Kabanata 2
Kabanata 2
Contest
Nakapikit ako pagkatapos inilapag ang isang shot ng mamahaling wine galing sa counter nina Jessica. Hindi ko alam na ganito pala ka pangit ang pakiramdam na nag aaway ang parents mo at nasa gitna ka. Ayaw kong maniwala sa ginigiit ni mommy dahil mahal ko si daddy at hindi ko matatanggap iyon ngunit hindi ko rin maipagkakaila na may nararamdaman nga akong kakaiba.
Naaalala ko kung paano naibsan ang stress ko nang umalis ako para pumuntang Vietnam para sa internship ko. Mapayapa ang buhay ko doon. Hindi gaanong nakakatawag si mommy pero tuwing nakakatawag siya ay naririnig ko ng paulit ulit ang kanyang reklamo kay dad. Palaging isang kalabit na lang ay aalis akong Vietnam at hindi ko tatapusin ang internship ko.
Pagkatapos ng ilang buwan ay sa Bangkok naman ako at ganon rin ang sitwasyon doon. Now, I can't help it.
"Dad, please..." Sabi ko nang minsang tumawag siya. "Will you tell me honestly? May kabit ka po ba?"
"Hija, no. You know how much I love you and your mom." Sigurado ang tinig niya nang sabihin niya iyon.
Namumuo ang mga luha sa aking mga mata. "Then bakit ganyan maka react si mommy?"
"I don't know. She's probably just insecure. Nasa Cavite ako ngayon at nagiging maayos na ang lagay ng tito mo."
As for that, my mom went to Cavite 2 months ago. Pero hindi rin siya nag tagal doon dahil palagi lang silang nag aaway ni daddy kaya bumalik din siya sa Cebu.
"What's your plan? It's almost graduation." Tumabi si Jessica sa akin.
Alam kong kanina pa siya sinasaway ni tita Corazon na wag nang ilapit sa akin iyong wine na panay kong nilalagok pero hindi niya iyon inaalis.
"Ba't di tayo sabay na mag apply sa Bangkok, girls? I like it there," sabi ni Adrian.
Tumango ako. "Mag aapply ako sa Bangkok." Dumilat ako at tiningnan ang mala Adonis na ngiti ni Adrian sa harap ko. Sumisimsim siya ng kape.
"Dito lang ako sa Pinas. You know... Anton." Makahulugang ngiti ni Jessica.
Tumango ako. "Ayaw ko na muna dito. If there's a chance to go far away, I'll take it."
"Hindi ka uuwing Cebu?" Tanong ni Jessica.
Umuwi ako doon last month at masaya ang relatives ko. But everytime I go home, palaging morbid ang nararamdaman ko. Nakakababa ng self esteem at nakakawalang gana. I feel left out. I feel like I'm not enough. I feel helpless. And it sucks big time.
"A, it was probably just his assistant," may simpatya sa boses ni Adrian.
"Yeah," sabi ko pero alam kong hindi.
Natahimik silang dalawa. Naaalala ko na naman ang namataan naming tatlo kahapon. Napadpad kami sa isang mall para kumain at mamili para sa sasalihan naming fashion icon contest. Madalas kasi kaming sumali ni Adrian sa modeling. Magaling namang stylist si Jessica kaya siya madalas ang nagiging make up artist at stylist namin.
"I'm sorry," ani Adrian at hinaplos ang aking balikat.
Tinitigan ko lang ang shot glass ko. I should stop drinking. Adrian's just denying it. Alam kong alam ng dalawa na hindi iyon assistant ni daddy. Dahil kung assistant niya nga iyon, bakit kinailangan niya pang bilhan ng mga damit sa mga designer boutiques.
"Nag kausap na ba kayo ng dad mo?" Malamig na tanong ni Jessica. She can sense my despair. Of course, everyone can sense it.
"No. At hindi ko siya kayang kausapin." Bulyaw ko.
Gusto kong ibato ang shotglass na nasa gitna ng aking mga kamay ngunit pinaalala ko sa sarili ko na hindi ito aming bahay at nakakahiya kay tita Corazon kung gagawin ko iyon.
"Hindi ko siya kakausapin. Baka ano lang ang masabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handang kausapin siya pero sana ay huwag na siyang umuwi sa condo, muna. Or maybe, I should find a place. My own place. I don't want to see dad's face again." Diretso kong sinabi.
Dad's girl was tall and slender. Morena siya at may high cheekbones, exactly like some of the models I'm working with. Nang nakita ko sila ay naka pony tail ang kanyang buhok at naka longsleeve siyang puti at pants na itim. She looked fab like someone rich is funding her closet. And that someone rich is my dad. Kasing edad o mas matanda ng kaonti sa akin iylng babae. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay mommy. After almost a year of defending dad, hindi ko alam na ako mismo ang makakapagpatunay sa mga paratang ni mommy sa kanya.
"Sasabihin mo ba sa mommy mo?" Bahagya akong niyakap ni Jessica.
