello, Aurora? I'm sorry hindi kita natawagan kahapon. We've got leads for the case at abala ako don-"

"Dad, whaetever." Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko. Hindi ko lang matanggap na iyon ang ibubungad niya sa akin. "Galing akong Cebu. Ngayon ay patungo akong Tagaytay. Are you in Cavite? Mag tatrabaho ako sa Tagaytay."

"Magtatrabaho? No, I'm in Manila. Bakit ka magtatrabaho sa Tagaytay?" I heard a hint of panic in his voice.

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. I hate you, dad. Hindi ko kailanman inisip na aabot sa puntong ganito.

"Dad... Hindi ba pwedeng iwan mo ang kasong iyan? Puntahan mo si mommy sa Cebu! Balikan mo siya! Do you even know what's happening?" Halos pasigaw kong mga tanong.

Tumikhim si daddy at hindi agad nagsalita. "Hija... Your mom is just over reacting-"

"Over reacting my ass! I know! I know she's not over reacting! I saw you sa Aura! You were with this girl. Ka edad ko. How are you going to explain that?" God, I sound desperate even to my ears.

"Sa Aura? Avon, hindi ako pumunta sa mall na iyon. What are you talking about?"

"Bullshit!" Mura ko at pinatay ko kaagad ang tawag.

This is why I hate confrontations. Iniyak ko na lang ang buong byahe patungong Tagaytay. Nakatanggap ako ng mensaheng galit galing kay dad at wala akong pakealam kung galit siya sa akin.

Daddy:

Watch your mouth. Hindi kita pinalaking ganito. You are too spoiled. I'm working for our family. This is for you and your mom.

Umirap ako at sumandal sa aking upuan. For our family my ass? Is it really, huh, dad? O baka para sa kabit mo? To keep up with her whims and caprices? I'm pretty sure it's for her! We don't need anymore money. Pupwede namang maging lawyer siya sa Cebu. Hindi niya na kailangang mag Manila para lang matustusan ang gastusin naming tatlo ni mommy. I will never believe his excuse.

Hinila ko ang luggage ko papasok sa bukana ng Highlands. Sa kabilang kamay ko ay ang mga kopya ng Transcript of Records at ilan pang kinakailangan ng Highlands para sa files ko.

Ngayon ko lang lubusang nakuha ang buong hitsura ng hotel. Gabi kasi nang dumating kami dito noon nina Adrian at Jessica kaya ngayon ay nag eenjoy ako sa panonood sa tanawin. The view is breathtaking. Pansamantala kong naiwan ang lahat ng naiisip ko kanina habang nasa byahe. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kulay berdeng mga halaman na nagpapatingkad ng buong lugar at ang ibang klaseng landscape sa loob o labas man ng Highlands.

Hindi matanggal ang tingin ko sa mga burol at bulubunduking nakapaligid. May isang nakaputing lalaki ang nakaabang sa gilid ng isang van na may iilang turista.

"Ma'am, tourist?" Tanong niya.

Umiling ako. "Magtatrabaho po ako dito kuya. Sa Clubhouse ako pinapapunta."

Tumango siya. "Ihahatid ko po kayo don."

Iyon nga ang ginawa ni Kuya. Hinatid niya kaming lahat sa clubhouse. Kasama ko ang isang batalyon ng foreigner na mga turista. Pagkadating ko sa ay naalala ko na lang iyong gabi ng competition. So this is how it looks like in the morning, huh?

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng swimming pool at ng malaking clubhouse. Ang mga malalaking pinetrees ang dahilan kung bakit nagmumukha itong lugar sa ibang bansa. Pinilig ko ang ulo ko. I should not forget why I'm here.

Pumanhik ako sa may tanggapan ng Clubhouse para mag tanong. Ang direksyon sa akin ay dito ako magtungo para hanapin ang HR nang sa ganon ay masabihan niya ako kung saan ako titira pansamantala habang nagtatrabaho ako at kung ano ang terms ng sahod ko.

"Miss..." Sabay pakita ko sa sulat na pinrint ko.

Inilahad ng babae sa counter ang isang lalaking naka corporate attire at may kausap na ilang guests. "Si Mr. Romualdo na lang po ang puntahan ninyo. Siya po ang HR." Anang babae.

"Ah! Salamat." Ngiti ko sabay baling ko don sa lalaking may kausap.

Maghihintay sana ako kung kailan siya matatapos nang may boses akong narinig galing sa likod ko.

"Ria, anong kailangan ng guest?" Tanong ng boses.

Hindi ko nilingon pero pinakinggan kong mabuti kung anong isasagot ng babaeng nagturo sa akin kay Mr. Romualdo.

"Ah! Magiging empleyado na po siya dito Mr. Rockwell. Ito po 'yong manager yata na hinihintay ni Mr. Romualdo." Sagot nong babae at hindi ko na napigilan ang pag lingon.

Naka ponytail ang buhok ni Brandon Rockwell. Konting takas na buhok sa likod at sa malapit sa tainga ang naglagay ng arte nito. Naka kulay grey na t shirt at itim na Underarmour shorts.

"Can I see the letter, miss?" Nagtagal ang tingin niya sa aking mga mata.

"Sure." Tumaas ng bahagya ang kilay ko at ibinigay ko iyon sa kanya.

Nagkakape siya habang binabasa ang sulat ko. Iginala ko ang paningin sa wooden place na ito. May mga kumakain sa kanilang restaurant at bigla akong nakaramdam ng gutom.

"So you are my new Clubhouse manager. You're young." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "And you look familiar. Modelo ka ba?" He smirked.

"Nandito po ako nong competition. I was the first runner up. Si Rosie 'yong nanalo?" Nagtaas ako ng kilay.

Ngumuso siya. "Yeah, I remember. It's weird you're here. Magmamanager ka? We will need you most of the time. You sure you want to give up your modeling career?"

"That isn't really a career to me. Past time ko lang iyon. I'm a business and hospitality major."

Umangat muli ang gilid ng kanyang labi. "You must be very hospitable then?"

"I am." Hamon ko sa biro niya.

"Well then, miss... Aurora Veronica?" Nakita niya sa aking letter. "Ako na ang maghahatid sa iyo sa iyong pansamantalang villa. You will be with the other managers. But most managers don't live here. Kadalasan ay umuuwi sila sa kanilang mga bahay everyday. You sure you want to stay miss Manilena?"

"No problem." Ngiti ko.

"By the way, I'm Brandon Rockwell." Sabay lahad niya ng kamay.

"Nice meeting you, sir." Ngiti ko at tinanggap ang kamay niya.

Napatingin siya sa kamay ko ng ilang sandali bago tinanggal iyon.

"Shall we?" He bowed slightly.

"Sure." Ngiti ko at nauna nang umalis habang hinihigit ang bag ko.

May tinawag siya na agad kumuha sa bag ko. Pinasok iyong bagahe ko sa isang hindi ko malamang modelo ng Mercedes Benz. Is this his ride? Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Tipid na ngiti ang isinukli ko sa kanya nang umikot siya para sa driver's seat.

"So? Bakit ka nagdesisyon na dito magtrabaho?" Tanong niya habang minamaniobra ang makina ng sasakyan.

"Because I want to breathe fresh air, Mr. Rockwell. Palagi ka bang nagtataka kung bakit dito nagtatrabaho ang mga empleyado?"

He laughed hoarsely. "Not really. Only on special occasions." Niliko niya ang kanyang sasakyan patungo sa mga villas at hindi ko mabitiwan ng tingin ang tanaw kong taal lake.

"Maganda diba?" Tanong niya. Nilingon ko kaagad siya. Kahit na nagmamaneho ay nanatili ang mapupungay niyang mata sa akin. It's like he's drawn or something.

"Yup. It's beautiful." Tumango ako.

Kinagat niya ang labi niya at bumaling ulit sa daanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: