Kabanata 21

Kabanata 21

I Know Her

Brandon fell asleep. Nasa kanyang mga bisig ako habang tulog siya at dilat naman ako. Dininig ko ang paghinga niya at alam kong malalim ang kanyang tulog dahil sa kanyang kalmanteng pag hinga.

Dahan dahan akong gumalaw sa bisig niya. Hindi siya dumilat o gumalaw man lang sa ginawa ko. Kumawala ako sa kanya, dahan dahan at todo ingat.

My dress was ruined last night. Nasa labas iyon ng kwarto niya, particularly sa sala. How will I go home kung tanging underwear lang ang suot ko? Hinalughog ko ang kanyang closet at nakahanap ako ng puting longsleeve polo na tama lang para magmukhang dress sa akin. Sinuot ko iyon habang tinitingnan siyang mahimbing parin na natutulog sa kanyang kama.

Nilingon ko ang laptop at agad pinuntahan. Binuksan ko iyon. Kabadong kabado ako habang hinihintay itong umilaw at magpakita ng pag hingi ng password. Ginalaw ko ito para hindi direkta ang sinag kay Brandon at nang sa ganon ay hindi ko siya magising.

Nang nanghingi ng password ay nilagay ko ang nalalaman ko at tinanggap kaagad ito. Nilingon kong muli si Brandon hanggang sa nagpakita ang buong screen nito. Agad kong binuksan ang browser sa Facebook. Pagkatapos ay tiningnan ko rin ang mga softwares at nakita ko ang mga profile doon ng mga empleyado.

Nalaman ko na marami silang kompanya. They are investors of so many companies in the Philippines and abroad. Sa kompanya ng mga Del Fierro, sa isang Security Agency, sa isang construction firm, ngunit nangibabaw doon ang mga hotels na pag aari o di kaya'y saan sila investor.

Sa bawat software kung nasaan ang mga profiles ng empleyado ay tinipa ko ang pangalang Arielle. Ilang profile ang nakita ko at sa picture nila ay hindi tumugma. Arielle Menez, Arielle Molina, Arielle Cepeda. Marami akong nakita. Sa bawat isang minuto ay nililingon ko si Brandon. Bawat minutong natatagalan ako sa paghahanap ay kabadong kabado ako.

Binalik ko sa browser ang screen. Halos lumundag ako nang nakitang naka log in na ang facebook ni Brandon. Agad kong tinipa ang Arielle sa kanyang search box.

Arielle Zalea Garcia. Mukha ni Arielle na naka aviators ang naroon. Pigil ang hininga ko nang ni click ko ang kanyang pangalan para tingnan kung anong meron.

Arielle Zalea Garcia. Kitang kita ko ang kanyang mga status sa Facebook. Unang picture pa lang na nagpakita ay likod ni daddy ang mayroon.

Parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Pinalaki ko ang picture at nakita ko ang caption niya.

"Spending time with him again. I love you, daddy."

Nalaglag ang panga ko. Tulala ako habang tinitingnang mabuti ang likod ni daddy sa kanyang kulay abong suite. Si Arielle naman ay nakangisi at nag si-selfie kasama ang likod niya. Ilang comments ang naroon ngunit matagal ko pa iyong naiclick dahil sa pagkakatulala ko. Daddy? She's calling my dad "daddy"?

I'm happy for you, Arielle.

You deserve the world, babe.

You two look alike.

Those were some of the remarkable comments. No. Daddy? She's his daughter? She's my father's daughter? No? No way! There must be a mistake. Siguro ay kapareho lang ng lalaking ito ang katawan at panamit ni daddy.

I browsed more photos and after seeing two photos with her mini pincher, I saw yet again another post with her daddy. Only this time, it was a better view. My father, Guillermo Pascual sitting in front of some italian food and a flower vase on the table in an expensive restaurant with his crooked smile. My blood started boiling. This is my father! Si daddy ito, there is no mistaking it. How I wished may kapatid siya o doppleganger siya pero wala. That smile, expression, those eyes, suit... Suit... And I chose that necktie of his. Ako ang bumili niyan nong nasa Cebu pa kami. That was my favorite tie of him!

Nag init ang gilid ng aking mga mata. Binasa ko ang mga komento sa ibaba.

Ang gwapo pala ng daddy mo, Arielle. You both have the same eyes.

Nagmana ka sa daddy mo, Arielle.

Humikbi ako. Ilang beses akong nasabihan na mana ako kay daddy. Ilang beses akong nasabihan na mana ang mga mata ko sa kanya! And now, here I am reading the same comments to another girl!

I know this man. He handled my dad's case last year. Atty. Guillermo Pascual?

Arielle: Yup. That's my dad.

Parang talon ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko mapigilan. Maging ang hikbi ko ay hindi ko mapigilan. Arielle is dad's daughter. How and why, I didn't know. Kaya pala binibigay niya lahat ng kapritso ni Arielle! Kaya pala hindi niya ako magawang maharap. Ito ba iyon, dad? Ito ba ang dahilan? You're fond of her, not of me. Kaya ba hindi mo mabalikan si mommy dahil nalilibang ka na sa anak mo?

Oh God! May anak si daddy sa labas? Or wait, siya ba ang sa labas o pangalawang pamilya kami ni mommy?

Humagulhol ako. Hindi ko na magawang tingnan pa ang mga sumunod na pictures. Hindi ko yata kaya. Imbes na tingnan pa ang pictures ay pinindot ko ang message sa profile ni Arielle para sana mag iwan ng mensahe sa kanya.

But then I saw her past conversations with Brandon. Nanlaki ang mata ko. The last was Arielle's big "WHERE ARE YOU?"

I scrolled up to see more. And then I've seen it! I've seen it all!

Brandon: I'm happy for you. You finally met him. Was he a good man?

Arielle: Yes. A really good man. Gusto niyang umuwi sa kanila but of course I won't let him. Ilang taon din ang sinayang niya sa aming dalawa, ngayon pa niya ako iiwan? No. Not my dad. Real dad at that.

Brandon: What about his family? Don't you care about them?

Arielle: I don't. Why are you asking me that? Tinatanong pa ba 'yan? Brandon! Of all people, ikaw pa ang magkakait sa akin sa kaligayahan ko with my dad? You're so cruel. Akala ko ba ay lahat para sakin, ayos sayo?

Brandon: Of course. Then if you want him to be with you, make him stay.

Punyal ang tumama sa aking puso. Sa sobrang sakit ay hindi ko na magawang huminga. Brandon's advice was to make my father stay while my mother's in vain, waiting! At ako, halos mabaliw sa paghihisterya?

Arielle: May anak siya. Aurora Veronica Pascual. I hate that she has his name, you know. I've seen her. I don't like her. She's a model. Kilala mo?

Brandon: Aurora Pascual? I know her. She's working in our hotel! Sa Highlands.

FUCK! He knew! He knew who I was!

Arielle: What? Coincidence ba iyan? Why would she work there? Wait...

Arielle: What?

Brandon: Yes. Siguro ay coincidence lang.

Arielle: No. Leave her alone. I don't think that's a coincidence, Brandon.

Brandon: It might be.

Arielle: Is she an applicant? A new employee?

Brandon: She's a new employee.

Arielle: Fire her! Immediately! I don't know why that bitch is there but I'm sure she's going to seduce you!

Arielle: O baka naman, may alam siya sa koneksyon nating dalawa! She wants to get to me so she'll work for you.

Brandon: I don't think so. Arielle, nakapirma na siya ng contract. I don't think my mum would be happy if I fire her. She's hired as a manager.

Arielle: What? Just fire her, Brandon! Fire her immediately!

Brandon: You have nothing to worry about me. Parang hindi mo ako kilala. I don't just fall for traps easily.

Arielle: Kahit na! What if pilitin ka niyang sabihin ang tungkol sa lahat lahat!? Ayaw kong mawala si daddy sa akin, Brandon! This is my happiness! And I thought you care for me. I thought gusto mo akong sumaya?

Brandon: Of course I care for you more than anyone else. You know that.

Arielle: Mawawala si daddy sa akin pag nalaman nong babaeng iyon! Uuwi siya sa kanila! Baka hindi ko na ulit siya makita!

Brandon: I will never let that happen. You deserve to be with your dad. I will do everything to make you happy. Hindi ko sasabihin sa kanya, kahit anong mangyari. Trust me, Arielle. I care for you and no girl can ever make me bend when it comes to you.