"My mom's a wreck. I don't know how to wreck her more, Jess." Pumikit ako ng mariin.
Ayaw ko nang mag isip. I just want to let go of all these fucking feelings of insecurity, anger, and despair.
Bumyahe kami ng mahigit isang oras patungong Tagaytay sa sumunod na araw. Tulog ako sa byahe dahil sa pagod sa kakaisip sa problema kong dapat ay matagal ko nang kinalimutan. I don't give a freaking shit anymore. Kung gusto ni daddy na makipag relasyon sa iba dahil hindi kami sapat ni mommy para maging loyal siya ay wala akong pakealam sa kanya. I want to hug my mom and tell her that it's going to be okay but then I can't hug her yet. I am that broken. Hindi ko kayang ayusin ang taong nasa paligid ko dahil ako mismo ay wasak.
And whoever is that slut... sa susunod na pagkikita namin ay masasabunutan ko na siya.
"Hindi ko alam na tatlo pala ang parts ng contest! Mabuti na lang nakapag dala tayo ng bikini. May ganon pala?" Natataranta si Jessica habang nag aayos kami ni Adrian sa aming katawan.
Tawang tawa si Adrian habang pinapahiran ako ng oil sa likod.
"Put it fucking on, Ad! Stop laughing!" Iritado kong sambit nang makitang may iilang babaeng nakatingin sa amin dahil sa kanya. They are probably smitten by his good looks and he liked the way they stare at him.
One hundred thousand pesos, scholarship, and trip to Macau for four ang premyo ng contest na ito. Sapat na iyon para makapag pa engganyo sa aming tatlo na sumali at panalunin iyon.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan ng bikini-"
"Kailangan ng bikini to see if we all look good naked. Don't fret, I worked out for this, remember? Tsaka maganda ang katawan ni A. What's wrong with you, Jess?" Tanong ni Adrian habang pinapahid niya ang ilang oil sa aking likod at ako naman ay abala sa pagpapahid sa aking braso.
"Oo nga, Jess. Ayos lang." Sabi ko.
"Ugh! I can't wait to hit the sack later. Gutom na rin ako pero tapusin na lang muna natin ang contest." Sabi ni Adrian.
Nasa Highlands Gold and Country Club kami ngayon, isa sa pinakamalaking mountain resort dito sa Tagaytay. Nang dumating kami dito kanina ay alas sais na ng gabi kaya nagmadali kami sa pag chicheck in at pag hahanda sa mga gamit dahil alas syete ang simula ng contest. Iyon din ang dahilan kung bakit natataranta na si Jessica ngayon sa backstage.
"Magsisimula na." Sabi ng isang nakasalamin na babaeng mukhang organizer nitong contest.
Nilingon ko ang mga kasama ko sa backstage na kasali din sa contest. May mga kilalang half-foreign doon. Iyong madalas namamagazine o billboard. This is not a normal contest.
"Hi Avon!" Bati nong isang kilala kong half-Australian na modelo.
"Hi Nikki! Good luck!" Ngiti ko nang nakita kong bumaling siya sa katabi kong si Adrian.
Ngumuso ako at napatingin sa katabi kong diretso sa stage 'yong paningin. Ngumuso siya sa stage kaya imbes na sabihin ko sa kanya kung gaano ka lagkit ang tingin ni Nikki sa kanya ay nag iba ang takbo ng usapan.
"Ang gwapo nong isang judge." Bulong niya.
"Alin?" Tanong ko sa may mahabang presidential table sa harap ng stage kung saan may apat na taong nakaupo.
May dalawang medyo matanda ng babae. 'Yong isa ay kilala bilang nakasungkit ng Miss Universe sa kanyang kapanahunan. May isang inchik na matanda sa katabi nong Miss Universe na unang tinawag kaya napatayo at bumati sa mga audience. At sa bandang huli ng table ay may isang pamilyar na lalaking matikas at may hanggang balikat na buhok.
"Kilala yatang modelo 'yan." Sabi ni Adrian. "I forgot his name."
Tinitigan ko ang tinutukoy niyang gwapo at napagtanto kong tama siya. He's probably half-foreign too. Or maybe really foreign. Kahit sa malayo at kahit sa dilim ng gabi ay alam kong hindi itim ang kulay ng kanyang mga mata. It's azure or something? I don't know.
"Hindi ba international model 'yan?" Napatanong bigla si Jessica.
Hindi kami nagsalita ni Adrian dahil pareho kaming walang alam. Ngunit sa usap usapan sa mga babaeng nasa likod namin ay napalingon kaming tatlo.
"Panalo na 'yang si Rosie." Anang isang puti at may mahabang buhok na modelo na nasa likod. "Magkaibigan sila nong isang judge."
Hindi ko pa naririnig ng buo ay pinalabas na ang mga unang contestant. Nagpalakpakan ang audience at nakita ko kung paano tumayo at pumalakpak iyong modelong gwapo. Unang lumabas ang isang Rosie Aranjuez, maputi, maganda ang katawan, at may kulot kulot na buhok. Naka standing ovation 'yong judge na para bang manghang mangha siya sa unang contestants.
"Talo na tayo." Sabi ko.
"Wag kang mawalan ng pag asa. Magkakilala lang 'yan. Why don't you wink at all the judges. Isa lang ang kilala nong Aranjuez. Anong laban ng isang boto sa tatlo pang boto?" Ani Adrian.
"Kayo na!" Nakakagulat na sinabi ni Jessica kaya huminga ako ng malalim at sabay na kaming lumabas ni Adrian.
Sinunod ko ang payo ni Adrian. Pinasadahan ko ng tingin ang mga judges at kinindatan lahat. Huli kong tiningnan iyong nakatingin sa papel na modelong lalaki. Hindi siya tumitingin sa akin kaya nahirapan ako.
Kabadtrip. Patuloy ako sa pag rampa. Nag hiwalay kami ni Adrian habang sinasabi ng speaker 'yong mga pangalan namin. Isang beses na nag angat ng tingin ang matalim na mata nong modelo at hindi na ako nag aksaya ng panahon. I gave him a wink and a flying kiss!
Nakita ko sa harap ang pangalan niya, he's Brandon Rockwell. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok at natoon ang kanyang tingin sa akin hanggang sa bumalik kami sa backstage.
"You did well! Ngayon, casual!" Nagmamadaling sinabi ni Jessica habang binibigay sa amin ang mga damit.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Eye contact sa judges at sa mga taong naroon ay inubos ko na. Nang tawagin ang top five female finalists and top five male finalists at pareho kaming natawag ni Adrian ay mas dumoble ang kaba ko.
Ngumiti ako sa lahat at pinasadahan ko ng tingin ang judges. Natigil ako sa mga matang mariing nakatitig sa akin habang pinaglalaruan ang retractable pen na hawak. Nginitian ko siya at kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
Please, come on, let us win. Pabalik balik iyon sa isip ko hanggang sa nag sulat na lang siya at agad nang nilapag ang retractable pen sa gilid at humalukipkip para manood.
Nilingon ko ang katabi kong iyong tinutukoy nilang si Rosie. Pasok din 'yong kaibigan kong si Nikki pero 'yong ka partner niya ay hindi nasali sa top five.
Bumaling ulit ako sa judges ngunit nagulat ako nang nakita kung sino ang lumapit sa lalaking may mahabang buhok na si Brandon. Naka ponytail ulit siya at naka itim na dress na lumapit kay Brandon at may binulong. Umiling si Brandon at parang itinaboy iyong babae. Humalukipkip ang babae at ang lahat ng ngiti ko kanina ay nawalang parang bula.
It's dad's mistress! Siya iyon! At kausap niya iyong judge na si Brandon Rockwell!
Hindi ko na maibalik ang disposisyon ko kanina. Nang umalis iyong lintik na kabit ay hindi ko na maitama ang ngiti ko. Napatingin si Brandon sa akin at hindi ko na siya kayang ngitian muli. Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang matapos ang contest na ito at mahanap iyong ingratang iyon! I am gonna rip her clothes!
Hindi ko na marinig ng mabuti ang speaker. Nang nilapitan ako at binigyan ng sash at bouquet ay gusto ko na lang tumakbo sa backstage, magbihis, at hanapin iyong lintik na babaeng iyon. Rosie won the contest and I don't freaking care anymore if she did win because of Brandon. Pangalawa ako at pangatlo si Nikki. Nasungkit ni Adrian ang panalo sa male category.
Umakyat sa stage ang mga judges para bumati sa akin. I gave them a fake smile and that's it. Nang nakipag shake hands ay sinuklian ko lang ito. Nang nakita kong umakyat si Brandon sa stage at nilapitan si Rosie para bumati ay hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. This man knows the bicth I want to kill.
Nagtama ang tingin namin ni Brandon. Hindi ko maiwasan ang paninitig ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at bumati rin kay Nikki na nasa kabilang gilid ni Rosie.
Lumapit si Jessica sa akin at niyakap ako sa sobrang saya.
"Bakit mukha kang di masaya?" Tanong niya.
Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga. "I saw dad's mistress. Magkaibigan sila nong judge na si Brandon Rockwell." sambit ko.
"Ohh?" Napangiwi si Jessica, hindi malaman kung anong sasabihin.
"Congratulations." Nagulat ako nang nag lahad ng kamay si Brandon Rockwell sa akin.
He's all damn hot. If Adrian's Adonis, then this man was sure one of the higher greek gods. Naka coat and tie siya at kahit na ganon ay alam kong maganda ang hubog ng katawan nito. His hand felt strong and firm when I touched it. Kinamayan ko rin siya.
"Thank you, Mr. Rockwell." Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya.
Nag iwas siya ng tingin at bumaling kay Rosie. Hindi niya na ako kinausap muli pagkatapos non. Luminga ako sa paligid para hanapin iyong kabit ni daddy pero wala na akong mahanap. The only person who can tell me about her is right here beside the winner. And it's Brandon Rockwell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top