Kabanata 26

Kabanata 26

Please

Kahit anong bugbog ko sa kanyang dibdib ay nagmatigas siya. Nang huminahon ako ay dahan dahang kumalas ang kanyang yakap sa akin.

Ramdam ko ang hagilap niya sa mga mata kong nanatili sa mga kamay ko. Nanginginig iyon habang naghuhugas ako sa lababo.

"Hindi ko alam na nabasa mo ang mga messages ko para kay Arielle. Av, that was before I knew you. That was before-"

"So totoo nga?" Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. "Pinagplanuhan mo nga ang lahat ng ito?"

Suminghap siya. "Wala akong pinagplanuhan! Bago ko nalaman na may kaugnayan ka kay Arielle ay nakilala kita bilang ikaw. And when she told me na ikaw iyong half sister niya, hindi pa kita kilala ng lubusan non. And I cared for her-"

"Yes, you do. Of course!" Tumango ako. "Kaya hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa kanya. Kahit na sinabi mo sa akin na... mahal mo ako..." Ngumiwi ako, parang mapait banggitin ang kasinungalingang iyon. "Na ako lang ang para sayo? Kasi ang totoo, hindi."

"I was determined to tell you about it the next day pero pag gising ko wala ka sa tabi ko!" Sigaw niya, parang nagagali habang inaalala ang araw na iyon. "Okay! Kumalma ako nang wala ka sa silid ko! Inisip ko na baka nasa labas ka, nagluluto, o di kaya'y umuwi sa staff house!" Tinuro niya ako. "You didn't know how painful it is to run, worried that you probably left! Halos mabaliw ako sa pag iisip ng ganon at sa pag kukumbinsi sa sarili ko na baka pumasok ka sa trabaho! And your phone is turned off!"

"Hindi ako tanga. Kung magbabalak akong iwan ka, hindi ako magpapahagilap sayo!"

Umigting ang panga niya, tinititigan ako ng mariin. May halong galit at iritasyon sa titig niya sa akin. Suminghap siya at kinalma ang sarili. "It's so easy for you. Really damn easy. Pag dating ko ng Manila, naabutan ko si Arielle na umiiyak at halos nababaliw sa condo. Then she told me na nalaman mo daw tungkol sa inyo."

Mariin kong tinitigan si Brandon. Malinaw na sinabi ko kay Arielle na si Brandon ang nag siwalat ng katotohanan.

"And that you used me. Alright!? She said you used me! Tangang tanga ako sa sarili ko non pero hindi ako nagpapigil sa pag punta ng Cebu. I am determined to shout at you pag punta ko sa Cebu! Pero hindi parin ako nagtagumpay!"

"You..." Nanlaki ang mata ko. "You went to Cebu?"

Tumango siya at umigting muli ang panga. "You were there dancing with so many boys, kissing... just any boy. Ganon ka sa Cebu?" nanliit ang mga mata niya. "And when I was about to snap at you, suddenly the goons of your father went to me? With your fucking cousins?"

Nalaglag ang panga ko. Ni sa panaginip ko, hindi ko inakalang aapak siya ng Cebu! But this does not change a thing! He fooled me!

"You fooled me! I bet you told me that I was your only one para mapaikot mo ako! I bet you didn't really mean what you said!"

Umiling ako. That's not true. Lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo. Kung may parte sa aking mas inuuna ang pamilya ko, may parte rin sa aking nagmamahal sa kanya. "Enough of the bullshit. This does not change a thing. You care for Arielle. A lot. You encouraged her to take my dad away from us! Gago ka! May pamilya ang daddy ko tapos gusto niyo pang masira ang pamilya namin para lang sa kapritso ng ipokritang iyon!"

"I did not! I told her not to! Pero dahil iyon ang gusto niy, and yes, I care for her, kaya hinayaan ko siya sa mga gusto niya. That was before I met you. That was before I fell for you! Now, all I want for you is to be happy no matter what, kahit sino man ang masagasaan ko, kahit si Arielle pa 'yan! Kahit na nasaktan mo ako!" Lumapit siya sa akin at umatras naman ako para mapanatili ang distansya naming dalawa.

Umiiling ako bilang pag pakita sa hindi pag sang ayon sa lahat ng sinabi niya. I can't be moved by just that. I can't be.

Hinawakan niya ang baywang ko sa likod para matigil ako sa pag atras at ang isang kamay niya ay humagod sa aking pisngi. Itinulak ko ang kanyang malapad na dibdib para mapanatili ang distansya. Pilit kong kinunot ang ulo ko para ipakita ang pag poprotesta sa lapit naming dalawa.