Namuo ang maiinit na luha sa gilid ng aking mga mata. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa lahat ng nabasa ko. So Brandon's a fake? The reason why he wouldn't tell me things about Arielle is this. At isa pa, alam niya! Alam niya ang tungkol sa daddy ko! Pinagkait niya ang daddy ko sa akin! Mas pinili niyang maging masaya si Arielle kaya hindi niya binanggit sa akin ang tungkol rito!

Bago ko iyon mabasa pa pababa ay umalerto ito sa isang mensahe. It was from Arielle. Nakita niyang online si Brandon! Nanlaki ang mata ko at pansamantalang tumigil ang luha.

Arielle: Still online? What's up?

Tinitigan ko iyong kulay yellow green na bilog sa gilid ng pangalan ni Arielle. Bago pa ako makapag isip ay tumipa na ako ng mga salita.

Brandon: Where are you?

Mabilis na nakapag reply si Arielle.

Arielle: Oh? You're in Manila na? Nasa Condo ko.

Brandon: Let's meet tomorrow.

Arielle: Sure! Pwedeng sa Greenbelt lang? Can we have breakfast? I missed you. Sa Greenbelt na lang para malapit lang sa condo ko.

Binigay ko ang lokasyon na pagtatagpuan namin bukas.

Pinunasan ko ang luha ko at nilingon si Brandon na mahimbing at payapa ang pagkakatulog. Suminghot ako at nagpunas ng luha gamit ang aking mga daliri. Lahat ng binuksan kong application ay sinarado ko na at maging ang buont laptop ay ni shutdown ko.

Marubdob na pumintig ang puso ko habang kinuha ang itim na purse at tiningala ang orasan sa gilid ng kanyang kama. Madaling araw. Dahan dahan akong dumiretso sa kanyang pintuan. That was all there is to it.

Ang akala ko ay ako itong nangloloko sa kanya, ako rin pala ay kanyang niloko. He would of course never think about my happiness because he cares for Arielle that much. Desperadang desperada akong tingnan para lang makuha ang impormasyong ganito?

Hindi tumigil ang sakit. Naging manhid ako sa lamig na natamo sa bawat pag ihip ng hangin habang papaalis sa kanyang villa at pumara ng van para maka diretso sa aking dorm.

Nililingon ako ng ibang pasahero na mukhang lasing o di kaya'y pagod na. Sa suot kong polong long sleeve ni Brandon at paniguradong kalat na mascara dahil sa pag iyak ay nakakatakot siguro ang mukha ko.

My honorable father has a dirty secret. And I refuse to admit it to myself! No! That girl is not my sister! Not the cruel, evil bicth! She can never be my sister! Siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito kami ng pamilya ko at si Brandon na inakala kong nagmamahal sa akin ay pinagbibigyan ang kapritso niya. Maybe Brandon's right... hindi siya basta bastang mapapaluhod ng kahit na sino. Lahat ng namutawi sa kanyang labi at ang kanyang pakikitungo sa akin ay pawang kasinungalingan. Para lang makuha ako ngayong gabi?

"Jess..." Bulong ko sa cellphone ko nang nakarating na ako sa condo ko.

Kakasikat pa lang yata ng araw. Hindi na ako magkandaugaga sa paglalagay ng mga importanteng bagay sa aking Louis Vuitton. Nakaligo na ako at nakapagpalit na ng damit, all black and my aviators are ready.

Isang pindot ko sa iPad ko ay kompleto na ang pagbobook ko ng ticket pabalik sa Cebu.

"Hmmm... A? Ugh! Ang aga mong tumawag!" She said huskily.

"I'm sorry. Nasa Manila ako." Sabi ko.

"Wh-What?" Narinig ko ang pagkakataranta niya. "Punta ka sa bahay? Akala ko ba sa Biyernes o Sabado pa ang rest day mo?"

"Uuwi ako ng Cebu mamayang tanghali." Sabi ko. "Sasabihin ko ang lahat sayo mamaya pagnakauwi na ako. Please, don't tell dad or anyone kung ano 'yong mga naging plano ko. Will you?"

Natahimik siya. "Sandali lang... Anong nangyayari? You sound so serious, what happened?"

"Please, just tell me na susundin mo. Okay?"

"O-Okay. But..."

Hindi ko na siya pinatapos. "Okay, thank you. I love you. Good morning! Aalis na ako." Sabi ko at agad na binaba ang cellphone, dinampot ang bag, mga gadget at naghanda para sa pag alis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: