Kabanata 17
Kabanata 17
Not Without Me
Sa Clubhouse kami kumain ni Brandon. He insisted na kumain muna kami bago umalis. Nga naman, alas nuwebe na akong umaalis ng Clubhouse kaya malilipasan kami pag di kami kumain muna.
Dinala niya ako sa labas ng Country Club. Kaharap ng swimming pool na nangingintab ang tubig sa ilalim ng full moon.
"Dadalhin mo pala ako dito, hindi mo naman sinabi. Sana nag dala ako ng two piece!" I said facing the sparkling pool but grinning like a witch.
Whatever he's feeling for me, I'm sure it includes worldly desire. Kaya ang maisalarawan sa mukha niya na mag to-two piece ako para maakit at mas lalo siyang mabaliw ay pinagplanuhan ko na.
"Whoa there, sweetheart. We're here to just hang out." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng pool na may ilang locals at foreigner na naliligo. Sa mga gilid nito ay maliliit na sun lounger at puting mesa kung saan naroon ang mga nag di date o simpleng nag chi-chill lang sa gabi.
Nakita ko kung paano niya binaba ang kanyang tingin sa akin. Naka kulay abo akong dress at ngumingiwi sa kanya.
"I like pools, you know. I like swimming." Sabi ko.
Kumurap kurap siya at inilahad ang kamay sa pool. Ang kanyang relo ay kumintab dahil sa ilaw ng mga street lamps na nakapalibot doon. "You're giving me a real hard time now." Sumimangot siya.
"O sige, next time na lang kung wala ka. Mag si-swimming ako dito." I laughed.
He did not like my response at all. Nakalayo na ako sa usapan ngunit nakakunot parin ang noo niya na para bang na badtrip siya sa sinabi ko.
"Okay, fine! You can swim... some time. Maybe next month. Ako pipili ng swimwear mo." He said.
"Why? I have so many swim wears at home, Brandon. It's a shame kung hindi ko iyon maisusuot." Matingkad ang ngiti ko. I have that effect on him, huh? Possessive ka na ngayon?
Tumawa ako nang sumimangot siya. Sa loob ng isang oras na pag uusap namin sa ilalim ng buwan at nakaupo sa mapuputing silya sa gilid ng pool at pinagmamasdan ang alon ng tubig galing sa mga naliligo, ang tanging nagawa ko lang ay pasakayin siya ng husto. I know when to withdraw my words and when to push it until he gives up.
As much as possible, iniwasan kong pag usapan si Arielle. Kahit na madalas siyang tumingin sa sugat ko.
"Pinatingnan mo na ba iyan sa clinic?" He asked me suddenly.
"Clinic? my God! Maghihilom din ito after a few days. Don't worry about it."
Umiling siya. "She's kind of violent when she's pissed."
There! He finally opened it up! "Bakit?" Nagkunwari akong concerned kahit na gusto ko lang ng impormasyon.
Tumama ang mata niya sa akin. Madilim ito kahit na kumikislap ang banyagang kulay. Ang mga kilay niyang makapal at kulay tsokolate ang mas nagpapatingkad rito. He sighed.
"You don't have to tell me. Sukat sa mga nangyari simula nong nagkita kami ni Arielle, I know she means much to you and there are some things I cannot touch, more I cannot cross. If you want this private, then I won't ask you that question again." Sabi ko at pinaglaruan ang melon shake na inorder.
I am certainly lying! Of course I effing want that information right here, right now! Sinong niloloko ko?
Suminghap pa siyang muli bago nagsimulang magsalita. "She was raised by a cruel family."
Hindi ako nagsalita ngunit inihayag ko ang pagkakarinig sa pamamagitan ng pagtango.
"Magkababata kaming dalawa. My mom liked her. She's sweet and kind as a kid."
Punyal ang tumama sa puso ko habang kitang kita sa mga mata niya ang pagiging sinsero nito habang sinasabi ang mga impormasyon tungkol kay Arielle.
"But she's abused at home."
Nagulat ako. Hindi ko inasahan iyon. "Abused? Why?"
"Her parents were both violent pag nagagalit. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. I was her kuya back then. Pag nag aaway ang parents niya, madalas siya sa bahay. But of course she can't stay there till nighttime kaya pagkauwi niya, kinakastigo siya ng kanyang mommy o di kaya ay daddy."
"For what reason?" Gulat kong tanong.
"You know, personal problems. Nong nag high school siya, magkasama parin naman kami. I spoil her a lot. Kasi naman, nakasanayan ko iyon. I can't bear seeing her hurt or upset so lagi ko siyang pinagbibigyan."
Tinikom ko ang bibig ko. Kaya ba pinagbigyan mo siya nang kinalmot niya ang braso ko? But of course those words were from the other side of the planet. Brain is what we need in dealing this. I can't be ruled by feelings. "That's why you two are so close?"
"Nong umalis ako para mangibang bansa, she despised me for leaving. Pero wala akong magagawa. Then we met again nong nag college ako. Tsaka lang siya nagkaroon ng buhay nang nag college siya. She found new friends so she's not that clingy anymore."
Seryoso? Hindi pa ba iyon clingy? "Oh! Then why is she suddenly clingy now?"
Nagkibit balikat siya.
I'm still unsatisfied. Gusto kong malaman ang kanyang buong pangalan. Saan siya nakatira o may boyfriend ba siya?
"May boyfriend ba siya?" Tanong ko.
"Ang alam ko meron pero hindi ko kilala." Sabi ni Brandon.
Oh God! Really? Hindi kilala o baka hindi niya talaga pinakilala? Dahil matanda ito? If she was raised by a wealthy family, maaaring kakailanganin niya parin ang pera ng daddy kapag hindi siya sustentuhan ng abusado niyang mga magulang. Pero kung hindi naman siya mayaman, mas malaki ang posibilidad na kaya siya kapit tuko kay daddy dahil may pera ito!
Umorder si Brandon ng pistachio looking nuts. I told him I wanted finger food. Umorder din siya ng fries ngunit ayaw kong iyon ang lantakan ko pagkat ilang araw na akong walang exercise.
"So let's talk about tomorrow. Anong oras ka babyahe patungong Manila at nang masabayan kita?"
Actually, dapat ay ngayong gabi ako babyahe ngunit dahil niyaya niya akong pumarito ay pinagbigyan ko siya. Of course, I need the information!
"Actually mamayang madaling araw." Sabi ko habang kinukuha ang nuts na mukhang galing pang amazon rainforest dahil masyado itong banyaga sa paningin ko. This was not even introduced by my culinary subjects.
"Oh? Then sumakay ka na lang sa sasakyan ko. Papa Maynila din ako."
"No thanks, Brandon." Tinagilid ko ang ulo ko. "Ba't di ka na lang pala sumabay kay Arielle?"
"Sasabay ako sayo." Ngisi niya.
Umiling ako at ginamit ang ngipin sa pag tipak ng maning nakalatag. I tried it with my fingers but it did not crack a bit. "Aray!" Sabi ko.
My front teeth hurt big time! Napadaing ako sa sakit na idinulot nito. "Ang tigas naman nito. Ang sakit ng ngipin ko." Halos maiyak ako at positibong dumugo nga ito.
Nanlaki ang mata ni Brandon. Kumunot ang noo ko sa ekspresyon niya. "I'm sorry, Avon..."
"What?" Tanong ko sa gulat.
"Nabungal ka. Nahulog ang ngipin mo." Tinuro niya ang isang puting mani na nakawala na yata sa shell nito.
At first I was so horrified thinking that it was really my tooth! Pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang napahawak ako sa aking labi at matigas pa naman ito, mukhang walang nawalang ngipin.
Humagalpak na parang dindedemonyong tumawa si Brandon. Uminit ng husto ang pisngi ko habang patuloy siyang tumatawa.
"Brandon!" Sigaw ko sa iritasyon at panggigigil!
"God! Sana nag video ako..." Hindi siya makahinga habang natatawa. "Your- Your face?" Humagalpak ulit siya at kinurot ko na ang tagiliran para matigil sa kakatawa. "Your shocked face? Jesus!" Hindi parin siya matigil.
Pumikit ako ng mariin at natawa na lang din. "Ang sama mo!"
Ngumisi siya at kinagat ang pang ibabang labi.
Parang ilang sandali lang ang tulog ko sa staff house dahil tumunog na ang alarm ko ng mga alas tres ng madaling araw.
Pagkagising ko ay bumusina na ang sasakyan ni Brandon. Dinungaw ko siya sa aking bintana at nakita kong hindi ang Benz ang kanyang dala kundi isang kulay pulang Toyota Hilux. Nakataas ang kanyang buhok at tinitingnan ang gulong nito. Pagkatapos ay nasa cellphone naman siya.
Mabilis akong dumiretso sa banyo para maligo at makapag bihis. He's too early! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako at isang shoulder bag lang ang dala nang bumaba.
"You're too early." Sabi ko.
"I like early. And you're late." Nagtaas siya ng kilay.
Hindi ko mawari kung bakit siya ganito ka thoughtful. It's natural for playboys to know what to say everytime but my playboy cousins didn't tell me that it's also natural for them to be this thoughtful.
"Sandwich. I made tuna, bacon, ham. Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya gumawa ako ng lahat. May juice at tubig rin diyan." Sabi niya habang nag dadrive siya sa maliwanag na kalsada ng Tagaytay.
Nililingon ko ang likod naming mayroon ngang mga pagkain. He cooked! Ibig sabihin mas maaga pa siyang nagising?
"Baka antukin ka? Ang aga mo palang gumising?" Sabi ko.
"These past few days, I find it hard to sleep. Don't worry." Tinikom niya ang bibig niya at nanatiling nasa daanan ang mga mata.
"Insomniac." Humikab ako. Kasalungat sa nadarama niya, ako naman ay antok na antok.
Nilingon niya ako at may hinawakan siya sa gilid ng upuan ko. "Lay your seat back. You may sleep." Malambing niyang sinabi.
"Baka makatulog ka kasi wala kang kausap." Sabi ko ngunit naiinggit na sa pakiramdam ng nakahiga.
"Believe me. It will be damn hard for me to sleep right now." May tensyon sa sinabi niyang ito ngunit kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang daan.
"Bakit naman?" Tanong ko kahit na pumipikit na.
Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi niya. Nakarating na kami ng Manila nang nagising ako. Dinalaw ako ng gutom sa daanan kaya kinain ko ang isa sa mga sandwich na hinanda niya.
"You want some?" Tanong ko nang napagtantong masyado akong walang puso kung hindi ko siya aanyayahan. Of course I want him to think that I also care for him.
"Mamaya na lang pag nakauwi na tayo." Sabi niya.
"I can feed you." Malambing kong sinabi.
Bahagya siyang sumulyap sa akin, kumukunot ang noo ulit. "Nah."
Kumuha ako nong isa at binalatan ang tissueng nakapalibot. Tiningnan ko kung ano ang nasa loob at nakita kong lettuce, kamatis, mayo, bacon at cheese.
"This ones bacon." Sabi ko at inilapit sa kanyang bibig.
"Avon, mababangga tayo sa ginagawa mo." Iritado niyang sinabi.
"Bakit tayo mababangga? Kakagatin mo lang naman." Sabi ko.
Galit parin ang mukha. Ano ang pinag puputok ng butchi ng isang ito? He's usually playful. And now he's suddenly like this?
Kinagatan niya iyon at agad ko namang binaba ang kamay ko. May mayo sa gilid ng kanyang labi. Akmang pupunasan niya ito gamit ng daliri ay inunahan ko na siya. Gamit ang hintuturo ko ay pinunasan ko iyon.
Parang hinihingal siya sa ginawa ko. Tahimik kaming dalawa at nanatili ang tingin niya sa kalsada.
"The tissues in front of you." Malamig niyang sinabi.
Tumango lang ako at tiningnan ang tissue box. Nakita kong papalapit na kami sa condo ko kaya mabilis kong tinupi ang sandwich. Nagpunas ako ng bibig at nag ayos ng kaonti.
"Saan ka tutungo ngayon at anong oras ang balik mo ng Tagaytay?" Tanong niya.
"Uhm... I'll talk to my dad. Tatawagan ko muna siya at magtatanong ako kung nasa Manila siya. Kung wala siya, bibisita ako sa best friend ko."
"This best friend... a girl or a boy?" Seryoso niyang tanong.
Umikot ang mata ko. "A girl, of course. Wala 'yong best friend kong lalaki dito."
"Anong oras kang uuwi ng Tagaytay?" Sumimangot siya. That face looked adorable on him. Parang sugatang aso. I couldn't help but grin. Parang nagtatanong lang kung anong oras uuwi sa bahay namin.
"Ewan ko. Mabibitin na naman ako sa Manila for sure. Isang araw lang kasi. Baka mamayang gabi." Sabi ko.
"Okay, I can fetch you sa parking lot ng condo mo ng mga alas diez ng gabi. Is that alright?"
"Brandon. Seriously? Susunduin mo ako?" I asked confused.
"Oo. Iuuwi kita sa Tagaytay. I came here with you. I'm going back with you." Sabi niya.
"I can commute you know." Sabi ko.
Umiling siya. "Not when I'm around. Or probably, never again. Without me." Niliko niya ang kanyang Hilux sa parking lot ng aming condo.
Nagbara ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong idudugtong ko sa sinabi niya. He's too serious, I couldn't even laugh about it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top