Kinagat niya ang labi niya at pumungay ang kanyang mga mata habang papalapit ang kanyang mukha sa akin. Tinitingnan niya ang aking mga mata, aking kaluluwa... Nang isang beses niyang dinampian ng halik ang aking labi kahit sa pagpupumilit kong makalayo o maitulak siya ay nanghina ako.

"I forgive you. I forgive you for kissing so many lips while you were away." Huminga siya ng malalim at pumikit.

Nang nanghina siya ay lubus ko siyang naitulak. Tinuro ko siya. "Hindi ganon ka dali. Buhay ko ang sinira mo. Pamilya ko ang giniba ninyo." Mariin kong sinabi.

Pumikit siya ng mariin at nanatiling nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan ako. Naka tiim bagang ako habang inaayos ang sarili. Tumigil siya sa pag galaw. Nanatili siyang nakatayo roon.

Bumukas ang pintuan at gulat ang babaeng pumasok nang nakita si Brandon. Tumikhim lamang si Brandon at naglahad ng kamay sa isang cubicle roon. Tumango ang babae at nahihiyang pumasok.

Kumuha ako ng tissue at nagsimulang basain iyon ng konting tubig. Pinunas ko iyon sa red wine na mantsa. Walang imikan habang ginagawa ko iyon.

Nang medyo nawala na ang bakas ng red wine ay ang mukha ko naman ang inatupag ko. Napaiyak ako ng konti kaya mamasa masa ang pisngi ko kahit na natuyo na rin iyon. Nakahalukipkip si Brandon, pinagmamasdan ako habang nag lalagay ng pressed powder at kinukulayan ang mukha para mag mukhang maayos kahit na kakaiyak ko lang.

Tumunog ang flusher at bumukas ang pintuan ng cubicle kung nasaan ang babae kanina. Tumayo siya sa tabi ko at nag powder ng ilong. Kitang kita kong sinusulyapan niya si Brandon sa bawat pagtama ng powder sa kanyang mukha.

Pinilig ko ang ulo ko at nagligpit ng gamit. Dumiretso agad ako sa labas, sinusundan ni Brandon.

"Manatili ka don sa loob. Di kita kailangan." Sambit ko, dire diretso ang paglalakad.

Ngunit binalewala niya ang suhestiyon ko. Parang asong sumunod siya sa akin papasok ng venue. Nakita ko ang pag lingon ni Adrian sa akin, nag aalala. Lumiwanag ang mukha niya nang nakita kung sino ang nasa likod ko.

Umupo kaagad ako sa tabi ni Adrian. Nanatili ang namimisteryohang tingin ni Adrian sa akin habang si Brandon ay umupo na rin sa kanyang upuan, nanatili ang mabigat na titig sa akin.

"You okay?" Bulong ni Adrian.

Tumango ako at tiningnan ang cake at kung anu anong sweets sa pinggan sa harap namin.

"Are you sure?" Tanong ni Adrian.

"Yup." Sabi ko sabay tingin sa ilang groom's men na pinatayo para sa game kasama ang mga bride's maid.

"Sayang di ka nasama kanina. May games para sa mga singles. Ba't nga pala natagalan ka?" Bulong ulit ni Adrian sa aking tainga.

Pinanood kong tumayo ang mga groom's men at pumunta sa gitna. Tumayo rin si Brandon pero hindi para sumama sa mga groom's men kundi para lumipat ng upuan sa tapat ko. Mariin ko siyang tinitigan at hindi siya nagpatinag sa nanunusok kong mga titig.

Hindi ko na nasagot si Adrian dahil naroon na si Brandon sa harap ko. Namalayan din iyon ni Adrian kaya umayos siya sa pagkakaupo.

"I thought you'll join the game, pare." Sabi ni Adrian sabay tingin sa mga groom's men."

"Hindi ako groom's men. Ikaw? Why don't you join?" nahihimigan ko ang iritasyon sa kanyang boses.

"Di rin ako groom's men, e. By the way, I'm Adrian." Sabay lahad ng kamay ni Adrian kay Brandon.

"Brandon Rockwell." Sabi ni Brandon at nakipagkamayan kay Adrian ng saglit bago bumaling sa akin. "You should eat, you know. Konti lang kinain mo kanina." Aniya sa akin.

Napatingin ang mga kaibigan naming nasa tabi ni Adrian. Tumikhim ako at nag angat ng tingin kay Brandon.

"You don't have to tell me. I have a mind of my own." Mariin kong sinabi.

Ngumuso si Brandon, nagpipigil ng ngiti. "I know. I'm just suggesting."

"Why don't you suggest that to other people? 'Yong may kailangan. Hindi ko kasi kailangan." Bumaling ako kay Adrian na luminga linga sa amin ni Brandon. "May juice pa ba?"

Mabilis na pinasadahan ni Adrian ang mesa para sa hinihingi ko ngunit si Brandon ay nag tawag na ng waiter. "What kind of juice? Pineapple, orange?"

Matalim ko siyang tinitigan. "Hindi ikaw ang tinatanong ko."

Nagkibit balikat si Brandon at nilingon ang waiter. "Can we have both. Para may pag pilian siya."

"Samahan mo na rin ng tubig." Sabi ni Adrian sa waiter sabay tingin sa akin.

"Thanks." Sambit ko kay Adrian.

Umigting ang bagang ni Brandon habang nilalapag ng waiter ang mga hinanap kong juice at tubig na request ni Adrian. Nanatili ang titig niya kay Adrian. May dala itong iritasyon at galit habang si Adrian naman ay sumusulyap sa akin.

Kinuha ko ang juice at sumimsim na kaagad doon. Uhaw na uhaw ako. I'm not hungry. Kahit na ba tama si Brandon sa sinabi niya kaninang kaonti lang ang kinain ko ay hindi naman ako nakadama ng gutom dahil sa mga nangyayari.

Bumalik na ang mga groom's men. Ang kaharap ko ay pinalipat pa niya sa kanyang upuan para lang manatili siya doon sa harap ko. Hindi ko siya pinansin kahit na panay ang titig niya sa akin at bantay niya sa galaw ni Adrian.

Si Adrian naman, napansin ang mga titig ni Brandon kaya umiiwas siya sa pag lingon sa akin. Buong atensyon niya ay naroon sa mag asawang nasa harap.

"Pagkatapos nito ay party na!" Masayang sinabi ng mga kaibigan namin.

Bumaling si Adrian sa akin. "Party!" Tawa niya.

Umiling ako at napatingin sa nanonood paring si Brandon. Sinadya kong ihilig ang ulo ko sa balikat ni Adrian. Kitang kita ko ang pag ngiwi ni Brandon, nag poprotesta sa ginawa ko. "Wala ako sa mood, Ad."

"A, I traveled all the way here just for this day. Pag bigyan mo naman ako. Kahit moral support lang." Sabi ni Adrian.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung seryoso ba si Adrian sa sinasabi niya. Habang nag uusap kami ay biglaang nag dim ang lights at namaalam na ang host. "Alright."

Dumagungdong ang maingay na music sa hall. Puro mga 80s o 90s na kanta ang bumalot sa buong venue at nagsayawan na ang mga matatandang naroon. Pinangunahan pa iyon nina Anton at Jessica, nagpapasabog ng mga wine sa harap.

Naghihilahan na ang mga kaibigan ko para makisayaw sa tugtuging pang matatanda. Tawanan at sayawan ang nangyari. Nakita kong tinapik si Brandon ng kanyang kasama. Tumango lamang si Brandon at hinayaan ang kasamang magsayaw.

Ayaw ko sanang mag sayaw ngunit nang hinila ako ni Adrian at napagtanto kong kung hindi ako sasayaw ay maiiwan kaming mag isa ni Brandon sa mesa ay nagpatianod na lang ako.

Korning sayaw ang ginawa namin saliw sa tugtuging noonng mga sinaunang dekada. Nagtawanan na lang kami sa dancefloor. Nakalapit ako kay Jessica at agad niya akong niyakap. Sa yakap niya ay may binulong siya sa akin.

"Ngayon ko lang napag alaman na kamag anak nina Anton si Brandon. Hindi rin alam ni Anton, e." Bulong ni Jessica sa akin kahit sa ingay ng music.

Tumango ako. "Ganon ba."

"Is he bugging you? Ayos ka lang?" Concerned niyang tanong habang sinasayaw ako.

Bago ko pa siya masagot ay pumagitna na si Adrian sa amin at biglang nag sayaw ng malaswa dahil sa panibagong tunog na punong puno ng saxophone.

Nagtawanan kami. Ganito kami magsayawan madalas. Pinatulan ko ang sayaw niya at nagtawanan ang mga kaibigan ko. Pumatol din si Jessica ngunit hinila lamang siya ni Anton. Ngumisi lang ako at agad humarap si Adrian sa akin. Pero bago pa ako makapag sayaw sa kanya ay may dahan dahang humaplos na kamay sa baywang ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Kumalabog ang puso ko nang naramdaman ang hininga ng lalaking gumawa non sa aking tainga. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kanyang dibdib na nakadikit ngayon sa aking likod.

"Don't make me jealous." Bulong niya. "Av, alam kong galit ka. Pero please, wag mo akong pagselosin. Mababaliw ako." His body moved slowly to the music. Ang kanyang kamay na nasa aking baywang ay humigpit at ang isa pang kamay ay hinahagilap ang aking kamay at pilit itong hinawakan ng marahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: